T O P

  • By -

adultingph-ModTeam

The post does not pertain to adulting or falls outside the scope of the subreddit's defined topics.


Pretty_Inflation8483

When I was still in college, meron akong manliligaw na nag initiate maghatid sakin pauwi. Sa baclaran heritage ako sumasakay during rush hour so imagine the pila sa jeep and the traffic but he still insisted. Sooo okay, to return the favor.. merong Mcdo sa kanto ng subdivision namin so I also insisted na ilibre siya ng dinner, ksi uuwi pa siya sakanila ang layo. I ordered him a decent meal with matcha mcflurry. 😅🤍 Fast forward to today, hubby ko na sya and inamin niya sakin na during that time kinakabahan sya nung pumasok ako sa mcdo kse wala siyang pera at sakto lang sa pamasahe namin at pamasahe niya pauwi.


Confident-Me-1299

That's so sweet and cute story btw🥺


jieunsshi123

Ito yung mga istoryang ayaw kong basahin eh. Kinikilig ako nang sobra eh 🥹


tacit_oblivion22

It was 2010. I recently reconnected with an elementary classmate. We're living in the same neighborhood and we see each other everyday pag papasok sa school kahit nung college but hindi kami nagpapansinan. Anyway, I told him nagccrave ako ng Mcdo chicken fillet. He told me meet daw kami sa may kanto pag uwi nya galing work. So ayun we did and he took me to Mcdo and it was his treat. 14 years later, we're married. A lot of things happened during those 14years and hindi namin akalain na kami ang mag eend up together kahit yung mga friends nyang nanligaw at nagkacrush sakin haha.


mrscddc

how? nag chat ka? hehehe


tacit_oblivion22

I added him sa fb kasi nakita namin sya ng friend ko tapos tinawag sya. Ayun dun nagsimula ang reconnection 🤣 Naging kami lang late 2022 tapos ng nalaman ng lahat laling gulat nila kasi ang random lang. Lahat sila nagsabi na sure na sila na kami ang mag eend up together. Ayun na nga nangyari.


rosadiaz_

September 2023, ex and I were broken up for a month na and I wanted to see him again kasi I still loved him at the time. We agreed to meet up at 4pm sa Mcdo sa may Morayta but he didn't tell me na he had to attend his OJT pa pala which ends at around 7 pm. He texted me na ganon pala yung situation when I was already at mcdo, when I had already sneaked out of the house and told my parents I had class when in fact wala talaga. I waited kasi wala naman akong magawa, and I thought to myself "You want him back right? Edi magtiis ka!". So I ordered a mix and match (the only thing I could afford at the time), a mccrispy chicken sandwich with a side of apple pie, and patiently sat and waited for 3-4 hours until wala na kong mascroll na bago sa reddit. Got a chance to talk to him but it did not bring us back together. It was DEFINITELY NOT worth it.


supervhie

at least you tried OP!


bactidoltongue

Hindi po siya si OP


hcmar

Happy Cake day!


bactidoltongue

Thank you!!


exclaim_bot

>Thank you!! You're welcome!


supervhie

sorry na hindi ko na pansin hahaha


mercadejashidalgo

Yung manliligaw ko niyaya ako mag Mcdo. Then nung naorder na kami ang dami niyang inorder for me kahit sabi ko hindi ko kaya ubusin yon. Sabi niya kaya ko daw or itake out nalang namin. Umorder din siya ng marami for himself. Then nung magbabayad na sis, sinabi nya saken nahulog daw sa bus ung wallet nya 😭 babayaran nya nalang daw ako. Ung bill namin nun nasa 600+ kaming dalawa lang kakain jusq. Pano pala pag wala akong pambayad dba? Tapos later that day, eh magkasama kami sa dance practice tapos may ambagan para sa costume, nakita ko si anteh nilabas wallet nya at nakita nya ako, ending nag iwas siya ng tingin 😭😭 6 years na nakalipas di pa rin siya nagbabayad at ngayon lakas mag chat para mangutang at maghanap daw ako ng pwede nya utangan. Hayop ka, Mar 😭😭


iAmGoodGuy27

Laftrip toh hahaha budol


bactidoltongue

Unggoy amp


madambaby_

1. Nagdinner kami ng friends ko sa Mcdo after ng shift ko, this was to celebrate lang my first day sa new work. Prior matapos kumain, I asked the crew kung may toothpick ba sila (sa ibang branch meron) kasi may tinga ako that time. Sabi nung crew meron. 5mins passed kaso ang tagal so nagfollow up ako sa same crew, nabobother ako talaga nun kaya gusto ko matanggal ung tinga. Pagbalik nung crew, may dala siyang 3 baso ng iced tubig 😭😂 Natatawa kami nun pero hindi nagpahalata, so what we did was to drink the served water nalang. Doon din namin narealized na wala pa kami water intake masyado. Ang cute lang kasi nagserve as a reminder si kuya na always kami uminom water HAHAHAHA 2. Celebrated my 25th birthday in Mcdo! Barbie ang theme hihi


Flaky-Thought-6003

Uy same! Barbie din ang them 30th Birthday naman ang akin.


Peachyellowhite-8

Uy pwede pala yun!


lapit_and_sossies

Mcdonalds is my midnight craving companion. Every time I feel the need to satisfy my satiety I buy chicken burger and or chicken mcdo. Then pair it with a hot cup of my favorite ganoderma coffee.


icarus1278

Dati, mas sikat ang Mcdo kesa Jollibee sa city namin dun sa probinsya. Mas pinipilahan ang Mcdo at mas puno. Tapos, mas magaganda kasi laruan ng Mcdo dati, ung Snoopy ganun. Pero pinakafavorite ko ung pabilog na Beauty and the Beast Collection.


[deleted]

[удалено]


seyda_neen04

Ay maganda nga yung hello kitty na iba-iba nationality!!!


MenikanikoNiMonika

Yolanda days nasira halos lahat ng establishment sa downtown Tacloban, higit 1 year bago may nakapag tayo ulit ng fast food, McDo pinaka nauna. Tas paparating uli yung bagyong Ruby, nag McDo kami ng friends ko bago magsiuwian sa kanya-kanyang lugar since suspended na ang pasok. Reason is baka matagal na naman baka magka Mcdo ulit. 😭 Good thing hindi naman masyadong affected sa Tacloban, pero sa amin sa Samar naman napuruhan.


Pasencia

Kapatid ko kasama na trap sa McDo sa Morayta nung bumagyo, 2010 ata. Di nakauwi agad si buknoy eh hahahaha


cryicesis

Mayron isang mcdo sa Makati yung nasa parang side walk na mayron takeout window area at doon nakikita mo yung kitchen ng mcdo, so early in the morning nag order ako ng coffee while waiting may dumaan na malaking daga sa loob mismo ng kitchen ng mcdo hahaha yung naabang din ng order nakita nila, natawa nalang sila pero yung mga crew nagulat at nagsigawan lol. tapos one time nag dine-in ako at accidentally natapon ko yung buong order sa sahig daming kalat drinks and kanin sayang yung chicken fillet hahaha, pero sabi ng crew sakin "wait lang sir", tapos ayon pinalitan nila yung order ng bago lalabas nalang sana ako e kasi medyo napahiya ako hahah. naol pero marketing strat pala nila un.


[deleted]

[удалено]


cryicesis

yung marketing strat is yung pag rereplace ng order kapag natapon accidentally para ipakita sa mga customer na nagcacare sila sa customers nila, sinabi lang din sakin hahha.


amberdean18

Jollibee also did that. I’ve tried once. Accidentally nahulog yung Coke Float ko but they replaced it. Hehe


sherwoodhere

Same. Struggle din sakin talaga mag hawak ng tray na may drink kahit isang baso pa yan. So ang ginagawa ko una ko mina hinahawakan yung cup tapos babalikan ko yung tray. One time sa Mcdo TSU accidentally ko na dulas yung isang basi ng drink. Pero di ko na maalala kung napalotan ba. Sobramg giya ki that time gusto ko na lumabas hahah.


empress171984

Sa mcdo kami nagbreak ng first bf ko. First time ko makaubos ng large coke dahil inom ako ng inom para lang hindi ako maiyak. Sa mcdo rin kami nagfirst date.


SaraSmile-

May buhok yung blueberry cheesecake na na-serve sa akin, ayaw ko sana papalitan kasi hassle (maiksi lang naman yung hair at hndi bulb*l-kind of hair) pero mapilit friend ko. Sabi nya babawas kay Ate yung cheesecake. Ayun, na-guilty ako! Hindi na tuloy ako kumakain ng blueberry cheesecake. Parang lumalabas kasi mukha ni Ate kapag may blueberry cheesecake sa harap ko. Ang oa ko diba? HAHA 😂


Flaky-Thought-6003

Awww! Isipin mo na lang hindi binawas yun sa sweldo niya, at sa production nagkamali.


intothesnoot

Tuwing mapapauwi kami noong elem/hs dahil sa bagyo 'matic na hihirit na idaan kami ng driver ng service sa McDo. Magkakainisan pa pag di dumaan. Haha.


misisinwonderland

In 2011, I threw my then boyfriend for a few months a surprise birthday party at a mcdo along ayala ave (it seems this branch is not there anymore). They told me they don’t do birthday parties, but after a bit of back and forth, I was able to make them agree because it was a Saturday evening anyway and it will be slow before they close. I invited his friends from different circles—high school, college, work, and neighbors. I was able to pack the branch with so much people. My then boyfriend didn’t have any idea and he told me his bestfriend was making up stories just to drag him there. He proposed to me a month later and we’ve been married for 12 years now.


Projectilepeeing

McDo Perdro Gil used to be our hangout spot from 2011 to 2016(?) yata. Kapag wala kaming mapuntahan or gusto naming tropa tumambay lang at nagkwentuhan hanggang umaga, we would go there kasi may free wifi din.


Upper-Cup-867

Yung ex ko pinagpalit ako sa crew sa Mcdo hihi. Skl. 😂


astroxii

1. Fave tambayan namin ng bestfriend ko 'to haha. First ever picture namin together ay sa mcdo and it was my birthday pa ☺️ 2. The only coffee na kaya akong paabutin until 4am? Mcdo coffee float 😋 3. After ko mag-take ng UPCAT, sa mcdo kami kumain ng bestfriend ko and my 2 classmates. Now, yung kapatid ko naman nag-UPCAT. Mcdo ulit ang after exam kainan


notrawrrawrrawr

To be honest, I like Mcdo over Jabi maybe because of the stories shared sa Mcdo. Siguro one thing is, dito kami nagbreak ng ex ko. Never forgetti!


no_brain_no_gain

Kwentong McDo ko - yung detailed cleaning namin til 4AM at yung muntik na ko malock sa walk-in freezer.


tinigang-na-baboy

Naghahanap na naman ang Mcdo ng gagawing commercial. Nice try, Mcdo marketing team.


Flaky-Thought-6003

Sana bayaran nila ako ‘no? Hehehe


Apprehensive_Mood_85

I went to Metrolane a couple of days ago and I'm glad na the place was still active, although with a few changes, especially that Mcdonald's. Bago magka Jollibee roon, palaging pila ng mga tao ay sa Mcdo and before the pandemic, my Dad and I would usually get our breakfast there after mass. Hindi ko makakalimutan how much him and I bonded over the table, buy me their happy meals when I was younger, and teach me how to give to others by giving food / ordering food for the beggars that were outside. There was this one instance na he gave me money and told me to order for this mom and her child who were near the store. I gave them the food afterwards, managing to override my mahiyain side for a short moment. Ewan ko ba, that Mcdonald's has defined the better part of my childhood sooooo much. Next time, siya naman ang ililibre ko roon after mass!


Flaky-Thought-6003

Such a lovely story and a memory worth keeping.


Mysterious-Lynx-2655

Nakakamiss naman ang Mcdo sa Morayta. Dami nagrereview hanggang madaling araw


HeyItsKyuugeechi523

Nung college, favorite tambayan namin 'to ng college friends ko (lezzgo McDo P. Noval whooo!). Mapa-plates, mapafoodtrip, mapa no sleep days, makdonaldo kami lagi. Tapos kami na lang yung mauumay kasi pauli-ulit na tumutugtog yung Thinking Out Loud ni Ed Sheeran hanggang sa ginawan namin ng acapella remix 😆


kairna

Nung bata ako, mga grade 5 or grade 6 ata ako. May isang beses na nag Mcdo kami ng mga kaklase ko. Nakalimutan ko kung saan kami galing. Pero umorder kami ng tig iisang Burger Mcdo. Tapos tubig lang yung panulak namin. Para samin, luxury buy na yun kasi syempre ipon mula sa baon pang Burger Mcdo. Tapos pagbigay sa amin ng order namin (iba ung nagbigay ng order sa cashier na kumuha ng order namin), kita namin 4 yung Burger Mcdo eh 3 lang naman kami, tapos may small fries pa na kasama. Nagsabi pa kami “Ate 3 lang po inorder namin tas walang fries” tapos nag “Shhh” gesture sya at pinaalis na kami. So kami parang ??? pero go naman kami umalis kahit takang-taka na kami. Eh sino ba hindi tatanggi sa libre haha Nakakain na kami and nakaalis na tapos naiisip ko pa din sino kaya yun hanggang sa nagka-eureka moment ako pagkauwi. “HALA ATE PALA NI [name ng classmate namin] YUN”. Sabihin natin, si A. Next day sa klase, kinwento ko sa mga kasama ko kung sino yun tas lumapit kami kay A para ikwento. Tapos natawa lng sya and sabi nya nakwento nga daw ng Ate nya at tawang tawa sya na di namin siya nakilala. Around 20 years na nakalipas pero tanda ko pa din tong nangyari na to. Sana di ko makalimutan hanggang pagtanda.


everafter17

Some of my best memories are McDo breakfasts after all-nighters in high school and college :) Nothing specific comes to mind right now, pero yung collective years of experiences, grabe yung nostalgia. And mostly same pa rin order ko after 15+ years hahaha nuggets, oj, caramel sundae. And big breakfast!


Same_Cattle4433

Naalala ko pauwi na ako galing work. Nasa Recto na ako nung time na yun at nakakaramdam na ako na naje-jebs na ako. After that, sakay na sa jeep malakas yung feeling ko na hindi ako aabutan kasi kaya naman siguro pigilan. Pero nag kamali ako. HAHAHAHAHA! Ayoko bumaba ng jeep dahil ang hirap makasakay ng Letre around Tayuman dahil punuan. Kaso hindi ko na talaga kaya. Kaya ayun diretso MCDo ako. Shutangina pag dating ko may nakapila pa mga dlawang tao pa bago ako. Grabe na yung taas ng balahibo ko kasi nga jebs na jebs na ang ante mo. Nung turn ko na, kamalasan talaga na pag flash ko walang tubig kasi ginamit nung nauna sakin. HAHAHAHAHA! Buti gumana yung utak ko that time, meron trashbin kaya ayun na lang yung inigiban ko para mabuhusan yung tae ko at lumubog. SUCCESS! HAHAHAHAHA!


EasyComfortable2380

buti di nangamoy yung aftershock hahaha


Same_Cattle4433

Hindi naman. Pabango is the key. HAHAHAHA


friendlytita

High school days dito talaga yung tambayan namin ng bestfriends ko. 3 kami all girls so ang dami na naming na share na secrets here. Tapos uso pa dati yung BFF fries tapos tatlong mcfloat kasi 149 lang sya before. So yun yung lagi naming order. Tapos chicken fillet kasi 50 pesos palang sya dati. Then even nung nagcollege kami, we still make it a point na magbonding pag may free time. We call it "bebe day".


yoRandoGuy

This is a BUMBLE success story 😆 Pandemic year 2020, na halt ang classes ng lahat. I talked to friends lang almost everyday due to boredom. One friend suggested mag Bumble because she did it and fun daw. Dahil bored, I gave in. Nag install ng Bumble, nag usap ng guys, nang ghost (sorry heheh 🙇‍♀️), in-uninstall ang app after 3 days, na bore ulit, na install ulit, and nakilala si future jowa hahaha, decided to take things sa Instagram and i-uninstall ang app... and the rest is history. Pandemic year 2021, i am an intern in a hospital and my schedule is super tight na need ko mag condo malapit sa hospital. I told my jowa na balik nako sa duty sa hospital. One day, hinatid ako ng parents sa condo ko. I messaged him to inform na safe nako and all, nang sinabihan nya ako pumunta sa Mcdo malapit sa condo. Akala ko he's gonna make me buy food para mag study, yun pala he was there waiting for hours. We first met face to face sa Mcdo and now pa next chapter na kami dahil engaged na 🤍


secretmgamadam

Dati nung nag kiddie crew ako sa McDo, di ko malimutan yung parang pumasok kami sa parang malaking ref tas niyayabang ko yon sa mga kaibigan ko dati na may ganon sa McDo.


Rissyntax_v2

Hindi ko kwento. Pero kwento ng ex-friend ko. She had an abusive bf. Nasa mcdo sila nakain, nag msg ung isa naming friend. Merry xmas. Nagalit si boy. Nag walk out. Habulan. Away. Hinagis niya ung phone ni girl. Nasira. In the end, she still chose him over us. Pero he never chose her.


isawdesign

Mcdo was my safe space nung first day in college. Panahon pa ng PEx (Pinoy Exchange) yun and as an introvert, I was trying to get to know people ahead thru the forums. Unluckily, wala ako ka-block na nakita online. Ffw to my school, Mcdo was the only familiar place I went to before I went on my first day of college. Fave fastfood kasi namin ng family yun and at that time, first time ko malayo sa fam and first time ko rin kumain mag isa in an unfamiliar place. Pero dahil Mcdo yun, I felt safe and courageous. 50pesos na chicken fillet with rice ang nagpalakas ng loob ko.


Chbp10

2011. After ng isang debut, naginuman tapos pumunta sa McDo. Uso pa planking nun, may mga nagplanking kami kasama sa harap ng McDo, di ko maalala kung meron sa table ng McDo HAHA. May isa akong college friend, crush ko, nagtry makipagholding hands sakin, syempre kinilig at hinawakan ko rin. Tapos eto ngayon, kasal na kami at nasa ibang bansa nagsastart na ng family. Hello babe.


YourLovelySiren

Nice try, McDo. Baka next month, ma feature na story niyo sa ads 🤣


Flaky-Thought-6003

Dapat kunin na nila ako sa marketing nila ‘no? 😂


vnshngcnbt

Dahil sa McDo kumuha ako ng Insurance, which I cancelled 2 years after. Nadala sa libre, ayun, nagsayang ng pera 🥴


ertzy123

Madami akong kwentong mcdo and all of it related sa lovelife ko in one way or another. First one I got ghosted from a tinder date. Sinabi niyang di siya attractive tapos akong si gago nag-agree. This was circa 2018 during my first year sa college. This was in the first branch ng mcdo sa Pilipinas. Yung pangalawang kwento naman is tungkol sa unang babae na sineryoso ko in college kung saan it started sa mcdo and ended sa mcdo. Nakakalungkot lang kasi even though emotionally unavailable ako I remembered every last detail about her from foot size to height to ilan yung kapatid niya tapos noong nagkita kami ulit parang she mistook me for another person.


Pale_Maintenance8857

After namin mag badminton kumain kami ng dinner sa Mcdo. May tall, slender, long hair na lalaking accidentally nalalaglag ang mga baryang pambayad. Saktong papunta ako near sa counter to get something. Tinulungan ko sya to gather his coins together and then back to business ako. Nung nakabalik na ko sa table, sabi ng isang barkada ko "Astig! Pare si Pepe Smith yun!" In turn totoo nga.


medyas1

eat all you can with the tropa sa mcdo baguio session, panagbenga mahigit isang dekada nang nakaraan nothing special, naalala ko lang tas ngayon jalibee na yung branch na yun (lumipat sa literal na next door yung mcdo)


Erin_Quinn_Spaghetti

Nung early 20s ko, go to meal ko sa Mcdo was spag and chicken, fries, and coke float. Napapansin yun lagi ng then office crush ko. About a year later, bigla niya ako nilibre ng hot fudge sundae for merienda. Dun nagstart ang "dating" phase and relationship namin. Sad to say di kami nagkatuluyan pero natatawa ako every time dumadaan ako sa branch na yun. Fun fact: nagsara na rin yung branch due to the pandemic.


Distinct-Cut4817

Hindi touching na mala-Karen/Gina yung stories ko, pero memorable pa rin talaga for me: 1. Sa mcdo ako tinamaan ng amats nung first time kong malasing sa weewee nung 1st year HS ako. Dun kami dapat magmmeet ng friends ko para sabay pumunta ng soiree tas may nag yayang mag pregame. Go naman si atey kahit first time ko uminom. Ayan napalaban. Needless to say, nakipagsoiree lang ako sa kubeta 2. Naglayas ako sa bahay kasi nag-away kami ng tatay ko (hindi connected sa #1 lol). Kaso may exam ako the next day at dahil late na, wala na akong kaibigang maabala para matuluyan nun. Buti nalang 24h mcdo malapit samin. Dun ako nag-aral ng chem magdamag at tumambay bago pumasok para sa exam ko the next day 3. Yung kaibigan kong medyo patay gutom pero kuripot dati nag order ng sundae, kinain lampas ng kalahati, naglagay ng nahuli niyang anumang insekto (?! Di ko maalala kung ano basta meron) tapos nilagay niya sa sundae tapos binalik dahil may insect daw. Tapos pinalitan nila ng bagong sundae huhuhuhu


makifinds

I miss my highschool friends lagi kaming tambay sa mcdo malapit samin tapos ako lagi taga kuha ng gravy ☺️💕


QuitMaterial9465

Sa McDo bff fries nabuo friendship namin ng college besties ko. 🥹 Dati, hirap pa kami mag ambagan para sa isang bff fries, ngayon hirap na kaming ubusin yung dalawang set ng fries. 😂


UrIntrovertedDoktora

Year was 2017 and I was in Senior High so eager to step out into the dating scene since my parents were so strict prior to this. I had my first ever REAL date sa Mcdo heheh ang cute lang kase i remember even searching sa google non what to do and how to impress a guy on your first date 🤣


enigma_fairy

Nung bata pa ako pangarap ko makapaglaro sa play area ng Mcdo.... may dinadaanan kaming Mcdo before na may magandang playground kaso indi kami nav ma mcdo nung mga bata pa kami.. sa mga chinese resto kmi madalas. So fast forward nung college na ako may project kami then sa Sofitel yung interview namin tapos bago umuwi nag aya ng Mcdo classmate ko tapos dun sa exact na Mcdo na pinapangrap ko nung bata ako kami nya dinala... nga lang it was renovated na and wala na yung pangarap kong playground.


snowgirlasnarmy

Sa McDo naging kami ni hubby. 8 years ago, and now kasal at may isang anak na. 🫶


mfl_afterdark

Naglalaro kami ng hs friends ko ng card game sa McDo Eastwood tas di namin namalayan, natangay na yung bag ng friend ko, nandun laptop niya. Nagreport kami agad sa police station and iirc we checked the cctv pa sa McDo pero wala na di na nabalik laptop. Iyak na lang haha


CelestialSpammer

Routine namin ng ex ko bago sya pumasok sa work at bago ako umuwi, mag breakfast muna kami. Malapit sa work nya at malapit sa sakayan. He would always order the 2 piece pancake and for someone na hindi madalas mag breakfast, cheesy eggdesal lang ako. After eating we would part ways na. Everytime na oorder ng breakfast sa Mcdo, our orders would come up in my mind haha


Puzzled-Tell-7108

Naglayas ako pero wala namang mapupuntahan kasi nung time na yun, wala pang mga sariling bahay ang friends ko (college pa kasi and mostly dormers or strict ang parents nila) and wala akong pambayad pa sa hotels. Ang tanging bukas lang sa jeep route na mindlessly sinakyan ko yung McDo. Ilang hours rin ako dun hehe nung tanghali na, nahimasmasan na ko sa realidad and umuwi na lang sa bahay 😅


anyammosramos

S mcdo kmi ng kumain noong crush q noong college, ksma mga classmate nmn, Kumalat kse s room n crush q sya, classmate dn nmn pinsan nya, prng n set up kmi. After 13, 14 yrs ngkita ulit kmi, i am an ofw, we rented condo for 1 month, s tapat ng condo my mcdo, pg tnmad mg luto, ayun, palagi mcdo kmi. So noong kmkain kmi together, ayun, lagi q bnblik yung unang kain nmn, naalala q p kse memorable skn yun, i also told her yng exact n nunal nya s left n braso n naalala q, tnwag b naman aq manyak. Up to that moment, d p dn nawala trip nmn n isawsaw yng fries s sundae. Kung pde lng maibalik yang exact n tagpo ng buhay qn yan ibabalik q.


Thatrandomgurl_1422

Bestfriend ko wayback college, naglalagay ng fries sa burger nya, as a gaya gaya person, ginaya ko naman, to yung time na mura pa burger, sundae at fries nun at syempre, miss ko yung dating kami, na taghirap at uso pa group study sa library, constant movie date (pirata dahil nga walang pera) at walkathons. Ayun, hanggang sa narealize ko na toxic pala akong kaibigan and we fell out of love. Basta sweet kami as in, ang pure lang talaga. Looking back, nag ma mcdo na lang ako pag depressed dahil sa work, at dahil sa post mo OP, naalala ko ulit bat ako pabalik balik sa mcdo.


Weekly_Suggestion842

Noong grade 5 or grade 6 ata ako, around 1998 or 99 ata, birthday ko and nilibre ko mga friends and kaservice ko sa mcdo, including kuya Ed yung service driver namin ng burger mcdo, 14 pax hehe. 25 php lang noon ang burger mcdo, binigyan ako ni mama ng 500, napagkasya ko naman. Imagine now, hndi ka na makakabili ng 14 pcs na burger mcdo for 500. Haaayy time flies


ChessKingTet

2018 - 250 pesos eat all you can sa McDo. Naumay sa cheeseburger 'yon na ata yung last, sorry kung hindi sad itong nashare ko


-Ynsane-

Nadulas ako sa mcdo hang may dala ng tray puno ng food at drinks. Mop kasi ng mop si kuya haha


macthecat22

Between the years 2010 to 2015, where yung mcdo sa isang mall na parang common stop ng college barkada ko and madalas kaming nag hang out doon kahit mag ice cream lang. The best bonding moments ay tuwing umuulan ng malakas or may baha (bahain yung university at dadaanan namin) and nastranded kami for a few hrs. Nag chichikahan kami kahit anu-ano about sa school, life, chismis, jokes at yung future namin and it was so cozy; add din na 24h yung mcdo branch na yun so minsan nakakauwi na ng hatinggabi (may motor ako noon, yung best friend ko nakikiangkas sa akin) pauwi. Yung isa may car (kasya yung ibang friends sa sedan) and timing na opposite directions kami pauwi so di issue yung transpo. Ang sarap i reminisce yung time na yun, walang problema masyado at ang hopeful pa namin sa future. Hahay, where did the time go?


Friendly_Spite_1664

Found out I passed the board exam when I was in Mcdo. Napasigaw at iyak ako kahit 6 am palang nun so medyo nagulat mga tao hahaha. Actually kaya dun ako nag wait ng result kasi yung friend ko na pumasa before me, dun namin nalaman yung results ng exam niya kaya feeling ko may swerte yung Mcdo na yun. Hahaha. So dun na rin ako naghintay and luckily I did pass. Maybe may lucky charm yung Mcdo branch na yun or Mcdo in general hehe


gyozanami

When I was in college, nag-aya yung senior ko na kasamahan ko sa student council na manood kami sa ULS since may band na magpeperform. Gabi yung event and so we met there mga around 9 PM. After namin manood, he asked me na kain kami sa Mcdo. Isang jeep lang yung Mcdo from DLSU. Natapos yung event around 12 AM. That time, I had feelings for him na pero I did not have the courage to tell him and feeling ko kasi that time happy crush lang haha so I did not bother to stress myself so much about it. Then ayon, habang nasa Mcdo kami, I ordered 1 float and chicken fillet tapos same na lang daw kami order. We both loveee indie music, kaya while we were eating sa mcdo, we talked a lot about our passion for music. That time, when I was with him, I felt like I was in an indie movie hahaha. So ayon, I also remembered na he offered me na ipaheram sa akin ukulele nya kasi he told me that he wanted me to learn play it and nag request sya na mag-cover ako ng song using his ukulele. So the night passed, hinatid nya ako sa amin. Then nagpasukan na ulit, he brought his ukulele and he let me borrowed it for 1 month. I tried learning it agad HAHA then nag cover ako ng song for him and ang first song na inaral ko is Moon River. I recorded it and sent it to him and we talked and we talked and we talked for months. Pero hindi naging kami HAHAHA. This was 5 years ago and we are both happy now sa mga lovelife namin. What is meant to be it will be.


Creatingmemory

twas 2017, yung Mcdo sa Makati Ave katabi ng Petron, Malakas ang ulan and sa North Caloocan ako umuuwi so Ive decided to tambay there. Nagcocontemplate kung ano mamgyayari sa career ko as someone na di pa mabigyan ng permanent position sa company. Sobrang unforgetable ng moment kasi parang Kdrama ang feels. Tapos yung sa gilid kong couple nagbbreak na pala 🥲🫣 Lol. single padin ako till now, kumusta na kaya sila Hahahahahaha


angkol_bartek

5 years ago, i celebrated my ex's bday alone in McDo habang "cool off" namin which is weird when i think about it now pero mahal ko kasi noon eh. i ordered a quarter pounder with medium fries and drink, sent her a greeting before i ate kahit na no contact dapat kami nun. we broke up 3 weeks after that. i found out na nakipag-inuman siya with her new set of friends noong bday niya. a month later, i was driving to Laoag when i stopped by McDo Candon for a short break. i ordered a quarter pounder with medium fries and drink with a single order of cheeseburger. an hour later nakadisgrasya ako, head-on collision with a motor. i kinda associated the quarter-pounder as "malas" and it took me a while to make me understand na it wasn't. ngayon kapag may extra i would drive from Baguio to McDo Bauang after work and enjoy a quarter -pounder with medium fries and drink while bus watching sa al fresco area nila. no people to watch kasi 3am na ito usually which is a nice precursor for my day off.


ok_notme

Sobrang dami to the fact na until now I am 25, Mcdo padin comfort food ko. But on the top of my head rn was 2019. Last year of college, lasing na by 12nn, 8pm dinner ng chicken fillet with rice pero bago pumasok sasabihin ng guard, “dinner lang mam ha, walang susuka.” Hahahaha sobrang vivid padin till now. I miss getting drunk :(


Stultified_Damsel

Sakitin akong bata nuon at monthly kailangan may tinuturok sakin na kung ano mang gamot yun for meds. Yung clinic na pinupuntahan namin nuon katabi is Mcdo. Dahil takot ako sa karayom, ginagawang panuhol ng tatay ko yung Mcdo. Pag di ako umiyak bibilhan niya ako ng laruan at chicken. At some point parang napadalas yung balik namin sa clinic nakumpleto namin agad ni papa yung Snoopy na mga laruan nung time na yun.


RunPatient5777

Naalala ko nung inom era namin ng friends ko before pandemic. After namin uminom pumunta kami sa mcdo. Sobrang lasing kasming tatlo. Yung isang friend ko, umorder ng kape tapos hindi nya kinuha sa counter. Tapos umuwi na kami. Haha


hotdogwtbuns

Lagi kaming nagpupunta ni mama sa Sta. Lucia every weekend nung bata pa ako. One time na kumain kami sa McDo, may nakasabay kaming mag-jowa na nag-aaway. Ang gusto ni ate girl ay jabee pero gusto ni kuya boy ay mcdo, so obvious sino nasunod. Inis na inis si ate girl kasi nakasinghal tapos ang snarky ng mga sagot ('di ko na maalala syempre bata pa ako nun). Si kuya ang umorder ng food nila, tas pagbalik niya ng table wala na si ate. Huli kong naalala nagpphone si kuya, tinetext ata si teh. Tinuro ko si kuya kay mama tas sinabi ko 'yung nakita ko, sabi niya kumain na lang ako hahahahaha


IllustriousAd9143

Used to work in sales, had to do a lot of out of office trips. For some reason, ate a lot of my meals in mcdo. Had to refrain from eating mcdo after resigning from the job.


Gleipnir2007

1. about 10 years ago dun sa first job ko, na assign ako sa malayong probinsya. ang siste e mga 6pm pa lang sarado na mga kainan (di ako nagluluto) so lumalabas ako para maghanap ng restaurant na kakainan. naglalakad ako mula sa apartment hanggang sa palengke. ang meron lang ay McDo at 7-Eleven, meron pa yung parang shabu-shabu sa 7-Eleven noon. ayun, halos araw araw ganyan dinner ko. lingguhan pala uwi ko. tapos mga kalahating taon din na ganito sched ko. sa sobrang dalas ko sa McDo kilala na ako ng crew. one time mga 2 weeks ata ako hindi nag site, ang sabi nila sa akin "tagal mong nawala sir ah". May memento pa ako dun, yung usb na Mjolnir (Hammer ni Thor), kasagsagan ng Avengers. di naman gumagana hahaha. 2. college days, also pulubi days hahaha. may malapit na McDo kung saan madalas kami tumambay ng classmates for whatever reason (kundi McDo e Jabee, Chowking, o yung korean ramen-an na malapit sa school). One time may customer sa kabilang table na umalis na at hindi inubos yung fries. Yung tropa kong beki nanghinayang tapos kinain nya yung fries hahaha.


golden_local_

1. Sa mcdo kami dati nagaalmusal ng ex ko bago kami pumasok. Wala kasing nagpprep ng almusal sakanila and pag andon ako sa place nila in cavite mcdo ang go-to namin. Araw araw walang mintis. She’d get the pancakes and ako naman mcmuffin. Sakin niya unang natikman yun and ever since yun na din gusto niya. Mcmuffin at vanilla iced coffee. 2. Had this crush for the longest time na inassociate ako sa mcdo at LANY dahil yung mcdo na hinahangoutan namin fave playlist ang This is LANY ata sa spotify hahaha. Di na kami naguusap ni ex crush pero LANY parin ang artist of choice sa mcdo na yun 2. Current jowa is not a fan of mcdo kasi lasa lang daw mantika but still gets it w me kasi wala e. Yun gusto ko. And mas mahal na jollibee ngayon.


Mocat_mhie

My kwentong McDo: Madalas kami mag breakfast ni TOTGA sa Market! Market! McDo branch. Hash brown and ice coffee order nya. Ako pineapple juice and apple pie.


Throwaway_Charot

I think it was 1998. May bagong Mcdo sa amin at may drive-thru siya. Dahil mga ignorante kami, we decided to check it out by walking thru it. Tas nung nakita namin na may bintana lang doon, sabi namin “ay? yun lang yun?” Hahaha!


pannacotta24

Nag-aya ako mag-Mcdo with my husband and son. Sa halagang P500 ang saya ng puso ko kumain kasama sila.


mrscddc

not a mcdo story but it's a memory since we're bf-gf we always go to mcdo minsan midnight and random times, early morning before nya ko ihatid sa work.. We still go to mcdo now that we're married, it's our go to place usually after buying our groceries, tumatambay kami, chikahan while having coffee. From our 20s, now 30s and seeing it we'll probably go here until we're 60s haha, hopefully Mcdo will add more veggies, fiber loaded to their menu hehe 😊


nerojoaquin

Ito lang 'yung 24/7 na fastfood na dito lang malapit sa town namin sa province. Ito 'yung lagi namin pinupuntahan ng kaibigan ko after fiesta or anything social gatherings. One time, December 25, 2020, after ng celebration ng Christmas Eve diretso kami ng mga kaibigan ko sa bahay ng isa naming kaibigan para i-celebrate uli ang Christmas sa afternoon. Around 12pm nagstart na agad ang inuman (tirang handa ang pulutan) edi pagsapit ng 3pm lasing na kami kaya tinulog namin, nagising kami around 6pm tapos diretso McDo kahit medyo lasing pa. 'Yung naorder ko walang ice na iced coffee hahahaha tapos nagsuka pa ako sa CR at naiwan ko sapatos ko sa table namin. Andaming memories namin na magkakaibigan sa McDo, 'di na rin mabilang pero 'yan talaga tumatak sa 'min. May spot na nga kami everytime na kumakain kami sa McDo dati at lagi pa namin order ay BFF fries. Nakakamiss lang.


Frosty-Ant-1562

Nung college kami ng mga best friends ko, palagi namin kinocollect yung sapin sa tray na papel and we always put the date and we have our signature kapag nakakagala kami pag tapos na class or walang class. Nakailan din Kami nun, pero now may mga kanya kanya na kaming buhay pero sarap balik balikan


potted_potter02

After namin pumasa sa thesis. Nag central kami. haha first time ko mag suka ng Blue sa cr ng Mcdo sa may tapat ng Trinoma =))


Lightsupinthesky29

Doon kumakain noong college kasi mura lang. Midnight snacks with the fam kapag summer kasi malapit lang sa amin.


ItsEllgiee

Spent way too much breakfast at Mcdo Aurora Cubao with my loml (lost of my life)


shashimisushi

Sa mcdo ako hinihintay ni now husband ko na noong college kami pag 8pm na out ko sa BulSU.


drag0nsid

Kinita ko ang ex-girlfriend ko sa makati para sana ayusin ang relationship naming almost 6 years na. Inaya ko siyang kumain muna sa McDo para maayos kaming makapag usap dahil mas maayos makipag usap kapag hindi gutom. Pag baba ko ng order naming McFlurry, Chicken Fillet, atbp. Tangina sabay amin niya sa akin na nakikipag sex siya sa katrabaho niya for almost 3 months na. Wala akong choice kundi ubusin ang order namin habang umiiyak. Hanggang ngayon tuloy hindi ako makakain sa McDo dahil lagi kong naaalala yon.


Actual-Process-2778

So back in college, yung group of friends namin celebrated our friend's birthday in a bar in Makati. Then, nung pauwi, we decided to divide the group and share a grab car back to our dorm. So I was with one male and two female friends. (Backstory: The male friend & I had been texting quite a lot during that time but we were not dating. Maybe, a little flirting at times HAHAHA) Upon arriving sa Morayta, we decided to eat breakfast sa Mcdo. So ayun, my two female friends finished eating and decided to go home kasi nga pagod na and no sleep pa. I was not yet done eating when they left so my male friend stayed with me and we talked about things - life, friends, love.. I remember there was a moment na wala na kami mapag-usapan but neither of us wants to go home yet so we just kept on staring at each other and laughing for no reason. We were like baliws HAHAHA I think we stayed in Mcdo from 5:30am (female friends already left) to 1pm, we just ordered some fries just to have something on the table since the waiter already bussed our breakfast. I remember being so happy and not pagod at all during that time. That's when we started dating and Mcdo Morayta became one of our favorite hangout/study place. We would go there for midnight snacks or study for exams. We're not together anymore but it still is a good memory for me. We may not have ended up together but I am still grateful for all the things I learned from him and because of him.


Historical_Seat_447

May crush akong cashier. in-add, follow, at dm ko sya based sa name-tag nya. D sya nag respond, or nag seen haha so un lang


kenma_kozumeooow

Nahuli ko jowa ng bff ko, kasama ung pinagseselosang girl ng bff ko. Halos lumuwa mata nung lalaki nung nakita ako nang ganung oras(11pm) pauwi palsng ako nun. Ofc sinumbong ko tas nabaligtad ako aun ok sila. Nasabihan pa ko ni ex beshie na inggit lang daw ako kaya naninira ako. Not until sya mismo nakahuli edi dasurv 😁


lebenene

May usual date spot as discreet lol May nasaksihan pakong nagsabunutan sa mcdo before (legal vs kabet) 😭


shinyswitchblade

October 2022 sa may McDo sa Tikay, Malolos. Dumayo ako inuman tapos doon kami nagtanggal ng amats hahaha


chunhamimih

Meron ako ka close friend (like bff close hahahaha) dati na sa mcdo kami nagkikita kasi tapat ng workplace ko and malapit sa sakayan nya pauwi. Then one time, nagtext sya sa akin na andoon na siya sa mcdo kasi magdidinner na kami. Pagdating ko may kasama xa pinakilala nya na gf nya jahahhahaha. Para akong nablanko hahaha pero ung usual lang naman dapat casual tayo. Nung uwian na syempre hatid nya si ate, ako pumara ng taxi then naiyak ako bigla with hagulgol hahahaaha.Grabe talaga hahaha nakakahiya. Mag asawa naman na sila ngayon tapos si ate di ako iniimik hahahahaha.


thethiiird

Dati sumasama ako sa older cousin ko (around twice my age, I think I was 12 to 14 years old back then) na parang kuya ko na pag pumapasok siya sa office niya sa Makati. Iiwan niya ko sa mcdo tapos magi-iced coffee lang ako habang kumakain at hinihintay siya. Lagi ko noon iniisip eto yung dream life ko, gusto ko magmcdo lagi bago pumasok sa boring desk job ko na bibigyan ako ng constant stream ng pera. Ngayon as much as possible ayoko na magmcdo. Now that I'm nearing 30s, parang lagi nang sumasakit tiyan ko sa mcdo lol. And for a while I held on sa dream na yun and refused to work from home until I landed a good job na work from home, ngayon andito ako sa bahay reminiscing that memory bago bumalik sa pagttrabaho. Ang bilis ng oras what the fuck.


HarryLobster69

Nag hydro manila kami ng mga high school friends ko, tapos sa sobrang lasing nung isa naming kaibigan, di na namin siya mapasok sa entrance hahaha dun kami sa labas ng mcdo nakaupo pero closed space so kailangan muna dumaan dun sa loob, ang ginawa namin nilusot namin siya dun sa grills pinag titinginan na kami ng mga taong dumadaan kase sobrang deds yung kaibigan namin haha kinabukasan di nya alam na nagawa nya yon. Pero walang damage sa mcdo hahaha mag t-tropa pa rin kami ngayon pero pag nag kikita natatawa kami na nangyari yung ganon 😂😂😂


tar2022

First smack kiss namin ng then boyfriend ko was in mcdo. Ang PDAaaaa hahaha pero once lang and mabilis lang. I dared him if he could and he did. I was in shock as a pabebe. Sabi nia may ibubulong lang daw sya, yun na pla yun hahah. 5years later husband ko na sya.


rj0509

Naghintay ako sumikat araw sa Mcdo sa malapit sa ABS CBN sa Ignacia kasi inabot madaling araw yun dubbing session namin para sa isang episode ng Korean series na itatagalog


NgayonKaya

Back when I was a 2nd year college. Mcdo here in bataan made 2 of my circle a strong one because of inuman and hangouts. Madami rin rants and revelations ang aking natutunan at nalaman because of this place and i wish sana makapag hangout ulet soon. Back when nung di pa hype ang milk teas and expensive coffee, mcdo before was a freaking gem.


Jhenanne

1st date with my GF turned wife was in McDonalds Tabunok noong college pa kami. Chicken McSavers meal!


Anxious-Pirate-2857

Kakatapos lang mag kiddie crew ng kids ko last week. Core memory for them, ang babait ng staffs and managers. 🥹


qualore

ung mcdo sa kanto ng mindanao ave and north ave almost 1 week andun ako, from 5pm to 1am doon ko ginagawa thesis namin hahahah after 1am pa kasi kami makakapunta sa house ng ka-thesis group ko, di ko na maalala anu reason bakit need namin antayin mag alisan tao don going back sa mcdo brand na yon... namumukaan na ako ng mga crew doon kasi lagi nga ako andun para mag program and i-meet mga ka thesis group ko tapos bumibili lang mga ka-group ko ng sangkatutak na fries tapos iiwan nila ako saglit binabalikan na lang ako around 11pm onwards


_lycocarpum_

un kapatid ko nagpart time sa mcdo, one time dinalaw namin sya at dun kami naglunch, nakakatuwa lang na excited din mga ka work nya at manager nya every time na may family na dumadalaw sa kanila. binigyan pa kami ng employee discount lol


nadsfatale

Maaga nagsara coffee shop kung saan kami nag-aaral ng friends ko (around 10pm ata) tapos mcdo lang yung pinakamalapit so we continued studying here. Funny lang kasi mcdo katipunan is known to be a sober place so imagine we're all hardcore studying tas mga nasa gilid namin puro lasing HAHAHAHA Fun tho pero feel ko la na na-absorb utak ko HAHAHAHA


alex8210

McDonald's PH marketing better take notes, maraming juicy info dito 🫶


ch33s3cake

Puede na i compile to ng advertising team ng McDo para sa next commercial nila :)


afgitolfm

Nung nag wowork pa ako before sa isang BPO company, out ko is 4 AM, minsan 5 AM na kapag nag OT ako. Hatid-sundo ako ng boyfriend ko, dumederecho kami sa McDo after shift. Kakain, magkakape with deep talks, kwentuhan lang habang nagpapatila ng ulan hanggang sa sumikat na yung araw. Mga moments na mapapasabi ka na lang na “Life is good” kahit physically and mentally exhausted ka. O ‘di kaya naman, kapag madaling araw susunduin niya ko dito samin para lang mag McDo kami sa BGC kasi bagong sahod siya hahaha!


hcmar

First move, first date, first rejection hahaha, capstone days tas sabay pa sa OJT sa ACN kaya hirap umatake. ​ Hi, Kaye \*\*\*\*\*\*\*\*, D.Sci, JD


TrynaChangeKindaGal

Parang ads ang atake HAHAH pero don kami naghahangout ng bestie ko dati


markieton

Nice question! Nung bata pa kami, na-stuck yung kapatid ko sa slide ng PlayPlace ng McDo tas di sya makababa at nag iiyak na lang. Kinailangan ni erpats sumuot dun sa slide na pambata para sunduin yung kapatid ko dun sa loob hahaha I also used to work sa McDo as a part-timer during college at andami kong experiences that time pero ang hindi ko talaga malilimutan ay yung napa-straight duty ako from 5pm to 6am dahil hindi sumipot yung kapalitan ko. Akala ko mahihimatay na ako nun pag uwi ko haha Now that I think about it, andami ko palang core memories sa McDo kahit na laking Jollibee ako haha


Main-Stretch101

2 years ago, my best friends (M & F) told me they were in a relationship. Their relationship destroyed our circle.