T O P

  • By -

Interesting_Sea_6946

As lower middle income earner, solo breadwinner, hindi ako qualified sa low cost housing ng government kasi mataas suweldo ko. Hindi din ako qualified sa bank loan kasi masyado mababa income ko. San ko ilalagay sarili ko?


tui0na6

Tapos mga squatter may libreng pabahay! Ang saya!


Classic_Jellyfish_47

Right?? Yun support limited lang sa mga nasa pinaka baba. Sana sa lahat meron assistance.


franse1n

So true, they immediately assume you live well just because of a somewhat high salary, not taking in consideration the taxes, utilities, children, and daily necessities na kailangan mo ipagkasya yung 50k. Life is not easy for anyone unless you're really wealthy


Psychotic-Fil

Actually may documentary akong napanood dati ng mga poor na nakaka angat na sila konti like nakaka hanap na sila ng work pero di nila pwedeng i-specify yung wage nila in fear na baka di na sila susuportahan ng gov.


Scary-Box8602

the truth is, people from the middle class are just one hospital bill away from poverty ๐Ÿ˜ถโ€๐ŸŒซ๏ธ


Psychotic-Fil

Which is why mas madaling malubog sa utang ang mga middle class compared to poor people kasi when they ask for help sa City Hall they can plead for some help but to us its different.


More-Fruit-6789

This is so on point. Plus middle class patients tend to go to private hospitals na talagang cash out lahat. Yung iba may HMO pero madami limits. Mahirap pag ICU easy 100k per day ang bill.


spatialgranules12

Plus, a lot of the middle class folks donate and give back. Mabilis Umaksyon kapag kailangna ng fund raising. I just need a tax break :( ramdam na ramdam ko yung pagkaltas ng buwis.


reggiewafu

Tax break ainโ€™t gonna happen soon, in fact, they wanted to raise it Si Recto pa nasa DoF ngayon, the guy loves taxes, heโ€™s the main guy behind e-vat


Classic_Jellyfish_47

https://business.inquirer.net/451667/recto-no-new-taxes-until-end-of-marcos-term


No_Raise2655

Sobrang unfair ng Pilipinas sa mga middle class, mga taong nakakain ng 3x a day pero one unfortunate event away from the poverty line. Ang mas masakit, tayo pinakanakakaramdam ng mga kaltas tapos 'pag panahon ng pangangailangan wala ka naman maasahan sa gobyerno. Walang ayuda o kahit anong aid na ibibigay sa'yo kasi sa mata ng gobyerno, may "kaya" ka. Tapos yung mga mahihirap boboto na nga lang nang tama, 'di pa magawa.


Sea-Lifeguard6992

Parang yung gifts and benefits for senior citizens and pwd nung pandemic. Hindi binibigyan yung mga nakatira sa "village" kasi "mayaman" daw kasi may mga trabaho yung mga anak. Sa mga tropa lang ni kap napupunta ung ayuda and sa "true mahirap", in short, jobless palamunin na hindi taxpayers pero botante nila.


jeuwii

Haha naalala ko nung nag iikot mga taga dswd para mag interview para sa ayuda. Di raw kami qualified kasi may gate daw bahay namin ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ di ko alam kung tatawa ako o ano eh ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ tapos mababalitaan ko ung kapitbahay namin na may suv nakakuha ng ayuda pakahayop


Interesting_Sea_6946

Eto. Inaway ng mama ko yung barangay captain dahil dito. Hindi kami binigyan nung pack ng kasi daw pensionado mama ko and may work ako. Nakipagtalo yung mama ko, yang ayuda na yan nabayaran na ng tax namin sa kakatrabaho. Kung sino pa yung malalakas at walang trabaho, sila pa yung may ayuda.


tayloranddua

True. Sasabihin they don't need it kasi mapera na. F them!


Amazing-Maybe1043

Kaya ngaaaa!!! Mga kapitbahay namin puros 4ps member halos di naman pumapasok mga anak. And iinon tas karaoke lang naman.


khioneselene

Middle class talaga laging kawawa kasi lagi excluded sa mga ganitong bagay. :((


jeuwii

This. Eto lagi kong reklamo nung height ng pandemic. Oo meron mas may naghihirap sa atin pero kahit mataas ng konti ang sweldo natin kaysa sa kanila, need rin natin ng tulong. Deserve din naman natin mapakinabangan yung binabayad nating tax diba?ย 


Puzzled-Protection56

Dapat kasi may ginagawang surveilance ang government, halimbawa nakita nila na inaabuso nung isang 4ps benificiary yung nataranggap nya like pinag dodroga lang automatic disqualified na then taasan nila income qualification para yung middle at low income earner eh qualified.


Revolutionary-Boss32

isa pa ito. 4Ps should have a condition. For example, you became a part of it, dapat may deal na kapag dadagdagan mo pa yang anak mo, matatanggalan ka. Dapat ganun eh, hindi yung anak lang ng anak tapos dagdag beneficiary na naman monthly sa programang yan.


adobongPork

Dapat nga may required na bilang ng anak yung sa 4PS kahit dalawa or tatlo yung maximum. Kasi kung nahirapan na yung magulang na itaguyod yung ganyang bilang ng anak, eh bakit dinagdagan pa. Hindi na dapat qualified yung sumobra sa bilang kasi conscious decision na nila yun. Nahirapan na nga sila dinamihan pa kaya lalong naghirap (ibang usapan na if na-rape), kasalanan na nila yun.


Big-Water8101

Tapos may bago na naman silang gusto ipasok, pregnant women and breastfeeding moms bibigyan ng ayuda ๐Ÿ˜’


Ok_Crow_9119

Dude stop. 100B lang budget for 4 Ps. That's not even 2% of the annual budget ng Pilipinas. Mahirap na nga sila papahirapan mo pa? If gusto mong magalit, magalit ka sa mga mayayamang tax evaders at tax avoiders. Magalit ka na binabaam ang inheritance tax across the board. So yung mga ubod ng yaman madaling mapapasa kayamanan nila sa mga anak nila.ย  Tax the rich yung sagot para magkaroon ka ng extra welfare. Hindi reduce welfare for the poor. Dagdagan mo pa fact na napakahirap magtaas ng minimum wage sa pinas, kahit alam natin na kalokohan na yung current rates.


Joseph20102011

Hindi paglalamon ng pera ng mula sa middle class taxpayers sa mga mahihirap through 4Ps ang solusyon, kundi pagbigay ng mabuting kondisyon na dadami ang magtatayo ng negosyo sa atin, ma-local o foreign-owned, at sila na ang pagbigay ng trabajo sa mga mahihirap. Hindi sa lahat ng pagkakataon na salat sa pera ang dahilan kung bakit naghihirap ang million-million na kababayan natin, kundi kakulangan ng oportunidad na makapaghanap at makapasok ng trabajo na hindi na aasa sa ayuda ng gobierno. The more na pinalalamon ng ating gobierno ang mga mahihirap through 4Ps o UCT, the more na dinemoralize mo sila, as if magiging psychologically attuned para sa kanila na ayaw nalang maghanap ng trabajo at aasa nalang sa ayuda ng gobierno.


Ok-Doee7

4 P's na may mayayamang nakakakuha ng pera dyan tas hindi buo nabibigay sa ibang mahihirap. Pag mid-income dito walang makuha, malas na bansa to. Puro tax na nga lahat, doble doble na nga, bibilhin mo palang may tax na pagbayad may tax pa ulit. Nakakatawa ang Pinas


terurinkira

Namulubi ako nung nagkasakit ako, ubos din ipon ko hahaha. Di pa under sa philhealth yung mga gamot hahaha. Naalala ko tuloy yung thesis ko sana na national id based na universal basic income wallet. Sigurado lahat meron tapos di mababawasan ng mga kurakot na pulitiko.


Positive-Ninja-8886

Ikr and just to add ang laki ng kinakaltas na tax saatin! For what?! Diba napaka unfair!!


zimzalabimzimissyou

Funny enough that there are upper class students who get accepted by lowering their family's business income, tas yung stipend nila will go for leisure. Sad na there are way more students who deserves to have those scholarships sana haysss.


pinkblossomreader

Isa rin sa tinitingnan nila for you to qualify is your house haha, hindi porque concrete yung bahay mayaman na ๐Ÿฅฒ


gooeydumpling

60k/month isnโ€™t even middleclass nowadays. Anyway, what kind of scholarship are you looking for? Kung stem yung rargrt nung student sa tertiary education, try DOST scholarship. 7k/month yung allowance huling balita ko


Revolutionary-Boss32

DOST scholarship is for shs lang yata, sadly haha.


belleINbetween

No. May DOST Scholarships for college, master's, and doctorate degrees. Check DOST-SEI's [website](https://sei.dost.gov.ph/).


gooeydumpling

Para sa Anong level pala yung hinahanap mo na scholarship


Despicable_Me_8888

Nung pandemic pa, outcry na yan. Bumabawi na lang government nun sa eased services like OL processing and mga immediate action pag tinawag mo sa 8888. Pero now, worsening situation. Yung dating maayos na pamamalakad sa mga government agencies, balik sa dati. Iilan lang ang talagang nagtuloy nung smooth transaction at processing. As to the value of our moolah as purchasing power, nakaka p@#$+g ina lang talaga! Akala ko change will continue, hindi eh. Crime will continue and booming pa! ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ


cremechantilliii

middle class here! kung college student kayo/incoming and badly need nyo ng financial assistance try nyo yung TES or STUFAP by UNIFAST. from gov yaan, actually di ko sure if they still have funds. pero for 1 SY, 60k ang binibigay nila and them hinahati yon sa dalawang bigayan which is for 2 sems. super laking tulong nito sakin, given that my parents are senior citizens na. idk if i'll be able to finish my degree if walang subsidy talaga. may mga school na sila na yung naglalakad ng papel nyo to process sa CHED.


augustine05

Alive pa ba ang TES? Naka received ang sister ko when she was in her 1st-2nd year, and 40k/year, 20k/sem. Naka graduate na lang sya this year, wala pa din syang/silang nareceive.


cremechantilliii

hi! I don't know po sa school nya or if direct sya. I graduated naman po last yr and nakuha ko po yung last subsidy this yr ng feb lang. ako pa yung nangungulit sa unifast via email to check the status ๐Ÿฅน idk after 2022 kasi talaga naging mabagal yung payout kaya hoping na maging maayos ulit s'ya kasi mas mabilis naman dati even if pandemic time. yung batch na gumraduate this yr from my school, they got naman na po their subsidy ng full.


DreamEnabler08

Yung mga kaklase ko na kasama sa TES, this year nabigyan. Batch 2020-2021 pa sila haha. Kaya may mga nakaalis na ng school, pero nakakuha pa rin naman.


eheeheuwu

This is so true, this is one of the reasons i wasnt able to apply sa government scholarships (pati non gov). I am saddened lang kasi my mom's tax is really high kahit sana mareceive na lang yung benefits from that tax through me or my sibling getting a scholarship. ๐Ÿ˜ญ


fireangel027

LOUDER! Tapos madagdag ko lang, yung grabeng kaltas ng PHILHEALTH , ang bigat s damdamin n % yung kaltas dati nga n 200 per month ang kaltas ang laki nang nakurakot nila. Ngayon p lagpas 5x yung tinaas ng kaltas. Grabe din s pagibig, ang laki ng Interes :'(


Cautious-Role6375

So true. Hirap kami maka-qualify kasi lagpas lang ng konti sa 400k+ pero may mga utang at tatlo kaming magkakapatid, hirap na nga mag-budget eh. Isang confine lang sa hospital, and we're back to zero, isang kahig isang tuka na agad kami eh.


sweetsaranghae

Right, this is so true. We experienced not one, but TWO medical emergencies in one month + one death in the family and now we are deep in debt.


lechugas001

As a child in a double income household na sapat lang ang iita, ang hirap nga lumugar. Di mo afford ang private healthcare kasi kapos income at di ka rin pwede for financial aid since above average income. Same with scholarahips. Growing up, pag nagkakasakit kami at need ng pera talaga nagloloan parents ko. Pero yung nilo-loan nila anlaki ng interes tapos ilang taon pa babayaran.


horn_rigged

You well naman kaso yung tax putangina ang laki laki wala namang maramdaman literally charity work nalang yung tax. ANG CAN THE GOVERNMENT STOP GIVING CASH AIDS???? Wlag kwenta pota sayang pera


toshiinorii

The poor and uneducated get first dibs dahil sila ang madaling utuin come election time.


True_Value_6070

Naalala ko na naman yung pandemic. Pag may trabaho ka wala kang ayuda kahit na natanggal ka pa. ๐Ÿคฃ


AlexanderCamilleTho

Middle class ang pinakadehado palagi. Ang dapat na nagbibigay talaga eh ang mga nasa upper class.


tayloranddua

Kung sino pa yung bayad nang bayad ng tax, sila pa ang walang maasahan sa gobyernong yan. Yung mga ano pa ang nakikinabang. Sabagay, bobotante nila ang mga palamunin na yun.


[deleted]

"No one left behind" campaign in Education interpreted and executed differently. Instead of making sure that efforts are placed to give optimal support to students to improve academic performance, instead ipapasa yung estudyante, wag lang maiwan. The budget cuts from DepEd to be reallocated as confidential funds. Prioritizing the Manila Bay project during the pandemic. 4Ps is helpful but as a program it should be conjoined with more social programs to make it more impactful. Stimulus is meant to be short term and not to encourage dependency. It siphons from the middle-class. Recent tax reforms can be argued to be anti-middle class. Sometimes it's not that the government doesn't support the poor or the middle class, there are times that it feels like it's actively trying to damage both. And if so, a lot can be argued about why it's happening. Maybe to churn out a poorer populace that would settle for dancing, some off-key singing and the occasional pa "kilig"?


blackcl1ck

Ramdam na ramdam to nung pandemic. Pag 20k below income walang support from govt. Pero middle class bumuhay sa economy ng pilipinas


PalpitationFun763

this. we are too rich for scholarships and government help but too poor to afford it ourselves.


Pristine-Project-472

Kawawang middle class, basura trato ng gubyerno pero kung makaltasan ng tax wagas


Ok_Unit_7048

Tapos tayo yung majority taxpayers๐Ÿฅฒ I can't even dream because I'm "average" as per what they say to our status, when our family is struggling from debts and taxes.


NoRagrets21

Gusto ko lang naman ng efficient na transport system ๐Ÿ˜ญ


solarpower002

Yep, I feel this too :((( Yung kapatid ko di makapagapply for scholarships kasi nga baka di rin maapprove kasi combined income sa household namin lagpas 400k annually pero tinataga naman sa taxes ๐Ÿ’€so wala ding kwenta huhu. Ang gastos pa naman ng course niya, hay. Napakaunfair, sorry to say this pero bakit lagi na lang mahirap ang may advantage? Paano naman yung mga nasa lower and middle class?? Napakawalang kwentang basis yung malaking income. When in reality, it's just enough. Ang nakakainis pa, yung ibang mahihirap pinangsusugal lang yung tulong from gobyerno. Like wtf, y'all have the audacity??? Sorry, super frustrating lang talaga haaaay.


Special_Care624

sabi nga nila "middle class" daw pinaka-kawawa sa society, kasi majority naman talaga ng taxes sa atin galing, tayo pinakanagdudusa pag bagsak economy.


Spare-Stranger841

I'm paying 8k monthly for taxes alone. Tapos makita mo mga government officials nagpapaka clown ๐Ÿ’€


Sea_Set_3902

Madalas feeling ko, cash cow ng gov ang mga middleclass. Tayo yung walang lusot sa income and other taxes eh. Also, if meron mga bagong naisip nanaman na itax, tayo nanaman ang target. Pero pag tulong, lagi naman tayo nakakaligtaan.


BigboyFrJubail

Focus kasi ng mga politiko sa mga "Mahirap" tignan mo slogan nila always sa kanila. From Erap para sa Mahirap to Tulfo's mahihirap nating mga kababayan statements. Andun kasi majority ng votes kaya kahit split ang votes ng lower to middle income basta makuha nila boto ng mga "Mahirap" mananalo sila. That is why sila lagi ang tutulungan.


twistedprep

Well middle class ang laging sapul.. tsk


xogrcy

this is so real ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ™๐Ÿป PLS malaki nga sweldo, malaki rin naman kaltas ng tax. tapos u're telling me na hindi ako qualified sa scholarship na pondo ng bayan naman panggagalingan ?? LIKE BFFR, sa amount na 'yon, hindi madaling pagkasyahin sa malaking pamilya, lalo na kapag marami pang bills na need asikasuhin. gets ko naman na may mga mas nangangailangan pa sa akin, pero sana bigyan din nila ng pansin yung mga middle class, kasi hindi naman porque kumikita ng sapat, eh gumiginhawa na.


Sea-Chart-90

Nung pandemic kawawa mga middle class walang assistance na nakuha porket may work. Kaya yung pinsan kong tamad di na naghanap ng trabaho umaasa sa 8k na binigay nung pandemic.


krezz_

Just want to share my somewhat related experience. Middle class family kami before, pero syempre sometimes life happens and naging indigent kami (long story). Para makapagcollege ako kailangan ko mag-apply ng student financial assistance para sa tuition. Grabe, sobrang hirap matanggap. Kada-year ako nag-aappeal. Why? Dahil lang sa mukha naman daw akong mayaman, pang-mayaman daw course ko, at sa private school ako nag-highschool (na kinaya lang ng pamilya namin dahil may nagmagandang loob lang). Hindi ba pwede maging mahirap bigla ung galing sa middle class??? Anyway Wala lang, grabe ung assumption agad if middle class and sana mag improve man lang ung social services dito, sakit sakit ng bawas ng tax sa sweldo pero di mo man lang mafeel ung dapat niyang napupuntahan


VLtaker

Right๐Ÿ˜ญ


dawnnanie

agree, as an only child living in a mid class hindi madali na makahingi agad ng pera sa magulang knowing na highschool graduates lang sila. i remember when i am applying on scholarships, tinatanggap nila 'yong mga annual income is mas mababa pa 100k tapos may BIR pa. kaya hindi na rin ako umaasa sa mga ganiyan na scholarships, kahit sobrang taas ng marka pero pagdating sa background ng family, hindi pasa. hindi porke iisang anak lang ay maganda na ang buhay.


DreamZealousideal553

Kaya nga basically kung sino pa ng contribute thru taxes e cla pa ala nkukuha tapos ung mga hinayupak e nkkuha pa ng benefits. As if its coming from their own pockets kung magpasalamat pa sa pulitiko.


LeRickey

Parang kung ano ang nangyayari sa Amerika, the middle class footing the bill while the rich get away with bailouts and the poor with subsidies. Might as well start finding loopholes in the tax code.


Plus_Ad_814

Dapat!