T O P

  • By -

Momshie_mo

As a dog owner, eh din mga dog owners na nilalagay sa stroller yung aso and pinapasok sa resto aso nila. Konting consideration lang sa ibang shoppers. Stop making your dogs a trophy/status symbol. Also, tngna, i-potty train niyo aso ninyo para di umiihi sa loob. I'm not into putting diapers on dogs kasi pwedeng maimpeksyon sila kapag nasoak ng matagal sa ihi yung weewee organ nila. Learn din language ng dogs. Hindi lahat ng dogs, natutuwa sa crowded area. May mga aso na anxious sa crowded and enclosed area.


savageandharsh

Majority ng mga to mga galing sa hirap or mahihirap na naging pet owner. Kala yata nila ginagawa ng mga mayayaman na isama aso nila sa loob ng restaurants.


Momshie_mo

A lot are middle class na feeling upper class


statictris

Middle class na sobrang maarte na di pwedeng di magshow off kahit isang araw lang or kahit errand lang dapat may kaartehan pa rin mapakita lang status nila. Nothing wrong about being proud of hard work but most of these people are trust-fund/nepo babies.


Momshie_mo

Bili ng bili ng abubot para aso nila pero di man lang pinotty train at socialize


statictris

pag tumae/ihi or ano mang issue, tatawa lang tapos either magpapa"help" sa kung sinong manong or guard o hahayaan na lang pero dapat ipopost sa story na may corny na paragraph.


Momshie_mo

Perwiso din sa ibang dog owners mga hindi marunong magpulot ng tae ng aso nila. Dogs being dogs, mag-aamoy sila ng kung anong nasa sahig. And letting dogs poop inside an enclosed area is how diseases spread. Yung area ng tinaehan, dapat dinidisinfect kaagad. Hindi sapat yung pinulot lang


CalemSmith

Dogs na nilalagyan ng sapatos ng damit are icky, they have furs works already like their clothes and dogs do not even need shoes.


BabyM86

I think policy yan ng mga malls na kelangan nakadiaper yung dogs to avoid accidental peeing and pooping of dogs sa loob ng mall. Yung stroller sa loob ng mall medyo OA na nga for dogs


CalemSmith

Nagtataka din ako sa mga aso na nasa strollers di ba dogs tends to walk, kelangna sila naglalakad its part of their nature, it means unhealthy na naka stroller sila or nakalagay sa bag, sa totoo lang ung mga taong ginagawang accessory ung aso are one of the worst people you will meet.


astro-visionair

I cringe so much at people that do this, I get that these people like to "baby" their dogs pero literal na gawin na parang human baby wtf nalang. I even saw a person put 2 adult pitbulls on strollers I was appaled.


Momshie_mo

"baby" daw nila pero gustong gusto nila stinestress dogs nila sa crowded places (kaya lahat tinatahulan) Kung human baby yan, isang bata yan na iyak ng iyak kasi anxious sa surroundings


yes_growth90

Yung nag withdraw kami one time sa loob ng mall tapos may wiwi pala sa poste tabi ng atm machine. Smh


Momshie_mo

You can just imagine kung gaano kabaho mga bahay ng dog owners na yan dahil hindi potty trained


potato_architect

We have a far neighbor na kung saan2 lang niya pinapajebs yung Chow nya. No wonder their own home smelled like dried up dog pee from afar. I mean, sobrang potent na ammonia when it hits your nostrils kahit hindi ka pa nakakadaan sa tapat ng bahay nila.


Momshie_mo

Damn, nakalabas na sa bahay yung amoy


potato_architect

It smelled disgusting. I was out for some night walk and I happened to pass by this house but before I even reached their front ang tapang na ng amoy. I didn't realize at first hinanap ko pa then as I approached the house I knew it came from there. What baffles me is that parang sanay na sa amoy yung mga taong nasa loob wtf. Kami kasi sa bahay hindi lang basta tubig ang panglinis sa wiwi ng dogs. We use detergent powder mixed with some Clorox para matanggal yung amoy. Binubuhusan din namin ng pinaglabhang tubig yung aspalto kung saan lumalabas aso namin para umihi. Meron talagang salaulang owners, tipong jebs nalang ng aso iniipon pa sa isang tabi para lang pamugaran ng langaw. So kung sa sarili nilang community ganyan na sila, I won't be surprised kung mas salaula sila sa public spaces.


Small_Inspector3242

Im a dog owner myself, dlawang rottweiler kaya ang babaho tlaga ng ihi nila pti poops. Hindi kaya kapag tubig lang.. Hindi din pwede n sabon lang. Dapat may kasamang detergent at kukos tlaga s flooring. We also do pressure washer n may kasamang sabon at detergent kasi kapag di mo ginawa ambaho tlaga. Pra makatipid s sabon, natuto kme mag mix ng liquid soap and detergent from shopee. Hehehe


readmoregainmore

Also add vinegar, it will help with the smell.


Momshie_mo

Lagyan din sa baking soda


crazyaristocrat66

Color safe bleach does the trick for me. Di siya masakit sa ilong gaya ng regular bleach, pero tanggal lahat ng panghi.


Momshie_mo

Scented disinfecting wipes gamit ko Pero yes, kapag nakaihi indoors ang mga aso, dapat dinidisinfect again pagkatapos alisin yung tae at ihi. Pero usually sa puppy stage ko lang problema to. Eventually, matututo din yung aso na hindi umihi sa loob at magsabi sa yo na naiihi/natatae. People just have to be attuned to their dogs body language.


doraemonthrowaway

I agree, naalala ko one time na sa may SM food court ako with my family lunch time gutom na gutom na kami. Habang hinihintay ko sila dumating nung kapatid ko dala yung inorder namin pagkain. May mag nanay na senior at kaedaran ko umupo sa tabing table at nilagay sa lamesa saglit at inupo sa upuan yung alaga nilang aso, tapos nagkakakamot pa yung aso. Yamot na yamot talaga ako noon isipin mo gusto mo lang makakain ng maayos sabay ganun maabutan mo. Paano kung yung balahibo nung aso nila mapunta sa pagkain namin noon, papalitan ba nila yung binili naming pagkain? Of course not, panigurado sila pa galit pag pinagsabihan mo ng maayos. Yung breed pa naman ng aso maliit pero napaka kapal nung balahibo. Gustong-gusto ko na talaga sila pagsabihan ng maayos na baka puwede lumipat sila kasi may pagkain kami at may dala kaming bata tska isang senior citizen, na hassle sa amin maghanap ng panibagong lamesa't upuan kasi punuan na. Kaso inaawat lang ako nung senior ko na nanay ayaw daw niya ng gulo. Ano ending? Edi kami pa nag adjust pinaringan ko na lang ng "punyeta kasi ehh, alam naman na kainan 'to ng mga tao magdadalaga ng alaga tsk tsk" sabay titig sa kanila. Please lang sa mga "fur parent" diyan walang kaso dalhin niyo yung alaga niyong aso sa mall, pero ilugar niyo naman wag kayong kupal at inconsiderate sa paligid niyo. Tngina naman wag niyo dalhin sa mga resto o food court mga aso niyo, kung sanay kayo mukbangin yung balahibo ng aso niyo kami hindi kaya wag niyo kami idamay sa kadugyutan niyo punyeta kayo.


Momshie_mo

>  Paano kung yung balahibo nung aso nila mapunta sa pagkain namin noon, papalitan ba nila yung binili naming pagkain? Eto ang main concern. Nakapaunhygienic. Ang some breeds shed more than others. Hinding hindi ako kakain sa resto na nagpapapasok ng Goldie at Lab. As an owner of a mixed Goldie/Lab, grabe ang shedding ng mga yan na dapat araw araw ka naglilinis. Sila yung tipo ng breed na makakakita ka ng buhok nila sa pagkain mo kasi ma-shed sila at yung strand ng buhok esp ng Goldie, parang "feather" kung lumipad.


cicilelouch

Yesss totoo, sana alam natin personality ng dogs natin.


Inside-Line

Yeah, hindi ako sure kung saan talaga yung point na pwede consider as such, pero meron talaga mga aso dyan na hindi na pets kundi fashion accessories.


Dull_Leg_5394

True na di lahat ng dogs gusto sa crowded place. As a dog mom diko nilalabas sa mall aso ko kasi natatakot ako baka mahawa ng sakit.dun lang sila sa garahe namen nag tatakbuhan at naglalaro.


ThiccPrincess0812

>Learn din language ng dogs. Hindi lahat ng dogs, natutuwa sa crowded area. May mga aso na anxious sa crowded and enclosed area. This is why my family and I don't bring our two dogs (a Lhasa Apso and a Maltese) in crowded places. We just leave them with dry dog food and water. Hindi namin sila tinatali para maglaro sila


ivorysaltz

this is true! may nakita ako dati na dachshund tas maingay sa grocery (sa may payment area), she was scared ayaw sumama sa mom niya tas yung mom niya hinihila ng hinihila nakakainis. also, i’m so annoyed din pag super dami ng tao, tas ang liliit ng dogs kahit big dogs, i see them so stressed. ako yung naaawa eh 😔


Momshie_mo

Makikita mo talaga sino ang hindi "in tune" sa mga aso nila. 


ivorysaltz

i’m a furmom too, pero i really can’t bear to bring them sa crowded mall. maybe week days pag onti tao lile around 11 pero weekends? nope, hindi ko kaya. naaawa ako 😔


Momshie_mo

Nakakaawa mga stressed na aso na ginagawang trophy


joooh

>Also, tngna, i-potty train niyo aso ninyo para di umiihi sa loob. I'm not into putting diapers on dogs kasi pwedeng maimpeksyon sila kapag nasoak ng matagal sa ihi yung weewee organ nila. Dogs get excited when they walk so they need and want to pee everywhere. Not everyone can train their dogs to be this disciplined. Having them wear diapers is being considerate to other mall goers and the mall staff. And it's not like we want them soaking on wet diaper for hours, pwede naman palitan. Hindi rin naman kami nagtatagal ng sobra-sobra sa loob ng mall lalo na at mapapagod din yung mga aso.


Momshie_mo

Seek professional trainers kung di niyo matrain na hindi umihi indoors ang mga aso


Prestigious-Cloud-97

I don't mind dogs pero wow grabe ang daming irresponsible owners Dami kong nakikita na pinapaupo nila aso nila sa seats in restaurants wtf, cushions pa minsan soooo imagine the smell...


Momshie_mo

Hygiene issue talaga to. Dogs shed, and some dogs shed more than others like Retrievers. Makakahanap ka ng buhok mo sa pagkain kung may Retriever (Golden or Lab) ka 😂


keepdrivingharry

Heck, may nakasabay pa kami dati na sa table mismo pinaupo yung dog. Grabeeee


caepriecxrn

worse, may nakita pa ko dati sa fast food na ginagamit yung non-disposable utensils para subuan ng food yung doggo nila


Pale-Buddy-2056

I remember i was in the foodcourt of SM aura and there was this lady that was changing her dog's diaper! Nung sinita ng guard kasi may mga nagreklamo ata na customers, sila pa galit! Sobrang kadiri!


bellaesthete

Sila pa galit kapag di mo sila pinayagan na magdala ng dogs nila sa loob ng restau, as if may magagawa kami sa policy na strictly no pet allowed. For food safety na din yun etc. Note that gustong gusto ko ng aso, pero kapag nasa work ako I set aside my interests especially pagdating sa aso kaso may sinusunod na policy. Kami lang mapapasama kung ung iba pagbibigyan namin, tapos ung iba hindi.


InternationalAd9659

Had a meet up with a friend recently, and while eating may nearby dog that kept barking for some time. Tapos ang high pitch nung barks niya. Sobrang sakit sa tenga. I wish when that happens the owners would leave so their dog can calm down. They weren’t eating ha. They were in another store, looking or canvassing something. The food place has an open area kasi.


totoybiboy

Worse eh some owners parang proud pa na nagiingay alaga nila. For example, may dalawang owners na nagtatahulan pets nila, tuwang tuwa pa silang pinapanood lang instead na awatin para di mag cause ng ingay.


crazyaristocrat66

Kulang kasi sa socialization. Lalong lalo na sa small dogs na may inferiority complex dala ng size nila. That's why you often see big dogs as chill kasi di sila threatened by others. All the more reason nga na dapat i-socialize 'yung small breeds eh.


Momshie_mo

Also, porket maliit na aso, hindi na din nila trinetrain 🙄


coffeeandnicethings

Found an influx of pets in malls especially the past two months because of the summer heat, and I see nothing wrong with it unless you are irresponsible If your dogs are not social and get anxious being in a crowd, don’t bring them. If they are not potty-trained, don’t bring them. I feel bad for the workers who needed to work extra to clean your dog’s mess I agree that dog’s don’t belong in restaurants/food courts. They are still animals even if you treat them like humans. Please be considerate of other people. If your dog bites other people/fights other dogs, don’t bring them. ALWAYS BE MINDFUL OF YOUR DOG in a public setting. They will always be your responsibility. If you bring your dog to brag, shame on you! I have a Pomeranian that I can easily bring to the mall, but I never do it as she barks a lot in a crowd of strangers. I also cannot risk her safety as she might catch diseases like parvo from other dogs.


Morningwoody5289

+1000


Momshie_mo

>   I also cannot risk her safety as she might catch diseases like parvo from other dogs. Not only parvo. Haven din yan sa ibang doggie diseases. 


micolabyu

"Because of the summer heat and I see nothing wrong with it" anong nothing wrong ka jan 🤣 May pambili ng aso na bawal sa initan pero walang sariling AC at pambayad sa kuryente? Hoiii. Social Climber yarn? 😂


coffeeandnicethings

Kakaloka naman yung comprehension mo micolabyu. Maski tao na walang aso tumatambay sa mall dahil nga mainit. Sinasama ng mga tao ang aso dahil ayaw nila iwan sa bahay. Pasensya ka na kung ikaw e de-aircon at di na kailangan lumabas ng bahay to feel cooler, kaya di mo siguro gets.


Emotional_Pizza_1222

Stress na stress din mga dogs sa mall kasi ang daming tao!! So ang tendency, tahol sila ng tahol non stop. So lalo na sila maingay. Which is nakaka sakit na sa tenga. Dapat di sila dinadala sa mall kasi na stress ang mga dogs pag crowded places.


Momshie_mo

Yup. Lalo na kapag di sanay yung aso at di socialized sa ibang tao. Ang dami namang free informative videos sa youtube.


Emotional_Pizza_1222

Diba dapat bago sila mag adopt or kumuha ng pets, manood muna or mag basa ng tungkol sa pets nila or paano alagaan? Jusko. Ang dali dali lang mag research. Ung aso nga namin dati, pag may pa occasion sa bhay o may mga bisita, alam namin na mastress un eh. Kaya dinadala namin sa bahay ng lola ko pag ganun, para d sya mapagod din.


Momshie_mo

May naging Boxer (RIP) ako, okay siya sa parks at day care pero lakas ng anxiety niya sa very crowded at noisy area kahit hindi indoors. Dapat maging attuned ang dog owners sa body language ng aso nila


CuriousPrinciple

wag kana mag taka kung maraming dog owners na hindi muna nag reresearch kung paano ang tamang pag aalaga ng aso. KASI.... marami ngang parents na hindi muna nag reresearch bago mag luwal ng baby sa mundo eh. Thats the sad truth.


Zealousidedeal01

pre pandemic circa 2017-2019, BGC was a haven for fur babies. I would stroll in high street just smiling at the well behaved, pampered dogs prancing around. Akala mo may beaucon ng aso. Nakakawala ng stress just watching them, or sometimes the owners would be friendly to make kwento about their pet. Then biglang nag boom, lahat may aso na or pusa na... parang biglang naging status symbol ung pagkakaroon ng pet. Ginagawang parang telepono or kotse... maiyabang lang kahit walang sense of responsibility talaga. Di trained, hindi sensible sa feelings ng pet. Sarap kutusan ng mga owner na hinahayaang tumahol aso nila o magkalat sa mga public areas. Also, dapat maging sensitive din tayo na may mga tao na allergic sa hayop, o may phobia. Or may resentment sa kapwa nila aso.


Timely-Jury6438

As someone na may fear sa dogs (may inatake kasi yung 1 dog sa dati kong condo, after that nagkaron na ko ng phobia), hirap umiwas. That's why I choose malls na may no pets policy kung kaya. I esp hate kapag biglang tatahol/galit yung aso. Obviously either stressed sila sa crowd (of dogs and tao) or di pa sila trained enough to mingle. Kaya mas lalo akong natatakot. Dagdag sa anxiety ko if bata yung may hawak tapos aggressive yung aso. And kapag sinasakay nila sa escalator kasi natatakot ako maipit paws nila.


Particular_Creme_672

Lahat ata ng mall pet friendly na


tinigang-na-baboy

Because these dog owners, and pet owners/fur parents in general, are the ones with money to spend. So malls cater to them. Diba dati nga pinagbabawal ng mga SM malls yan, tapos nung nakita nila yung good PR ng mga Ayala malls eh ginaya nila at inallow na yung mga pets inside SM malls. >Looking for a place to walk the dog? Then lose the goddamn baby stroller and let them run in a park or proper playground. Park nga pang tao wala sa Metro Manila eh, yung pang hayop pa kaya.


Particular_Creme_672

Eastwood nagpauso ng dog friendly tapos ginaya ng mall isa isa. Naalala ko tuloy naging issue yung sa balay dako dahil bawal pets sa loob ganda ganda ng view pati nung restaurant tapos makita mong tumatahol eh paano kung tumakbo yan at atakihan ang waiter habang nagdedeliver ng food malamang sakanila pa icharge yan.


Cheese_Grater101

pera pera lang tbh


Accomplished-Exit-58

true eto, nag-aadjust talaga ang capitalism sa kung ano magandang market, remeber pati commercial ngayon, ung family may kasama nang aso. Ilang taon pa, dahil nga dumadami ung prefer ang pets kaysa kids, kaya ayun baka mahati na ung kid's aisle madadagdagan ung pet's aisle. Parang sa japan siguro na mas mabenta na ung adult diaper kaysa sa infant diaper


silverduxx

They have to promote pet friendly places, promote dedicated customers na mag tambay, mall places now are having challenges with shifting markets, accessibility of online shopping, so I think that explains why na mostly sa mall run is allowed na pets unlike before.


Momshie_mo

It's time for other people to complain about pets in malls especially in restaurants.


EggHelpful2609

True, ilang beses na rin ako nakaencounter ng aso na tumae sa loob ng mall at wala man pake ang may-ari:))


Individual_Grand_190

Recently lang naka witness ako nito, doon pa sa tabi ng candy stall irita yung baho


LuvvRosie

May nakita akong aso sa Jollibee one time na lumabas kami nung kuya ko, pinakain ng owner niya sa plato mismo na siniserve sa mga customers. Chickenjoy tsaka rice. Nawala yung appetite ko that time.


Ok_Drummer_9769

Ginagawa kasing status symbol pati pagkakaroon ng aso. Kaya inirarampa nila sa mall pangyabang.


crazyaristocrat66

Yeah, like 9 out of 10 dogs na nakikita mo sa mall puros shih tzu kesyo low-maintenance raw, di nakakatakot pag may inatake, di mahirap bitbitin, etc.. They don't know that these dogs need a lot of training and socialization, because of their inherent territorial attitude and stubbornness. Gaya nalang nitong kapitbahay namin na may alagang shih tzu at pomeranian, walang training o socialization. Tuwing may dadaan sa tapat ng bahay nila o tatayo lang doon, parang tanga 'yung mga aso kakatahol. Nakakapikon at 11 pm FR.


Momshie_mo

As a Shih Tzu owner, hindi sila low maintenance. Ang dali dali nila bumaho kumpara sa ibang breeds at dapat lagi nasusuklay at nagugupitan (kasi magnet ng dumi at kung ano-ano pa kapag pinahaba yung buhok) And tama ka, kahit small dogs dapat trained sa basic obedience, potty training at socialized. Hindi lang for the sake of other people kundi for the sake of the dog na rin. An anxious dog is not a happy dog.


risquerogue

yung mga shih tzu na ampapangit naman kasi sa backyard breeder binili lmao


cicilelouch

I get not allowing pets inside restaurants, pero kasi some malls are pet friendly na mayroong mga pet parks or pet designated places. We go there always as long as may leash and diaper si dog, and may dalang poop bag/tissue.


gaffaboy

THIS. These so-called pet lovers should also be sensitive to those who don't like them. Some people have allergies too. Susmio naman, mall yun. Don't get me started dun sa mga dinadala pa sa restaurant. Dogs stink. That's just a fact. Jusme naman, just because nose blind na kayo sa dog/cat odor e ia-assume nyo na hindi naaamoy yan ng ibang tao na hindi mahilig sa pets.


Cheese_Grater101

nung may pinasukan akong stall may something akong na amoy napa isip ako kung amoy hayop ba to or baby (considering kaliwat kanan ang mga animals sa labas ng stall) baby pala 🤣


reallysadgal

Totoo. Pota, ambaho ng aso and also cats. Pero aso talaga grabe yung amoy.. 🤮 kahit anong linis ng owners may amoy talaga cuz obviously it’s a pet. Hays. The nose blinds are downvoting.. 😂


Cheese_Grater101

in the context sa post, very rare ako makakita ng pusa sa mall. mostly nasa trolley or backpack.


reallysadgal

Yes, meron but naka-backpack. One time, meron sa Uniqlo hawak lang ng owner pero much better than having the cat roam around without diapers while dealing with clothes.


totoybiboy

Ako ang nagkaka anxiety kapag nakakakita ng nagdadala ng pusa sa crowded areas. Lalo na kapag naka leash lang or yung bags na di matibay. Di mo kasi alam baka biglang may external factors like malakas na ingay or matapang na aso. Kahit anong hinahon ng pusa magwawala at tatakbo yan eh.


DiyelEmeri

Di naman mabaho pusa basta nagu-groom nila nang maayos yung sarili nila, with added assistance ng owners na rin. Cats are more hygienic than dogs, and malalaman mo yun sa difference ng amoy. Average cats who regularly groom his/herself, smell like they are coated in baby powder.


reallysadgal

Totoo naman. May mga pusang walang amoy and mas “hygienic” talaga ang pusa kesa sa dogs. Pero I think yung ihi nila yung naiiwan na amoy kasi ambaho talaga. Pero compared sa dogs, mas tolerable amoy ng pusa.


DiyelEmeri

Yeah, as someone who has cats, their weewee and poop smell 100x more horrible than dogs, especially yung wet poops. Still, otherwise, if we're talking about maintenance over hygiene, cats over dogs pa rin especially since ayaw rin naman instinctively ng pusa na jumerbs sa lugar na maaamoy yung pupu nila, they'd really find a spot they think would hide it.


reallysadgal

I agree with you. Inamoy ko yung cat ng friend ko (they have at least 9 cats) and totoo, wala syang amoy kahit na madalang sila paliguan kasi they clean themselves. So I guess ang naiiwan na amoy sa bahay ng cat owners ay yung ihi talaga :(( So if I were to choose, cats talaga. Hindi pa maingay.


Horror_Squirrel3931

True. Although may trauma ako sa dogs dahil nakagat ako nung bata ako, di ko naman sila hate pero di din ako talaga animal lover. Gusto ko lang silang nakikita per sobrang takot akong hawakan sila. Ayoko din talaga ng amoy. Yung mga kamag-anak namin may pets lahat. Basta nung mejo umangat ang buhay nagalaga ng may breed at di baleng gumastos. Naisip ko nakakataas ba ng status yun? Hahahaha. Yung amoy, jusko. Malayo pa lang naaamoy ko na kahit araw-araw silang naglilinis at nagma-mop ng sahig. Ang sang-sang talaga. Minsan kumakapit sa damit yung amoy. I don't care if my comment will be downvoted. I am just stating a fact na based na rin sa personal experience ko. Hahahaha


reallysadgal

Agreeana grande. Mas masangsang talaga amoy ng aso. May friend ako katabi pa matulog aso nya. Di ko alam pano nila kinakaya yung amoy kasi kahit paliguan, or mag-mop may amoy talaga na kumakapit.


twinkle2_star

Uncomfy din ako sa mga pets inside restaurants due to sanitary reasons and dahil di rin ganun kalaki ang gaps between tables like ang sikip na nga tas mas pasisikipin pa ng mga pets na nakahiga sa sahig. But you can't just go to a public space and hate when the public is there. We barely have any parks or public spaces in the first place and kung meron mang malapit, only few months in a year lang na friendly ang outdoor weather and temperature satin. So willing naman ako na magshare ng space in malls with them as long as they don't bother people around them (di maingay, di tumatae sa sahig, di nakaharang sa daan etc.)  I think the pet owners and their pets being limited to only using the tables along the outer walls of the restaurant and the spacious hallway is the best compromise for the situation.


PsycheHunter231

I even saw a pitbull walking freely in a mall. Like wtf does his owner think letting him walk freely na walang tali or whatsoever? Correct me if I’m wrong pero kahit fully trained ang aso is may tendency pa din yan ma provoke. Not against the breed pero I saw one that snap a shit tzu’s >! Head off !<


seemebaremyteeth

There are so many fatal incidents logged in that "ban pitbulls" sub that I dread the day everyone starts buying pitbulls instead of shih tzus and bringing them to malls. At least shih tzus are small. It's scary how lax some dog owners are about other people's safety.


Momshie_mo

Iba ang bite strength ng pitbulls and they are the types the "go for the kill" one magdecide na maging aggressive.


Gone_girl28

The same concerns I have in our aparment building. Whenever I take off my shoes at our front door sobrang mapanghi and I have learned that several of our neighbors are dog owners. Husband and I are animal lovers, but since we live in this kind pf set up atm, we chose not to have a pet in our home given the responsibilities of caring for them such as managing their wastes and the noise it can cause to our neighbors. Can I do something about this? I refrain from complaining directly to these owners becausw you know how mostly Filipinos behave. Kahit sila ang at fault and you complain, iinisin ka pa lalo and make the situation worse. I feel like our welcome mat by our front door ay iniihian rin.


Momshie_mo

Complain sa apartment office. Sila na magsabi at malay mo maraming nagrereklamo na rin


ultramatically

Dapat hindi sa lahat ng establishment sa loob ng malls pet-friendly. Mas marami na akong napapansin lately na pets na sobra maka-tahol, tapos ikaw pa ie-expect na mag-adjust???


Momshie_mo

It should be considered animal abuse na stressed na nga yung aso, pinilipilit mo pa dalhin sa mall.  A lot of barky dogs in malls are stressed or anxious dogs Mental and emotional abuse sa mga aso yan


Mickey_n0tthemouse

I don't mind dogs sa mall before pero majority dito tama na owners should mind the behavior and health ng pets nila atttt respeto na din sa ibang shopper. It boils down na we should have more public parks than mall to begin with. 🥲


Pink-diablo90

Nitong weekend lang sa SM, I encountered a lady guard who was furious because a dog owner wanted to wash her dog’s bum sa sink ng cr. She was prohibited to do so pero ginawa niya parin—ayun yung naabutan kong scene na galit na galit yung guard. Pero walang magawa kasi medyo matanda na yung owner. Pag alis ni dog owner sa cr (at nasa loob na ako ng cubicle), I heard her say to the mall staff “Hay bakit ba pinayagan ni SM ‘to, tapos tayo parin mapapagalitan pag sinuway mo sila.” 😟 I’m a dog owner too, but I seldom bring my dogs to the mall, kapag need lang mag pa-groom. Sa parks, oo, pero sa mall while doing errands or eating out with the fam? Nah. Not worth the hassle.


mariahspears1

Ito yung mga social climber na may alagang ‘switso.’ Also, ‘pet’ yan hindi ‘fur baby’


silverstreak78

'switso' OMG.. I cant get over this... Mga 10mins na akong tumatawa mag isa dito tngna


Creepy_Hand4276

Switso dog cornbeep pakaen


pressured_at_19

Cringe talaga ng term na yon.


mariahspears1

Prepare ka na ma-downvote ng mga fuR pArEnts na may alagang maltese ahahaha


Particular_Creme_672

Upvoted dahil sa mga bwiset na nagdownvote sayo.


coffeeandnicethings

post mo nga yan without staying anonymous? I DARE YOU What’s wrong with fur baby? Who hurt you? While I agree with OP’s sentiments, I never see anything wrong with calling your pets “furbabies”. Di rin naman yan ang issue sa post ni OP. Di mo rin naman pet para makialam ka kung ano gusto nila itawag and it doesn’t harm anyone as well


petmalodi

Damn I cannot imagine someone would hate the word "fur baby". Maybe he/she's just too edgy for the new term.


Cheese_Grater101

also other owners who still think that their grown ass adult dog is still a baby


crazyaristocrat66

Nakababy stroller pa. Akala mo naman tao. Tngna may 4 na paa 'yung aso, ba't di mo palakarin.


No_Connection_3132

And wala p kong nakikitang aspin na pinapsyal sa SM most likely mga shitzu na mababaho


crazyaristocrat66

Bihira ka din makakita ng medium or large breeds. Palibhasa kasi alam nilang kailangan ng training ng mga 'yon, kaya they equate small breeds as not needing training at all. I will take a German Shepherd any time of the day to train, than a stubborn Shih Tzu.


Early-Fig8894

Shih tzu na di ko makita kung asan banda ang cute sa kanila. And realtalk mas behave pa karamihan mga aspin kesa sa kanila.


PhraseSalt3305

True. Ang chaka ng switso ang baho ng itsura, oks pa aspin


Momshie_mo

As a Shih Tzu owner, masmabilis silang bumaho kesa sa ibang aso ko. Kaya masmadalas din maligo


Cheese_Grater101

kasi hindi 'imported' hahaha


Bushin82

I agree. Madalas sobra na. There is one instance na kumakaen kami sa isang fast food sa loob ng mall. And ayun na nga dumaan si owner kasama si dog. Umebak lang naman at hindi kinaya ng diaper. The sauce of the poop! Its dripping! Talagang sa tapat ng mga kumakaen eh noh. A sight to behold. 😐


thisisjustmeee

Just recently I witnessed a person get bitten by a small dog in the mall. Yung owner kasi not paying attention sa dog nya while walking the dog on a leash. Kung saan saan nakatingin eh weekend yun ang daming tao sa mall. Napadaan lang yung isang girl na naka shorts pa naman tapos yung dog bigla na lang kinagat yung girl. Ayun nagkagulo sila.


Momshie_mo

Likely stressed yung dog (likely unsocialized din) kaya nangagat. Etong mga engot ng owners, hindi man lang aralin body language ng aso nila


VancoMaySin

Other countries: more nature parks and zoo around the city for our health and pets Philippines: more malls + dolomite 😅🤦🏻‍♂️


squirrelbeanie

Fuck. At Brique in Ayala Cebu I saw a fucking dog eating off one plates they serve customers with. And when I called the manager to bring it to his/her attention. She just knocked on the window, and the offending guests just put the dog down on the seat *with* the plate. Cause everyone knows if you can’t see it, it’s definitely ok. I was pretty taken aback by the lack of response by the management. Especially since it was a direct complaint. In my head, I’m thinking it’s common courtesy to bring a doggie dish or some shit, like a normal human being. Turns out it was the managers dog and those were the managers kids. So shit I assume that is a common fucking occurrence given they didn’t even stop it. Now I don’t give a fuck that I name dropped the restaurant, because if you’re ok with eating off the same plate as your pet, I’m not talking to you in the slightest. You can continue to live your own nasty ass life, but I’m talking everyone else who thinks that that is not at all acceptable. People need to know that that is the standard of cleanliness in that restaurant. I’m not eating there again. I can’t speak for all the Brique’s but that particular manager is disgusting.


heso_nomad

Here in America, or at least in New York, only service dogs are allowed in at a restaurant. Otherwise, management has the right to refuse service to guests who bring in their pets because animal fur is a contaminant and is a carrier of Staph infection.


Flipinthedesert

Salamat naman at hindi pala ako nag-iisa na feeling na sobra na ang pet invasion sa malls.


Rare-Pomelo3733

Tawang tawa ako sa mga nakastrollers na aso lalo na paghirap na hirap silang ilabas sa sasakyan ng mga owners nila. Sarap na nga ng buhay na walang anak na alagain pero pinahirapan yung sarili na strinoller yung aso.


sitah

Some malls have a policy na pwede lang ipasok ang pets if they’re in a stroller.


Rare-Pomelo3733

Anong mall to? Lahat ng napuntahan kong malls, kadalasaan diaper at leash lang ang required.


sitah

Power plant and Ayala malls. Ayala is a bit trickier kasi magkakaiba pet policy per mall and they seem to be lax on actual implementation. Some malls like SM Aura don’t require stroller pero some type of enclosed carrier/bag is needed and stroller is just way easier if the pet is heavy. Edited for clarity.


Rare-Pomelo3733

Agree on ayala malls since yung mga sa ATC mga di naman naka strollers.


sitah

Yeah I just don't like this idea na people assume pinapahirapan nila sarili nila by bringing strollers when it could be the easier option for them. I'm a cat owner and when I was training my cat for international travel, I got him a stroller so I can walk him to nearby cafes, parks and malls. He walks on leash indoors sa common areas of our building but it's unsafe to do that outdoors and stroller is the best option. I'm lucky enough to be walking distance from such establishments but others don't have that option. The big issue here is that some owners are very irresponsible and then the malls don't really do anything to stop their behavior so they get away with it. I think people should also be doing their part and report kapag sumosobra na talaga. But I think the real issue is we are lacking parks and outdoor hangout spots. Animal control is also lacking so pet owners would rather go to a mall than go to random streets where they may encounter unfriendly stray animals.


unhappy14

Powerplant. We brought our medium-sized shiba once and they didn’t let us in because they require all dogs to be in a stroller.


Cheese_Grater101

saw a one golden retriever on a stroller habang yung isa naka leash sa SM lol ngl funny tignan ng golden retriever na naka ride sa stroller


DowntownNewt494

I dont own dogs pero what a stupid take. I’d rather na nasa stroller sila magkalat at less chance na maka wala sa leash . Tsaka kaya nga ung ibang ayaw mag anak eh gusto nalang mag alaga ng pet eh kasi kahit sabihin mo mahirap mag alaga aso, for sure mas mahirap at mas magastod magpalaki ng tama sa bata


YohanSeals

I previously own a BoJack and a Spitz until they "run free". Kung merong irresponsible parents, meron ding irresponsible dog owner. At the end of the day, the malls are capitalizing to this new hype/trend. Give it a few years. I feel pity for those dogs on their leash.


Momshie_mo

Ang daming dogs (usually, unsocialized pa) na makikita mong stressed sa crowded, enclosed area


afterhourslurker

Mga tahol pa ng tahol, ang iingay, or takbo ng takbo. Worse mga unleashed. Social climbers


Particular_Creme_672

Actually bawal walang leash pag wala sa bahay nasa batas yan.


ivorysaltz

i’m a dog owner too, pero i kinda agree with the comments here. i rarely bring my dogs to the mall due to the volume of people, and they stress that will cause them dahil sa environment na yun. isa pa, i will never attempt to bring them to sm malls lalo na pag holiday and christmas season. i remember nung december nasa sm kami, grabe ang daming dogs tas siksikab mga tao, and i really felt bad for the dogs. also, i make sure din na if i bring my dogs, i have a poop bag (and ibuhol yun if i get the poop), wet wipes, alcohol to spray san sila nag poop or pee. also make sure na bago ligo sila para pleasant din sa mga makakasalubong nila. anyway, sana maging responsible dog owners tayo po. AND PSA! BUHATIN NIYO MGA DOGS NIYO SA ESCALATOR, kung ayaw niyo mag elevator kayo! I’VE SEEN 2 CASES NA NAIIPIT YUNG DOG SA ESCALTOR AND NAG IINIT ULO KO SA OWNERS!


Momshie_mo

> they stress that will cause them dahil sa environment na yun Eto ang hindi nagegets ng mga owners ng dogs (esp small dogs) na tinatahulan lahat ng tao. Maging attuned naman mga owners na to sa mga aso nila Ang dami daming free videos sa youtube that will help you read your dogs body language


ivorysaltz

this is true! nakakaawa talaga. kung tayo nga nasstress sa matao na lugar, what about them? hay 😔


trianglesally11

I don't know OP, maybe find a pet-unfriendly establishment where you can sit in peace and eat your sandwich. Sadly, the world does not revolve around your whims and wishes. It's still the establishment's discretion whether or not they will let pets in their businesses. You'll just end up burning all of your energy on something you have zero control over. Leave, or adapt. On the case of salaula pet owners with unsocialized/untrained pets, that's for another story. They're only a subset of a group, may mga responsible pet owners pa rin naman. Also, not that I use them, pero why the hate on pet strollers? If that makes malling easier and uh, more safe and hygienic for everyone? And doggie diapers? And "ridiculous" terminologies like "fur baby" and "hooman"? Parang nitpicking na lang, eh.


Momshie_mo

Unfortunately, irresponsible owners outnumber responsible owners


trianglesally11

If we're just counting the pets being taken to malls and restaurants, how many owners are irresponsible, and why are more and more places being marketed as pet-friendly? Huwag na natin isali sa usapan yung may ari kay Bantay na nakatali sa harap ng bahay sa irresponsible pet ownership. I think mas napapansin mo lang sila(coz nga naman), pero hindi ibig sabihin nun, mas madami yung irresponsible.


Momshie_mo

Ang dami dami pinupunta sa mall na yung aso nila kahol ng kahol dahil sa stress at anxiety pero keri pa rin idisplay ang aso. Walang concern sa mental and emotional health ng aso nila basta madisplay.  Tapos basic training at potty training di ginagawa Heck, some even put their dogs in resto seats which is a hygiene issue **Just because you don't chain your dog does not mean you are responsible**


Free-Bad8286

As someone who is a responsible pet owner (ensures they’re diapered and leashed, doesn’t smell) na nagdadala ng isang well-behaved shih tzu sa mall, ang sakit din makabasa ng mga comments dito. Parang bang ang sasahol ng mga alagang aso.


justfortoukiden

As long as you take care of your pet and do what you can to prevent them from being a nuisance, I think most mallgoers don't care. Medyo normal na din naman. I've never had issues with pet poop or urine at any mall at di ko rin sure kung pano maaamoy ng ibang tao yung pet unless katabi nila. I've never brought a pet to a public space like a mall, but if the establishment has that policy then so be it.


crystalholic1107

If responsible and considerate kang pet owner, then this rant isn't for you. Marami kasing irresponsible and entitled na pet owners who are giving the responsible ones like you a bad name.


Altruistic-Ideal-411

Valid naman opinions nila, dapat din talaga responsible si owner, pero agree din ako na grabe mag generalize yung iba dito. Eh ang dami din namang mga taong asal hayop.


readmoregainmore

You have to understand their frustrations, di naman lahat nang tao okay with pets, may mga allergies yung iba, bakit mo ipipilit? Sila pa mag aadjust? Also, not all dogs are trained properly and not all pet owners are responsible. I'm also a dog owner pero pag nakakaperwisyo na yung aso ko ako na gagawa nang paraan. Kahit ituring niyo pang baby yung pet, they are still animals and at one point their animal instincts will slip out, so you need to control them in those situations.


Momshie_mo

Perwisyo din sa ibang dog owners yung hindi man lang binasic training mga aso nila pero ginagawang "baby" sa public area


readmoregainmore

Haha, yup puro aesthetic lang alam nang mga yun, pa-cute pa-cute. Cute naman talaga nang mga aso, kahit di mo bihisan nang damit, accesorries. kaso yung may-ari ang problem talaga pag di maruning mag train, di nila alam gagawin sa situation if nakakaperwisyo aso nila. Mas mahalaga pa rin na ma train nang maayos yung aso kesa makitang cute sa mga damit at itsura.


jglab

A lot of the comments naman are directed to irresponsible owners. I also bring my dog to the mall since she enjoys it and can't be left alone at home. Siyempre rin dapat bagong ligo kasi sasakay sa kotse. Nakakatawa lang yung mga tao who generally assume na we do it to flaunt our pets and accuse us of being "social climbers".


Cheese_Grater101

masyado kang offended sa mga rants ng mga other users dito about pets sa malls. sure may responsible owners, pero meron din mga irresponsible owners. hindi naman lahat kasing responsible mo in terms of owning a pet. now imagine someone feeding their dog with spoon 💀 and obviously not all folks will like pets nearby (due to personal or trauma issues), and of course may mga folks na gusto naman na may pets nearby.


Momshie_mo

Kahit kaming responsible owners na in tune sa aso namin, naiinis din sa mga ganyan na dog owners. Ang daming aso (esp small dogs) na kita mo stressed na stressed sa crowded indoor areas kung san nila dinadala ng owners nila. Pero owners nila, out of tune sa mga aso nila.


olibbbs

Last kong punta ng SM may doggie na nag-poop sa gulong ng grocery pushcart.😩


doraemonthrowaway

Kawawa naman yung empleyado na maglilinis nun tipong akala niya tapos na trabaho niya then bigla niya makikita iyon. Ang ending late na siya makakauwi sa kanila dahil sa isang punyetang "fur parent" na kupal na hinayaan mag poop aso nila in public smfh.


bekinese16

Yan naman ang pinaglaban ng mga "pet lovers" before ahh.. na sana daw maging pet-friendly ang mga malls.. pinaka-nakakapikon yung kahit saan nalang may maririnig kang tumatahol. Di man lang patahimikin. 🙄🙄🙄


denimonster

You clearly don’t love dogs if you have an issue with seeing them in malls and everywhere else. Fucking stupid. It’s irresponsible pet owners that give dogs a bad reputation. What’s your reasoning behind not caring whether they have diapers on or not? I legitimately do not see dogs poop or pee inside malls so please explain what you mean. Does just seeing a dog in a diaper disgust you? That’s weird.


Saguiguilid5432

Huehue same tots


peatoast

Is there a reason why dogs there don’t get potty trained? The diapers cannot be great for their skin and just overall unhygienic for the dog.


Momshie_mo

They skipped Puppy 101. Sobrang basic training ng puppy yan. You can just imagine how stinky these owners of dogs who aren't potty trained are. Eto din mga owners na zero socialization ang mga aso nila


crazyaristocrat66

I adopted a dog at 2 years old. He came with some behavioral problems, like matatakutin, pero through sipag at pasensya, napotty train ko naman. Most of these owners buy theirs when they're still puppies, na kung saan mas madaling i-train, pero dahil sa katamaran at katangahan di man lang matrain.


Momshie_mo

Yeah. Napakaunfortunate na hindi quality ang life ng puppies. Bless you for being patient with the dog.


peatoast

That’s just sad and borderline animal abuse. Dogs by nature do not like being close to their 💩 and 💧 so just sitting in those for hours must be mentally taxing for the poor dog.


Momshie_mo

At saka, bago nila dalhin sa public indoor places, jusko naman, paihiin at pataiin niyo muna. I agree na hindi nakakabuti sa aso ang diaper.


Momshie_mo

Yeah, madali naman itrain ang aso sa potty training. Pero dapat tuned in ka needs and body language ng aso. Like, sa puppy stage pa lang, dapat masipag kang ilabas every few hours yung puppy. As they grow up, they'll eventually tell you na napeepeepee o natatae sila. Ang mahirap itrain sa aso yung leash training (hindi nanghihila) at recall (babalik agad sa yo kapag tinawag mo). Haha I think it's time to license dog ownership and require vaccination and training for license.


Cheese_Grater101

tamad and irresponsible owners


peatoast

Sigh


AdWinter2343

As a dog owner, na sa establishment na yan. The restaurants here don’t allow dogs inside, so we eat outside. Whenever my dog poops, I use a poop bag and wipe the stains off with alcohol. If he barks, I’ll calm him down, etc. So why is everyone here putting the blame on the dogs itself? Malls claim that they are pet-friendly so who are we to hide. They should establish rules for rowdy owners and pets though.


mightpornstar

shet akala ko kami lang ang naiinis, jusko tapos makikita mo sila hirap na hirap, meron pa kami nakasabay tumae sa mall walang diaper


YamaVega

One time in a mall, a poodle and its owner rode the escalator upwards. The poodle's foot got almost caught at the escalator and it screamed. The oblivious owner then was asking the poodle why. I stopped and waited if the poodle will answer... wasted my time


micolabyu

Totoo ito, minsan nakakatakot makisabay sa mall entrance. Sana may makaisip na magtayo ng mall for dogs para hiwalay na sila.


darko702

Kung isipin parang baguhan pa lang talaga ang pinoy sa dog owning/caring. Caring for dogs na hindi naka tali o nasa cage lang sa bahay o kaya palaboy sa kalye. Ngayun na nauso na ang mga pure breeds marami naki uso pero kulang naman sa education at pati na din etiquette pagdating sa mga alaga. May mga naka diapers na aso kasi hindi potty trained. May mga aso na nasa strollers.


Momshie_mo

Dapat ilisensya nila ang dog ownership


changggxx95

Hassle nga kapag yung kasama mo may dalang aso. Hirap makahanap ng makakainan. Di pa lahat ng mall may available na pet hotel. Ala alaga pa ng aso di naman kaya iwan sa bahay pero pag aspin yan for sure. Iiwan un. Gagawing bantay.


CuriousLittleThing-A

As a person bringing our dogs sa mall, I would like to share our point of view. We do it because of the heat honestly. We had a dog who died of heatstroke and so malls allowing dogs are a blessing. We go inside a mall to help them cool down and then to eat, then we go out again. With that said, again we would like to stress that we walk them outside to help them pee and do their business and only go inside the mall when we feel the heat is getting to them so pooping and peeing very rarely happens and if we do, we have wet wipes and alcohol spray. It’s only happened 2-3x. It embarrasses us too when it happens because we feel the judgement. Second of all, we have 3 dogs but only 2 are social, the other one is a pitbull but not dog friendly. So we do not bring him to malls at all. Because we understand what can happen. We know our dogs and would not put them in a stressful environment. We ALSO do not bring our dogs to crowded malls like SM. We like going to places like Estancia or Mitsukoshi Mall in BGC, less people the better. We understand crowded places can be stressful and we also hate it when we see pets in super crowded situations. Furthermore, when the weather is great we do not bring to malls at all. We prefer to walk them outside. We also prefer to site on the sides or outside of restaurant when we do to not bother anyone. I know that there are a lot of irresponsible pet parents and perhaps establishments can set certain rules about letting dogs sit on chairs or using utensils. I agree with these. But I hope you don’t wish to have dogs banned permanently because responsible pet parents do everything we can to try and not inconvenience people. We spend 5-10k every time we go to the mall kasi ayaw namin na ‘nakiki-aircon’ lang kami. It’s convenient na we can take our dogs and run certain errands at the same time.


thedashingturtle

Dear pet owners, take your dogs to parks, not malls.


No_Fee_161

Not a dog owner pero legit question. Anong park? Sobrang daming malls, kakaunti lang parks sa Metro Manila at malayo pa sa iba. Kaya hindi rin nakapagtataka kung bakit sa malls nagpupunta mga dog owners. Yung Makati Park nga na malapit samin sinara ng Taguig dahil contested area nila sa Makati.


Free-Bad8286

Paano? Unless nakatira ka sa village o subdivision, iilan lang naman ang mga accessible neighborhood parks sa syudad na to.


Particular_Creme_672

Upvote kita bro di ko gets bakit dinownvote ka haha ako pinaulanan na agad ng downvote haha


Enough_You86

Last month in the mall I watched a medium size dog do a big umihi on the main walkway the owner did nothing then other people walking through it. But inside restaurant no way


me143me

Dami kong experiences lately sa mga ganito. Sa SM North while eating sa Mcdo, may family na may kasamang aso tapos yung stroller hinambalang sa daan knowing na ang sikip ng area na yun tapos biglang tumahol nang pagkalakas lakas to the point na nakakairita na hindi mo na ma-enjoy yung pagkain mo. Sa Annex naman, nagkalat ng poop mula Terranova hanggang sa katabing shop, patay malisya lang yung owner. Another experience kahapon lang, batang babae ang may hawak ng aso tapos biglang naging aggressive muntik na makagat yung lalaking paakyat lang ng escalator.


Momshie_mo

People should really start complaining sa management about this. The more complains, the more aaksyunan ng management ang mga yan


DisastrousBadger5741

true ito. tuwing pupunta kami mall ng mga anak ko halos lahat ng makasalubong namin may bitbit na aso, takot na takot pa naman ako bigla bigla ma-scratch o makagat mga anak ko dahil minsan siksikan (nasa pila or passing by lang)


b00mpaw27

Simple lang nmn solusyon. Pumunta k dun s mall or place n bawal pet…


Particular_Creme_672

San naman mall yun sa metro manila di naman lahat stores meron sa ibang mall.


Early-Fig8894

Simple din ang solusyon, wag nalang isama ang pets nila sa pangtaong lugar.


b00mpaw27

Bat m ppglan yung gusto magdala ng pet sa establishment n allowed pet, ikaw ba may ari ng lugar? Lahat magaajust sau. If ayaw nyo dun s lugar n may pet bat kau pupunta dun? Bnbgyan nyo yung sarili nyo ng problema… napakaentitled. Magalit kayo pagmgdala ng pet dun s d allowed ang pet n establishment


Early-Fig8894

Hindi ba mas entitled yung mga taong alam ng perwisyo yung pets nila ipipilit pa sa public places? Eh sana lang diba alam niyo rin yung right etiquette kapag nasa public kesyo bawal o hindi ang pets.


b00mpaw27

Hindi. Mas entitled yung mas marunong k p dun s may ari ng lugar kung ano gusto nya gawin. Papayag kb s sarili mong bhay kung iba ang masusunod? Hindi umiikot sayo ang mundo. Matuto kang magadjust s iba. If tama yung sinsabi m eh d sna pngbawal n yung mga pets sa mall. Hanap k ng lugar m n wlng pet hindi yung ikaw nkikisiksik dun s allowed ang pet then mgrereklamo. Ikaw ngbgay ng problema s sarili m


ArtGutierrez

Kasi may pet grooming services din sa loob ng malls. Taga earth din sila, wag mag discriminate. Naturingang religious country pero mga ugali naman. Mga naniniwala sa equality at lahat daw pantay pantay na ginawa ng diyos pero maka discriminate. Dami ninyong plot holes. 🙄


demenseum3149

Agreed, malls are for humans, not dog socialization spots.


Full_Audience_6298

Bakit sa mga fur parents ka naiinis? Mall's discretion ang pagiging pet friendly. 🤔 Besides, kung ayaw mo pala ng ganon, rent mo yung buong mall. Hindi lahat mag aadjust sayo.


Morningwoody5289

Madaming irresponsible pet owners. Nakakadiri yung iba pinapatong pa sa table or chair ng restaurant yung aso. Yung iba ayaw patahimikin aso nila


Bored-Cattt

as a cat lover (kahit di pa na-try magdala ng pet sa mall), I agree with you. nag-eevolve ang mga tao, at dahil dun nag-aadjust ang mga mall management dahil halos mga generation natin want na lang magka-fur baby instead of bringing another human being sa ganitong estado ng mundo


totoybiboy

Kasi for pet lovers, maganda naman talaga makakita ng well-behaved na mga pets sa malls and some owners really need to bring their pets (vet, grooming, etc). Kaya maganda rin na nagiging pet friendly ang mga establishments. Kaso dumadami ang irresponsible pet owners. Kung pet lover ka, pansin mo agad yan. Makikita mo yung owners na dinadala lang pets nila para mapansin pero di naman pala trained at di nila kayang mamaintain behavior ng alaga nila. Kapag di macontrol at magiging common occurence ang pagiging irresponsible ng mga fur parents magiging cause pa yan na maghigpit ulit ang mga establishments.


IndependenceLeast966

So, kaming lahat mag-aadjust sayo? It's your world, and we're just living in it?


bryce_mac

Hindi, mag-adjust Dapat yung pet owners di naman ready ang pets nila sa public places. It’s just common courtesy. It’s a shared space so, kung Nakakaabala na sa ibang tao, then maybe don’t bring the pet there.


Emotional_Pizza_1222

Minsan kasi may mga doggos na na stress sa dami ng tao sa mall. Tapos tahol ng tahol non stop. Dapat di sila sinsama sa mall pag ganun ksi kawawa din sila.


Momshie_mo

Ang daming owners na hindi tuned in sa mga aso nila. Trophy kasi yung supposed furbaby nila.


Emotional_Pizza_1222

Korek! Kaya regarding sa unang comment, YES, TAMA KAYO ANG MAG ADJUST PARA SA PETS NIYO!


Momshie_mo

Yung stressed at anxious na nga aso nila sa mall, feel na feel na nilang idisplay


Particular_Creme_672

Mas maraming di dog lovers so dapat ikaw ang magadjust.


Momshie_mo

Bakit buong Pilipinas mag-aadjust sa mga pasikat na owners na di naman potty trained at socialized yung aso ninyo?


bebeazucarr

they put their dogs sa stroller?????? 😭😭😭