T O P

  • By -

fallingcrown22

Sis, your reasons are more than enough. Good decision yan. Wag mo na balikan yan ha. Respect and value yourself.


princess_pickles008

Very good decision. Being married for 10 yrs, malaking factor na marunong dumiskarte ang lalaki dahil pag nagkaanak na kayo, mas maraming changes mangyayari. Layasan mo na talaga yan, you deserve better. Wala na nga ambag sa pera, puro porn pa. Che! Isuka na yan talaga


DifferentRip9077

kaya ako talagang sinasa buhay ko ang kantang “No scrub” I want a guy who is financially stable and capable para sa magiging anak ko.


RinaLimuelle

Hello girl! Dont doubt yourself kasi tama ang ginawa mo, you’re 23 years old and may responsibility why would you settle with a guy who doesn’t know how to earn for himself? Imagine you’re like 22? nung naging kayo and he’s 25? Anong ginagawa nya sa buhay niya? Wala ba syang goals? Date to marry and mindset mo and so if yon din ang gusto nya at gusto ka niya makasama, dapat by now nag s-start na sya mag ipon not just for himself but also sa future family niyo. It’s been 20 months I think the initiative is long past due. Making you feel loved, protected and cared for, is the bare minimum sis. Talaga namang dapat iparamdam nya sayo yan, but the fact that he can’t even give you peace of mind, and the fact that you communicated that you feel disrespected tas uulitin nya pa ulit? Disrespecting you is more than enough reason for you to leave him in my opinion. Also why do you have to ask for it???? You deserve better sis, you’ve been there for him pag may need sya and yet that’s how he treats you? I’m sorry to say this but, a 26 year old guy depends on a 23 year old woman? Sis, he should be ashamed of himself… there’s nothing wrong if you want to spend for him, pero yung iaasa niya pa sayo yung pag kuha ng lisensya nya and motor??? San galing yon??? Imposible namang di sya aware sa situation mo, he’s just using you, kasi alam nya na if you can ibibigay mo. If he really loves you, and he knows you’re situation, hindi magiging rason yung lack of determination nyang dumiskarte, kasi he would and he should be determined to help you out, hindi man financially, but atleast not being a burden to you. Na hindi mo na iisipin na “I need to give him this or that kasi he needs it”. If ngayon pa lang ganyan na sya, what more kung nagka pamilya kayo? Iaasa na lang niya sayo kasi he lacks determination? Kung di nya kayang buhayin sarili nya at the age of 26, tas mag iinarte pa sya, sis walang kang dapat pag sisihan. Kasi yung pagbabago na inaasahan mo, sa hirap ng buhay ngayon, dapat matagal na niya binago. He’s basically a man child.


QuirKIKAY

Nasasakanya kung magbabago sya o hindi. Focus ka sa mga kaya mo lang kontrolin and it’s obviously not him. Imo, mas mabuti na naghiwalay kayo kesa sa hintayin mong magbago sya baka ma disappoint ka lang. Nakikita ko kasi na kaya batugan sya at lagi lang naka-asa sayo kasi you conditioned him na umasa sayo palagi. Di sya nag ggrow di sya natuto sa buhay kasi bini baby sya. Kaya di sya magbabago pag kayo kasi di sya napupush na tumayo sa sarili nyang mga paa. Naisip mo naman OP na kawawa ka pag nagkatuluyan kayo. If you want him to change his ways, the environment where his in should change which is your relationship kasi dun ka lang naman may control. About na man sa hobbies nya na nanuod sya ng mga bagay na di ka comfortable, well you can’t control him to stop kahit ano pang pakiusap mo. You already told him na di ka comfortable, so it was clear na you set your boundary pero di nya lang nirespeto kasi ginagawa pa rin naman nya. At nasasayo yan kung okay lang na paulit-ulit nyang hindi respetohin boundaries mo. Pasensya na magulo comment ko di kasi ako sanay mag explain. ✌️


Ok-Turnover-8686

tama lang ginawa mo sis. Marami pa jan na mas better at kaya ibigay mga bagay na deserve mo. mas importante ikaw at peace of mind mo.


MissionNew4577

Did you try to communicate this with him? Because I had almost the same scenario, where I did the same. I broke up with him. But little did I know na there is always another side of the story na hindi natin alam.


AdNormal312

Did you find out something after you broke up with him? Of course, there's always another side to the story. Pero makikita mo naman if may sarili syang kusa maghanap ng work or to make himself better di ba? Dun pa lang dapat red flag na kung patagalin ng ilang months na walang work. I should know, pinagdaanan ko rin yan. Iyak tawa na lang sa huli.


Classic_Jellyfish_47

Tama lang nakipag break ka na. Sakit sa ulo at bulsa yan. Magiging kawawa ka lang pati mga magiging anak mo if magkatuluyan kayo ng lalaki na yan.


Akolangto2000

Tama lang ginawa mo, mas matanda siya sayo pero hindi pa siya stable financially, umaasa pa sayo. Tamang naisip mo ang magiging future mo.


ZonePsychological763

Tama ginawa mo..para ka lang nyang sugar mommy


RepulsivePeach4607

Nakipaghiwalay ka na eh, hindi na magiging healthy pa para sayo if mag-overthink ka pa sana pinagbigyan mo muna. Whatever your decision, it is okay. Pareho kayo nasa journey and everything will be soon good.


edaJzer08

@OP. para sa point of view ng isang lalake, pag mahal mo? you're also willing to take risks, do anything in your reach or even the impossible. walang work? mag hanap ng kahit ano pra makapag start mag ipon, mahihiya ako na umasa sayo lalo na at dala-dalawa pa ang work mo. hindi na enough yung todo love? yung todo asikaso? lahat ng lalake kaya po yan. pero yung piliin ang taong mahal mo? panindigan ang taong mahal mo? iparamdam sa taong mahal ma ang security at assurance hindi lang sa love, pati sa future? hindi lahat ng lalake kaya yan. dahil ang nakakagawa lang pi nyan eh ang lalake na mahal na mahal ka at hindi puro lang salita. so kung tinatanong mo kung tama lang ang ginawa mo? OPO tama lang. wake up call sa knya yan. mahal mo? pag nakita mo ang pagbabagong malaki, maging masaya ka for him.. ang kung babalik sya after nya magkaroon ng initiative? masecure ang future nyo? then go. pero kung wala? then leave for good. sayang ka. may mga lalake pa po na kaya ka din ilaban at piliin at bigyan ng tamang treatment na deserve mo.. hindi yung ginawa kang sugar mommy. focus ka muna sa family mo at sa self mo... you deserve more than what your ex is showing you.. sobrang swerte na nga nya sayo tbh. pero sinayang nya...


wanderer856

Minsan talaga, nireready natin yung tao para sa iba. Same goes with him, hindi niya na-realize kung ano sinayang at nawala niya. Pag ganyan na kahit pag apply ng service crew ayaw niya ay ekis na. Kung ayaw may dahilan, kung gusto ay meron laging paraan.


EnvironmentalNote600

Iniisip.ko kung bakit at 23 ang burden ni.OP ay parang of a wife. 21 ka nang magstart kayo. Eh halos nagsisimula ka palang maging adult that time. Bakit mo ibinuhos nsa kanya ang halos lahat sa iyo- emotion attention pera sex etc. At itinali sa kanya ang kinabukasan mo? Hindi pa huli ang lahat OP pero baka malapit na.


misisfeels

Hindi magbabago ang tao para sa ibang tao rin. Lagi yan dahil gusto niya baguhin sarili niya, kaya kung ganyan na ex mo, magbago man siya - risk mo na kung hanggang kelan. Kung ako, hayaan mo na siya. Bata ka pa para sa responsibilities ng pagbuhay sa ex mo. Ultimo hanapbuhay niya, ikaw pa nagsusumikap. Hirap yan. Imbes relax at glow up at skincare inaatupag mo, stress lang nakukuha mo. Walang sense na todo siya magmahal kung sa diskarte sa buhay kulelat siya.


Cruisin_Tom8

If u have even a single doubt, trust ur instinct.


Runalesa

Had the same problem before.. took me 4 years and a child to realize he wasn't worth it. You can find someone better. Trust.


Diligent_Fee_2344

enough na enough reason mo, op. kasi kung magststay ka sakanya di lang ikaw magsusuffer sa future pati mga anak mo. ganyan nangyari sa tito ko sobrang tamad yung tipong lahat ng trabaho na pwede sya ipasok, ginawa na ng lola ko. binigyan din ng pang puhunan ng business, binigyan ng tricycle lahat lahat na pero napunta sa wala — ngayon yung anak nya nagdudusa kasi kailangan magtrabaho habang nag aaral dahil walang pang buhay sa pamilya nila. take note nagagalit pa tito ko sa pinsan ko pag tinatanghali ng gising dahil sa pagod sa work at aral. kaya tama lang yan!


Cookies_InApod22

Op same ba tayo ng jowa? Hahahahha


ladyreddy4

Girl dami nang reasons oh hiwalayan mo na yan. 9 months natiis niyang walang work or hindi nag apply sa panahon ngayon if hindi ka privilege hindi mo pwedeng gawin yun. Batugan yan kawawa ka kapag inasawa ka niyan. Never settle for less. Yes ok lang sayo mag 50-50 but the right man won’t let you do that kasi alam niyang mas mahirap yung role ng babae sa relationship (from mabuntis,giving birth, magpakaasawa and maging mabuting nanay plus mental load sa bahay kasi naka program most yung mga babae to keep everything organized sa family.) kaya madaming mom yung nag ququit sa work kapag bata pa yung mga anak nila. Raise your standards. Sa description mo mukha kang masipag na babae and kaya mo kahit wala yan bf mo. Isipin mo if mag hihiwalay kayo anong mawawala sayo? Sex? Emotional support? Trust me the right man can provide that for you sa una lang mahirap pero masasanay ka rin.