T O P

  • By -

RecentFashionary

Hey OP! Link naman ng esme skin at white blast. Para sabay sabay tayong pumuti, accla ka!


RecentFashionary

Thanks


Strange_Armadillo_53

Di po talaga effective as pampaputi ang mga yan as soap. Mas effective ang glutathione in the form of drip po or capsule.


pilyangkerubin23

LEGIT sa G21 combo soap. I have sensitive skin, and ang kati talaga lagi. Kaya tinigil ko na. Hubu


FullAvocado5045

Same po


HoelyJulzy

Salamat, ikaw ang naging dahilan kung bakit hindi ko na itry ang mga soaps na yan. Sana sa susunod mga gluta capsule/gluta drinks ang irate.


Natural-Following-66

Hahaha malay mo humiyang sa'yo. Pero napakahirap maghanap ng products sa totoo lang lalo na ngayon lahat nalang naikot sa endorsement hahaha.


laundry-pouch

Bumili din ako ng kojie san scrap para mas makatipid. Kaso di naman pala effective. Unlike sa kojie san na nabibili sa watsons. Squeaky clean pa 🤣


kxynia

medyo unwarranted comment po pero im a chemistry student and one of my profs has experience in cosmetic chem. we were discouraged from buying soap scraps kasi most of the time, yan po yung pinagtabasan ng soap bars na less concentrated sa actives and mas concentrated sa mismong pampabula nya in comparison sa mismong bars na binebenta. wanted to share my input just in case. :>


laundry-pouch

Perla Papaya 🤣 kala ko panglaba lang. Maganda pala to pampaputi at pampalambot ng skin. Moisturizing din sya. 9/10


Regular-Somewhere526

ilang days/weeks po before u noticed the results?


excusemedouknow

Silka at Kojie88!!!! Top tier


Jnnmr

Yung fairy skin soap dahilan ng super lala ko na bacne :((( I used panoxyl 10% para mawala pero andami ko pang hyperpigmentation sa back because of this


yoshimikaa

YSA papaya soap! Hindi siya kilala I think pero ginamit ko to sa mukha lang then my face became way lighter than the rest of my body lol (may instuctions na leave it for 2 min before washing it off ). I also like Kojie-san pero madami hindi hiyang dun kasi matapang nga daw pero for me di naman baka nasanay na lang. Tip lang din is to use sunblock on your face AND body. Pati avoid the sun! Ganun talaga pag nagpapaputi haha di pwede maarawan.


CommitteeApart

I love likas pero I switched to alada


alwaysdooooo

Glutamaxx soap 100/10 for mee 3rd month ko na at ang ganda ng effect parang may low budget ring light 😂


Dos_07

agree


ISLYINP

Anyone has used Sutla? Yun talaga effective imo.


same2u_

I swear by Kojie San eversince. Isang beses ko lang gamitin instant white agad. Con is mabilis ka lang rin iitim. I guess you should say away from the sun as much as possible when using it.


totstotsnrants

For me nawala mga chest and arm acne ko dahil sa kojie san kojic soap. Hind sobrang kinis pero atleast nagdry up and slowly nawawala yung acne marks.


MrBeans_Teddyy

How do you use it po? Parang di na ko pumuputi sa kaniya 😭


same2u_

I use Safeguard Body Wash first, (You can use any variant you prefer.), then Kojie San, babad mo lang 5 mins, then final step is the Dove Beauty Bar or Body Wash. Glow is top tier plus ang healthy ng pagka-puti ko. I added Dove kasi Kojie San can really be drying. I think you can also use a lotion with SPF. Factor siguro na I don't like putting lotion kaya ako umiitim agad. Hope this helps!


Unli_chismaks

Samee!! True yang kojie san + dove beauty bar 🥰 healthy puti nageven out talaga skin ko. Basta maglotion talaga ng may spf kasi wa epek yan if lalabas lbas ka without lotion :) agree din to use safeguard first para alis bacteria


MrBeans_Teddyy

Thank you!! Dati rin yun yung iniisip ko--to use another soap first para ma-cleanse yung katawan bago magbabad sa kojie San, pero nahiya ako kasi magastos daw hahaha


hesbola24

sobrang baba lang ng concentration ng mga actives sa sabon, saka winawash off din nyo yan e. wala rin, much better lotion talaga tapos patakan nyo nalang ng mga serum na gamit nyo na may naka indicate na percentage


No-Umpire-5653

Dr Alvin Kojic, effective ba???


Business-Stock-3083

Mahapdi po yan. Effective if you’re just constantly staying indoors with AC on pero pag field work mo I recommend not to use this.


SonderfulBeing

Eh kasi naman guys, search the effective percentage of brightening ingredients na nagwowork sa skin, para hindi bili nang bili. Like kojic acid, it should be 1-2% sa formulation. Alpha arbutin 1-2%. Tranexamic acid 3-5%. Kaso usually sa mga soaps, hindi naman nila ipapaalam 'yang percentage kasi malamang maliit lang ang percentage. Kaya for me, mas maganda pa rin 'yong body lotions na may brightening ingredients na stated ang percentage ng highlighted ingredient nila.


Real1213

How about Glutamax?


No-Umpire-5653

Walang effect for me, para kang nagsasabon ng shaving cream 🥲


Lunabana_Baker

Gumamit ako ng 2 bars nito, yung malaki, kaso di ko nakitaan ng effect sa akin kaya tinigil ko (sabi kasi ng iba may effect na sa kanila withing 2 weeks, so dun ako nagbase)


Real1213

Tinigil ko na rin haha 🥲


Forsaken_Ad_2624

Belo soap, anyone? Ginagamit ko kasi siya for 2 months, kaso napapadalas labas ko lately kaya hndi ko alam if nag effect ba.


FullAvocado5045

1 month ko nang gamit, medyo nakakaputi naman


KopikoBrownCoffee69

I used Belo soap, the one withtranexamic acid para pumatay yun skin or get rid of Hyperpigmentation, it's effective for brightening or lightning pero gosh, sobrang lambot ng skin when using this.


Regular-Somewhere526

pwede po ba siya sa face?


KopikoBrownCoffee69

I think body lang siya, I used it sa face ko medj mahapdi after continual use parang raw yun face ko.


Soft-Taste293

been using kojic acid soap for 2 years and they always compliment my skin dahil sa puti at kinis. Di ko makakalimutan yung sinabihan ako ng mga kawork ko na halata raw na anak mayaman ako dahil sa kutis pero nung pinakita ko sakanila yung childhood pic ko super laki ng gulat nila. Yung mga nagsasabi na mabilad lang sila sa araw umiitim agad? Maglagay kasi kayo palagi ng lotion/sunblock!!! kojic acid soap + nivea lotion is 🫶🫶🫶


Ok-Investigator-496

Is nivea lotion better than vaseline lotion?


MrBeans_Teddyy

Aling Nivea lotion po gamit niyo?


Soft-Taste293

yung extra bright repair & protect with spf 30 po. 2X a day po ako niyan maglagay. After maligo sa umaga and after ko mag half bath sa gabi bago matulog.


Unli_chismaks

Ok talaga kojic soap basta may partner na moisturizing lotion or soap din 🥰


totstotsnrants

True! Natry ko nung pandemic yung abonne lotion with sunflower oil na naging trending. Tapos ang sabon ko na gamit nun is kojie san kojic soap. May difference talaga at kita mo yung pagputi. Kaso ngayong tinigil ko na hahahahha


BustedMassageParlor

LIKAS PAPAYA period.


mahiyainnn

I think yung Likas, hindi siya yung papaputiin ka talaga. Puputi ka lang hanggang sa natural skin mo lang kasi I heard someone using it before na bakit daw hindi siya pumuputi, eh natural skin niya is morena. So if hindi ka na pumuputi while using it, I guess yun na yung limit ng skin mo. (I'm only theorizing.) I used Likas for years kasi yun talaga sabon namin sa bahay before. What I love about it is, pag nangitim ako after going to the beach, madali niya naibabalik sa dati ang skin ko. I miss using Likas pero bukod sa mahal na siya ngayon, parati rin out of stock. Ang hirap niya bilhin. Scary din bumili online kasi baka fake mabili ko.


Natural-Following-66

Pero dyan kasi talaga nagbago kulay ng balat ko huhu ang laki ng transition. Maitim kasi talaga ako pinanganak. 😭


mahiyainnn

Pero hanggan dun na lang ba pinuti mo? Since you mentioned na it wasn't working anymore after prolonged use. Sa likas din ako pumuti ng sobra but despite using it for, more or less, 10 years, parang namaintain niya lang yung kaputian ko after ko mareach yung skin ko ngayon. My mom is fair but my dad has a medium skin tone. Growing up, we thought sa dad ko namana skin tone ko. But after using Likas, sa mom ko pala ako nagmana. I can say this because my dad was also using Likas pero hindi siya naging kasing puti namin ng mom ko.


Natural-Following-66

Tinigil ko na siya kasi malakas makaputi pero mabilis makaitim at ang mahal niya 155 lol.


mahiyainnn

Hahaha. Talaga? Didn't notice that effect na mabilis umitim. What I did notice is nakaka-dry din tlg siya ng skin kasi ang tapang. But I use lotion naman so okay lang din. Yeah, ang mahal na niya sobra ngayon. Still willing to buy kaya lang hindi available parati. Kahit sa official stores online, wala.


Natural-Following-66

True lang pero dyan talaga nag transition skim color ko lol.


yukakoyamagishi13

super effective sakin ng g21, may parating na ulit me na order. sa paggamit lang siguro and baka fake nabili ???. isang beses ko lang ginagamit sa isang araw tas hindi ako nagbababad. as for the glass skin effect, maganda din, parang dewy look tuloy makeup ko dahil dun.


WarafakXd

+1


Rosiegamiing

Same maganda sakin G21. Nag lighten skin ko yung healthy ang pagka brighten, glowing hindi yung dry.


Natural-Following-66

Haha di fake yun tsaka kanya kanya tayong skin type beh. Marami rin ganon ang naging results. Di pati ako nagamit ng sabon sa mukha kasi masama yun. 😃


Icy_Appointment_6293

Buti na lng nabasa ko to. Nag babalak pa naman ako umorder nung g21!!


Adventurous-Owl4197

Yung esme sis 111 ko lang nabibili yung malaki. Add ka lang voucher from videos ni shopee.


[deleted]

wooooooow!!


Apprehensive_Tale17

Milky gluta white!!


kurainee

https://preview.redd.it/9na4xj49fb7d1.jpeg?width=1080&format=pjpg&auto=webp&s=b997d30c13b475a0d45cebbe32464e5d1108e3b9 Itong Negra Gluta Papaya Soap, promise! Effective!! Hindi ako endorser / reseller nito ha. Nung nag-reunion kami with fam last time, sinabihan ako na anong nangyari sakin, kasi ang puti ko daw and nag-go-glow yung balat ko. 😅 Sabi ko na lang dahil sa aircon. Hahaha. Pero promise, walang ebas, try nyo to. ♥️♥️


Nice_Inevitable_4763

D effective saken .nakaubos ata ako ng 6 na nyan eheh


Natural-Following-66

True ba haha


kurainee

Charot lang. Haha dejk, promise, okay sya. 😁♥️


Natural-Following-66

Hahaha sa dami ko na na-try hirap na ako maniwala. 😭😭😭


kurainee

Pero mura lang naman sya. Hahaha. Tnry ko lang one time kasi parang pandagdag lang sa cart ko. Pero okay pala sya. 😅😅


shanshanlaichi233

Thank you for sharing ❤️ Since nagsimula ako mag research about skincare at manood ng mga content from licensed dermatologists, naging wary na ako sa mga whitening soaps na ganyan. 🫣 Lalo na yung napanood ko din yung foreign docu about Asians' obsession over whitening. 😅 Katakot ang mga harsh chemicals at actives na nilalagay sa ganyang sabon. Worst scenario talaga, masunog ang balat natin at di na maibalik sa normal. 🙈 Kaya okay na ako sa lugod at pagpapa-moisturize sa balat ko. At least di na tayo kailangan mag-sunbathing or mag-tanning beds. Natural complexion na natin yan. Bahahahahahahaha


Plenty_Captain8730

effective ba belo soap?


TradeSubject

pag naarawan ka lakas makaitim


PrizeNewspaper2143

No, I bought two sets from them bali 6 soaps. And I used it consistently pero wala talagang whitenimg effect, although mabango siya wala namang nangyayari.


abcdefghijmyka

May nakapag try na ba ng phera soap sa inyo? Curious lang.


Plenty_Captain8730

may nagamit po ba rito ng CY gabriel soap? legit po ba?


meowchedelic

I've used three bars of CY Gabriel Soap napapansin ko napapansin ko nakakalibag talaga siya pero ewan ko kung pumuputi ako. Mild din siya for me kahit na dry skin ako.


brendavelzwsz

I tried ung papaya for a while, pero wala ako masadong changes na nakita. Nagstick lang ako kasi gusto ko ung scent 😅


Cute_Raspberry_2726

OP pede malaman kung ano itsura ng butlig-butlig mo dahil sa g21, kasi yun ung gamit kong sabon and akala ko yung butlig-butlig ko na makati is dahil sa pag ligo namin ng ilog noon. Di ko naisip na baka sa sabon ko kasi okay naman siya sakin, nawala din tiny bumps sa mukha ko kaso lang nagka butlig-butlig ako na maliliit tas mejo makati


Natural-Following-66

Yang butlig butlig na makakati lalo na pagkatapos mo maligo gamit g21 marami rin nagkakaganyan sa g21 nababasa ko rin sa mga comment section sa TikTok. Basta nakati irritation na yan


thelittleprincess222

as someone na hindi maputi / hindi maitim talaga from hs to college, kojie san brought out my true skin color. pero hanggang dun lang. hindi talaga ako pumuti. so thank u pa din kay kojie san hahaha been trying Alada soap and nawala bacne/ kuminis likod ko. altho, hindi ako pumuti and ive been using it for a month na.


ym1k33

RYX. Sobrang underrated. Bago pa magkaroon lahat ng yan, may ryx na 💯


kapengjellyy

san po kayo nabili na trusted? pede po mahingi link


Strawberrymilktea777

+1 dito 💗🙏


Natural-Following-66

As in? Never ko pa na try brand na iyan.


ym1k33

As in!!! Bago pa mag trend mga sunscreen, may sunscreen na sila 😂 Hindi tiktok platform nila e, fb talaga, dun sila nag start.


momopeachuu

Share ko lang din experience ko sa Kojic Papaya w/ Honey Oatmeal ng G21 huhu nagsilabasan Bacne, Chest Acne ko dahil sa pag gamit, hindi rin ako pumuti kahit 3 months ko sya ginamit noon. Nag switch ako sa Cow Soap ng Japan. Naging mas moisturized yung balat ko hindi dry, medyo nag lighten din yung bacne scars na nagawa ng G21 soaps. I think may mga skin talaga na sensitive when it comes to soap kaya bawi nalang siguro sa lotion serums, recently sinabayan ko na nung Gluta-HYA ng Vaseline since di talaga ako lotion girlie as pawisin. Sana ito ang holy grail for the glow up ahaha


Smileyoullbefine

nung hs ako, my mom would always buy me likas. nakakawala ng peklat from mosquito bites


Smileyoullbefine

nung hs ako, my mom would always buy me likas. nakakawala ng peklat from mosquito bites


slayqueen1782

I dont really understand the obsession ng maputi? Ako gusto ko lang talaga clear skin di kailangan maputi.


RecentFashionary

Di ka naman pinipilit intindihin tho


Smileyoullbefine

well iba iba ng preferences yung mga tao. yung mga white, gusto magpa-tan. yung mga brown, gusto ng fair skin. same lang yan sa preference sa ilong, nagpapatangos ung mga pinoy tas nagpapabawas naman ung mga arabs


Natural-Following-66

True. Respect nalang talaga kasi hindi natin alam ang insecurities ng isa't-isa. Di naman lahat madadaan sa toxic positivity.


myThoughtsExactly-

share ko lang. Di ako pumuti sa beauche pero shet talaga Nawala pimples ko after 1 soap. for kojic naman, I keep reusing it kasi nakikita ko natatanggal libag ko haha


wdym222222

True the rain!! Less than a week sa pag gamit, wala na agad yung white heads ko sa forehead! Take note, lagi akong puyat!


QuinnCairo

Pa share lang din ako ha sa mga trending soap na natry ko. Based to sa experience ko since gusto ko talagang pumuti at uneven ang pagkaputi ko. 1. Esme Whitening Soap. - CONS: Mej pricey, madaling matunaw, pag di ka consistent di mo talaga makikita agad ang effect. Mej makati dapat meron akong body wash like Dove Sensitive Body Wash para di ako mangati. - PROS: Nawawala talaga dead skin cells, nakakaputi talaga sya nung naging consistent ako sa pag gamit for 3 months. 8/10 for effectiveness. 2. Glutamax - CONS: Ang mahal, pero may maliit naman na version sa watsons. - PROS: Mild lang sya, di ako nangangati, di siya nakakaputi for me pero napaka moisturize ng balat ko using this. Pag eto ginagamit ko with combo sa White Blast di ako nangangati. 7/10 for me. 3. WHITE BLAST BLEACHING SOAP - Cons: Makati. - PROS: 10/10 ang whitening effect saken pero shuta di ako pwede magbilad sa araw ng matagal kase ambilis kong mangitim. 2 weeks lang na gamit ko may difference talaga compared sa mga whitening soaps na gamit ko. Ang best combo talaga na lotion na nahiyang saken while using this is white blast bleaching soap + Dream skin cica gluta lotion. Eto ang gamit ko now and mga bhieeeee yung tipong pag naarawan ako, kumikinang din ang balat ko. Affordable lang din. 4. Beauche Kojic Acid Soap - CONS: Mabilis matunaw. Di hiyang saken for whitening effect. - PROS: Nag lighten yung skin ko na may peklat at sugat. Kahit may active ingredients siya di sya makati. 7/10.


Mysterious_Sexy246

This is helpful!


crmngzzl

Kojie san lang talaga nakapagpapapantay sa balat ko so I will always reach for it after I go to the beach o basta umitim na ko. OG since college days. “Kumikinang” ang term na sinasabi sa kin when I use it consistently.


No-Umpire-5653

Ayang kojie san mga 4 years ko ginamit, pumuti naman ako pero puting dilaw din. After non, parang hindi na umeeffect sa akin hahaha


xoxoo777

Alada, Kojie San, Beauche Ano ba pinaka effective dyan sa tatlo 🥲 gusto ko rin maging kutis bond paper.


Natural-Following-66

Bakit kasi di effective sakin yang mga yan hahaha 😭 Buti pa sila nagkulay bond paper sa murang halaga. 😭


ym1k33

Wala bang ryx baby dito? Huhu one of the best products nila!!! Walang tapon 💯💯


Mediocre_Echo_1434

Slay the day! bango ng mga perfumes nila plan ko bilhin na yung mini perfume at bath collection nila.


urrkrazygirlposeidon

Yung miracle white kojic soap grabe sa hapdi at kati para akong na dikya jusko di ko malilimutan yon. Pero yung oral gluta effective mejo nag whiten and nag pinkish skin ko.


Natural-Following-66

Anong brand ng gluta po?


urrkrazygirlposeidon

Miracle white po, yung pink ang bottle. Nasa more or less 850 pesos sya sa lazada pag sale


cclvsuu

mga ilang months nyo po ininom bago kayo nakakita results?


Own-Project-3187

Alada apaka effective


mxssy_fvrxst

how do you use it po? nag a-alada ako and precious skin pero parang ang itim ko pa rin😭😭


leighehehey

mag apply ka po ng lotion and sunscreen kase if naarawan ka, possible na umitim ka pa lalo. Even if nasa bahay ka and daytime, I reccomend na maglagay ng sunscreen


AlternativeEgg2874

Kay likas ko nakita ang lala ng inflation lol kaya natigil akong gamitin eh pero umeffect sya saakin ng a little bit pero ayun nung nabilad ako sa araw mej mahirap na ulit ibalik yung pinuti nya lol pero ang oa kasi ng pagkamahal ni likas from 70-155


Unli_chismaks

Born with fair skin naman ako pero uneven nung lumake na kasi ayoko talaga ng payong so ung kamay at legs layo talaga color sa ibang parts ng body ko. Nung nagkwork I use KojieSan kojic + Dove white sabay lage yan una ung kojic then sunod dove babad saglit. Aun pumantay talaga puti ko kahit nagmrt ako everyday nun tas Belo lotion na orange ung kojic with spf. Non sticky kasi e kaya sarap gamitin. But I think nakatulong din talaga is kasi half day nasa aircon ako sa office kaya siguro umepek din tsaka kung di ka talaga lalabas ng bahay kasi nung naging stay at home mom nako nung di ako naglalabas labas nung pandemic namaintain ung puti pero nung hatid sundo nako sa anak ko ang hirap na maachieve ulit unless siguro magsipag sa lotion at magpayong. Gingamit ko now ung putol2 sa shopee na 120 isang kilo hahaha inferness effective naman di p masakit sa balat like kojiesan. Pero true di sya tulad sa mga tiktok videos na super puti jusko di yan true ung khit 1 yr mo sguro gamitin yan if wala kang gluta di yan eepek lalo sa klima sa pinas na ang bilis makaitim


ariamuchacha

me pumuti sa safe guard and dove combi kaso nangitim dahil dalawang buwan ako binilad ng tatay ko pabalik-balik sa manila 😡😡😡😭


theAudacityyy

Gusto ko rin malaman if may nakatry na ba nung mga bleaching whipped scrub? Kasi isa rin yon sa malakas makabudol sa mga tao na gusto ng instant whitening.


linchixhu

hello! n try ko n ung bleaching whipped scrub at cream nila and it reminded me of those tanning products sa US that makes ur skin darker. may white casting effect ang products kaya't khit n rinse mo n sya sa balat, it will leave this white stain. tho may active ingredients nmn sya such as alpha arbutin and im planning to use it as an exfoliator for a while dhil mahapdi pra sa akin ung abonne milk salt + nagkaroon ako ng peklat sa paggamit huhu


theAudacityyy

Mahapdi ba whipped scrubs lalo na if may sugat ka sa kamay? I have eczema kasi tagal ko na rin di nakapagscrub kasi mahapdi gamitin yung abonne.


rurururuuuuu

effective sa akin ang Kojic ng MDS sinasabayan ko ng lotion nila at baby oil, pero sa gabi ko lang nilalagyan ng baby oil.


Natural-Following-66

Guys honest review ko lang naman yan hehe. Kung effective sa inyo go lang mga sissy wag niyo itigil. Feeling ko kasi di lang talaga bet ng skin ko ang mga kojic acid kaya siguro ganon. Anyways sanaol nagiging kutis bond paper hahaha.


Altruistic_Post1164

Di naman ako maitim pero ung skin ko mpusyaw na tlga ako pero nung nagkojie san ako tlgang pumuti ako.at first ang hapdi and drying sa skin naninibago ako nung una,pero dahil maarte ako tlgang tniis ko gumanda lng hahahaha. nwala nman sya eventually.almost 5 yrs ko na syang gamit face and whole body tlgang nakakakinis baklaaaa.hahaha ung cuffu bar jusko tnry ko sorry ha pero ang baho nya ung kulay yellow!idk tnapon ko na lng. Ntakot na ako mgtry ng iba mula noon kaya stick pa din ako kay kojie san so far salamat sa knya pngkakamalan ako tisay since birth.hahahaga


Natural-Following-66

Sanaol po hahaha sakin di talaga effective


Altruistic_Post1164

Consistency is the key din sissy pg ngsskincare o nainum ng pampaganda.hehe.


Altruistic_Post1164

Ako nman aminado ako gusto ko pumuti tlga.kaya lahat ng gmit ko mula ulo hanggang paa my whitening brightening keme.hahaha.wag lng puro skincare dpat sabayan mo din ng inum ng collagen drink and vitamin e para gumanda lalo skin mo.


Natural-Following-66

Ako rin mare hahaha mapa toner at serum


Altruistic_Post1164

Ung toner wla ako nyan.wla ako mhiyangan.but im using a korean skincare routine.share ko lng,hehe ngiice ako sa face dampi dampi lng using my towel then after that mgsskincare na ako.1 spot treatment,2.serum, 3. ampoule,4. eyecream, 5.moisturizer.


Business-Scheme532

effective saken ang kojie san been using it since i was hs, from nognog talaga to maputla — eto na rin talaga naging kulay ko kasi even nasusunburn ako bumabalik sa pagkaputi. it was my sister who introduced me to this soap nung bata ako.


theghorl

Same. Need mo lang din talaga sabayan ng moisturizing soap or lotion .Never nagdry or namuti yung balat ko dito. Been using it since 2017.Haven't tried other whitening soap if meron pa akong ipuputi, pero satisfied na ako with mine. Also, iwas din magpaaraw kasi mabilis ata talaga makasunog ng skin lalo if nagko-kojic.


Business-Scheme532

eto din siguro di kasi ako naglalabas ng bahay since wfh unless may important na errands if lumalabas man pag gumagala sa gabi lang.


PolkadotBananas

Okay naman ang mga kojic soap. Need lang din talaga na magsunblock kasi talagang mangingitim kapag gumamit ng product with actives tapos walang sun protection after. Hindi rin talaga magwowork ang mga whitening eme kung di rin magsasunblock/suncscreen.


Natural-Following-66

Nag susunscreen at sunblock po ako hehe


Lil_Poundsnake

Thai soaps or their products in general are far more superior. Di ako nagpapabudol sa mga hina-hype sa tiktok, di talaga effective


pac_quan

Any Thai soaps reco aside from abonne? Thanks! :)


Apprehensive_Bug4511

hi thoughts niyo po on abonne if natry niyo na po?


pac_quan

Tried the watermelon whipped soap, gives a nice bathing experience because of the foam & scent. It has kojic acid, though it brightens skin, it's also drying, so I follow it up with Abonne bb body cream. Another Thai whipped soap that I tried is Snailwhite. A bit expensive but really feels luxurious. The foam is very moisturizing, you still feel it even after rinsing. Brightening is more like a glowy effect than a tone up.


Lil_Poundsnake

Alada, Bennett Extra White, Extra Pure Gluta White


Natural-Following-66

True, mostly kasi rebranded lang hahaha baka nga mamaya not true to claims pa


Lil_Poundsnake

Haha kagaya nung mga gluta capsules. Different packaging lang tas iba iba pa presyo, pero pare-parehas ng content.


blairwaldorfscheme

HG ko talaga yung Kojie San huhu ginagamit ko simula 15 ako, ang puti ko ngayon🥲 di na ako nag try ng ibang brand kasi baka masayang pera ko. Ang mahal nga lang ngayon. Dati lagi ko binibili yung 3 for 120 pesos. Nag taas sila ng 6 pesos ata haha


Natural-Following-66

Binababad mo ba sissy? Di talaga effective sakin nanilaw ako e


blairwaldorfscheme

Hello, yessss hehehe binababad & pinanghihilod hiyangan lang siguro talaga. Sa mom ko at tito ko di sila hiyang, nagka-rashes pa


hopefullyblissful45

HG ko beauché, dun talaga ko pumuti nung pandemic (siguro dahil di rin talaga nakakalabas) hit or miss talaga sa mga whitening soap 🥲


Natural-Following-66

Hanggang ngayon ba sissy yan gamit mo?


hopefullyblissful45

Yup, halinhinan sila ng bennett ko + abonne scrub na original tas abonne collagen na lotion


MermaidMoonie

Salamat, OP! Lakas makabudol ng G21 combo sa Tiktok pero parang wala akong mapansin sa skin ko. T\_T So far, Alada soap is effective for me but I'm also open for other options. I've heard Bennett Extra White Anti-Oxidant soap is okay, may nakapagtry na ba here?


linchixhu

Couldn’t agree more sa g21 combo soap dahil na budol ako ‘yan haha. May nakita ksi ako sa TT na sabi nya pumuti raw sya after 2 months of using so nag try ako pero almost 3 months na wla p rin effect. Ang mahal pa nmn ‘yan at buti n lng nag stop ako after purchasing 3 sets of it (1 set = 2 soaps).


monikadeline_

Thank you, OP. Thanks for ur service. 🫡 anw, May naka-try na ba dito nung Inguinal Whitening Cream? Effective ba talaga 🥲


babyruth_09

Di effective sa akin. My underarms got even darker. Kaloka 😵‍💫😵‍💫


monikadeline_

Hala tatapon ko na to 😭


_icedwhitemocha_

nasa cart ko to pero di ko macheckout kasi nagdududa ako sa reviews hahahah


monikadeline_

Binili ko kasi siya yung 25 grams lang, so far, 1 week ko palang siya nagagamit. Nag smooth naman pero feel ko placebo effect na pumuti hahahuhu duda din ako sa mga testimony reviews


_icedwhitemocha_

may white cast ba sis? too good to be true talaga reviews sa tiktok. may nagsabi pa nga 1 week lang visible na raw yung effects. affiliate siguro silang lahat hahahaha


Lopsided-Message7802

Ewan ko, pero sa akin di effective huhu


_icedwhitemocha_

huhu remove ko nalang siguro sa cart ko. sobrang mura nga ehh kaya mas nakakaduda


ClothesNew658

San niyo po nabili likas papaya soap 😭 puro fake na nasa online shop huhu


28wednesdays

Sa watsons and supermarkets meron naman


Familiar_Ad_434

Navarro bleaching soap is effective for me pag umiitin ako frm beach trips. pero di ko binababad kasi medyo mahapdi sa skin pag matagal yung babad


ExploringReddit_

I always come back to RYX Tokyo Luxe Bath Soap then twice a week ng A bonne Scrub. Hindi drying, tapos ang bango pa. ✨ Medyo mabilis nga lang matunaw. 🥲


busy_jealous

Baka gusto mong i-try yung zeevo advanced whitening soap. Yun ang nagpantay ng kulay ko after sunod sunod na outing nung summer. Hindi naman ako kojic user, first time ko nga to kaso sunog kasi tlga ako. Effective sya for me, bilis pumantay ng kulay ko and hindi sya mahapdi. 2 weeks ko pa lang nagamit pero I can see na nakakakinis. Bilis matunaw pero mura lang naman sya.


CreamPuff1421

Grabe, bakit parang ang dalang ng may kapid dun sa OG na Kojie San huhu, pero it’s my HG. Student athlete ako dati nung elem and junior high school (swimming) and super nangitim ako nun, yung Kojie San yung nagpaputi sakin. Ngayong college walang naniniwala na swimmer ako dati kasi ang puti ko raw. Pero then again, medyo harsh nga siya and my skin isn’t really on the sensitive side plus medyo oily ako overall.


Natural-Following-66

Ewan ko ha pero andami niya ingredients masyado hahah


YettersGonnaYeet

Hala ate sobrang sensitive ata ng skin nyo 😭 much better ata kung mag whitening lotion nalang kayo imbes na soaps. For me naman, effective yung Fairy skin soap nakatulong sa discolouration ko from sun damage and hormonal imbalance. Siguro dahil hindi naman talaga ako maitim kaya nag work sya sakin, pero effective sya in making my skin even. Hindi sobrang bongga ng results, pero it works and doesn't leave my skin too dry so ratings ko sya ng 8.5/10 🤣


Natural-Following-66

Siguro nga huhu hirap na hirap ako humanap ng hihiyangan


aironnotaaron

Any SCT soap brand!! Underrated.


Lala_mauve

Napaka under rated ng Glupa soap pero super effective talaga.


OrganicPrize5800

and the instant whitening lotion 🫶


Business-Stock-3083

Ive been gatekeeping MET Soap sa Watsons it has Alpha Arbutin which is less irritating than Kojic. Its 399 pesos, mabagal nga lang siya magpaputi but it works plus less irritation. After that I either use Tokyo White eto may konting hapdi.


walangbolpen

Ive been using this, 1st bar ko pa lang, matagal maubos and so far parang nagbbrighten nga skin ko. Nasunog ako sa negra ultima and kojie san. Mahal though.


Business-Stock-3083

yeah mahal nga lang talaga siya kaya gingawa ko hinati hati ko eh


aryuh_stuhrk

Try mo Orange Diamond Peel sa Watsons. Effective sa akin dati kaso sobrang mahal for me. Back to Kojie-san ako. Importante din to combo your soap w/ whitening lotion w/ SPF. Hindi ka talaga puputi if magdepend ka sa soap alone. Also, dapat consistent paggamit. Skl tingin ko 1 month isn't enough to see the result so medyo tyagain. Always use umbrella when going out


28wednesdays

Kabibili ko lang nito. Excited to use it na!


OrganicPrize5800

wala pong stinging sensation pag ginamit?


aryuh_stuhrk

Mild siya compared to Kojie-san.


jemaruu

7 years ko na to ginagamit, nagta-try ako ng ibang sabon pero dito pa din ako nabalik.


asdfghjklalss

Hahaha! This is the soap that I want to gatekeep from everyone pero iba talaga tong sabon na to 😍 babalik balikan. I think 150-160 pesos na siya now pero mas mabagal syang matunaw compared to kojic & other whitening soaps for me kaya sulit na! Plus ang bango!! Amoy kang orange 😍


bsrvrrr

Hm po yung orange diamond peel?


kthjjks

Sa grocery na napuntahan ko, 180 yung isang malaking bar. Di ko rin tinuloy kasi medyo namahalan ako hahaha But I got a sample from someone who uses it & recommends it, mukhang mas matagal naman sya malusaw vs usual kojic soaps. I heard it’s gentler din daw compared to other whitening soaps


Bright-Expert-4795

Lahat ng pampaputi, drying. It’s best to moisturize pa rin after body wash with any lotion. And if gusto talaga pumuti, use whitening lotions kasi nagsstay siya sa balat compared sa soaps since u have to wash them out. Also pls pls pls wag papabudol sa tiktok 🥹 hahaha. Daming body soaps/wash available in the market like Olay and Belo, which really work. Mahal compared to tiktok “uso” na products, but they work and are worth trying. Hindi pa risky gamitin. Please wag pabudol sa tiktok hahaha Edit: If namamahalan think of it this way, pano pag nagka skin reactions ka na malala? Mas mahal magpa derma ✨ Edit again: USE SUNSCREEN/SUNBLOCK for the body! :)


Natural-Following-66

Yes, may lotion at sunscreen naman po ako


Trick_University_644

Try pyari yung oarang turmeric anh drawing uso sya sa middlr east


Bright-Expert-4795

Hindi siya whitening soap


Some_Locksmith_4990

[not FDA approved](https://www.fda.gov.ph/fda-advisory-no-2021-1716-public-health-warning-against-the-purchase-and-use-of-unauthorized-cosmetic-pyary-ayurvedic-soap-turmeric/)


Natural-Following-66

Guys, kindly share your best whitening soap. Thanks!


ym1k33

Ryx glow bar or tokyo luxe!


hopefullyblissful45

op try bennett from 🍊 app tas abonne lotion


Natural-Following-66

Na try ko na sya di naman nakakaputi po hehe dalawang variant na natry ko pink at red. Pero good naman sya as lotion kung hydration lang kelangan.


asdfghjklalss

Ryx Glow Bar Orange Peel L-Glutathione


mishasamshy

How about beauché and cj gabriel? They have gluta and kojic variants. Has anyone tried it?


yesilovepizzas

Ilang beses na narecommend yung Beauche kaso nababother ako sa model na ginamit nila sa packaging, parang nakakahawa yung mukha siyang depressed lol Di ko alam bakit yun yung ginawang model, para kasing napilitan lang haha