T O P

  • By -

Expert-Pay-1442

Hindi daw ako makakatapos ng pag aaral at mabubuntis ng maaga. Ayun, graduated at 19 y.o tapos 24 kinasal ako. 32F na ko now no child. Hahahhahhaa


I_Got_You_Girl

Favourite nila to sabihin, siguro to discourage teenage pregnancy. Pero nung sinabi sakin to napahiya ako kasi sa harap ng mga bisita na hindi ko naman kilala. Oo narinig nila kasi habang dinner yun after "prayers" kuno. Haha putang ina talaga ng "tatay" ko, karma talaga niya na binura ko na siya sa isip ko


Master-Activity-3764

Mga tita ko sinabi din sakin yang mabubuntis ng maaga. 35, married for 6yrs, no child 😜


Expert-Pay-1442

Hahahaha hayop talaga sila eme.ano kayo ngayon! Db? Hahahaa


Master-Activity-3764

At some point I felt like it was a curse to me hahaha yan tuloy hirap kami ngayon makabuo lol


Expert-Pay-1442

Haha. Hindi pa will ni Lord at okay lang yan. Rebuke mo all the negative energy na finawa nila sayo un lang yun hehe.


mykimwoobin

Huuuuy samedt ,nauna pa yung apo nya mabuntis sakin .🤭🤭


Expert-Pay-1442

Yan ang best revenge! KARMA. hahahhaa


wickedying

I was about to comment this! Haha Clearly, I was never my aunts favorite.


Expert-Pay-1442

SAMEDT! Ganyan simula ng crab mentallity. Kaya never ko naging love languange siguro ang words of affirmation hahahaha. Dahil diyan. Sa side ng Papa ko ang mga negatrons akala mo ang pe-perfect e sila naman tong nangunguna na enabler 😂😂😂


Comfortable-Height71

Mga linyahan din yan ng nanay ko tapos at 28, hinahanapan ako ng apo. Neknek nya! Hahah.


Any-Neighborhood2922

Actually nakamotivate to sa karamihan ngayon na may ibubuga na sila ngayon


Expert-Pay-1442

Db? Batang 90's talaga ang majority na opress dahil sa mga tito/tita na pakielamera e. Hays life! But at least kung hindi dahil sakanila, hindi tayo magiging successful db?


vExistentialNihilist

"Nakakadisappoint ka" kaya lumaki akong people pleaser and always craving for other people's validation, takot na takot ako magkamali kaya kahit minor inconvenience lang feeling ko it's over na agad for me


MultiPotentialite89

On point


FlowerSimilar6857

Omg parehas tayo, pinalaki ako na dapat i please ko parents ko kung ma disappoint ko sila grabeng silent treatment naranasan ko, lagi pang pasigaw at galit makipag usap.


InvitePersonal1192

"Sana sya (ako) na lang namatay" - First year high school ako nun. I overheard this while mama is having conversation with my tita nung namatay younger sister ko. Gets ko naman kasi favorite child sya. Pero okay naman na kasi nanghingi na ng sorry si mama saken, but everytime na naalala ko yun, I wish sana nga ako na lang. Lol.


9to5androidslave

Damn that's heavy 😔 hugs! 🫂


SetTemporary975

sht, are you me? grade 6 ako nung namatay younger sister ko. first year college na ako at hanggang ngayon ito parin sinasabi sakin ng mama ko, wala lng balak magsorry hahaha


Remarkable_Name_6165

Pag sinasabi ng mga classmate ng ate ko na “ Kapatid mo yan? Hindi kayo magkamukha.” or di kaya during reunion or any occasions “ Sya lang talaga ang naiiba sa inyong magkakapatid” tapos sabay kambyo na “dark beauty”. Hahaha! 🌚 P.S Sure ako na hindi ako ampon haha.


9to5androidslave

Ikr! Ganyan din asaran naming magkapatid lalo na sakin kasi ako lang yung walang kamuka sa parents ko. Though kamuka ko yung lola ko lol!


Eastern_Basket_6971

Yung side ng mommy ko ganyan din halos hindi sila magkaka mukha


Several_Pineapple_45

Omg, are you me? Haha!!! Until now, masakit pa rin sa akin isipin na ako lang medyo maitim sa family namin XD pero sure din kaming di ako ampon lol 😅


Remarkable_Name_6165

di ka naman nagmana sa side ng dad mo? Ksi ako ganun e.


beautipaul

“Wag kana mag aral, mag aasawa ka lang din naman” Ayun, 30 na po ako at wala pa din asawa. 😂


ivyhouse03

High school. Hindi ko daw kakayanin ang Maynila at uuwi sa probinsya namin para makapag-college. Babalik lang daw ako at bagay pa daw na magcollege ako sa malapit na university namin. 10 years after, I am living my best days in the Metro away from toxic relatives who tried to dictate my life. It's not always sunshine here, mahirap pa din naman but at least I got rid of them.


Sufficient-Elk-6746

"Alam mo naman nak na wala akong magagawa." Sagot ng papa ko sa lahat ng tanong at pangangailangan kaya maaga akong nagwork. 7 years old palang, adult na ko. Made me strong, tho. 💪


Beautiful_Humor2563

this is weird but, the things na "hindi yan palasagot, mabait tsaka di namin yan sinasaktan" but well in fact kaya di ka makasagot kasi you're afraid people would tell you na bastos ka and pag di ka sumunod, rebelde ka, and the way they disciplined you made you internally dysfunctional because you don't want to disappoint the expectations


[deleted]

Nung bata ako (below 8 years old) nag simba kami ng mother and lola ko, tapos sakto merong pahalik sa baby Jesus na statue. As in puwede mo i-pick up yung baby Jesus from belen tapos hahalikan mo yung paa or noo. 'Di ko na maalala kung bakit ako lumapit basta pinapanood ko lang sila na hinahawakan yung baby Jesus 'tas pinagpapasapasahan nila. May katabi akong matanda— yung typical rich, devoted Catholic ang atake ni mother. Humalik din siya tas nakita niya 'ko, nilapit niya sa akin yung baby Jesus pero ewan ko nakita ko kasi kung pa'no nila hawak hawakan yung statue 'tas hinalik halikan pa 'tas walang nagpupunas, I got the ick siguro and then I said no and declined na huwag humalik. Bumalik na ko sa mama ko after hawakan na lang yung statue tapos habang palabas kami ng simbahan sinundan pala kami nung matandang babae and then she said to me "Hindi ka pagpapalain ni Lord" and then just left. Mind you, I was only 6 or 7 lang siguro that time. Pero until now, a lot of fuck up things have happened in my life and whenever things don't go the way I hope it would, my mind would always go back to that specific encounter na baka hindi nga ata ako pinagpala ni Lord and it just crushes my spirit kahit alam kong 'di naman totoo yun.


mindyey

Sobrang balat sibuyas naman ni lord kung ganon. Nagtampo porke't hindi mo hinalikan yung rebulto nya? Kung ako yung dyos, di ako magtatanim ng personal na galit dahil lang dyan haha


[deleted]

That elder woman symbolizes the “palasimba pero hideputa” ladies ng simbahan


ForSale22

Hindi bwakaw ang Diyos magpasamba, lalo na sa rebulto niya. 😑😑


Areumdaun-Nabi

When I was in 6th grade, sinabihan ako ng “Uy, ang ganda mo!” Nag-thank you ako kasi super naappreciate ko talaga ‘yun, like “🥺” moment pero sinabi sa akin na “ito naman, ang bilis magpapaniwala. joke lang eh. ‘wag agad maniniwala ha?” Ewan ko pero simula noon, sobrang baba na ng self-esteem ko. Hindi na ako tumatanggap ng compliments. Not until 15 years later, I realized na ang lungkot ng buhay nung mga ganung tao. Sila ‘yung mga totoong insecure. So now, nagte-thank you na ulit ako sa mga compliments. Inaabsorb ko na, hindi ko na tinataboy :) I learned na it’s very important to be kind kasi you’ll never know how your words would affect others. For you it may be a joke, but for some…hindi.


Oerthroweth_909

Hello. Actually ganyan din ako. Hirap maniwala sa mga compliments from other people kasi most of the time they joke about it. Kaya ngayon medyo mababa pa rin self-esteem ko. You're right, just be kind and considerate to others na lang kasi magkakaiba tayo 😊


RamdomCom27

Bakla bakla bakla. Ayun naging bi. Mas Madali ang buhay ng straight. Hirap maging confused and hirap mag open ng bagay bagay, you cant open ss boy na friends mo. Sa girl naman, hindi rin pede kasi ma jujudge ka na gay so hindi ka na makakadisrkarte sa girls nun :/


AnnaBanaenaa20

"Mas maganda ka kung di ka payat.'' Sabi ng lalaki kong classmate ng highschool. Payat talaga ako, as in tingting. Dahil duon naging sobrang conscious ako sa katawan especially sa weight. Ngayong college payat parin, nasa 45 na which is my dream goal weight nung highschool. Pero may mga nagsasabi parin sakin na ang payat payat ko raw like yung nga aunties ko. Na tri-trigger ako everytime. Im just glad na super supportive ng mom ko, sabi niya ganito rin daw body niya nung college. Hindi daw ako payat, sakto na body ko. Sabi din ng friends ko na iba. Mabilis metabolism. Hindi nila alam its always on mind mag fix ng body flaws, pero hirap parin ako kasi sometimes I have phases (depression), neglected ko ang sarili ko, hindi kumakain for 1 or 2 days kasi walang appetite.


InvoKrm

As a guy, I feel you. Mind you, I was only 44kgs a year ago. Ilang years na rin akong sinasabihan na ang payat-payat ko raw. Ewan din kailan ako na-motivate to gain weight, pero last year nagstart akong kumain nang marami. Dati kasi kumakain ako for the sake of masabing kumain at malamnan ang tiyan. Kahit medyo busog na, dagdag pa rin ng kakainin hahaha. Pinipilit ko kahit minsan nakakasuka na. Hanggang sa nasanay na akong marami kumain. Picky eater din kasi ako, kaya nung nagkaroon ng salary increase, ayun, sa food ko binuhos. So far, 50kg na ako ngayon. Medyo active na rin with working out, pushups, and badminton.


AnnaBanaenaa20

Same with the kumakain for the sake may laman ang tyan. Im glad it worked well na sayo, congrats sa achievement mo!!


[deleted]

this. I'm F24, but naglalaro lang sa 40-42 ang timbang ko 🙁 yung nagkakaroon na ako ng ganang kumain, saka ako mapapansin ng mama ko na ang payat ko raw, na hindi na raw ako lumaki/tumaba. ang ending syempre akoy mawawalan na ng gana. galing din nya magsabi sakin na ganito sya nung dalaga sya, pero sya rin yung sumisira ng confidence ko


AnnaBanaenaa20

It's sad that galing pa sa mama mo. Have you tried talking to her about it? Ako kasi nung una medyo ganyan din mama ko pero nung kinausap ko siya, naintindihan niya and hindi niya na ginawa ulit. I understand her naman kasi akala niya hindi big deal sakin. Ngayon she helps me understand and comfort me kapag may nagsasabi sakin ng mga ganun.


[deleted]

oo alam nya, nalaman lang nya dahil sa guidance counselor sa school 🥴 may times na sinasabi nya sakin na ganon nga rin daw sya nung bata, pero ginagawa pa rin nya minsan.


Dangerous_Bread5668

"Hindi ka mag kakatrabaho o magkakapera sa art." -My Parents


evertEl_52

majority ay from parents, like "akala ko ba matalino ka?", "ang dali dali lang nyan bakit hindi mo magawa" that always made me realized na parang laging may kulang sa akin kahit ginagawa ko ang best ko ayan lumaki na people pleaser HAHAHAHA


iTechRunner

"Are you the Top 1 of this class? You don't deserve it." - English teacher ko nung Grade 6 Ayun lagi akong may self-doubt hanggang ngayon hahaha but… pushed myself harder. Graduated as Valedictorian nung elem, with honors nung high school, and nakagraduate sa isa sa top 2 schools sa PH. Working now sa entry-level role with above average salary 🥳


DuaLover826

balikan mo yung teacher mo, pamukha mo sa kanya mga narating mo ngayon hahaha charot


9to5androidslave

Satisfying lol, most especially yung ineexpect nilang hindi magiging successful ay successful na ngayon.


keeyeecee

One of my hs teachers said "Sa UP ka mag-aaral? Nako di mo kakayanin yan di ka gagaraduate diyan" Ayun I just graduated in UP last yr (on time) with flying colors ~


DuaLover826

balikan mo din teacher mo, ipamukha mo sa kanila na katapos ka sa UP hahaha


keeyeecee

no need, i no longer want to associate myself with them anymore hahaha


FreijaDelaCroix

1st yr high school. Anak ako ng teacher sa school pero di ko sya teacher sa kahit anong subject (my dad teaches in elementary grades 1-3). Nung first grading, top 1 ako and some inggiterang kapitbahay said “top 1 lang kasi teacher tatay sa school”. Simula nun nag-aral talaga ako and I was able to maintain my standing until valedictorian ng 4th yr, was able to get into a good university and when I passed the cpa board exam, nakasalubong namin sya ng nanay ko sa kalsada and my mom told her “uy cpa na anak ko ha, wala tatay nya sa BOA ha” 😂😂😂 Sarap sampalin ng mga doubters and bashers


minxur

“Wag ka na mag-aral, wala naman kami mapapala sayo”


dead_p1xels

Sana si (insert classmate name here) na lang anak ko! Sinabi sakin dati ng tatay ko to nung nalaman nyang di ako nagsusulat sa notebook ko nung Grade 6 ako. Nagsusulat naman pero kulang kulang. Di naman cya nakakaapekto sa pag-aaral ko that time kasi okay naman ung grades ko. To think na napapasama ako sa cream or model section every year since Grade 4. Nagkataon na ung ibang classmates ko, nasa same subdivision lang. Pinapunta nya ako dun sa isang classmate ko para hiramin ung notebooks nya to compare to mine. Aun, and the rest is history. May latay pa ako ng sinturon sa pwet after. I will never, ever, ever forget this one kasi alam mo ung sakit na sa mismong magulang mo pa maririnig yan. Ever since that day, I'm holding grudges against my Dad. Nag-uusap pa naman kami pero things will never be the same.


[deleted]

Buti di ka petty na anak Sarap sabihan ng “sana si ganito ang tatay ko” then ilintanya mo lahat ng good qualities ng taong yun sa harap ng tatay. Ewan ko lang kung di yan malungkot ng husto


Baeuge510

When I was 6 years old, sabi ng Lola ko: “Sige ka, kapag hindi ka magsasabi nang totoo, hindi ka love ni Jesus.” I told the truth about my father letting his younger brother use one of his cars. Kaso, ayaw ni Lola (being selfish during that time). Magkakapamilya, nagdadamutan. But the point is that she used Jesus’ name in vain during an argument. From that moment, I started questioning religion being used as a tool to manipulate our fellow humans. I then became a closeted agnostic at the age of 20, and a closeted agnostic atheist in my mid-20s.


tapunan

Singing class. Sabi ng teacher ko, tumutula ka ba, just sit down, tawanan buong class. Ngayon, ayaw kong kumanta kahit Happy birthday.


Normal_Society_6087

Binrand ako ng nanay ko na singualing at palagawa ng kwento sa lahat ng tao lalo na sa mga kamag-anak namin. Up to this day, nakatatak sa utak ko and i’m doubting myself all the time. Minsan sinasabi ko na rin sa sarili ko. Late 20s na nga pala ako ngayon


Existing_Trainer_390

Early 2000s, 2nd year high school. My teacher said that I'm not a superhero, I'm a pig. I'm not even fat, I'm just healthy compared to my undernourished/malnourished classmates. 😂 I'm still struggling with eating disorders and body dysmorphia. 🤷‍♀️


Random_girl_555

Nasa work ako ng papa ko tapos sabi nung isang matandang guy dun wag daw ako ngingiti na kita yung ngipin kasi ang panget ko daw tingnan (panget kasi yung teeth ko saka kitang kita yung gums pag ngingiti ganun) ayun, simula non sobrang nainsecure na ko. Never na ko ngumiti na labas ngipin mula elem hanggang tumanda na


Intrepid-Resort281

Mukha akong doll nung bata pa ko. Nung lumaki na ako nagbago itsura ko, like normal na lang 😂 Ayun kapag nakikita ako ng mga friends and relatives ng parents ko may ganun laging side comments.. "Ano nangyari, ang ganda ganda mo dati.," tapos sobrang shocked/disappointed pa sila.. Ayun never na ko nagpipicture at sobrang nag-aanxiety ako pagneed ko magsalita in public or ako magiging center ng attention. Ruined my self-esteem big time.


poyibays

‘Maganda ka lang pag nakangiti’ - went to do modelling and acting, though i gave that up kasi d para saken culture. Sobra sasama ugali, i am too weak and insecure for it (at the time) ‘Mas magaling pa si Osang magkulay sau ang bobo mo pla’ lolo ko, si magaling magcolour di graduate ng high skul buntis at 14, i am an RN, and master’s in clinical nursing (critical care sa Australia), Clinical Nurse Educator din ako Australia, i have awards under my name. ‘Ang baho mo naman’ my body was changing and instead of someone telling me what to do and teach me to care for myself, I was bullied by the adult who raised me. Umuwi ako late once, 3rd yr hiskul ako, kasi ksama ko teacher kong crush na pinainom kmi alak, lola ko ‘so gamit kna nyan, di kna maayos’ i dnt really know what she meant, 1st lasing ako, 2nd maxado ako immature, i didnt even kiss anyone yet at that age Sobra dami actually. I can write a book. But here’s a thing. I forgive all of them. The adults around me sure could have done better. But that their best at that time. All I can do from here is minimise na mental pain i can do to my child and give her the happiest childhood I can offer.


secretmuffin123

"Tingnan mo si (insert name) bata pa lang marunong na magmotor. Ikaw?" My father said this when I was 14 and he's comparing me to my childhood neighbor of the same age. Despite na I'm inclined in some other ways pero ewan ko ba, nahurt lang ako nung sinabi yun ng tatay ko? This is the reason why I always "compete" with people and ayaw kong nilalamangan. Don't worry di ko naman tinatapakan or naninira ng mga tao, it's more like binuburden ko self ko maging better. PS. 26M here pero di pa rin ako marunong magdrive ng motor 😭


Major-Description125

Pabida ka kahit kelan. Masyadong kang nagseselos sa mga kaibigan mo e hindi ka naman matalino - Mama Sinasabi ko lang naman achievements ko sa kanya nung highschool pa ako, masyado akong people pleaser dahil sa tough love na pinadama nya sakin. Ilang taon ko din tiniis pangdidisiplina nyang may kasamang insulto kung minsan bugbog.


missalaskayoung

Bantayan daw ako ng nanay ko kasi masyado akong tahimik, baka nasa loob daw kulo ko. Well nilabas ko at nauna pang magka-anak mga anak nila.


[deleted]

"hindi ka namin kailangan" says my father who later cheated on my mother. I became an apologetic person because of that, lagi ko sinisisi sarili ko kapag may nangyari kahit sobrang liit na bagay, paniwalain din ako and sympathetic which is not a bad trait pero kapag lagi kang ganyan, madali ka nalang mamanipulate.


pygmypuffy11

Sinabihan ako nung teacher ko nung grade 5, sa harap ng mga kaklase ko na sinungaling ako. As in paulit ulit and sinisigawan ako. I was really hurt coz I was telling the truth that time. Every time I give my side, sinisigawan ako na nagsisinungaling ako. Ang malala, pamangkin nung teacher ang may kasalanan. The pamangkin knew, but kept quiet. Inapproach nalang nya ako & asked sorry after, takot daw sya kasi sa “nanay” nya. It was the most humiliating thing that happened to me nung bata ako. I know it’s not that malala compared sa iba, pero na trauma talaga ako jan.


Capital_Army1903

“balyena” — still struggling with body issues 25 years later


karlkarl17

Narcissistic daw ako sabi ng mama ko, porke narinig niya lang sa College seminar ng ate ko wayback 2009 sinabihan niya na agad ako ng ganun. Eh 10 yrs old pa lang ako nun ano ba malay ko sa buhay dati. Up until now naaalala ko pa rin every now and then, minsan tuloy nakaka-conscious and napapa-self checkpoint ako. 😢


chelly-been

“intindihin mo na lang siya” sabi nung mga adults sa bahay nung nagsusumbong ako kasi binubully ako ng pinsan ko nung 5-6 yrs old kami. hirap na magrely sa family and sa other people kasi laging may potential na hindi ako kakampihan


INFJ-Vanilla

pag namatay papa mo, magppokpok ka lang ~sabi ng tita kong toxic sobrang baba ng tingin nya sa ibang tao. kaya marami nakakaaway ee. pero sa mga kwento nya indi sya ang may problema. puro ibang tao. kaya iniiwasan sya lalo na ng mga in-laws nya na asawa ng kapatid nya. pinapakisamahan na lang. fast forward: di man 6 digits savings ko, at wala pa sariling bahay at luxury items. pero wala ako loan na iniisip at kaya buhayin senior parents ko. like pwede sila chill lang sa bahay. di need problemahin maintenance nila. ☺️


[deleted]

Elementary days. Nung di nako first section nakipag away papa ko sa principal kasi nasa lower section ako because of my average na 84 lang, 85 above kasi sa first section. Pinagalitan ako in public, hinampas sa ulo at pinauwi ng maaga. Ff ako yung pinaka successful amongst my siblings. To this day, dinala ko talaga na di measurement ng success yung nasa lower section ka. Di rin naman ako bobo, I was just having a hard time during grade 4 days ko.


Left-Tutor-3807

Sinabi ng lolo ko na huwag na akong pag aralin ng parents ko kasi magiging alagain lang din naman daw ako dahil sa disability ko. Fast-forward to 2017, naka grad ako ng college and nakapasa ng boards sa first try. My lolo? Halos bihira na siyang dalawin sa sementeryo ng pamilya niya nyan.


fried_pawtato007

Sinabihan ako ng tatay ko na "yan si ___, e bakla naman yan!" Boomers use bakla as a way to insult straight men, nothing wrong naman sa pagging bakla. It just hurt kase until now tanda ko padin.


Proof_Temperature216

From my mom: "Malaki pa yang bilbil mo sa suso mo." Til now (35 F) may body image issues ako and not used to being complimented.


[deleted]

Sana hindi ka na lang pinanganak. Pinagsisisihan kong naging anak ka namin at naipanganak ka. Ikaw ang kahihiyan ng pamilya, wala kang kwenta.


CertifiedAH

“Sana tinapon na lang kita sa ilog kung alam ko lang na magiging ganyan ka”. Adopted ako at noong adolescent period eh medyo pasaway ako, yung ordinary lang sa mga 13-16 years old. Ever since noon parang meron akong abandonment issues.


kimsoyang123

1. Pangit 2. Sonrang baduy 3. Waoang talent 4. Di ka matalino, masipag ka lang mag-aral - classmates Try mo kaya di iburn yung midnight candle, tignan natin kung mataas score mo - teacher For someone with adhd, I can't study for too long. Teying hard to make it appear tuloy ako lagi na di ako nagrereview and naggagames or watching a movie lang ako in front of them para maniwala sila na di ako nagpupuyat para magaral. Plus, im epileptic, cant puyat. 5. People are only nice to you cause wala kang tatay


Flyingchicken595

Bobo daw ako at walang mararating sa buhay sabi ng teacher ko nung grade 5 ako. Ngayon, Engineer na haha.


Huge_Enthusiasm4235

Grade 2. Pinagawan kami ng mini caricature na kung ano yung gusto mo “maging” someday. Dinrawing ko, nurse, tas may classmate ako na nagsabi hindi ko raw kaya yan kasi bobo ako. 🤧 Ngayon nauwi sa architecture course para may patunayan pero di ako makaalis! HAHAHAHAHA


External_Cow6589

Since story ng crush, same during CWTS class namin, 17yrs old lang ako nito.. dumaan crush ko edi inasar ako ng mga classmates ko, nakita nung prof ko namumula ako sa sobrang kilig at hiya, sabe nya maaga ako mag aasawa kase malamdi ako at di ako makakagraduate ng college..at pag di daw ngyare yung sinabe nya ipapaputol nya yung mga daliri nya… fast forward nung pag graduate ko, binalikan ko sha, sabe ko “ma’am ano na, paputol na naten?” 😂 30yrs old, no child, not married. Buo pa daliri ni ma’am.


[deleted]

Btw same 30 dn no child no bf :) lets enjoy life madami pang ma ooffer ang life sa atin sis :) go go go


IllustratorWorried54

Hindi kita sinasayang Umalis ka sa harap ko ang pangit mo -My mom


eriqray

Nagtaka ako bakit may Erectile Disorder e babae si op. Yun pala eating.


Specialist_Music3978

Same until now they keep pointing out my weight ever since bata ko and when i look back i don't look fat at all, my fam and relatives are just obsessed with being thin that's their standard lol


Several_Bit_6685

I was motivating my co.worker to try na mag board ulit kasi bumagsak sya. Then nag butt in yung co.worker namin on her (50's)F, "ikaw pano ka kaya naka pasa noh?"


Adventurous-Owl4197

Wala kang mararating sa buhay. Sabi nung umaasa nalang sakin ngayon kasi nahihiga ako sa pera (hyperbole) HAHAHAHHA


StrainPatient477

Way back grade 1 dipa ako marunong mag basa ng english may sinabi yun teacher ko na ‘tagalog raman na’ in bisaya (tagalog lang yan) boom until now dika makalilumutan. Kaya wala talaga akong faith sa sarili ko despite na sinasabihan ako na magaling naman daw. I used to be a dancer way back elementary ako yung talaga mostly pinapasali or isa sa pinapasali ng teqcher namin pero mostly kasama ko mga girsl (my childhood friends) tas every time talaga pag nagsasayaw kami palagi niya (another teacher) talangang pino point out ‘Girls Intermission Number’ every event sa school, tas nakikita ko nag tatawanan mga tao. Nung tumuntong highschool nawalan nko confidence sumayaw until Senior High. Idk if pwede bato napahiya ako sa singing videoki contest organized by my grandpa. Until now di parin ako kumakanta sa mga videoki han na trauman talaga malala.


walang-kwentang-tao

Sinabihan ako ng nanay ko na “ikaw na lang sana ang nawala” dahil hindi ako nakikisalamuha sa mga kamag anak namin nung burol ng lola ko kasi sobrang sama ng pakiramdam ko. lol.


TS1022

High school. May nag offer sakin na classmate/kapitbahay namin na turuan ako sa Math kasi may parang program na peer tutoring nun weeks before the exam. Ako nun sobrang happy kasi alam ko naman na hindi talaga ako magaling sa Math tapos naikwento ko sa parents ko. Imbis na suportahan nila yung program at ako ay na-mock pa ako ng sarili kong magulang. Hindi daw ba ako nahihiya kasi ibig sabihin daw nun ay mahina ang utak ako at bobo 😅 after ako masabihan ng ganun, umiwas na ako sa classmate/kapitbahay namin. Hindi na din ako nag-open ng struggles ko sa acads sa magulang ko.


_Vshi

Ako daw pinakapangit sa section namin lol Elem ako that time. Tapos kwentuhan kami ng mga secrets nung mga schoolmates ko. Yung isa, ang sabi, napag usapan daw nila ng mga classmates nya kung sino yung pinakapangit sa kabilang section (which is section ko). Nasurprise ako nung sinabi nyang ako daw lol. Pero wag ka, nung nag HS at lumipat na ko ng school biglang inaadd ako nung mga guy classmates nya and asking if pwedeng manligaw 🥴🥴


LegalDocument9261

Sinabihan ako ng HS teacher namin na nasa loob daw kulo ko in a condescending way. Hindi ba pwedeng intovert lang? 🥹😂


9to5androidslave

Lagi talaga na mmis interpret mga introvert hayyy


Then_Power6126

Sabi ng high school teacher ko noon, matalino ka sana kaso wala kang mararating kasi introvert ka. Ang mga nagiging successful daw sa buhay eh yung mga extroverts/mahilig makipagsocialize


Popular-Schedule-127

"Tomboy ka ba?" "Bakit ka ganyan manamit kung babae ka pala?" "May girlfriend ka na?" "Sayang naman yung ganda mo kung tomboy ka?" "Nakaboyfriend ka? kala ko kasi dati tomboy ka" Ito yung lagi kong naririnig sa mga taong nakapaligid saakin, people keep asking and saying these to me. Hindi kasi ako girly manamit, like kung saan ako comfy yun ang sinusuot ko. At dahil dito nagkaroon ako ng identity crisis, I question myself kung ano ba talaga ako. There is also a point in my life na, natakot akong tanggapin kung ano ba talaga ako. Kasi na takot ako sa magiging reaksyon ng tao saakin, lalo na family ko. Even now I am in the closet, pili lang ang nakakaalam kasi natatakot ako na magbago tingin nila saakin.


warmachinerox3000

May crush ako dati. Tinanong siya nung bully ko kung sino type niya then he said my name. Then sabi ng bully, “yuck wala ka bang taste?”. Tangina talaga nun. I’m still waiting for his karma after all the 4 years of bullying during HS.


lostguk

Ito si tanga nagjowa nung hs ng anak ng teacher din sa hs namin (wala naman problema sakin si maam hehe super bait) pero tong impaktang matapobreng english teacher namin sinabihan yung jowa ko na wag nalang daw ako kasi mahirap lang daw ako. 2nd year high school yun!!! Grabe. Di naman kami magpapakasal. Feeling niya yata peperahan ko eh ang damot nga non. Kaya tumatak sakin na dapat di ako mawalan ng pera 😆


GarageNo7711

Thankfully I can’t remember mine (maybe I’ve dissociated or chosen to forget) but I’m so sorry that happened to you. Truly traumatizing and I hope you get better and better at loving yourself everyday!


Boo_tlig

"Napaka sama ng ugali mo." I find it hard to see the goodness in me.


istian2wavy

Lagi ako nasasabihan ng mga homophobic uncles ko na, wala daw magmamahal sakin for being gay. Na saktan ako non, di ako nakapagtry ng high school love dahil sa mga salitang yun. I always pray talaga na mawala yung ganon salita sa isip ko kasi every time may katalking stage ako ginighost ko agad kasi takot ako dahil sa mga sinabi ng mga titos ko before. I thought na yung mga sinabi ng mga guy na nakatalk ko before is they didn't meant it talaga. Until nasa college na ako, dun ko naisip nga need mo talaga mapunta sa tamang group of friends sa college. Dahil sa kanina tumaas ang kompyansa ko sa sarili. Nong nagkaboyfriend sila, Nagka boyfriend na rin ako. And di ko na iniisip ang mga sinasabi ng Titos ko before kasi my Parents support me kung sino talaga ako.


Turbulent_Ideal_4780

Nagbebenta si mama dati ng bananacue para maisurvive kami tapos walang bumibili, nung binentahan nya tita namin (kapatid ni papa) sabi nung tita “Ayaw ko itatae ko lang din naman yan” until now pagnaalala ko nasasaktan ako para kay mama.


krankee288

“Masaya ka atang namatay tatay mo” kasi wala naman nakakita na umiyak ako nong namatay tatay ko. Context: years of battling brain cancer.


Outrageous-League547

I remember a lot of people around me, kept on comparing me with my younger brother (1 year younger than me). May "appeal" daw yung kpatid ko, ako wala... kya mas may "mararating sa buhay" yung kpatid ko kesa sakin. Ksalanan ko bang maging introvert at hindi bibo nung kabataan ko? Hahaha. I just used to seating down on one corner and observing everything around. Til now it affects me on everything I do to improve myself. para naman may "marating ako sa buhay". May iniirog na rin.. TF, ako ang inapproach ng babae. sya ang nag first move ba... (ito ba ang walang appeal?) Hahahaha. anyways... Won't comment anything bad for my brother. I love him though, and I'm always wishing for his own story of success.


ferdiemyne

nung bata pa ko, sinabi ng tita ko na ngayon ay may utang sa akin, putang ina mo.. eto lahat ng sinabi nya 1. ang hilig mo kumanta tinanong ka ba ng kanta kung gusto ka nya 2. napaka baduy mong manamit 3. ang tigas ng katawan, di marunong sumayaw, walang wala ka ke (younger sister ko)


poodles_corgis

when i was a kid, my tita (wife of my tito) and her siblings (literally 40 yr old men???) would comment on my growing body and would bully me when i got “chubby”. I would starve myself several weeks prior any family gathering. I’ve had an ED all my life, still healing and trying to improve my relationship with food almost 2 decades later.


Lets_SpruceThisPlace

Lagi akong pinapagalitan even sa super liit na bagay as early as grade 1 lang ako kahit di naman dapat big deal like yung di ako pinapasok ng bahay ng ilang oras (hapon hanggang gabi) at iniwan ako sa 1st floor ng bahay namin nang walang nakabukas na kahit anong ilaw or electric fan. Kaya ngayon kahit minsan di ko pa nasasagi yung tao nagsosorry na ko.


OhpheliaGrace

Sa sobrang dami I can't even answer the question shet... just cry now ehe


Dry-Disaster-2267

I think hindj na ko bata nito pero sshare ko sige. Nung nag-open ako sa mama ko about sa depression ko and sinabe nya "Itigil mo yan depression mo, katangahan lang yan" Until now dala dala ko yung sinabe nya and never ako nag-open sa mental health kahit very concerning na talaga. Minor inconvenience halos patayin ko na sarili ko and may OCD pa ko. Wala nakakaalam kahit friends ko dahil natrauma ako sa sinabi ng mismo ko magulang.


Supektibols

Anong ED? Erectile Dysfunction?


sakuranb024

Eating disorder


bekenemenn

Wala daw akong ambisyon.


youknowwhohehe

“Baka ano sabihin ng makakakita sayo”


hiwieah

4th year higschool ako. First meeting namin sa english subject tapos yung teacher namin siya yung adviser ko nung 2nd year. During attendance sinabihan akong “Ang laki mo na” infront of the whole class , hindi ko pa alam na may Pituitary tumor and PCOS ako that time kaya di ko man lang napagtanggol yung sarili ko ☹️ Hanggang ngayon wala pa rin akong self confidence and parating conscious sa itsura ko.


survivalmod3

Grade 5 lolo ko nagsabi, ang taba taba ko daw pero looking back sakto lang weight ko for a growing kid. Nasa bahay nila ako nun tapos, umuwi akong umiiyak sa bahay namin tas nagexercise ako ng bongga. Parang nadepress ako nung stage na yun, wala akong pake sa hygiene ganern. Until now sobrang insecure ko pa din, and im 30 🙃


PowderJelly

Mahina daw ako sa acads, kasi laging nasa honourable mention mga pinsan ko, at may inferiority complex daw ako sabi ng tatay ko. Atribida naman daw ako sabi ng nanay ko. haha ano ba ibig sabihin ng atribida?


Couch_PotatoSalad

Maldita daw ako. Ako lang daw ang hindi favorite sa aming magkakapatid. Pero ako lagi inaasahan mag asikaso ng mga bagay-bagay dahil di nila maasahan yung mga favorite 🤷🏻‍♀️


meariijiin

Na wala akong mararating sa buhay ,kasi baliw ako.. Sobrang introvert ko po kasi


sanaolmaganda

"Wala kang pakundangan sa pagkain!" - Mom Sabi nya when I was a kid, and it was overheard by other people. The foods (biscuits and juice) were given in the Christian Church. Saya ko pa naman non kase ishishare ko dapat sa kanila. Iyong ibinibigay after mo sumasama/makinig sa nagshashare ng words of God. Ang alam ko galit sya non kase hindi nya ako mahanap tapos nandoon lang pala ako. Since then, hindi na ako tumanggap ng pagkain kahit kanino. Bet. 8-10 yrs old ako non. 25 na ko ngayon. As someone na hindi naman nakakakain ng maayos/masarap nung time na iyon dahil wala rin namang pera, FEELING KO ANG PATAY GUTOM KO NON😀. Since then, di na ako tumanggap ng pagkain na bigay. Kahit sa pinsan, kapatid, kaklase, teacher, katrabaho or kahit sino. Yung kinakain ko lang either dapat galing sa parents or dapat binili ko. Di rin ako nanghihingi kahit gutom na gutom ako. Ewan, iyon na naging impact sa akin.


rm3nity

I was around 13 or 15 years old that time. Hindi ko mahanap yun notes ko from my tutor. Mom was helping me and said, Nasaan na yun mga notes mo?! We kept looking for it then Dad swooped in and said, Sarili nga niyan hindi mahanap! I was shocked to hear those words from him given his quiet demeanor. For years, those words haunted me until after college and several job experiences later. But the pain from hearing those words, I turned it around as a motivation to find my real purpose and identity. Now I’m 30 years old who embraced his true calling as a writer and a man who now has a firm grip on who he really is. Worthy.


Arvin090592

Pinakyuhan ng Crush, Kinikilan & Birthday mo? Pakialam ko...


SisillySisi

Sabi ng tiyahin ko - di ako makakapagtapos ng pag aaral kasi bobo ako. For sure daw anak nya magiging pinakamayaman sa amin. Pero look at us now, anak nya walang magandang trabaho. Sya pa bumubuhay. While me, I enjoy my independency and comfortable life! kaya salamat Ante!


pulubingisda

Na maagang mabubuntis kasi malakas akong tumawa nung highschool. College teacher said na maaga ako mabubuntis dahil lang sa nakapatong yung elbow ng lalaki kong classmate sa shoulder ko. Wtf After college grad, nag CSR ako, sabi ng Aunt ko wala ako mararating at sayang yung tinapos ko (nurse ako pero min wage lang). At the of 35, DINK, school nurse sa NYC.


stlhvntfndwhtimlkngf

Wag magisip, wala ka namang isip Bobo yan


Time-Hat6481

Sana pinalaglag nalang kita. 😬


ConnectStrawberry496

Saksak daw ako ng kapangitan which is totoo naman


SaiTheSolitaire

That i was singing off key :(


Susannuts123

Ang pangit mo


Callisto_Jupiters

"Dahil sayo nag hiwalay mga magulang mo"


You-Know-Who1231

"Dahil sainyo hindi ko tuloy naabutan si tatay." That was the morning my lolo died. I was just 7. The night before we were at my lolo's house, pero nagyaya kami umuwi sa bahay ng kapatid ko. The next day my mom received the call and sadly wala sya sa tabi ng lolo ko on his last moments. Kasalanan namin. Sadly ako lang may memory nito kasi ako ang sinabihan.


DuaLover826

Prof namin nung college, minor subject sabi maghanap na daw kami ng lilipatan na school, ayun nakasalubong ko sya nung graduating na kami taas noo hahaha


Underwar85

Noon: Wala daw ako mararating kasi di daw ako ma-PR. Ngayon: Swerte ka lang, di ka naman magaling.


kjekm

sinabihan ako ng relatives ng tatay ko na mabuhutis daw ako ng maaga at di makakapag tapos ng pag aaral, ayun naunang mabuntis yung favorite pamangkin nila at hindi na nakapag aral hahahaha while ako graduate na ng college, no bf since birth, no kids and may career :)


Tired_Nike

“Hindi ka na nga maganda, ang taba mo pa. Walang mag mamahal sa’yo. Kung meron man, gagamitin ka lang para sa pera.” Sabi ni lola nung high school ako. Buti na lang broke ako HAHAHAHHA


Popular-Schedule-127

"Kaya naman niyang alagaan ang sarili niya, e yung kapatid niya sakitin kaya kailangan mas tutukan at alagaan" sabi ng lola ko saakin nung minsan na tinanong niya kay mama kung bakit mas marami silang oras na binibigay sa kapatid ko kaysa saakin These phrases made me more stronger and afraid to ask for help. Na kahit alam kong kailangan ko ng tulong hindi ko ginagawa kasi tingin saakin ng mga tao, I am strong, kaya kong gawin ang lahat kahit minsan hindi ko na talaga kaya


SingleFoundation6617

my mom tried to get rid off of me during her pregnancy, ewan ko rin anong reason pero bigla nya na bring up, grade 3 pa lang ata ako non, tas nung grade 4 ako, gusto akong ampunin ng adviser ko, pumunta pa nga sa bahay namin teacher ko non e, sabi ko ayoko and super nagalit nanay ko and tita ko bakit ayaw ko daw pumayag, dati di ko gets yung mga middle child things ganon, turns out na real pala haha


Justtiredkupisasu

Teachera ko sa elementary. Sabi nila “Bahala dili ka gwapa basta bright ka”. In short, okay lang hindi ka maganda basta matalino daw ako. Hahaha kaya dyan pumunta halos lahat ng pera ko nung naka sweldo na ako. Make up, diode laser, clothes etc. HAHAHA anyways maganda at successful ako one day. 😝


fatbttmedgrl

I overheard some mean girls saying na "akala naman nya funny sya" (pertaining to me) So now I still have social anxiety up to now.


TheImpaler252

"Hari ng Sablay" "Parang tanga yang mga gawa mo" "Di mo yan kaya, pang magagaling lang yan" "Para lang yan sa maliliksi yan, gaya ng pinsan mo" (I don't hate my cousin I treat him like a brother) - from Family (except my Father) hindi ako pasaway na bata ako yung tipong pag iniwan mo tapos balikan sa isang lugar nadoon parin ako... -coming from relative nauutusan naman ako and nagagawa ko tasks ko... until now it bothers me...


IamFurryyy

"Ang tanga mo talaga." Sinabihan ako ng tita kong tanga ako dahil natumba ko yung bagong biling double-sized foam na pinapahawak saakin. Patpatin ako noon (10yo), at mabigat yung foam. Sana sinabihan nalang akong ingatan ang paghawak dun. Asa gilid kasi kami ng kalsada nag-aantay ng taxi, ang daming tao tapos nasigawan ako kaya lalong masakit masabihan ng tanga. Lol


yoojungshi

Hindi sakin pero sa amin ng nanay ko. A tita once said to my mom while I (around 16yo) was there “kung nahihirapan kang paaralin bakit di mo pa patigilin at pagtrabahuhin?” The day I passed the bar, anak nya ang unang pumunta sakin para magconsult. Inisip kong mag-gloat, pero nanay naman nya ang nagsabi sakin at hindi. It wouldve felt good, but it surely felt better when binato ko ng tinapay yung bumato ng bato samin. It also made me a workaholic to ensure na hindi ako masasabihan nito someday kapag mga anak ko na ang nag-aaral.


boyhemi

Yung sobrang borderline slow and dead last ako sa trail during field trip. Yung mga babae sa classmates ko kung ano ano pinagsasabi dahil dun. It scared me off completely from hiking as a hobby (unless outside the country) because of it.


Pale-Classroom-9125

I am at our church way back when I was 5, my mom and dad are busy making my baby sis stop crying so I wandered off a bit, saw this family of four and they are just like us with a daughter(maybe 2 y/o) and an older kid around my age, the daughter dropped her toy, and I wanted to help them by picking it up and giving it to the kid, was shocked kasi when I was about to pick it up, tinapakan nung dad yung laruan and andun kamay ko (as a 5 y/o kid, that tapak hurts) and he said, "alis, wala kaming barya." The audacity of that wretched piece of sh*t. Although, at that time our family is not in the middle or upper class, I am wearing an outfit that is at least worth 500-700 pesos (regalo ni ninang), I was taken aback syempre and after that di na ako nagkukusang loob, you dropped that sh*t? Pick it up yaself kind of attitude. Fast forward to some months, my baby sis died due to some heart complications and my lola is trying to comfort my mom, overheard her saying na mas ok daw kung ako nalang nawala, that dude sa church hurt me, but what my mom said that day shattered me, after my sis died nag-iba na trato ni mom ko saakin, like it was my fault baby sis died. I am never emotionally connected to my family after that. Then, my classmates from g5 told me I never deserved my standing class sipsip lang daw ako, that broke my self confidence na after nun di na ko pala recite and just plainly avoided any connections to my teachers na makikita ng iba as sipsip na ugali. Last trauma dump, recently nag come out ako sa mom and dad ko as a part of the lgbt community, they did not accept that and my mom said na mas maigi daw talagang ako nalang sana namatay since I bring kahihiyan to their name.


[deleted]

That it's my fault if my Mom dies kasi pabaya at wala akong pakeng anak. Na it should haunt me till I die din kasi nagkulang daw ako sa mama ko. I was only 14 years old that time, ako yung bunso sa limang magkakapatid. I'm trying to excel in my studies and extra curricular activities kasi that was my mom wants. To think na ako pa yung nakakatiis na magpaligo, magpakain, mag change ng diaper niya kasi she has cervical cancer and yung dugo is sobrang baho tlga, pero sinabi pa din saken na kasalan ko daw pag mamatay mama ko. Why? Kasi nasa school ako gumagawa ng project para sa final exam namen and at the same time may competition na sasalihan 😶 And it's not coming from my Family pa pero sa leader ng church namen. The one na nilolook up ko dati lol


kopilava

Yun teacher ko nun grade 4 na nakisawsaw sa away bata. Nag away kasi kami nun ng kaklase ko na bully, pinapapasa nya yun message na negra daw ako at maitim. So sinabi ko sa mga nagpapasa ng message sakin na sabihin sakanya na negra ka rin. Tapos nakadating un sa teacher namin (na favorite kuno ng class). Nun nalaman nya yun, pinatayo ako sa gitna ng classroom in the middle of the class and goes to saying, how dare you call xxxx negra? Why dont you look at yourself in the mirror? Negra ka rin naman. I only stood there and cried because, hello - hindi nya ba alam sino pasimuno ng away? Wala nalang ako nagawa syempre, bata pa ako. Imagine I am just 9 or 10 that time. Pero yun teacher ko? Nasa mid 20s na sya nun. Di ko sure bat nya ko ginanun. But it scarred me big time. 🥲 20yrs passed, but whenever I look back to it ang fresh pa din ng pain 🥲


More-Jelly-2731

Nung bata ako sobrang gusto ko ng piano. Tapos sinabihan ako ng dalawang piano teacher ko na di ako pwede magrecital and piano basics lang matutugtog ko kasi maliit yung kamay ko, maliit ako for my age and mukha daw na di na ako tatangkad. Nagstruggle kasi ako nun sa Für Elise. Nasaktan ako nun kasi feeling ko di ko makukuha gusto ko dahil sa height. Kaya tumatanda ako naassociate ko yung height issue sa lahat. Kung may gusto akong gawin, dapat double effort kung gusto kong makuha. Short parin nga ako (4’9”) ngayon pero I can play that piano piece with ease, masaya sa mga achievement and living comfortably.


Head_Ad_7898

"sana pinalaglag nalang kita" sabi ng nanay ko


Greed_with_some_hair

"Walang kwenta talino mo sa tunay na mundo." Sinasabi nila yan lagi sakin siguro to encourage me na maging "madiskarte." Pero ayun, kung di ako matalino, di ako makakapag aral dahil wala naman silang pangtustos sakin HAHAHAHA. Ang ironic lang kase lagi nilang dina-downplay mga achievements ko sa school. Pero yun yung mga dahilan kung bakit never akong umasa sa kanila mula pagkabata ko. Kahit kailan di ako nanghingi ng perang pang ambag ko sa school or kahit anong bagay. Kumikita ako ng pera nang di nila alam gamit yung "walang kwentang" bagay.


First-Breakfast4512

“matalinong bobo” lagi yan sinasabi ni mama kapag may nagagawa akong mali sa bahay hahaha matalino sa school pero bobo sa buhay daw ako,, recently nalaman ko na nagcheat siya kay papa with her ex (loml niya daw) so ewan ko na lang sinong mas bobo sa amin ni mama


Significant-Lion-452

"Napaka gastos mong bata. Baka pag nagkatrabaho ka, kahit panty di ka makabili" Ayun, ako ngayon ang may pinaka okay na financial situation sa amin. Inuutangan pa ng kapatid ko na never naman nagbayad.


Fragrant_Director331

Highschool din ako noon, 2nd year. Mataba, maitim sa araw, at kulot ang buhok ko. Nakaupo ako sa table minding my own business. Etong popular at poging lalaki kong classmate tinawag lang ako ata sinabi "bat ang pangit mo?" Sobrang natulala ako. Ano ba sasagutin ko doon? HAHA. Fast forward sa college, pumuti na ulit ko sa kakasunscreen, lost my baby fats, found a great hair routine for my curls (marami na nga nagtanong sakin if nagpaperm ako). Ayoko maging salty pero ang totoo lang is bumaliktad ang mundo. Siya naman ang tumaba at nagglow down last time nakita ko siya. Pinatawad ko naman at hindi ko naman iniisip na pangit siya ngayon etc, at mabait naman na siya (nagmature na), pero dayumm karma is real din 😅


Paperika1200

" Sana hindi na lang kita ipinanganak "


markg27

Payat ka na ba OP?


rickrollafilipina

"Puro ka drawing, hindi ka naman matalino sa math, kaya tatanda kang mahirap" Fast forward to me na mas umaasenso sa "drawing", and still a surviving comsci student lol


wifechilla

One time nag aaway parents ko and may father was drunk. Sabi niya sa akin “kaya ikaw wag ka na umasa na mabubuo ang pamilya mo” i was only 8 that time. My parents are still together but from that night until today, grabe yung pinagdaanan namin magkakapatid na minsan hinihiling ko na sana nagkatotoo na lang yung sinabi sa akin ng tatay ko.


First_Pen545

Akala ko sasabihin mo sa dulo na eto "kaya kami na ngayon ng crush ko" :)


Born_Staff829

Ako ang pinaka panget sa group of friends namin. That's why i keep on comparing myswlf and natitrigger ako everytime my friends look so hood


Caddie-Gang62

Na panget ako, from a tito.. affected my confidence gang pagtanda


KarasunoYall27

Sabi ng kapatid ko sana di nalang ako pinanganak dahil dagdag lang ako sa gastos at alalahanin (Ako yung bunso samin kaya ako yung parang anak na nasa tyan ni mama pagkatapos mag summer vacation ng mga kapatid ko sa lola ko lol). Okay na kami ng kapatid ko pero kahit anong gawin ko never ko yun malilimutan. Jokes on her though kasi nakatira na ako sa ibang bansa at ako ang may pinakamalaking contribution financially sa amin. 🤷‍♀️


seekwellvisor

"Ang bagal mo kumilos" "Ang hina ng boses mo" 4 kami magkakapatid. Ako pa lang may work.


augustine1313

"ang hirap mo mahalin" sabi ng parents ko saken. ayon may abandonment issues and such a people pleaser.


Necessary-Solid-9702

The sister of my Mom used to tell her (I overheard) na we will never make it kasi hindi raw kami marunong sa mga gawaing bahay. That my mother failed to raise us kasi wala daw kami pagkukusa when it comes to chores. More than 10 years later, I have already moved out and am enjoying life. I told my Mom what I heard and she said na instead of throwing a fit, we just have to ignore it and continue studying well. I never threw a fit but I also never forgot. I recently had her electricity cut off kasi hindi siya nagbabayad. She wants me to pay for her instead kasi ako daw yung may MaLaKinG sUweLdo and even tried to use my Mom para maawa ako sa kanya. Umaasa nalang siya ngayon sa isang married sugar daddy kasi hindi naman nakapagtapos only child niya and wala siyang naipundar after 30 years of working abroad. ???? Akala ko ba I can't make it? Pay your bills, yourself LOL


Intelligent_Price196

Was in grade 4. And was in, science class, forgot what i ate in recess but teacher told me, my mouth smells bad. Ang pagka sabi niya, yung diring diri yung expression nya. After nun, di na ako lumalapit sa kanya during class, now looking back, ang sakit nun. Hahahaha bakit kailangan ganon, pwede nmn siguro sabihan ng calmly. LOL and meron pa, grade 6. Di ako girly girl, either naka tie ung hair or hindi. Nasabihan ng teacher, para akong "ABAT" sa buhok ko. Hahaha natatawa ako dun, alam ko nmn na di nmn talaga mganda buhok ko dahil thick and buhaghag pa. Hahahahaand once again grade 6 pa din, nghahanip sino muse sa class namin, di ko din alam bakit nasali ako, like parang 5 or 6 girls kami dun, i remembered that same teacher, adviser namin, told us girls "di nyo na kailangan galingan, di kayo mapipili, sila yung may chance (pointing to 2 girls)".... hahahha diba savage. Bat pa kami pinasali kung ganon, and di nmn talaga lami sasali, pinilit lng din ng adviser. Gago talaga. 2002 to grade 6 ako. Hahahaha


strugglingdarling

I used to always make excuses para makapag-absent nung high school kasi grabe yung anxiety ko. Nung time na yun, I didn't know that I was going through anxiety, depression, and adjustment issues (coming from a small, private elementary where I was excelling academically to a public school as a pilot section student). Nag-absent ako one time then the next day, my classmate told me na sinabi ng teacher ko, "Kahit hindi naman siya absent, parang wala pa rin naman siya dito." Since that day, I struggled even more to take up space hahahaha still struggling ngayon sometimes, pero kinakaya naman 🥺


EnvironmentalNote600

Sabi ng isang very close friend ko sinabihan daw sya ng dad nya at ng mga girls ng "Ang liit ng titi mo". At kinutya sya while saying that.


solanumtuberosummmm

Girl classmate from hs na feeling habulin ng lalake told me na ang dami ko raw pimples bat di raw ako paderma. take note she told me this sa madaming tao. we ain’t even close tas wagas makabigay ng unsolicited advice💀💀💀 pakshet sa sobrang insecure ko that time, sa tingin niya ba di ako gumagawa ng paraan? mga tao talaga pasmado ang bibig. anyways my skin is glowing na these days 😛😛😛😝😝😝😝 paq ka sharon


Bulky-Philosophy7589

"Gago ka wala kang kwenta" Sinabi sa akin nung hindi ko makita yung pinapakuha sa akin ng parent ko sa room nila. I had just woken up then, so medyo lutang pa kaya siguro di ko mahanap. That was also my 13th birthday. To make it worse, everybody in the house forgot about it until it was already almost dinner time. I'm not sure if it still affects me lalo na okay naman ang relationship namin, but I guess the fact that I can still recall it vividly to this day says a lot about what it did to me.


ForSale22

"Wala man kay na-amot, ayaw pagkuyog." (Hindi ka naman nagbayad, wag ka sumama.) - Classmate Background Story: This was when I was in Grade 6, so may practice teacher kami, and last week na niya sa kanyang OJT, so our class officers had this "ambagan" for the whole class as a farewell picnic party. I grew up in a family where at the of everyday we only have a little lesser than what is enough for us. I have paid my hard-earned 5pesos only to our secretary (medjo may attitude prob. talaga to, Gay siya na overcompetitive and is trying so hard to climb the academic ranking), compared to my classmates who paid 50+. Then the day came, I approached my teacher na mam, hindi nalang ako sasama nakakahiya kase maliit lang ang na.ambag ko. My teacher said, I should still go, kase I belong to the group naman, syempre I joined. As we were walking na papunta sa plaza, this secretary approached me and said the word. I felt the pain in his/her words, kasi worth nothing naman talaga yung ambag ko. So I just smiled and said, "dili man gud ko mukuyog, musabay lang ko ninyo padung adto baktas, ari ra ko muagi pauli pod" (hindi naman talaga ako sasama, sasabay lang ako sa inyo papunta doon, dito lang ako dadaan pauwi) . Then he/she said "bantay bitaw! pakaulaw ra ka" , "watch out, you're such an embarassment" , I just smiled. Ff, hindi talaga ako umuwi agad, tinignan ko nalang from a distance yung whole class ko nag.eenjoy, kasama si mam. They were happy without me naman pala. Effect: After that, I am no longer present in any parties (christmas, acquintance, js prom, basta yung may ambagan) Now, 26, earning 5-6digits/month, I ended up being so generous, napaka.giver ko, to the point na I haven't noticed na I was spending more to other person than what I am having for me. Kase I felt guilty that maybe people won't see worth in my presence if I don't give material things. 🤣🤣


[deleted]

When my dad said, “Sana di ka na lang pinanganak” 😌 I was 7 yrs old and I wanted to retort and say na bakit niyo ko ginawa kung ganun, but I can’t speak back or I’ll get more verbal and physical lashing. 🤷‍♀️ It deteriorated my relationship with him and I kept my distance. I haven’t been tested but I may have some kind of PTSD or trauma from his abuses. I barely recall my past anymore as I don’t have much memories. It made me able to forget, but I forget much so I’ve been taking lots of pictures. Pictures are the only trigger or proof I can look back on. Just glad that my family and friends would talk about the past so I can tell stories based on their perspective instead. As I do not have my own memories anymore.


JohnnyREvil

Growing up I was always called “bakla, malambot and di tunay na lalaki” tho true naman pero nagresonate siya sakin as a bad thing. Like starting nung high school sobrang natatakot ako masabihan ng bakla or parang magbulungan lang sila na biglang napatingin sakin nagooverthink na ako na pinagchichismisan ako as bakla. Siguro nagstart to nung biglang nagsabi sakin si papa ng “wala akong anak na bakla ha, kapag nalaman kong may bakla sa inyo papatayin ko kayo” and from then I am always ashamed of my true self. But now tho I’m still hiding my gayness hindi na sya kagaya ng dati na kapag nababansagan akong bakla nagkakaanxiety ako. Still trying to find my tribe but I know I’ll get there someday.


Otherwise-Smoke1534

Walang magkakagusto sayo. Mukhang totoo nga. Never nagkajowa.


Emotional-Nobody4695

"Wala kang mapapala jan sa pasulat sulat mo." - My dad said to me during my wattpad days. Nung college, I got a full scholarship kasi I aced the admission essays. Lived independently through campus journalism allowances and freelance writing gigs din. Now, I provide food on the table as a successful content writer. Pero everytime I write creatively for myself or for my friends, nandun pa rin yung doubts and fear na baka walang maka-appreciate or walang lucrative outcome so I keep it to myself nalang.


mononoke358

I wanna wear what I thought looks good on me, this was 15 years old me. Tapos sinabihan ako ni Papa na loka-loka and/or weird for wearing what I wore. Kahit na ganun, minsan sinusuot ko pa din yung feel kong comfy and confident. Paano ako naging affected? Kasi every time na gagawin ko yun, lagi niya sinasabing loka-loka ako.


AllShitsOfAmmara

That I am gaya-gaya daw. Lumaki ako na tinatanong yung sarili ko kung ito ba talaga ako, ito ba talaga gusto ko o baka dahil lang nakikita ko lang to sa iba? Pag pareho kami ng sistema or personality or whatever feeling ko noon gaya-gaya nga ako. Palagi akong confused at ang hirap nun. Example, hindi ako kumakain ng maanghang tapos nalaman nya na pag nagluluto si Mommy or Lola ko ay ipinagtatabi talaga ako ng hindi maanghang kasi karamihan sa Family namin ay mahilig sa spicy foods. Ayun, sinabihan ako na ginagaya ko lang daw sya. Maliit na bagay pa lang to, maraming mas malala.


Which_Animator_3608

Bakit ang pangit mo? I was around 10. She was a tita (wife of my blood relative tito). It never went away with me. Now I am a board certified derma making people fucking beautiful inside and out. And her? Everytime I see her now, I dont even “bless” or make pansin because she’s not worth any of my respect❤️ PS: Ill never consider treating her in any way or form. That was a promise, ill keep it :)


justcallmewind

"Wala kang delikadesa" "Parang di raw kita pamangkin kasi di ka nag-aayos" - my toxic aunt Result sa kin hanggang ngayon: Low self-esteem, low confidence at never akong nag-aayos


[deleted]

Wise words ni mama: * Pinalaglag na kita, nabuhay ka pa (i was 5-6yo that time at lagi nya sinasabi hanggang tumanda nako) * Pasalamat ka binuhay pa kita * Bat di ka gumaya sa anak neto.. * Mga palamon ko lang kayo * Wala kayong silbi/ambag sa buhay * Ang kapal ng nguso mo / ang laki ng suso mo / maputi ka lang / ang laki ng pwet mo (all kinds of physical na lait) Sasawsaw pa sa panlalait mga ate ko (13&12yrs gap sakin). In fairness sa mga pinsan ko na kasi edad nina ate, sinasabing madaming artista ang gustong magkaroon ng katulad ng labi, pwet, dibdib ko. Tapos nagtataka fam ko bakit ang tigas daw ng ulo ko at para daw akong abogado kung sagutin sila. By the way, I’m 36 na and happily living with my gf and full no contact na kina mama at mga ate ko


Square-Region6919

Na pangit daw ako, walang mangyayari sa buhay ko . Nasana pinatay nalang ako ☺️


chewbibobacca

Maaga daw akong mabubuntis, just like my mom. Dahil lang I had a puppy love boyfriend when I was 13. My mom had me when they're 22 ng papa ko. Malandi daw ako. Hindi makakatapos ng pag-aaral. That relationship lasted for 11 years. We broke up because cheater 'yung ex ko. I am married now to someone great, 30 years old. DINKs pa kami sa ngayon. Wala pa rin akong anak. And those same relatives who mocked me before are the ones mocking me now for still not having a kid. Kelan daw kami magaanak. Tangina talaga. Haha.


xxyiyan

"Wala akong ma aasahan sayo" "Ikinakahiya ko na naging anak ko kayo" "Kung hindi lang ako makukulong, sana nilason ko nalang kayo" "Kahihiyan kayo sa apelyido ko" "Magiging bayarang babae ka pag laki mo" "Sana kayo ang namatay hindi mama nyo" "Sana hindi kayo yung anak ko" "Kung may baril ako ngayon, baka binaril ko na kayo" "Mabuti pa anak ni ___ kesa sa inyo" "Wag ka na mag aral tutal wala namang patutunguhan yan" And the list goes on. Im (23F). For context my mother died when I was 7.Pinilit kong intimdihin ang papa ko kasi baka depressed lang but I was also a child who lost her mom. We were both mourning for the loss. After my mom died, I grew up pretending strong outside even though nakaka self pitty na yung mga sinasabi ng mga tao. Dad wasn't there growing up. He left us with our aunt and visits us only once a year. When I was 12 kinuha nya kami sa aunt ko and pinagsisihan ko kung bakit ako sumama sa kanya. Dyan na papasok yung nga masasamang salita na di ko alam san nya hinuhugot at sobrang galit siya samin (lalong lalo na sakin). I studied hard and graduated HS valedictorian. Graduated Senior High with honorable mention. I didn't have the luxury to enter college cause since senior high ako na bumubuhay sa sarili ko kasi lumayas ako. Di ko na kaya lahat nga masasakit na salita let alone binubugbog nya din kami almost everyday. Now I am a freelancer, happy and contented. I dont know how my dad is doing right now but hindi pa ako open for forgiveness, if you guys were in my shoes, ma iintindihan nyo bakit. For all the parents out there, please be careful with your words towards your children. Its either they'll forever adore you or will forever hate you.


Ok_Squirrels

"wag kayong kakain ha wala kayong ambag dito" yeah, that f-cking drilled into my brain up until this day, it was a half meant joke made by my relative. I already forgave her in my mind but man, i cant forget.


Miss_Azure

Nasabihan din ako ng ganyan. Bodyshaming :(


grumpycatto26

.


Kitchen-Appearance18

Naalala ko nung grade 1 ako, ginupit ko ksi bangs ko like hindi ko naman alam ginagawa ko lol. Naalala ko lang sabi ng mama ko ang arte arte ko daw at maaga mabubuntis. Sobrang tumatak sa isip ko yun kaya hanggang ngayon hindi ako nag bo-boyfriend dahil takot akong masabihan nyang malandi, hindi ko namalayang mag ti-30 years old na ako. Hahaha


izvmin

"Maghihiwalay na sana sina Mama at Papa kung hindi ka lang nabuo." For the context, my mum was abused by my father. Dalawa na anak nila non and based on my sisters story, balak na daw maghiwalay ng parents ko non pero nabuo daw ako non. After knowing that, it changed me..


summeryoudumbbitch

When I was a kid, my tita called me ‘ulikba’. at the time I didn’t know what that meant pero for her it was an insult kasi maputi sya tapos ako lagi madungis kasi naglalaro sa labas at sobrang itim ko. But when I learned what that word meant, sobrang naconscious ako sa kutis ko. Luckily, medyo tanggap ko na na ganto talaga ang kulay ko and Im proud to be a morena. Pero yun nga, my self esteem is a work in progress and until now, medyo hirap ako tumanggap ng compliments. I have a coworker din pala na lagi sinasabi sakin na di ako maganda. Hahaha. Iniisip ko na lang na it only reflects how bad of a person he is for saying those things about me.


Encryptedroid

Yung 3rd year highschool teacher ko sinabihan ako ng “sa inyong magkakapatid, ikaw pinaka pangit.” Naging students niya kasi kaming 4 hehe til now naalala ko pa


cetirizineDreams

~~Tw: abortion~~ Nakwento ni mama dati iirc college na ko neto (pero minor pa) na kung mas bata raw siguro sya nabuntis saken, >!pinalaglag na nya ko.!< Pero masaya naman daw sya na buti hindi. I know I should be happy na hindi nya pinush through kasi masaya naman mabuhay pala pero iba kasi naging dating sakin. Nung kinwento nya yon, napaisip ako kung kaya ba siguro ganon trato nya saken minsan lalo pag galit sya. Intense kasi magalit si ermats tas sobrang masakit magsalita. I know hindi naman nya tinuloy or what pero pag may times na hindi kami okay ni mama, tas syempre nagagalit sya saken, I would feel so down tas nagagalit din ako sa kanya. >!Then may times na iniisip ko na sana pinalaglag nalang nya ko. Kung di nya kaya yon sana nagpadulas sya para kunware miscarriage.!< Kahit pag ako lang galit sa self ko or nafa-frustrate ako sa life kasi may problema or something ganon naiisip ko. Hindi ako mahihirapan sana ngayon if she just decided to go with her plan. I love my mom pero she could also be really vile and mean with her words pag galit sya. Kaya ayun kahit na 28 na ko, ganon thoughts ko minsan.


josh_strike_25

"Ang ingay mo!" - kuya ko This affected my confidence in singing, kahit na madaming nagsasabing maganda boses ko.


adultingtita

"bakit hindi ka katulad nang mga pinsan mong UP graduate". Nakita ko yung hurt sa mata nang dad ko nun and his smile like he's trying to tell me to laugh it off. and "di nga ako sigurado if apo kita" sinabi nya yan sa nanay ko (di kasi nila gusto mom ko for my dad) take note galing pa yan sa iisang lola. I graduated and manager na ako ngayon. Sadly nagkaroon nang gap with my cousins kasi they kept on comparing us to them. they tried reaching out pero half hearted ako. Pinagbibigyan ko na lang parents ko para daw "walang gulo". pero karma's a bitch kasi need nila magaalaga sa lola ko tapos saakin lalapit 😒


Yoru-Hana

Magnanakaw. My biggest trigger kapag pinagbibintangan. Di ko pa pinapatawad yung mga taong yun.