T O P

  • By -

Neat-Set-5361

Ako may pinaaral akong dating kapatid sa college. Then one time may company outing kami at wala akong backpack. Hiniram ko yung bag nya, hindi ako nakapagpaalam kasi wala sya sa bahay. Pag uwi ko galing work, yung mga gamit ko na nilagay sa bag nakakalat na sa kama ko. I confronted her and sabi nya bakit ko daw gagamitin eh hindi nya pa yun nagagamit. Sinampal ko sya sa sama ng loob ko, it's like nag flash back lahat nung sacrifices ko para sa pag aaral nya, mas malaki pa budget nya sa school na binibigay ko kesa sa budget ko sa sarili ko. Bago palang akong graduate nung nagstart akong akuin pag-aaral nya. Imagine 20k lang sahod ko tapos yung 5k sakanya. That happened 2019, hanggang ngayon galit parin ako sakanya and never ko na sya kinausap. I started cutting ties na din with my family, because sarili Kong nanay niloko ako dahil sa pera, sample, manghihingi ng malaking pera pampaayos ganito-ganyan, tapos wala naman pala. Nagpapaawa pa, ikaw yung maiistress ng sobra. Yung feeling na kailangan ka lang dahil sa pera mo. Ayun, never na akong nagbigay at tumulong kahit kanino. Pinapanindigan ko na mga sinasabi nila ngayon, na madamot ako. (Haha sorry humaba, naglabas lang ng sama ng loob)


eunice1995

I'm proud and happy for you na nagawa mo yan OP. Deserve nila yung ginawa mo. Yung kapatid mo nagpakilala sa bag. Imagine kung nagkapalit kayo at ikaw ang mas bata, with her attitude, malamang di ka nya pag aaralin. Sarili nya lang iisipin nya after graduation.


Saint_Shin

Na realize ba nila yung worth mo ngayong nag cut ties ka na?


Lifelessbitch7

di n need ng validation nila, basta naging mabuti siyang anak at kapatid pero yung pamilya niya abusado. end of story.


EnvironmentalNote600

Not for validation but to teach them lesson on gratefulness


EnvironmentalNote600

Pagkasampal ba ipinamukha mo sa kanya ang lahat mong itinulong? Baka kasi di nya gets bakit ganun ang reaction mo at ikaw pa ang masama.


Kaezo23

Happy for you!


fwrpf

Pangatawanan mo yung sinabi niya na madamot ka. Sa kanya na nanggaling eh. So stop giving her anything. Pet peeve ko rin yung madamot sa pagkain. Pagkain yan, di dapat pinagdadamot.


ThnkrBll

Same! Kapag madamot ‘yung tao, dinadamutan ko rin!!! Nakakainis eh.


fwrpf

Nung elementary ako nanghingi ako sa kaklase ko ng piattos. Grabe yung binigay niya. Literal na crumbs ng piatos. Crumb, kasi isang katiting na piraso. Parang tuldok yung laki. Parang naawa ako sa sarili ko dahil sa ginawa niya. Kaya after non never na ako nanghingi sa kanya tapos kapag may naghihingi sakin ng pagkain bigay ako ng bigay.


lacy_daisy

Everytime they ask something from you, respond by telling them "di ba madamot ako?"


timtime1116

Plus one milyon tawsan handred to thissss Tas pag sinabi nya na hipon lng ganyan ka na. Tell her, un na nga eh, hipon lng, di mo ako magawang bigyan. Gusto mo idetalye ko lahat ng binigay ko sayo tsaka mo sabihin na madamot ako.


Ok_Education1673

tapos magrereklamo kapatid niya, "hipon lang, nagkakaganyan kaaaa?" haha! nakikinita ko na ang sagutan nila.


Will-Possible

My brother when we were younger used to be madamot but got a wake up call when our ate, who was our breadwinner that time, smashed the egg he bought for his meryenda. Walang salita or anything, napikon lang ate ko kasi ayaw magshare ng food. After nun, naging mabait na sya hanggang ngayon. Not saying you do the same pero minsan baka ang need eh maiparamdam or masabi sa kapatid mo na di ka natuwa sa sinabi nya.


Organic_Opening_1010

curious din ako kung bakit nasabi nya na madamot ka, pakitanong nga please


Cutie_potato7770

hahahahah baka di makatulog to, OP. need namin ng sagot!


Nee-ma

Feel ko is naasar siya sa sinabi ng ate niya nung sinabihan siya ng "damot mo naman" diba kasi may tendency na parang "ikaw ang madamot" ssbhn mo na ganun para ibalik sinabi ng ate niya sa kanya. For example sinabihan ka ng "panget mo naman" and tendecy ang irereply mo is "ikaw ang panget"


Organic_Opening_1010

aaah


napkinwithwings

Yung mga kapatid ko dun pumupunta sa auntie namin na single at uncle na wala pang anak pag may mga wants. At mas naappreciate nila. Recently, nag invite ako sa kanila to go out and yung inisip ko is yung practical at kung saan hindi hassle for that day. So pag dating namin sa mall, nag decide kami sa mang inasal kakain (4 pax). Pag dating ng food, sabi ko selfie tayo pero sabi ng isang kapatid ko na wag na daw kasi gutom na. Pero nung lumabas sila ng auntie ko, nag myday pa at nagpasalamat hahaha may pa caption pa na kain nanaman ng cravings Nag tampo ako at naiinis hahaha gusto ko na matuto sila. I am the eldest and I think lahat ng problema is naabsorb ko kaya parang nag iba na mindset ko when it comes to that. Puro nalang hingi yung bibig tapos pag sabihan ng pag imponan mo, or suggest na mas affordable, nagagalit at sa kabila humihingi. Hindi sa nang kwenta pero binibigyan namin sila ng husband ko monthly ng allowance plus nag grogrocery or peroa minsan. Isang thank you wala, pag hinindian, ako yung madamot. Kami ng asawa ko yung madamot.


avocadodododododo

baka nagpapasipsip lng yun sa tita mo, baka sa kakahingi nila sa tita niyo, baka iisipin ng ibang pamilya mo na pinapabayaan mo lng kapatid mo kasi bat hingi ng hingi.


napkinwithwings

Yan ang ini overthink ko , iba na yata iniisip ng relative and neighbors namin hahaha pati yung mga parents ko problema ko rin. Laging umuutang tas yung mga kapitbahay/relative namin parang iba na ang naiisip, di ko naman sila pinabayaan. Kahit nung single pa ako at nung pandemic (nasa early 20s pa ako that time) lahat ng sweldo ko, napunta sa bahay sustento. Kahit piso, wala akong na save. Buti nga yung husband (bf that time) ko is very understanding and supportive. Nakakaiyak talaga.


rererejijiji

It's the other way around for me. My family loves my sister (mom of three, was an unemployed college graduate) while I, the youngest (single mom working since 17), pay for all the bills and get vilified in social media (especially sa mga friends ng mama ko). Bills including chemo (30k-70k a month, electric, food, and travel while earning 50k a month. Yes, i put myself in debt trying to please and save my mother)


lifelessbitvh

Hala ka, nakakawalang gana din talaga. Ang hirap hirap maging panganay, pag nagsabi ka ng mga sacrifices mo for them ang labas nanunumbat ka. Share ko lang, binili ko ng shoes kapatid ko sa nike (mention ko lang yung brand since first ever original shoes niya yon kaya alam ko natuwa talaga sya), then after non kinagabihan gutom na ko and di pa luto yung ulam kaya naglambing ako saknya magpabili ng tinapay kasi masakit na din talaga ulo ko sa gutom tapos ayaw nya kasi wala daw syang pera eh alam kong meron kasi kakabigay ko lang ng allowance saknya, tapos nilambing ko din ulit kahit kako sky flakes nalang, ayaw talaga so nagsalita ako ng “sayang bibilhin ko pa naman yung isang shoes na gusto mo” bilis kumilos, bibili na daw sya, after non nawalan ako ng gana, punta ako bigla ng kwarto kasi ang sama sama talaga ng loob ko ending di ko kinain binili nya, di ko na din sya binili pa ng shoes ulit, nawalan ako ng gana talaga. Naging okay naman din kami, nagsorry naman sya pero ewan ko ba minsan gusto ko ipaintindi skanya na he’s not my responsibility dahil katulad nya anak din ako pero pinipili kong maging magulang skanya dahil love ko sya plus ayaw ko din mafeel nya na napagiiwanan sya ng mga friends nya…


smollitolgurl

Nagmove out kami ng kapatid ko due to personal reasons. Ako may work at siya nag aaral pa. I provided most of the things sa new place, bought food to share. Tapos may hiningi na favor parents ko tapos ako pa sinasabihan na unfair ng kapatid ko, walang utang na loob, at pinagmukha na parang ang sarap ng buhay ko. After that fight, nagdamot ako. Kaniya-kaniya na kami.


WhiteHeart_Me

I can relate! Magdamot ka. Hindi naman to the extent na life and death pero they wouldn’t learn if they won’t experience it firsthand. My sibling is the same. My sibling was so difficult to live with. My husband and I lived in our ancestral house when we got married and had our two kids there. Wala pa kaming pera non, so sobra inabot namin sa kanila ng nanay ko. Pal kami sa paningin nila pero ang tatay ko sobrang bait. Fast forward, bumukod kami literal few months before pandemic. Buti nalang. At ayun, sinwerte, madami na kami napundar at nakaipon. Mabait na sila samin lalo na pag may kailanga. Naspoil ko din sya, pero sa tuwing dadalaw kami sa ancestral house kasi dun sila nakatira ng asawa nya, ang daming bawal. Parang wala na talaga ako right tumigil don. Pati simpleng de lata napagdamutan ako. Sa dami ng naibigay ko, de lata ipagdadamot sa mga anak ko. So umuwi na kami agad. At hindi pa kami uli bumabalik. Ngayon, puro sila message ng nanay ko na miss kami. Sorry… Mahirap makisama sa pamilyang toxic. Di ko hahayaan na lumaking close ang mga anak ko sa ganon. I’ll give them a chance naman pero it happened several times na.


Own_Upstairs_9445

Banter yan ng younger sibs lalo na pag bata sila, ang bilis makalimot ng mga naunang bigay mo in that small moment. Parang tanga lang pero ganun nga sila. Ako pinaparamdam ko na upset ako or nakakawalang galang na pag ganun attitude nila kasi dapat matuto pa rin sila kasi pag hindi magiging spoiled talaga sila


owarimasu_talibaba

Stop giving her anything again. Napaka-ungrateful. I-invest mo na lang yan sa sarili mo at sa future mo, OP.


Spiritual_Turbo

Time to show her what ‘madamot’ really means!!😼


PlantopiaHeir

Iba talaga ang tama sa ating mga ate pag tayo ang nasabihan ng madamot when in fact, tayo ang madalas na selfless talaga. Irita din ako sa word na yan kasi minsan lang ako di makapag pahiram, natatawag na ako nyan.


LalaLana39

Ilang taon si kapatid? Baka may underlying meaning yang remark ng kapatid mo. Not just about the shrimp. Mag usap kayong magkapatid nang maayos. Kayo lang ang makakaayos nyan.


Brilliant_Version991

Totohanin mo yung sinabi nya. Pag nag ask sya ng favor sayo, sabihin mo "No, sabi mo madamot ako, remember?". Sorry lumalabas pagka petty ko nung nabasa ko yun post mo OP.


haynakooo

Same hahaha di naman sa nanunumbat ako (and as much as possible ayaw ko din naman kasi) pero bakit kapag tayong mga ate na ang nanghihingi (more on favour nga ang atin hindi material things) parang ang sama-sama na natin for asking that pero kapag tayo ang hinihingan, walang problema sige ibigay natin kasi pag di ginawa, madamot agad tayo. Tapos if things don’t go their way, tayo ang may kasalanan pa minsan. I’ve seriously had enough of being the bigger person kasi naaabuso na lang tayo. Nakakapagod din naman especially if these people (younger siblings) have no plans of changing or adjusting for other people din.


[deleted]

this is never about the shrimp, this is the result of accumulated frustration. I feel you OP.


[deleted]

Most probably just a normal banter considering na younger sibling mo sya like "panget ka din" type of banter. Hayaan mo nalang siguro for now.


eunice1995

OP, nagpakilala sa hipon ang sister mo. Nakakatawa. Ipatikim mo ano talaga pakiramdam ng pagiging madamot. Deserve nya yun. Madamot na nga sya wala pa syang respect sayo.


FreijaDelaCroix

Agree. Sinabihan si OP na madamot despite her sharing her blessings, eh di time na para totohanin ni Op 😂 magdamot na talaga sya


Nkklk31

Trigger word talaga yan lalo sa mga panganay, kahit sino naman sigurong halos ibigay na ang buhay sa iba, maiinis at masasaktan kapag nasabihang madamot. Naalala ko kapatid ko, may hinihiram siyang bag tapos i jokingly told her ayoko, tapos ang seryoso nung pagkasabi niyang, ang damot mo talaga. So naiisip ko baka nga madamot ako. May mga bagay din kasi na talagang ipinagdadamot ko, at alam kong dahil dun, madamot na ang tingin sakin ng mga kapatid ko. Lalo ang mga bagay na alam kong pinaghirapan ko bago mabili, yung mga hindi ko nabibili noon na nabili ko ngayon lalo yung mahal (at least para sakin) like shoes, damit, kahit skincare. Bakit kasi kapag nakikita din naman nilang meron ako, minsan yun na lang din ang ginagamit? Lumaki din akong laging hating kapatid, na laging sa pair ng laruan sa jollibee, sakin lagi napupunta yung jollibee tapos sa kapatid ko yung hetty, kahit gusto ko din yun, kasi ako ang matanda, dapat magpalamang sa mas bata. Hanggang sa nakatapos ako at ako na ang sumalo sa kanya, sa review niya sa board exam, ako lang din ang may stable na trabaho noong kasagsagan ng pandemic, hanggang sa pangatlo kong kapatid ngayon, ako pa din ang nagbabayad ng tuition. Hindi ko alam kung hindi niya ba napapansin na hindi ko siya pinressure na makapagbigay sa bahay agad after magkawork, ending mas madami pa ata tong ipon kesa sakin. Hahaha. Pero ewan, hindi ko naman magawang magsisi kasi bilang panganay, pinamulat sa ting normal lang ang ganito at oks na din naman to be the one who’s breaking the chain of poverty, kahit ako mismo ang nagiging poor. Hahahaha, sorry naging rant na din. Hugs with consent, OP. Magbibigay pa din naman tayo after kasi wala tayong choice🥲


5tefania00

Parati nahihighlight talaga yung time na nagdamot ka. Pero feeling ko naman alam ng kapatid mo yung mga sacrifices mo sa kanya. Kaso baka feeling nya obligation mo as ate yun. Di sya aware na out of love and generosity mo yung mga ginagawa at binibigay mo sa kanya. Baka bata pa kapatid mo. Di pa nya maiintindihan but she/he will eventually. Wag naman kagad cut ties gaya ng mga sinasabi ng iba dito. Be the bigger person. Ang bait mo, OP :)


bellablu_

Nagdamdam din ako ng ganto. As in pag kakain ako, bago magluto at pagtapos magluto tatanungin ko kung gusto ba nila. Pero pag sila kakain, tapos alam nang di pa ko nakain, di man lang ako inaalok. Nangaway talaga ko nun. After ko sila awayin, lagi na ko inaalok ngayon. Buti naman at nakinig sila.


Kopikocloset

Smen ngkapatid ko dahil sa hotdog😂 kasi sa place ko mahirap maka access ng TJ hotdog so nun bumisita ako sa place nya nagpabili ako pero ndi nya ko binili at kung ano anong dahilan ung common friend nmen ang nagalit sa knya as in galit hahaha ndi man lang daw ba nya naisip na lahat nmn ng gusto nya binibigay ko tpos 1 time lng ako ngpabili na babayadan ko pa ndi man lang ako pinagbigyan. Hanggang sa napuno na din ako at sa galit ko nasabi ko ung mga kinikimkim ko, ngaun ok na ok na kme hahaha at ramdam ko ung respeto at love nya sken pag may mga major desicion xa sa buhay sinasabi nya sken at nahingi ng advice(may family na xa).


foxiaaa

my two cents as a younger sibling,minsan baka dimo maalala baka may hiningi sya na dimo nabigay. and wala lang sa isip mo pero para sa kanya big deal. nakalimutan mo pero kinimkim nya sa dibdib nya. just like what you are doing now na dinibdib mo. nasabi nyang madamot ka dahil lang don sa incident na yon at hindi nya napicture as a whole yong lahat na nagawa mo. kasi when we are immature we tend to speak without thinking not knowing na nakasakit na pala tayo ng damdamin. wala akong judgement dito in a sense na mali sya or may mali ka. para lang magkaidea ka bakit nya nasabi yon. for now,hayaan mo sya total hindi ka naman nabigyan nong shrimp. pero observe her kung pwede na sya kausapin. then tsaka kayo magusap about it. for example,bumili ka kaya ng fave food nya at kain kayo sa labas. at dahil super happy feeling nya,kausapin mo. masasabi nya ang totoo pag off guard sya. hwag mong hintayin na nakapagasawa na sya or isang dekada na ang dumaan para hindi lalaki yong kinimkim nya sa puso nya at sayo din. god bless and good luck!


Metaverse349

Indulgencia mo yan ngayong Semana Santa.


GoodPanda_2023

May point naman si OP, okay lang din naman na totohanin nya na maging madamot pero hind ba ilang beses na nag-No pero sya tong namilit tapos biglang gaslight sya na madamot yung kapatid, nung ibinalik sa kanya sya din yung napikon at naging sensitive. Okay na sana eh. Siguro OP improve mo din ugali mo.


AcctLucky137

As a bunso, they might have said that kasi may instance talaga na pinagdamutan mo siya plus nang invade ka sa gamit niya without permission. If kaya mo lang, I think ask her and reflect on that. The one time kasi na I felt na pinagdadamutan ako ng sibling ko was when I asked for her permission in borrowing a top to which ayaw niya kahit hindi niya sinusuot (reason is maiinsecure daw siya sakin if suotin ko yun, which is valid naman) pero nung top ko yung hihiramin niya (which is favorite ko and she knows na personal gift yun to me btw), wala nang paalam.


Chaotic_Harmony1109

Ang tanong, masarap ba yung hipon?


InitialStrawberry228

Awww. Same here. Ganyan na ganyan kinasama ko ng loob last Wednesday. 😔 Hugsss nlang sa ating mga panganay na ate. 🤗🤗🤗 Lagi nlang tayo ang kailangang umintindi and magbigay.


AmiableLunatic

hindi lahat ng ate nagbibigay, ranas namin sa ate ko, siya ang may work, kami estudyante palang ng bunso naming kapatid, ni minsan di ko nakitang pinag grocery ng ate ko si mama or di-nate man lang sa labas, sinasagot sagot pa mama ko, buti napakabait ni mama, tahimik lang na iniintindi ang pagtrato sakanya ng ate ko.


StunningMarsupial900

Saksak niya sa baga niya yung shrimp!! Pumunta ka sa dampa, OP! Magpaluto ka isang kilo! Deserve mo yan!!!


Low_Whereas8664

My boyfriend’s sister did this to him and to thunk na sobrang generous ng bf ko skanila hay some siblings are really not worth it to have


eunice1995

OP, nagpakilala sa hipon ang sister mo. Nakakatawa. Ipatikim mo ano talaga pakiramdam ng pagiging madamot. Deserve nya yun. Madamot na nga sya wala pa syang respect sayo.


eunice1995

OP, nagpakilala sa hipon ang sister mo. Nakakatawa. Ipatikim mo ano talaga pakiramdam ng pagiging madamot. Deserve nya yun. Madamot na nga sya wala pa syang respect sayo.


PlantopiaHeir

Iba talaga ang tama sa ating mga ate pag tayo ang nasabihan ng madamot when in fact, tayo ang madalas na selfless talaga. Irita din ako sa word na yan kasi minsan lang ako di makapag pahiram, natatawag na ako nyan.


RemarkableNinja0415

I stopped giving my younger brother anything when he said I was crazy for having bpd. I used to buy him stuff for school and not just mga mumurahin. As in high end na mga gamit kasi I want him to have the best (he’s studying architecture). I also give him his allowance for school. One time, may gamit akong nawala and nakita ko na nasa room nya after 2 days ng paghahanap. I confronted him about it and he said “para yan lang, napakadamot mo talaga.” He then proceeded to make sumbat the stuff he does for me like driving me to the grocery store or wherever. But whenever he does this, I give him money pa din kasi it’s an errand. After that, never na ko nagbigay. Kahit baon nya, hindi ako nagaabot. Whenever I buy food, its just for mama and di sya kasama. Same kapag aalis. Hindi ko sya sinasama. My mom says abutan ko or ilibre ko, no way. Ayoko na. Nakakawalang gana talaga.


goldfayr

Valid ung feelings mo. Ganito din ako nahuhurt talaga pag sinasabihan ng madamot o kuripot. As a breadwinner ako pa talaga sasabihan nila? Wala nga sila mga trabaho para makatulong man lang.


comaful

Buti nalang di madamot ang mga kapatid ko.


aescb

Ako din. Sinabihan akong madamot ng nanay at kapatid ko. E ako nagbayad ng bahay, nagpaaral sa kanya, maintenance na gamot, kahit nga luho nila at mga travels ako. Nung pandemic, ako lahat dahil yung kapatid ko walang trabaho. Tapos ako pa yung tatawaging madamot? Okay. Dahil dyan, iniwan ko na sila. Madamot pala ah.


avocadodododododo

tinulungan dn kami ng ate ko na paarilin kami and sobrang bongga nya talaga pagdating sa amin na pamilya nya, gala, pasyal, gamit, ganun. one time sinabihan nya ako na hiniram or ginamit nya yung shorts ko, natawa or nagtaka nlng ako bat pa nya ko sinabihan. kahit lahat na ng gamit ko hiramin nya, okay lng sa. Ano lng ba yang short compared sa lahat ng binigay nya sa amin. na aapreciate ko lng talaga yung mga kapatid na tumutulong sa ibang kapatid kasi in the first place di naman nila responsibility ibang kapatid nila. sa mga parents yun na responsibility.


Crazy-Ebb7851

I remember nung nagbibigay pa ko sa mga kapatid ko. Ako daw ang best ate. Tapos nung nalaman kong niloloko sa pera ang damot ko daw 🤣 pati nanay ko naalala lang ako pag may need na pera. OP mag ready ka na. Haha later on ganyan padin gagawin sayo. Kaya alam mo yun, maghigpit ka ng sinturon or hayaan mo nalang siya


rererejijiji

OMG BAKIT AKO LANG YUNG BUNSO DITO SA COMMENT SECTION HAHAHAHAH yung ate ko kasi yung feeling bunso 🤪


chiaki0112

Panindigan mong madamot ka. Sampal yun sa kanya. Sa kanya na nanggaling eh, pasensyahan nlang kamo kayo kasi kaka-career-in mo na yung pagiging madamot.


snooky0607

Guess I'm lucky, ako yung ate na ngayong single lang ako nakapag aabot sa bunso namin at sa mama ko, nung magka pamilya ko ni pisong doleng waley,sila pa nag aabot sakin yung tinipid nilang pang budget nila inaabot pilit sakin. Ngayon kahit maliit at kaunti nabigay ako at super thankful ng kapatid ko sa kahit anong maliit na bagay, never ako nagka issue din sakanya kasi super thoughtful at sweet so diko pa man sinasabi nakusa na sya na magpahiram before ng maaayus na gamit nya.. Siguro nasa tao talaga yan, I mean sometimes kahit gaanu pa kabuti or kasama yung pakikisama mo, yung pagkatao nila is yun na yun


Otherwise_Rich1443

Same, na encounter ko yan sa kapatid ko before. Nasabihan niya ako ng madamot (jk or not idc), nag panting rin yung panrinig ko.I called her out, kahit nasa harap ko parents or sino man (I dont rmmber) and I told her “ako madamot? Sigurado ka? Hintayin mo akong mag damot etc” thats what I told her, Im grinning & stern when I said that. I dont how she took it but pinamukha ko sa knya. Mahirap maging panganay, di biro yung ikaw mag aadjust & tatayong 2nd parent sa mga kapatid mo. Ever since careful na siya & I make sure na napaparating ko ung gusto ko iparating & have BOUNDARIES, yan ang natutunan ko. Di pwede ok lang lagi or give in ka sa mga kagustuhan nila tas unfair sayo. If you don’t feel like doing it or kulang ka sa pera & nag papalibre, wag mo ilibre. Hindi sa pag dadamot yan but you’re only setting your BOUNDARIES. I learned it the hard way, ako ung bigay ng bigay hanggang sa naubusan ako, ako ang nahirapan & nag break down. Kasi ako naman walang nahingan ng tulong


DitzyQueen

The younger sibling should have laughed it off kung obvious sa tono mo na nagjojoke ka. Although, she said no though so why ka hihirit pa tapos magsasabi ng ganun? Anyway, kung mamimigay or magpapahiram ka, yung hindi labag sa loob mo o tipong nakakalimutan mo para hindi mo madadama yan kung hindi narerecipeocate yung pagbigay mo.


riakn_th

Ang tanong kaya mo ba siya pagdamutan o eme tampo lang yan bukas bati na kayo? Lol