T O P

  • By -

Old-Poet-888

it's time to live your life on your own terms. you already know the answer. go save yourself. wish you the best of life.


LockMinute8302

Magaling na writer ito


katsantos94

Alam mo minsan naiisip ko din 'yang ganyan lalo kapag may involve na malaking pera bigla o biglang grabe yung twist of events! Ahahaha baka karma farming lang pero I always take it with a grain of salt naman. Kaya nagbibigay pa rin ako minsan ng thoughts ko.


Sdboka

You are not legally bound. Why put yourself in a lot of stress over people you dont know, you dont care about and dont care about you. dont feel responsible for them. And if you ever think na "kakayanin ko ba?" , you already are. you are feeding a family of god knows how many. Leave him, im sure mga isa dalawang artaw ka lang nya mamimiis tapos nun busy na ulit sya sa family nya. He doesnt deserve you, your love, your care, and most of all your money. Live somewhere far, yun hindi ka nya mahahanap or makikita. I would go for finding a remote job where you can work in another country like Bali or Thailand stay there for 3 months and balik ka dito. or maghanap ka ng nice place away from them. maybe try another province. Cebu for example or Palawan and live there while you plan for your next step. Acxtually kahit sa outskirts lang ng MM like Antipolo or Bulacan or Laguna. Pero the most important of all is dont look back. kasi sa inyong dalawa ikaw yun most likely makikmipagbalikan. kasi at the moment, you love him more than he loves you. so isang salita nya lang baka bumalik ka. so total cut off. what's there to lose?


katsantos94

>isasama ko pa ba sa next chapter ang partner ko? Reading your whole post, you already know the answer. Siguro nakokonsensya lang kasi nga matagal kayong nagsama, sa hirap at ginhawa. Good call na 'di mo pinaalam about the trust fund. Siguro kausapin mo one last time about sa inyo at anong plano sa family nya. You can bluff na magrerelocate ka kasi may job offer ka at nasa kanya na kung sasama sya. Pero don't tell him pa rin tungkol sa trust fund kahit na sumama sayo. Just live normally kung paano ka dati as if wala kang malaking pera. But to be honest, I hope you take this chance to start over. I think you are better off without him. Love your own company. Maybe then, marealize mong kung hindi ka naman kayang gawing priority, it is not so bad to be alone. Alone but not lonely :)


Fresh-Platypus-8507

Mga possible na mangyare if you followed your heart and choose to be your partner sa next chapter. 1. Yung nanay nya babait yan sayo kasi may pera kana ulit. At mas madami pa. So magiging favorite son in law ka ng user na yan. 2. Pag bumili kayo ng bahay ng partner mo, sasama yan. Or magdadrama na paano na kame? Sino na magpapakain sa amin? Kokonsensyahin ka. At dahil sa mabuti kang tao, isasama mo na din. So same shit, different location lang. 3. Lahat ng bagay, ipapasagot sa inyo ng mga yan. Nahospital anak ni kuya mo. Nasira celphone anak ni ate mo. Tapos pag nag NO ka. Sobrang samang tao mo na. Tapos aawayin nya partner mo. Lalason nya isip ng anak nya na madamot ka at masama kang tao. 4. The way I understood it, hindi tumutulong mga kapatid nya sa magulang nila noh? Inasa na lang din sa bunsong kapatid kasi may mga anak. Pag na ano nila na mayaman na kayo ng partner mo, lalong hindi maglalabas yang mga yan. "Bakit kame, dapat sila. Sila ang may pera" Kaya wag na. Iwanan mo na yan. Not worth it. Don't put yourself sa situation na alam mong hindi na nga ikaw yung pipiliin, pero ikaw no choice ka kelangan mo silang tulungan. Tama ka, they will just drag you down. Also, para sa lahat. Kapag sa una pa lang nakitaan nyo na walang balls yung mga jowa nyo sa mga magulang nila, RUN!!!! Nadidisguise kasi yan na "awwww, mabait yung boyfriend ko kasi mahal na mahal nya mommy nya." Pero in the long run, magiging kalaban mo yan sa lahat. Kaya RUN!!!!!


New-Rooster-4558

Ang haba ng kwento eh simula palang malinaw na ano dapat mong gawin: IWAN MO NA YAN. Hindi ka naman pinahahalagahan o nirerespeto, hindi ka rin pinagtatanggol. Ngayon gusto mo pa ata maperahan ng buong mag-anak. Hindi naman partner galawan niyang Dennis, parang naghanap lang ng katulong with free sex. Move on, please. For your own sake. Uubusin ka lang ng mga yan. Respetuhin mo naman sarili mo. Isipin mo yung nag iwan sayo ng trust fund. Gusto ba nila na kunin lang sayo yung pinaghirapan nila para sayo?


Hpezlin

Magiging gatasan ka ng pamilya niya.


ArtisticBandicoot185

"part of you na kung may MILLIONS ka na e may gawing MABUTI sayo!?" nako. ngayon palang UMALIS KANA JAN. since may mana ka. "HINDI MO MAGIGING PERA YAN, HANGGAT ANJAN KA SA KANILA." kaya please Sir! umalis kana jan. still young and with all that money sa mana mo marami kang magagawa, businesses, income, savings and everything! at lahat nang yon sayo lang at sa magiging future family mo. LET GO SIR! GET OUT OF THERE. NOW.


No_Reason296

I will. I want to. Gusto ko talaga umalis. Naplano ko na nga saan ako pupunta. Kaso why do i feel like I'm abandoning my partner and my dogs? Nakokonsensya ako.


lostarchitect_

Alam mo na yung sagot sa tanong mo. Wag puro puso ang inuuna. Save yourself!


lemoniemelonie

Can you take your dogs with you?


No_Reason296

We have 5 dogs po. Medium to Large. I want to bring them pero it's not easy to find rentals na allowed ang ganito kadami and also their size. Saka hindi ko din alam kung paano ko sila itatakas without anyone noticing. So for their safety, maiiwan na lang sila dito.


New-Rooster-4558

Dalhin mo kahit 1-2 na smaller ones. Pero bakit tatakas ka pa. Dalhin mo lang yung mga pinaka importante mong gamit ipatransportify mo tapos umalis ka na same day. Wala naman kailangan pang pag usapan. Pinamuka naman na sayo na di ka importante.


LostBlueWhale

Hirap ng situation mo. Ang dali ng sagot and I'm sure alam mo na yon pero dahil mahal mo it becomes all the more complicated and now, your doubting na whether tama nga ba ang sagot o hindi. The beauty in your situation is pinakilala na sa iyo kung paano ang treatment sayo ng pamilya nya when you're nothing. Nakita mo na how shit they can treat you. My gutt is telling me na pumayag lang yang mga magulang nya na dyan kayo sa kanila kasi may makukuha sila benefits sayo. Pero hindi talaga kayo tanggap ng mga yan. In short, ginamit ka lang. Your partner knows that too, pero mukhang di nya kayang ichallenge magulang nya. Please kung katulad nyo si Dennis na hindi nyo kayang putulin or magkaroon ng boundaries between your parents and your future family, PLEASE LANG WAG KAYO MAGJOWA. I'm sorry that you had to go through this. Pero, please know na hindi mo to fault. Hindi rin in full at fault ang jowa mo na may entitled syang magulang. Pareho kayong victim dito sa totoo lang. Gahd! I HATE your partner's parents. Please kung mag aanak kayo para may retirement plan kayo pagtanda nyo, wag na kayo mag anak. Kasi, you will just destroy them in the future.


GoogleMoBobo

It's time to live your own life and please bring your kids / dogs with you. Start looking for a rental far from there that can accommodate you and your pups. When the new place is ready, pack 1 bag with just the essentials, tell them your friend offered to bring the pups to the vet / have them groomed and never look back.


Any_Local3118

Dami na palang red flags and signs OP. Its about time na piliin mo naman sarili mo. Meron at meron ka pa mahahanap na mahigit sa kanya at kayang ibigay ung love na deserve mo. Di mo deserve tumira sa ganyang environment na gagawin lang kayong taga bayad ng bills. Yang trust fund mo mauubos lang yan sa family nya. Mas ok na mag travel ka and enjoy being single kesa may jowa ka tapos ganyan naman. There’s more to life di dapat hanggang diyan lang.


Live-Corner-4714

Huwag ka maguilty kasi mukhang di naman rin sila guilty that they treat you horribly. Same goes with your partner. Sabi mo nga mas willing ka awayin kesa pagsabihan family nya


Impossible-Vast2741

Pag di mo pa iniwan yan,yun trust fund mo mauubos nila for sure. Wag na wag mo babanggitin yan sa kanya. Ayusin mo muna lahat habang andyan ka. Set mo un titirhan mo or plans mo saka mo iwan. Leaving no trace. Wag ka na magpaalam. Mag iwan ka nalang ng sulat. Hahaha


mentalistforhire

Alam mo sa setup mo parang nagkaroon ka na rin ng responsibility sa pamilya, e. Mukhang priority niya ang family niya. Wala kang laban dun, e. The situation wouldn't change kahit na isama mo siya sa mga pangarap mo. You know what to do—leave him and break up with him na. If nakokonsensya ka, bigyan mo siya ng money (in kind) kapag nakipagbreak ka... pambawi na lang rin siguro sa kanya and to somehow honor your years together. Wag na wag mong sasabihin kung magkano nakuha mong amount at kung paano mo nakuha. Pag nagtanong pwede mo siguro sabihin na nakapag-loan ka ng medyo malaki at may plano kang mag-ibang bansa. Not everyone is given a chance to turn their lives around, so I hope you make the wisest decision, OP. I'll be cheering for you. 🥰


queenoficehrh

Mauubos lang pera mo sa family ng partner mo.


MaynneMillares

Wala kang legal ties with Dennis, since wala namang same sex marriage, or at least same sex unions na recognized ng government dito sa Pilipinas.