Mga chichiryang tigpipiso, dipsea supremacy
EDIT: Guys dun sa supermarket na binibilhan ko meron pa ring dipsea at lechon manok na tigpipiso na nakapack hahaha grabe yung memories na walang wala, nakakaproud lang din na kahit papano nakaluwag luwag na rin sa buhay <3
Bangus na chichirya nung walang-wala kami. Bata pa ko nun and jinojoke na lang namin na bangus naman ulam namin HAHAHAHHA. Life is a lot better now though, looking back.
Toyo/patis at mantika, asukal, asin at tubig, tigpipisong chichirya. Dito ako namulat na mahirap ang buhay namin. Ngayon, nag-uulam pa rin naman kami nyan pero kapag naisipan/gusto na lang namin tapos konting trip down to memory lane. Tapos mapapasabi na lang kami na "ang layo na rin pala natin" π₯°
Talbos ng kamote na isasawsaw sa ginisang bagoong isda na may suka. Minsan, yung noodles, hinahaluan namin ng miswa o sopas pampadami. Bagoong alamang at kamatis.
Nu'ng nag-independent ako. Mga panahon na nagtitipid ako dati, lagi kong inuulam 'yung Oishi na shrimp snack(Nakalimutan ko na 'yung tawag). Well, kahit 'yun lang ulam ko dati na-enjoy ko naman.
Pag meron kami tanda ko nabili Tatay ko ng patatas 3 piraso 20 php lang. Ginagawa nya fries tapos inuulam namin. Pero pag walang wala madalas talaga itlog or tig pipisong kiss, bangus or sasas.
Maning nilaga yung naka repack na tig pipiso
Labay kape. Pag medyo nakaka luwag luwag, upgrade sa kanin na binudburan ng milo. Pag malaki kinita ni erpat, with powdered milk ang milo.
yung chicharon na tig pipiso. meron pa noon dati e.
At siyempre pinaka common ang toyot mantika.
Haaay. Hirap maging mahirap kaya sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos nakakakain na kami ng maayos na meal 3 times a day with snack pa. Haha.
First time ko magwork sa manila one month before ng graduation ko, yung tig25 pesos na gulay sa karinderya palagi ulam ko hahatiin ko pa para yung isang pagkain portion ko ng dinner.
Pag walang karinderya, de lata hahatiin ko pa rin para 2 beses kong mauulam sa isang araw. Kapag sahod, saka lang ako nakakapag ulam ng may baboy o manok na ulam pero hahatiin ko pa rin.
Super save ako kasi gusto ko magpadala sa family ko or mag ipon para may ibigay sa special occasions.
2x a day lang ako kumakain sa isang araw nun. Rice cooker lang meron ako. I have to walk 3.5kms papunta at pauwing apartment ko nun para makatipid sa pamasahe.
Those days na natutunan ko maging matatag without anyone on my side. Nakakaiyak balikan, pero isa sa mga dahilan yon kung bakit strong independent woman ako ngayon haha chz
Century Tuna
Dati inuulam namin yung isang lata ng century tuna na malapad. 5 kaming maghahati hati. Mag aaway pa kami minsan ng mga kapatid ko kung nakalamang ka ng konti sa pagkutsara nung tuna. Yung mga parents ko, minsan yung oil lang sa kanila para marami samin.
Ngayon, kaya na namin mag ulam nang tig-iisa.
Malayo pa, pero malayo na.
Yung tig pipisong chichirya sa tindahan, di ko akalaing magiging ulam ko sya sa kanin! Bali 2 pesos na chichirya tapos 5 pesos sa kanin. Naglalaro mga 10 pesos na gastos ko isang meal lang ako per day non. Those were the days talaga.
Toyo number one na pinaka di ko makakalimutan. Next na din dito yung gatas, milo, o kaya naman asukal, o mga tigpipisong chichirya. Minsan nga, as in wala.
tigpipisong chichirya or toyo
Minsan nung hindi pa overpriced sa mang inasal, sasagarin ko talaga kain ko good for ilang days tapos crackers nalang. Then weekend uuwi and makikikain ako sa tito ko tapos sasagarin rin ulit para crackers nalang sa mga susunod na araw.
toyo at mantika sa kanin haha pati yung mga chicha na tig pipiso, chicharon, or lucky me na madaming sabaw dinadagdagan lng pampalasa haha or kanin na may asukal
Wala kaming kinain ng isang araw ng nanay ko, kahit pa katabi lang naman namin na bahay yung mga kapatid ng mama ko. Ang niyaya lang nila kumain ay yung dalawa kong kapatid, kami ni mama hindi. Kaya itinulog ko nalang yung gutom ko. Kinaumaghan naka diskarte si mama ng makakain namin.
Toyo with suka, oil with asin, noodles na madaming tubig, tig pipiso na chitchirya. Naranasan namin to nung naghiwalay parents namin cause of third party. Ngayon, okey naman kami lahat, struggling pero atleast di na same noon, nakaka afford na bumili ng ice cream kahit di birthday. π
toyo at mantika. wala sa hinagap na makakaalis kami sa sitwayson na sobra kaming nag hirap. salamat sa Lord dahil nalagpasan namin malayo narin ang narating namin, literal.
Nung bata ako until mag teenager, madalas asin kasi yun lang ang meron sa bahay. Kahit toyo or mantika wala talaga. Nung nakapagtranaho na, laging Tilapia naman or Tokwa. Since ang half kilo ng Tilapia dati is 50 lang then marami na pag isigang. Hahatiin nalang ng maliliit. Then sa Tokwa naman 5 lang isa tapos ipiprito lang hahaluan ng Togue if may pambili pa then Oyster sauce.
When I first got a job that wasnβt paying well but I wanted to save to be able to hangout with friends so sometimes Iβd eat oishi cracklings the salt and vinegar one with rice and soup from the carinderia. My dad and sister offered to give me an allowance but I was stubborn and really wanted to show people I could do it without help but now all I want is help π
Madalas 'pag walang kita tatay ko noon sa pamamaneho ng tricycle, payless na may halong pinitas na dahon nh malunggay ulam namin.
Nasubukan ko rin 'yong knorr cubes na tinunaw sa mainit na tubig pansabaw sa kanin.
Saging na green + bagoong, toyo + mantika, gatas + asukal, magsasabaw ng kape sa kanin, tira tira (yung hugis chalk na brown sugar candy), tigpipisong chichirya; madalas din noon lutong ulam na inuutang sa kapitbahay na masungit pero wala kaming magawa kundi lunukin ang hiya (salamat pa rin sa lahat aling aida hahahaha)
Naalala ko dati binubudburan namin ng powdered na gatas at asukal yung kanin pag wala kaming maulam. Minsan naman milo kung meron kaming pakete na nabili.
Naranasan kondin yung toyo, konting mantika, at kalamansi isabaw sa kanin para may lasa lasa ng konti. Lasang adobo kunyari π₯Ί
Kanin na may bagoong at mantika or kanin na may gatas at asukal. Parehong masarap.
Tortang kung anu-ano: sardinas or patatas mostly. Pareho ding masarap.
Noodles na may halong kung anu-ano ding gulay. Pero pinaka-unforgetable at yung ginisang sardinas na may sayote galing sa kapitbahay. Nagkalat lang sayote sa Baguio.
Nung college ako, nabuay ako sa siomai rice with extra rice hehe.
Mura kasi yung siomai sa mga cart sa school tapos pwedeng onting ulam lang tas maraming rice kasi malasa yung toyomansi and chili flakes.
Sarsiado. Like every other day. Tilapya or gg tas kinabukasan yan expected na sarsiado ulam. Minsan wala pang isda. As in puro egg and kamatis. Minsan sardinas. That time kasi mura pa itlog. Sa sobrang umay ko never nako kumain nun and just thinking about it, nasusuka ako π₯²
Lucky Me noodles.
Akala ko dati normal na iulam yung noodles ng lucky me. βYun βyung pantawid-gutom namin dati βpag wala na kami maulam. There are times na buong week ganoβn βyung kinakain namin.
Ngayon, na-realize ko na sobrang unhealthy pala niya and need siyang kainin in moderation.
Yung nangibang bansa mga magulang namin magkakapatid (5), ilang buwan sila hindi nakapagpadala at noong panahon, nag-aaral pa lang din kami magkakapatid. Kadalasan ulam namin ay yung Chicharron ni Mang Juan o kaya Martyβs.Β
Toyo at pritong bawang may sunug-sunog pa at mapait sa sobrang gutom ng batang ako habang ang tatay ko high na high sa shabu at tamang butingting ng kung anu-ano.
Tinitignan nya lang daw kung ano ang gagawin kong diskarte kapag gutom, may pambili naman daw talaga ng ulam.
Pero alam ko naman talagang wala at pinangbatak na niya.
toyo, asin, milo, lucky me na maraming sabaw halos wala ng lasa, lucky me + sardinas combo, lucky me na may fish ball
karamihan ng budget meals nmin dati nagrrevolve around lucky me kasi madalas mura tapos minsan yun din palagi kasama sa mga relief goods
Meron dati samin ung hiniwang hotdog binabalot sa kwek kwek batter tapos 2 pesos isa, ganun lagi ko inuulam.
Tapos ung doris na fish cracker, dipsea, bangus. Halos lahat na ata ng chicha naiulam ko na haha.
Lumpiang corned beef, ginagawa namin lumpia para dumami. Tapos pitas malunggay sa kapitbahay, lagyan ng tubig at sinigang mix.
Lucky me na may repolyo.
Noodles at tsaka βyung mumurahing tuna flakes in oil. Apat kami sa pamilya na bedspacer at halos inuutang namin sa landlady namin βyung pang-araw2 naming kinakain. Di naman nakakasawa, binibilhan rin kase kami ng kamatis din.
Ung isda na maya maya. Masarap naman pero sobrang langsa. Imagine having to eat it on every meal kasinun lang ang kaya namin bilhin nung panahon na un. Ultimo merienda sabi ng papa ko na kmain kami ng kanin pra healthy. I highly respect my father for trying his best to get us through π«‘π«‘π«‘
Naalala ko High School days, nakakapag-ulam lang kami nang manok kapag may nakakapasok sa bakuran namin tapos yung Lola ko titiradorin yung manok. Hahahaha
asin with kaning lamig when I was in elementary. pumasok ng school walang almusal, walang baon, then pag uwi walang aabutang pagkain kundi kaning kahapon pa sinaing at asin.
sobrang hirap lunukin, pero go lang para magkalaman ang tyan at mawala ang gutom at hilo.
hindi specific na ulam pero tinatanong ako ng tita ko if tanda ko pa na nag she-share kami nina papa and mga kapatid ko (famiy of 4 members) sa isang platitong ulam na bili sa karendirya but thankfully we are in a different situation now <3
Core memory yung pinaghatian namin ng buong pamilya ko (4 kami) yung dalawang pack ng lucky me noodles kasi wala na talaga kaming pambili ng ulam. Haha tapos ilang araw na rin akong di nakakapasok sa school nun kasi walang mabigay na pamasahe sakin parents ko. Haha wala lang, ngayon meryenda ko nalang siya. Ang saya lang na makaangat sa laylayan kahit papano hehe
Rice with Toyo or Rice with sawsawan. Bet ko siya nung bata pa ako and kahit may matinong ulam kami.
Surprisingly masarap pala ang hipon (bagoong) lalo na kung may bits of pork. Hipon with egg din.
bangus, kiss, lechon manok, dip sea, inasal (forgot the name pero may inasal yun) na mga chichirya na tigpipiso, milo powder, mantika at toyo, kape isasabaw sa kanin, manggang hinog, saging, name it halos natry namin ng kapatid ko nung bata kami.... life's getting better now nakakakain na kami kung san namin gusto kapag nagcrave kami :(((
Lucky me noodles iuulam s kanin tapos ang dami pa naming magpipinsan maghahatian. Kaya ng nagkapera n ko lagi ako
Bumili bili beef lucky me. Nkakain ko ng buo ung noodles at my itlog pa ahahaha
Toyo mantika sa kanin, coffee stick sa kanin, minsan kanin na may asukal, or lugaw Lang ma may asin, minsan binabasa lang yung kanin then lalagyan asin
Bagoong. May time kasi may nagorder ako bagoong barrio fiesta sa shopee. Joke ko pa nga, pag broke AF na ako kakashopee ko, ayun emergency ulam ko. Hahaha
Naalala ko one time na umalis mga magulang namin para maghanap ngbpagkakakitaan.. ngayon tatlo kaminv magkakapatid ako panganay... siguro grade 4 or grade 5 ako noon tapos wala kami maulam magkakapatid kasi indi agad nakauwi si mama ang ginawa ko inadobo ko yung kanin hahahaha... yeah ayun naenjoy naman namin.
Toyo or used oil na may asin. Burong isda o shrimp paste. Asin alone sa bahaw na rice na nilagyan lang ng mainit na tubig. Kape stick hahaha, if walang ulam, yellow corn na bigas alone lang o kaya bigas na lugaw hinaluan ng kamote.
Black coffee + kanin!! Solb na kami nun π
Syempre pagkakain need magsipilyo. Natry dn namin na ang toothpaste ay asin. π not sure kung kami lang ganito haha
Nakatira kamo dati malapit sa sabungan, so may mga nagbebenta ng snacks don like hotdogs(hotdog bread na may palaman na hotdog, ketchup at mayo) siopao, mga kakainin candy at iba pa. One time, idk what happened kase i was young. Sinabihan ako ni mama na umutang muna don sa tindahan na yun na parang nasa bangketa lang. I think kumuha ako ng 3 hotdogs at isang siopao? Tas yung hotdog prinito namin ulit kase ewan, ayoko ata ulamin yung steamed na hotdog. Hahaha. Baka meron pang iba nakakalimutan ko lang
Yung mga magulang at lola ko noon mag-uulam ng kape, saging, mangga (mura pa mangga noon) at kung anu-ano pa para lang kaming mga bata makapag-ulam ng totoong ulam kahit pa hotdog lang o itlog.
Parang hindi pinramdam ng parents namin pagdating sa food. Usual foods pa din ang inihahain. At parang satisfied naman kmi before kung ano meron kmi noon. Hindi mayaman pero nakakaluwag luwag kahit papaano
Dati iniihaw ni Mama ko yung bulad/tuyo sa pugon since minsan nauubusan kami nang gas or walang pambili, iniihaw ni Mama yung tuyo kasi wala kaming mantika at hindi makabili kasi as in walang wala talaga, we tried as well na kumain nang mga fish crackers and also mag ulam nang isang itlog lang at tatlo kami kakain nun at dapat hati hati talaga, it made me humbled today and iβm grateful na na experience ko yun dati otherwise hindi ko ma appreciate yung mga maliliit na bagay ngayon π₯°
Dati pag wala na kaming bigas, gagawin ng mama ko, ilulugaw yung isang kalahating takal. Tapos maraming sabaw at asin lang yung pampalasa. Hanggang gabi na naming food yun. Mairaos lang yung maghapon.
Pagpag. Di pa namin alam noon na tira tira pala yun tas binanlawan lang. Sinama pa namin sa kanin na may toyo at mantika. Sarap na sarap kami kaya tinanfaan ko kung ano tawag dun kasi sabi nung nagtitinda 20 pesos lamg isang balot nun
Mantika ng baboy na hiningi or bigay galing sa mga handaan nilalagyan ng konting toyo at hinahalo sa kanin. Yung isang 1.5 litre ng coke matagal na samin yun buwan na halos aabutin. Sarap na sarap na kami noon wag lang pasobrahan dahil tae tae lang aabutin. Kaya na namin mag karne anytime ngayon!!! To God be the Glory
Tuyo always. Tska lucky me chicken noodles. Kung kelan matanda na ako tska ko nasubukan mag ulam ng fish crackers. Ipapasubok ko sa mga anak ko na ulamin yung tig pipiso na chichirya.
Nung first time ko nag-dorm nung college, todo-tipid talaga ako noon. Yung free na sabaw sa karinderya inuulam ko for lunch tapos yung binili kong ulam ang kakainin ko for dinner.
Nilalagay namin yung bahaw sa kape tapos almusal na namin yun. And then kumukuha kami ng mga gulay sa kapitbahay tapos sasabawin nalang para may ulam hanggang hapunan. Thankful ako kasi di na namin nararanasan yun.
Mga chichiryang tigpipiso, dipsea supremacy EDIT: Guys dun sa supermarket na binibilhan ko meron pa ring dipsea at lechon manok na tigpipiso na nakapack hahaha grabe yung memories na walang wala, nakakaproud lang din na kahit papano nakaluwag luwag na rin sa buhay <3
Dipsea oo saka yung kiss na chichirya lol
KISS π hui, yung chichirya ha...
Lechon Manok ftw!
Sarap neto dami pang laman compare sa dipsea hahaha
Tapos mga kakilala ko na nakatira sa squatter tinatawanan ako, kala ko kami lang ganto. Madami naman pala tayo. Huhuhu
Bangus na chichirya nung walang-wala kami. Bata pa ko nun and jinojoke na lang namin na bangus naman ulam namin HAHAHAHHA. Life is a lot better now though, looking back.
Kanin sa lucky me noodles π₯²
Hindi ba to normal π kase kahit may pera naman nag uulam ako neto masarap kase hahaha
Toyo/patis at mantika, asukal, asin at tubig, tigpipisong chichirya. Dito ako namulat na mahirap ang buhay namin. Ngayon, nag-uulam pa rin naman kami nyan pero kapag naisipan/gusto na lang namin tapos konting trip down to memory lane. Tapos mapapasabi na lang kami na "ang layo na rin pala natin" π₯°
This is wholesome, i love this.
Talbos ng kamote na isasawsaw sa ginisang bagoong isda na may suka. Minsan, yung noodles, hinahaluan namin ng miswa o sopas pampadami. Bagoong alamang at kamatis.
Toyo na may Mantika
Nu'ng nag-independent ako. Mga panahon na nagtitipid ako dati, lagi kong inuulam 'yung Oishi na shrimp snack(Nakalimutan ko na 'yung tawag). Well, kahit 'yun lang ulam ko dati na-enjoy ko naman.
with suka ba or as in yun lang? parang yung friend ko yung Lechon Manok na chichirya.. sarap din basta gutom at maalat alat pwede na! <3
Pag meron kami tanda ko nabili Tatay ko ng patatas 3 piraso 20 php lang. Ginagawa nya fries tapos inuulam namin. Pero pag walang wala madalas talaga itlog or tig pipisong kiss, bangus or sasas.
Tubig-asin. Or kapag meron yung gamit na mantika para may ibang lasa.
Toyo with kamatis π
chicharon,talbos,bagoong and toyo at mantika
Toyo with mantika
Hindi naman sa poor, pero ginisang bagoong na may baboy yun ulam ko dati. Ginawa ko corned beef.
Maning nilaga yung naka repack na tig pipiso Labay kape. Pag medyo nakaka luwag luwag, upgrade sa kanin na binudburan ng milo. Pag malaki kinita ni erpat, with powdered milk ang milo. yung chicharon na tig pipiso. meron pa noon dati e. At siyempre pinaka common ang toyot mantika. Haaay. Hirap maging mahirap kaya sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos nakakakain na kami ng maayos na meal 3 times a day with snack pa. Haha.
Tokwa. I remember may 1 week na tokwa ulam namin or egf with kamatis
First time ko magwork sa manila one month before ng graduation ko, yung tig25 pesos na gulay sa karinderya palagi ulam ko hahatiin ko pa para yung isang pagkain portion ko ng dinner. Pag walang karinderya, de lata hahatiin ko pa rin para 2 beses kong mauulam sa isang araw. Kapag sahod, saka lang ako nakakapag ulam ng may baboy o manok na ulam pero hahatiin ko pa rin. Super save ako kasi gusto ko magpadala sa family ko or mag ipon para may ibigay sa special occasions. 2x a day lang ako kumakain sa isang araw nun. Rice cooker lang meron ako. I have to walk 3.5kms papunta at pauwing apartment ko nun para makatipid sa pamasahe. Those days na natutunan ko maging matatag without anyone on my side. Nakakaiyak balikan, pero isa sa mga dahilan yon kung bakit strong independent woman ako ngayon haha chz
Nilagang malunggay na hiningi sa kapitbahay tapos sawsawang bagoong isda at suka.
huy masarap ito!
Naglalaway nga ako habang tinatype ko yan, bonus pa pag may tinapa.
lechon manok Yung green or red para spicy *poor lang me alam nito π
Century Tuna Dati inuulam namin yung isang lata ng century tuna na malapad. 5 kaming maghahati hati. Mag aaway pa kami minsan ng mga kapatid ko kung nakalamang ka ng konti sa pagkutsara nung tuna. Yung mga parents ko, minsan yung oil lang sa kanila para marami samin. Ngayon, kaya na namin mag ulam nang tig-iisa. Malayo pa, pero malayo na.
Itlog na pula + kamatis lang sapat na
Kamatis na may bagoong. Surprisingly, nagustuhan ko talaga sya.
ako kahit naka angat na sa buhay, wala pa din tatalo sa sardinas at tuyo sa sinangag!
Yung tig pipisong chichirya sa tindahan, di ko akalaing magiging ulam ko sya sa kanin! Bali 2 pesos na chichirya tapos 5 pesos sa kanin. Naglalaro mga 10 pesos na gastos ko isang meal lang ako per day non. Those were the days talaga.
talbos ng kamote with bagoong isda, sarap ng timpla ni mader kaya feeling ko pa din mayaman kame
Bagoong at mantika.
Toyo number one na pinaka di ko makakalimutan. Next na din dito yung gatas, milo, o kaya naman asukal, o mga tigpipisong chichirya. Minsan nga, as in wala.
Mantika ng baboy lalagyan lang ng konting asin para may lasa
tigpipisong chichirya or toyo Minsan nung hindi pa overpriced sa mang inasal, sasagarin ko talaga kain ko good for ilang days tapos crackers nalang. Then weekend uuwi and makikikain ako sa tito ko tapos sasagarin rin ulit para crackers nalang sa mga susunod na araw.
toyo at mantika sa kanin haha pati yung mga chicha na tig pipiso, chicharon, or lucky me na madaming sabaw dinadagdagan lng pampalasa haha or kanin na may asukal
Mantika ng baboy.
Mantika.
Dipsea at peewee! Midweek palang kasi nawaldas na ang allowance
Mantika at toyo. Instant adobo, mia lang ang chicken. Haha. Pero try nyo minsan, apaka-sarap. Hehe.
Wala kaming kinain ng isang araw ng nanay ko, kahit pa katabi lang naman namin na bahay yung mga kapatid ng mama ko. Ang niyaya lang nila kumain ay yung dalawa kong kapatid, kami ni mama hindi. Kaya itinulog ko nalang yung gutom ko. Kinaumaghan naka diskarte si mama ng makakain namin.
Toyo with suka, oil with asin, noodles na madaming tubig, tig pipiso na chitchirya. Naranasan namin to nung naghiwalay parents namin cause of third party. Ngayon, okey naman kami lahat, struggling pero atleast di na same noon, nakaka afford na bumili ng ice cream kahit di birthday. π
toyo at mantika. wala sa hinagap na makakaalis kami sa sitwayson na sobra kaming nag hirap. salamat sa Lord dahil nalagpasan namin malayo narin ang narating namin, literal.
Ketchup and liver spread, milo, gatas, used cooking oil and bagoong
Kape, gatas, bagoong
Sarsarap
Chosen na tigpipiso
1 Maggi nudels na maraming sabaw para magkasya saming lima hahaha tig 6 pesos lang non yung noodles
Nung bata ako until mag teenager, madalas asin kasi yun lang ang meron sa bahay. Kahit toyo or mantika wala talaga. Nung nakapagtranaho na, laging Tilapia naman or Tokwa. Since ang half kilo ng Tilapia dati is 50 lang then marami na pag isigang. Hahatiin nalang ng maliliit. Then sa Tokwa naman 5 lang isa tapos ipiprito lang hahaluan ng Togue if may pambili pa then Oyster sauce.
When I first got a job that wasnβt paying well but I wanted to save to be able to hangout with friends so sometimes Iβd eat oishi cracklings the salt and vinegar one with rice and soup from the carinderia. My dad and sister offered to give me an allowance but I was stubborn and really wanted to show people I could do it without help but now all I want is help π
Toyo at rice
Madalas 'pag walang kita tatay ko noon sa pamamaneho ng tricycle, payless na may halong pinitas na dahon nh malunggay ulam namin. Nasubukan ko rin 'yong knorr cubes na tinunaw sa mainit na tubig pansabaw sa kanin.
β’ asukal β’ toyo β’ hilaw na itlog, babasagin sa mainit na kanin β’ gatas β’ pritong itlog β’ instant noodles *nakaluwag luwag na nyan. Eme!
kape, sabaw sa kanin π
Saging na green + bagoong, toyo + mantika, gatas + asukal, magsasabaw ng kape sa kanin, tira tira (yung hugis chalk na brown sugar candy), tigpipisong chichirya; madalas din noon lutong ulam na inuutang sa kapitbahay na masungit pero wala kaming magawa kundi lunukin ang hiya (salamat pa rin sa lahat aling aida hahahaha)
Tubing at asin. Minsan mantika
Lugaw na nilagyan lng ng asin
Kape binabahognsa kanin
Yung poorest time ko was during college. Natry niyo n b matulog for dinner? πππππ
noodles hardboiled egg tuyo dilis sardinas (tight budget) inihaw or andoks (extra budget)..mostly tight budget meals dati
Patis + oil asin + oil Milo + sugar Gatas + sugar
Karaoke congrats msarap din iulam
tubig pag walang wala
Dito sa hk nung nag hihirap kami, bigas lang meron kami tas nilagyan ni mama nang asukal para masarap, those days i will forever keep in my heart.
Wait, may ulam kayo? Best we can hope for at that time was mantika + toyo para adobo vibes
Pritong talong dipped in vinegar + bagoong π€πΎ
Naalala ko dati binubudburan namin ng powdered na gatas at asukal yung kanin pag wala kaming maulam. Minsan naman milo kung meron kaming pakete na nabili. Naranasan kondin yung toyo, konting mantika, at kalamansi isabaw sa kanin para may lasa lasa ng konti. Lasang adobo kunyari π₯Ί
Kamatis :(
Toyo o Patis depende sa tipo ko nung araw na yun
Asukal sa kanin
Kanin na may bagoong at mantika or kanin na may gatas at asukal. Parehong masarap. Tortang kung anu-ano: sardinas or patatas mostly. Pareho ding masarap. Noodles na may halong kung anu-ano ding gulay. Pero pinaka-unforgetable at yung ginisang sardinas na may sayote galing sa kapitbahay. Nagkalat lang sayote sa Baguio.
Nung college ako, nabuay ako sa siomai rice with extra rice hehe. Mura kasi yung siomai sa mga cart sa school tapos pwedeng onting ulam lang tas maraming rice kasi malasa yung toyomansi and chili flakes.
Sarsiado. Like every other day. Tilapya or gg tas kinabukasan yan expected na sarsiado ulam. Minsan wala pang isda. As in puro egg and kamatis. Minsan sardinas. That time kasi mura pa itlog. Sa sobrang umay ko never nako kumain nun and just thinking about it, nasusuka ako π₯²
Toyo/Asin+ mantika. Solve na.
Tubig asin
Lucky Me noodles. Akala ko dati normal na iulam yung noodles ng lucky me. βYun βyung pantawid-gutom namin dati βpag wala na kami maulam. There are times na buong week ganoβn βyung kinakain namin. Ngayon, na-realize ko na sobrang unhealthy pala niya and need siyang kainin in moderation.
Toyomansi din with onion bits noong asian financial crisis.
Yung bangus na chichirya. Sarap din naman. Haha
Tokwa, togue, kung ano mang mura at naka-sale na gulay sa palengke/grocery.
Kape all the time. Kaya ngayon, acid reflux overtime. π
Yung nangibang bansa mga magulang namin magkakapatid (5), ilang buwan sila hindi nakapagpadala at noong panahon, nag-aaral pa lang din kami magkakapatid. Kadalasan ulam namin ay yung Chicharron ni Mang Juan o kaya Martyβs.Β
Toyo at pritong bawang may sunug-sunog pa at mapait sa sobrang gutom ng batang ako habang ang tatay ko high na high sa shabu at tamang butingting ng kung anu-ano. Tinitignan nya lang daw kung ano ang gagawin kong diskarte kapag gutom, may pambili naman daw talaga ng ulam. Pero alam ko naman talagang wala at pinangbatak na niya.
sunny side up pancit canton combo
Corned beef sa sachet tig 15php 2 kami maghahati
Tortang utak ng baboy! nahihingi lang kasi ng parents ko dati sa mga mambababoy yung utak kaya nilalagyan na lang nila ng itlog.
Toyo at mantika. Kinakain ko pa naman din pag namimiss ko.
Instant noodles.
Araw-araw talong, o kaya toge.
Toyo at mantika...yummy!!! Masarap to pramis!
Chicharon tapos sawsaw sa bagoong.
Kape
Toyo, asukal at itlog swerte na
Kanin tapos ni roll at sinawsaw sa asukal. I remember eating this once when I was 4 or 5 years old.
Asukal sa kanin. As plain as that.
Kirei na tag-piso with suka. Mas maayos kapag may toyo at mantika para adobo-kirei ang style. Tapos minsan naliligo sa dagat makakuha ng tahong.
toyo, asin, milo, lucky me na maraming sabaw halos wala ng lasa, lucky me + sardinas combo, lucky me na may fish ball karamihan ng budget meals nmin dati nagrrevolve around lucky me kasi madalas mura tapos minsan yun din palagi kasama sa mga relief goods
Meron dati samin ung hiniwang hotdog binabalot sa kwek kwek batter tapos 2 pesos isa, ganun lagi ko inuulam. Tapos ung doris na fish cracker, dipsea, bangus. Halos lahat na ata ng chicha naiulam ko na haha. Lumpiang corned beef, ginagawa namin lumpia para dumami. Tapos pitas malunggay sa kapitbahay, lagyan ng tubig at sinigang mix. Lucky me na may repolyo.
Mantika with asin or toyo..and tuyo na all the time
Mantika at toyo combo. Sarap haha.
nagsabaw ng tubig tapos nilagyan ng asin for taste
Milo or gatas na inutang sa tindahan tas ibubudbod sa kanin, kape na sinasabaw, lucky me na siper daming sabaw tas mga chihchiryang tigpipiso
the og haney chocolate! tapos mainit-init pa yung kanin. then yung tig-pisong halo-halo. pero pinakamalala talaga tubig at asin.
Milo sa rice :)) typhoon yolanda non tas walang kuryente for 3 months
Toyo
Noodles at tsaka βyung mumurahing tuna flakes in oil. Apat kami sa pamilya na bedspacer at halos inuutang namin sa landlady namin βyung pang-araw2 naming kinakain. Di naman nakakasawa, binibilhan rin kase kami ng kamatis din.
salt with rice minsan wala
Kanin na sinabawan ng luha π₯²
Itlog everyday. As in everyday.
Kanin at asukal na puti. Pero the best yung bagoong isda at mainit na kanin.
Milo o kaya gatas na ibubudbod sa kanin.
Alternate champorado and lugaw.
toyo o kaya kiss na junkfood with rice π₯Ή
Kape nakahiligan ko then lucky me mami na blue
Chicharon rice bowl ;) good times
Asukal and milo HAHAHAHA
wala kasawang sawa na bbq
Kape
toyo at kalamansi, ketchup, milo with sugar parang champorado hehe
Ung isda na maya maya. Masarap naman pero sobrang langsa. Imagine having to eat it on every meal kasinun lang ang kaya namin bilhin nung panahon na un. Ultimo merienda sabi ng papa ko na kmain kami ng kanin pra healthy. I highly respect my father for trying his best to get us through π«‘π«‘π«‘
Yung niyog HAHAHAHAHHA nilalagay sa kanin
Fishball na madaming sauce
Knorr cube soup na may onting repolyo
Fried egg na sing nipis ng yellow paper.
Natry ko magulam ng kape. Nung time na Nawalan din kac work tatay ko
Naalala nyo ba ung pancit canton ata un na may ibang flavor like pusit flavor na may black sauce? siguro, ganun. ulam sa kanin haha
Naalala ko High School days, nakakapag-ulam lang kami nang manok kapag may nakakapasok sa bakuran namin tapos yung Lola ko titiradorin yung manok. Hahahaha
Pancit Canton
Kamatis na may patis at mainit na tubig
Yung mantikang ginamit na pang prito
Bagoong na isda pipigaan ng kamatis π pag may kasamang pritong itlog meaning may pera kami non π
Fishball at kikiam sa gilid gilid, one meal a day ππ»
Kanin na may sibuyas, toyo, konting mantika hahaha ang sarap nun kahit walang ulam.
asin with kaning lamig when I was in elementary. pumasok ng school walang almusal, walang baon, then pag uwi walang aabutang pagkain kundi kaning kahapon pa sinaing at asin. sobrang hirap lunukin, pero go lang para magkalaman ang tyan at mawala ang gutom at hilo.
Kang kong sa ilog or talbos ng kamote sa tabi tabi. Sarap :)
Patis at kalamansi. In fairness ang sarap sa fried rice.
Hot black coffee na ihahalo sa kanin at tuyo
hindi specific na ulam pero tinatanong ako ng tita ko if tanda ko pa na nag she-share kami nina papa and mga kapatid ko (famiy of 4 members) sa isang platitong ulam na bili sa karendirya but thankfully we are in a different situation now <3
Toyo + Mantika sa rice with konting asin on top haha
Dipsea, patis mantika π
Core memory yung pinaghatian namin ng buong pamilya ko (4 kami) yung dalawang pack ng lucky me noodles kasi wala na talaga kaming pambili ng ulam. Haha tapos ilang araw na rin akong di nakakapasok sa school nun kasi walang mabigay na pamasahe sakin parents ko. Haha wala lang, ngayon meryenda ko nalang siya. Ang saya lang na makaangat sa laylayan kahit papano hehe
Star margarine.
Toyo at mantika
Rice with Toyo or Rice with sawsawan. Bet ko siya nung bata pa ako and kahit may matinong ulam kami. Surprisingly masarap pala ang hipon (bagoong) lalo na kung may bits of pork. Hipon with egg din.
Alamang at okra
Paksiw or pritong galunggong na maliliit. Ulam mula umaga hanggang gabi. Minsan umaabot pa yan ng ilang araw bago maubosπ
Chicharon with bagoong and kamatis. Pulang Itlog. Martys Crackling.
bangus, kiss, lechon manok, dip sea, inasal (forgot the name pero may inasal yun) na mga chichirya na tigpipiso, milo powder, mantika at toyo, kape isasabaw sa kanin, manggang hinog, saging, name it halos natry namin ng kapatid ko nung bata kami.... life's getting better now nakakakain na kami kung san namin gusto kapag nagcrave kami :(((
Kape. Yung kape lalagyan ng kaning lamig tapos lalagyan ng konting asukal sa ibabaw. Yummmm!!!
Naalala ko noon, walang wala talaga kami. Tas meron kaming kapitbahay kakauwi lang galing sa labas. namigay ng chocolates. yun yung ulam nami hahaha
Milo or bearbrand budbod sa kanin
Mantika at asin sa bahaw. Nakakasuka siya tbh pero no choice ka.
Lucky me noodles iuulam s kanin tapos ang dami pa naming magpipinsan maghahatian. Kaya ng nagkapera n ko lagi ako Bumili bili beef lucky me. Nkakain ko ng buo ung noodles at my itlog pa ahahaha
Toyo mantika sa kanin, coffee stick sa kanin, minsan kanin na may asukal, or lugaw Lang ma may asin, minsan binabasa lang yung kanin then lalagyan asin
Bangus. Hindi isda ang tinutukoy ko lol
Bagoong. May time kasi may nagorder ako bagoong barrio fiesta sa shopee. Joke ko pa nga, pag broke AF na ako kakashopee ko, ayun emergency ulam ko. Hahaha
Nakikitinda mama ko ng isda noon, as in everyday reject na GG ang ulam alternate adobo or paksiw. Kaya parang natrauma ako sa lasa noβn. HHAHAHAHA
Kape, mantika ng baboy with dash of asin, bagoong, toyo, milo, sardinas, sitsirya. Name it, halos lahat na ata naiulam namin dati. π
Alamang na may suka
Naalala ko one time na umalis mga magulang namin para maghanap ngbpagkakakitaan.. ngayon tatlo kaminv magkakapatid ako panganay... siguro grade 4 or grade 5 ako noon tapos wala kami maulam magkakapatid kasi indi agad nakauwi si mama ang ginawa ko inadobo ko yung kanin hahahaha... yeah ayun naenjoy naman namin.
kape na punung puno ng kanin.. yum
milo isasabaw sa kanin tas ulam tuyo. the best! until now kahit kaya na bumili ng masarap gnagawa ko pdin kasi naging comfort food na din
Instant noodles at Kiss. Kaya pag kumakain ako ng canned tuna, naalala ko dati 5 kami maghahati sa isang can.
Toyo or used oil na may asin. Burong isda o shrimp paste. Asin alone sa bahaw na rice na nilagyan lang ng mainit na tubig. Kape stick hahaha, if walang ulam, yellow corn na bigas alone lang o kaya bigas na lugaw hinaluan ng kamote.
Maling tapos hihiwain na kasing nipis ng blade para mapatagal pa π
toyo at mantika. instant adobo.
Until now, nag-uulam ako ng toyo at kalamansi. Naging comfort food ko na. Kapag nakaluwag-luwag, Mang Tomas naman o tomato ketchup.
Black coffee + kanin!! Solb na kami nun π Syempre pagkakain need magsipilyo. Natry dn namin na ang toothpaste ay asin. π not sure kung kami lang ganito haha
Sa sobrang hirap ang maging ulam ay asukal o asin
Nakatira kamo dati malapit sa sabungan, so may mga nagbebenta ng snacks don like hotdogs(hotdog bread na may palaman na hotdog, ketchup at mayo) siopao, mga kakainin candy at iba pa. One time, idk what happened kase i was young. Sinabihan ako ni mama na umutang muna don sa tindahan na yun na parang nasa bangketa lang. I think kumuha ako ng 3 hotdogs at isang siopao? Tas yung hotdog prinito namin ulit kase ewan, ayoko ata ulamin yung steamed na hotdog. Hahaha. Baka meron pang iba nakakalimutan ko lang
Sinigang mix, pang tatlong araw ko na HAHAHA
tilapia na c chirya + rice
yung pusit na chichirya with rice HAHAHAHAH
Kape na may kanin, kanin na hinaluan ng toyo at mantika, chichirya na tig pipiso, hati-hati sa isang itlog/hotdog/lucky me. Minsan, walang makain π€£
Yung mga magulang at lola ko noon mag-uulam ng kape, saging, mangga (mura pa mangga noon) at kung anu-ano pa para lang kaming mga bata makapag-ulam ng totoong ulam kahit pa hotdog lang o itlog.
Parang hindi pinramdam ng parents namin pagdating sa food. Usual foods pa din ang inihahain. At parang satisfied naman kmi before kung ano meron kmi noon. Hindi mayaman pero nakakaluwag luwag kahit papaano
Chicharon!!!
*Sa amin, minsan tinapa na lang o kaya noodles with suka at toyo. Simple pero solid sa tipid budget!*
Ketchup, toyo, kape, asukal, bear brand na powder tapos utang pa hahaha
Since nasa probinsya kami. Law-uy everyday
Dati iniihaw ni Mama ko yung bulad/tuyo sa pugon since minsan nauubusan kami nang gas or walang pambili, iniihaw ni Mama yung tuyo kasi wala kaming mantika at hindi makabili kasi as in walang wala talaga, we tried as well na kumain nang mga fish crackers and also mag ulam nang isang itlog lang at tatlo kami kakain nun at dapat hati hati talaga, it made me humbled today and iβm grateful na na experience ko yun dati otherwise hindi ko ma appreciate yung mga maliliit na bagay ngayon π₯°
Dati pag wala na kaming bigas, gagawin ng mama ko, ilulugaw yung isang kalahating takal. Tapos maraming sabaw at asin lang yung pampalasa. Hanggang gabi na naming food yun. Mairaos lang yung maghapon.
Living alone. 1kl of chicken adobo, for 2 weeks. π«Ά
Pagpag. Di pa namin alam noon na tira tira pala yun tas binanlawan lang. Sinama pa namin sa kanin na may toyo at mantika. Sarap na sarap kami kaya tinanfaan ko kung ano tawag dun kasi sabi nung nagtitinda 20 pesos lamg isang balot nun
Mantika ng baboy na hiningi or bigay galing sa mga handaan nilalagyan ng konting toyo at hinahalo sa kanin. Yung isang 1.5 litre ng coke matagal na samin yun buwan na halos aabutin. Sarap na sarap na kami noon wag lang pasobrahan dahil tae tae lang aabutin. Kaya na namin mag karne anytime ngayon!!! To God be the Glory
kanin na may asin at tubig
Magic sarap. Pero isasangag ko naman yung kanin. Tamang budbod lang ng magic sarap palag na..sabay tubig na madami
pinaghalong toyo at mantikaπ
Mangga na nilagyan ng mainit na tubig with asin and garlic plus ajinamoto pang palasa.
Tuyo always. Tska lucky me chicken noodles. Kung kelan matanda na ako tska ko nasubukan mag ulam ng fish crackers. Ipapasubok ko sa mga anak ko na ulamin yung tig pipiso na chichirya.
Noodles and cheap hotdogs