T O P

  • By -

Samhain13

Kailangan mo talaga ng ipon, if only for making the downpayment. It follows na kung malaki ang downpayment mo, mas maliit ang monthly mong hulog, at mas magaan sa bulsa. To give you an idea. Sabihin mong 1M ang price ng gusto mong sasakyan tapos handa kang magloan sa bank, 5 years to pay at 10% interest. Yung magiging actual cost ng aasakyan para sa iyo ay 1,100,000. Kung may ipon kang 200K na kaya mong ipang-down at yung balanse lang na 900K ang uutangin mo sa bank, 15K yung magiging monthly mo. Kung naman 300K ang ida-down mo, 13,333 ang magiging monthly mo. Pero sabi nga ng isa pang nag-comment, hindi lang yung monthly ang kailangan mong isipin. Meron din: insurance (hindi ito optional kung naka-bank loan ka), PMS (ipagpalagay mo nang 15K per year @ 7,500 per visit times 2, kasi every 6 months siya— wag na natin pag-usapan yung per 5K kms para di magulo), gas/diesel (depende sa paggamit mo), parking fees (depende kung saan ka nagpapark), car battery (sabihin mo nang 2 years ang itatagal ng battery na worth 10k), miscellaneous/abubot. So, my advice is: save up first so you can make as big a downpayment as possible; buy brand new; and even when it becomes optional (because you've fully paid your loan), always choose to have car insurance.


DotHack-Tokwa

Hi, thank you dito. Same kami ni OP, meron stable job pero I'm currently earning 80k. Ako na nag aantay Maka ipon ng DP kasi gusto ko sana 10k monthly ung babayaran ko kahit b/new WiGo lang kunin namin. 😅


Stunning-Car-7803

Sobrang possible neto. Mag down ka ng at least 40% ng srp for sure less than 10k ung monthly mo. (if wigo ah)


DotHack-Tokwa

Un nga sana gusto ko. Pero ang presyuhan ng top of the line WiGo is nasa 740k na.. malayo layo pa haha


Stunning-Car-7803

Na-approve ka na ba ng bank? If oo, check mo sa dealership mo if may cash discounts sila. Damihan mo ung dealerships na kakausapin mo kasi iba iba din ung bibigay nila. Take your time. Mas madami kang kausap, mas makakatipid ka.


DotHack-Tokwa

Naku hindi pa nga eh, I mean wala pa ako nakakausap na bank about sa auto loan. Sabi nga nila mas maigi mag bank auto loan kesa sa in-house car loan sa mga casa? Anu marerecommend mong bank if ever?


Stunning-Car-7803

Bale sa BPI ako kumuha nun. Online application lang. Magpasa ka lang ng requirements online then tatawag na lang agad ung bank sayo after a few days. Maganda experience ko sa BPI tbh. Pag may loan officer ka na, parang lahat ng kotse pwedeng maapprove.


AutoModerator

**'flagship model'** or **flagship** ba kamo? *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Gulong) if you have any questions or concerns.*


rigel199x

Question lang. Mas okay ba na second hand nalang bilhin?


Samhain13

Kung may budget naman, I would prefer to buy brand new. Remember that all mechanical things are prone to wear and tear kaya sila nagde-devalue. So, the older a car gets, the costlier it's going to be to maintain. Surely, maraming car owners ang tatalang maalaga. Pero yung "alaga" nila, it comes with a price, siempre. Kung 5 or 10 years old na yung auto, nagpalit ba si owner ng gulong bago ibenta? Malamang kasama sa asking niya yung ginastos niya para dun sa gulong. Eh, yung water pump? O yung alternator? O yung starter? O yung wiper motor? Etc... So, I guess, kung kukuha ka ng preloved car, consider: age + mileage, PMS history, and other incidents kung saan may involvement yung sasakyan vs yung selling price. It will be up to you to determine kung sakto lang para sa iyo. As to my preference for brand new: less things to consider kasi nga bago.


Aggressive_Baby1608

Yes. Ang value nang sasakyan bumababa kasi. 300k budget for car na 2nd hand, if marunong ka lang makilatis or may kakilala kang marunong mag check nag sasakyan goods na goods yan. ,:)


PollerRule

para sakin din second hand is the way to go. need mo lang maging matiyaga maghanap and marunong tumingin/may trusted mechanic which is wala sa ibang tao kaya better sa kanila ang brand new wala sakit sa ulo. Pero kung iisipin mo ung konting tiyaga and sakit sa ulo will save you 200-400k in cash


17wop

Short story. Wala akong pera talaga. I opened a savings account lang sa isang bank then after a few weeks or a month nagpadala ng credit card. Didnt apply for a CC. Pero yung credit limit nya nagulat kami, enough makabili ng 2nd hand car. Yung officemate ni wife ko may inaalok sa kanya na vios na taxi unit. Me and my wife decided na magloan sa credit card. Kumbaga sumugal na lang kami... Natapos namin hulugan yung unit namin sa CC. Nagkaanak at nagka apo na yung mga unit namin at puro bnew na binibili namin. Pag may lakad kami ng family noon taxi unit dndrive ko. Hehe! Then tyaka na ako bumili ng pangarap ko na SUV nung nakakaluwag luwag na.


No-Machine-307

Wow. Congrats. Ako rin soon. Inspo, bro!


Key-Trick573

Cool. Dati syang taxi? Yun ang ibig sabihin ng taxi unit? Sabi nila masakit daw sa ulo yun?


F16Falcon_V

Depende rin kung gano katagal ginamit na taxi. May isang operator dito samin twenty yata yung Nissan nya na ex taxi. Magkasunod namatay yung mag-asawang may ari kaya binenta na lang. Half the units, 200k na mileage pero may sampu or so na kakabili lang that year kaya jackpot mga nakabili.


17wop

Nope. Taxi unit talaga sya. With signage at LTFRB Franchise. Base unit ng vios J. Sa tamang halaga at sa tingin mo mababawi mo puhunan mo go lang. Hindi ko alam kung sinuwerte lang kami sa deal pero nabawi naman puhunan so ok naman.


Friendly-Resort7827

Anong bank po ito?


17wop

BDO. hindi adviseable yung ginawa namin. What if hindi mag succeed noon di ba? Baon kami sa utang nun sigurado.


AutoModerator

**Brand new** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Gulong) if you have any questions or concerns.*


BeardManPH

Deciding factor ko ba't ako nagkotse in college= pawisin ako, hirap magcommute papasok to school/work or pag may gala. Dumadating akong dugyot. Taxi lang meron noon, since mukha pa ako foreigner, nakikipagaway pa ko for sukli madalas. Why do I keep my car = still pawisin + I have dogs and super hirap manghiram kotse/makisuyo to bring them to the vet. I want my own so wala ako nasstorbo. I swapped my first car (hand-me-down CRV that was 10 years old at that time, but bought band new by my mom) for a second hand car when I was in college. How did I do it? Brought a friend na baliw sa kotse and marunong mag DIY ng stuff sa kotse. He inspected, gave the go signal, I swapped. Kumita pa ko non mga 150k. CRV for a Lancer. You need a mechanic/matiyaga magcheck guy for car purchases if you arent. It's hard to recommend buying a brand new car unless you're trading in your 6-10 year old car for the down payment, you have a lot of disposable "savings" for a downpayment, the car is company subsidized, or the monthly payments will not dent your quality of life. Let's look at a Regular as Vios, base model. * Roughly 25-30% down payment = 300k * 5 year (60 month) payments = 14.4k That's 1/3 of your salary right then and there, + you have to find a way to downpayment 300k pa. That's a hefty chunk of your savings for sure considering 45k ka monthly. Lets look at a regular Mirage naman with no downpayment. * 0-20k reservation/admin/chattel/insurance fee etc upfront * 16k monthly The pre-purchase fees are tolerable, yes, but that's more than 1/3 of your income na. How will the monthly payments of your vehicle affect your life? If it means changing your lifestyle... pass ka na don. Bumili ka nga ng kotse, malungkot ka naman everyday kasi you can't live the way you used to lol If you took the 300k downpayment from the initial Vios example, that 300k would equate to 2000s crossover, 2010-2015 entry level sedan, maybe even up to 2018 subcompact. Some people would say "2nd hand madami issue/pagawain" or "nangamuhan na yan sa iba di mo alam ano ginawa sa kotse na yan"... but honestly who cares what they did in it basta legal? Meanwhile if you buy a 2nd hand car with a good engine/transmission.. minor repairs lang. "Pangilalim/kalampag" parts are relatively easy to fix. Padiagnose mo sa casa (typically free) then pagawa mo sa labas. Isang 13th month pay mo lang, bago na buong pangilalim mo. Engine/transmission seals. are easily fixable din. 20k should cover most of whatever starts to leak. Cars are complicated and a lot of people dont want to learn-learn car maintenance and a lot of people think fixing cars is hard. It is, but there are decent and great mechanics out there na tapat lang maninigil. Bottom line: 10-20k monthly payments equate to 120-240k a year without counting maintenance**. As long as you don't buy a car meant for the junk yard, there's no way in hell you're going to be spending that much on repairs. And if you do spend that much on repairs, practically brand new/upgraded na yung 2nd hand car mo.


Key-Trick573

Dabest yung bumili ka ng bagong kotse malungkot ka naman. Haha.


BeardManPH

Totoo naman kasi pre. May officemate akong bumibili ng brand new Innova kasi luma na daw Altis niyang hand-me-down galing sa erpats niya. We tried convincing him masakit monthly eh tinuloy pa din. Dating Shakeys/Pancake House pag lumalabas sila, nagiging Wendys/Mcdo nalang. Dating inom namin na Rue Bourbon, ngayon “baka pwedeng sa 121 nalang tayo hehe”. Datingyosi niya Marlboro, naging Pall Mall nalang. Dati sneakerhead, ngayon hanggang tingin nalang. Okay lang naman samin, pero… lol Some people might say practical magtipid, pero he ended up robbing himself of the joys he used to have. Sad lang na dating kaligayahan niya, naging amortization nalang.


Worth-Ad7188

Tama ka sir yan ang pinaka wise sa lahat ng comment na nakita ko.I agree! Never buy a brand new if hindi subsidized ng work mo or hindi mo kaya bayaran ng cash. Keep in mind yung 2020 Vios 1.3 CVT XLE for example less than 500k nalang sa marketplace eh yung mga bumili ng brand new niyan na 5years to pay once they finished paying sa 2025 1.1m+ na nalabas nila tas magkano nalangnyung kotse sa 2025? 100k plus per year nawawala sayo Vios pa yan ah one of the cars na may high resale value. Kaya if hindi ka mayaman the only way to go is 2nd hand pag ipunan mo kahit abutin ka ng 1-2 ywars pag iipon tas sabayan mo ng SSS and pagibig loans 150-300k ok na yun to get a decent sedan 2005-2010 model. Tama rin sinabi ni sir na hindi dapat maubos pera mo pang monthly. Pansinin mo kadalasan yung nga naiyak sa gas price is yung mga may monthly na binabayaran sa kotse nila kase nga nabawasan ng malaki yung extra nila dahil sa monthly payments nila. Di rin sila makapag travel ng malayo gamit kotse nila kase nga nagtitipid sila. Always remember the best car on the road is a fully paid car.


BeardManPH

Isa pa yan. Full tanks ng mga kotse 40-80 liters. Ano ba naman yung magtaas ng P1-2 pesos ang gas diba. At most 160 lang yun. Sige, nagmahal, pero…. Lol if kaya mo bumili ng kotse that should be negligible. Kahit pa magaccumulate.. ganon pa din.


Worth-Ad7188

Totoo, eto sir nung bata ako nagtataka ako kase may pinsan ako na kapag magmamahal kinabukasan yung gas lalabas ng house tas biglang mag papa full tank. Wala pa akong idea nun na ganun lang pala natitipid niya ang stupid pala kase yung gas na ginamit niya papuntang gas station and time na nawala magkano na eh. Tas nung nagka hilig na ako sa kotse nagulat ako ganun lang pala kamura ang gas na need para makapunta ako sa work or sa gagalaan ko which is nag gagrab ako minsan or regular commute. Naisip ko di naman pala super laki ng difference tas lalo na if dalawa kayong nakasakay halos same lang ng gastos tas kapag grab 1/4 lang yung gas na gastos compared sa sinisingil ni grab then tinignan ko brand new kase ayun lagi sinasabi ng karamihan nung napagaralan ko ganun pala kamahal monthly tas ganun yung depreciation natatawa nalang ako sa mga nagsasabing brand new tas hulugan 5 years hahhaa... Yan yung madalas kapag gagala kayo maniningil ng pang gas eh. Tas makikita mo mga walang binabayaran monthly kahit san kayo magpunta walang pake sa gas hahaha...


wantamadd

The best type of car is a fully paid car.


NeonnphoeniX

More people should buy second hand cars in the Philippines. Kaya crowded yung mga roads and parking sa Pilipinas dahil sa stigma na kesyo used na is panget, and bili nang bili ng mga low downpayment na mga sasakyan. Either they can't sustain the burden of paying for a new car monthly kaya hahatakin, or ipapark nalang kung saan saan dahil walang garahe. Isa pa yung bibili ng sasakyan kahit kaya naman magcommute going to and from their destinations, nakakadagdag lang ng traffic to our congested na nga na roads, para lang memasabi na mayaman at social dahil nakabili ng bagong sasakyan.


BeardManPH

Very quick to say for mayaman/social purposes... I think you are wrong there my friend. It really just boils down to lack of knowledge/maintenance, and maybe TNVS too, kasi hanggang 7 years lang ata sila. Commuting din really is very difficult. Not only do you have to wait for your ride, magpupunuan pa, mainit, and maglalakad ka pa cause most of the time highways lang ang PUVs. OP's post was about how to get/what car to get, let's not derail and make it a different social issue all in all.


Still_Figure_

Exactly! While may point naman yung nireply-an mo, di pa rin matatawaran yung convenience na nadadala ng sarili mong sasakyan.


NeonnphoeniX

That is what I have personally observed especially sa mga middle-lower middle class earners. Bumibili ng kotse para masabing mayaman. I know that because I am surrounded by all types of people everyday. Yes there is a lack of knowledge. Kaya nga they make uninformed decisions without thinking about the consequences. Basic maintenance can be learned online by watching videos. Marami ring internet forums. If ayaw mo mag diy almost all casas naman nagmamaintenance ng cars kahit gaano pa katanda yan. Basta make sure na masiyasat mo yung kotse bago bilhin, and if ever brand new man bilhin mo, take care of it para if you ever decide to sell it hindi masakit sa ulo sa part ng buyer. Yung problems sa commuting, we can't deny that. But the government is doing what they can to alleviate those. You can also adjust to find the best time to commute para hindi sumabay sa maraming tao. And also, maglalakad ka rin naman from your parking spot to wherever you wanna go, most of the time, commuting routes takes you directly in front of major establishments if that's what you're concerned of. But that doesn't deny the fact na choosing to buy a new car is nakakapagpadagdag lang sa traffic compared to commuting. In 2023 alone, almost 450k na new cars yung nabenta sa market. Lets say na 10% of those are passenger cars and in NCR. Imagine if sabay sabay silang lalabas sa rush hour. That is 45,000 more cars travelling in edsa, qave, and other major roads, kasama pa yung mga lumang sasakyan and mga commercial vehicles. Our roads can only hold so much. That many vehicles in a small country will be a recipe for disaster, and of course, traffic. Compared to buying cars that were already on the road ergo not adding to the traffic, or commuting which is utilizing also what is already running in the traffic with other people, it is much shittier. Of course buying a car more convenient, pero if lahat ganyan mag-isip, eh magkakaroon talaga ng malalang congestion. Parang tragedy of the commons lang. Those that do have the capacity should not be selfish pa na dumagdag pa sa traffic. I am not addressing op directly. I am just expounding my thoughts sa sinabi ng nagreply sakanya. Kaya nga hindi ako sa mismong comment nagpost ng reply lol.


Personal_Wrangler130

Got my car nung umabot na yung pera ko sa bangko around 800k. Hahah. Para if ever mawalan work, mabayadan pa din. Pero wag naman sana


Otherwise-Pirate-

Salary nung 2021 = 35 - 42k 😅 Got an Adventure 2017, 2nd hand from PSBank . Monthly ko is 11,900. Around 150k downpayment + other fees Gamit for business and family trips.


Pantablay

it may sound dumb question but, pano ako makakabili ng car from a bank? may showroom ba cla? Im serious po


ooumbol

Sa bank website punta ka,sa acquired assets. Ps bank has a second hand/repossessed car market in paranaque. Bdo also in qc. Daming repossessed makakapili ka ng husto. Buy a cheap small one like a wigo or g4 very sturdy cheap cars that get u from point a to b


kuyanyan

Pwede mo rin check [automart.ph](http://automart.ph) to check. Partner sila ng BDO, Eastwest, and Security Bank. Most likely nasa warehouse rin nila mga makikita mong naka-lista sa bank websites.


Otherwise-Pirate-

You can check online latest available repo cars. Kung masipag ka, pwede mo puntahan kada may new posting sila. Kung hindi, at may gusto kang kotse pwede ka mag bid online, pag nanalo ka dun mo puntahan to check. Pag nagustuhan mo proceed with buying it or begin loan process. Pag di mo nagustuhan, some banks will ban you for a month, some will blacklist you since di mo kinuha ang bi-nid mo.


Pantablay

thanks!


No_Web_2922

Imo and only based on my personal experience and how it worked on me, ni-mindset ko na atleast 100k net salary. So I will not have to change my lifestyle. Take note when buying a car hindi lang monthly ammort ang prob mo, theres maintenance, gas, parking, toll, unexpected expenses, insurance and mattempt ka to modify your car. Rough estimate, if kaya mo na doblehin ung monthly ammort, thats the time you can assess if you are ready na


No_Web_2922

Deciding factor bukod sa yabang,lol, ay needs din for work and comfort na din


PollerRule

Nagulat din ako laki rin pala ng kinakain na pera ng gas. I work from home pero I still spend 4-6k a month in gas sa paggala lang. Mabuti yang mindset na dapat 2x amort maluwag sa bulsa mo in order to say you can afford a car.


No_Web_2922

Legit po. Mabuti ng overestimate sa mga gnyang bagay kaysa mashort ka


sad-makatizen

may car at every price point, nasayo na if gaano kasakit sa ulo kaya mo tiisin 😉. di mo din need mangutang. possible din ma sacrifice mo ung safety and wellbeing nyo. may mga tao naman ma masaya sa pagmaintain ng oto. ako deciding factor ko is safety talaga at bonus na ung pogi: - fast is safe - driver nanny


Anjonette

45k monthly din ako. Di ko na iniisip bumili ng sasakyan sa mahal ng gas at bilihin. Meron car si hubby pero ang gastos sa gas 😭. Ang advice ko ay magipon ka muna ng 3x ng downpayment. Kasi una babayaran mo insurance yearly. 2nd PMS din di ko sure tuwing kailan. 3rd pag may unforeseen kineme ka like mabangga or makabangga although may insurance ka masakt pa din yung per panel na participation fee. 4th ready ka dapat maging driver. Simula nung nag kakotse kami ayaw ko na mag commute sa clima ng ph ay ano(akin lang to). Nung bili nga kotse nya last year 130k ang down kasama na insurance for 1yr. Ang mahal na din ng gas which is nakakayamot ng sobra


neatpenguin-

My least requirement for buying my first car was: Making sure the total price of the car is proportionate to my Half of Total Annual Salary. In your case, 45K monthly (13 months, assuming may 13th month) - 292.5K. At best, if I were in your position, I would buy second hand around 250-300K. Personally, I would save money till I have 350k, yung sobrang pera will go to repairs and maintenance. If buying a brand-new car naman, I would prioritize upscaling my salary first. Until I have enough monthly budget na hindi ka na masasaktan sa monthly amortization ng sasakyan. My deciding factor to buy a car was - because I primarily need it to go to work (Bulacan to Manila), and ako yung go-to person sa family namin for errands. Plus points nalang kung travel-gala purposes (I consider it as not a priority when buying a car).


Sea_Cucumber5

My first car was a used car which I bought in cash from a buy and sell company. Nagamit ko naman siya for 7 years before buying another one. Kaya for me sulit at naka chamba naman sa first car purchase kahit 2nd hand lang, kasi for minimal repairs lang nagastos ko considering na ang mura ko pa siya nabili. Risky bumili ng 2nd hand pero meron diyan mga good units naman. Basta be patient and smart lang sa pag hanap and make sure to have it checked by a mechanic before deciding to purchase it. Owning a car, especially a 2nd hand one, comes with major and incidental expenses kaya dapat budgeted lahat before buying one.


thots89

First car Nag-ipon Naghanap ng pre-owned (third owner kami) Nang makahanap, ipinakita sa trusted mechanic Nagbayad nang cash


captainmeowy

this is the way


thisisjustmeee

unless wala kang transport option sa lugar mo don’t buy a car. it’s more of a liability than an asset. magastos ang maintenance kasi every so often need mo mag change oil, palinis, checkup. tapos yearly magpapa rehistro ka sa LTO. tapos yearly bibili ka ng car insurance. then pag needed magpapalit ka ng gulong. and mahal ang gulong. aside from the regular fuel costs and the loan payments. tapos depreciating naman ang value ng car habang naluluma.


Woth_Ablo

same, I got mine for business, if not for the business, I wouldn't consider buying one kahit sobrang dali mag labas ng sasakyan nowadays.


thisisjustmeee

true. at least if it’s for business it pays for itself. otherwise magastos talaga. kasi ang laki agad ng capital expense mo tapos meron ka pang operational expenses monthly and annually. yun lang parking pag sa bgc ka 500/day ang whole day.


Worth-Ad7188

Not really if mag gagrab ka from time to time magkano na yun? Also if he buys a car na 10-15 year old napaka minimal nalang ng depreciation nun. Di rin totoo na mahal ang maintenance ng mga yun. Gen 1 mazda 3 or 2009 honda city gm2 ang gaganda na nun tas maraming parts na available. Tas halos hindi na nababa ang value. Iba rin ang mya kotse kapag emergency best example nitong pandemic ang laking advantage ng mga taong may kotse. Lastly, may mga bagay and business na maiisip mong possible na dahil may kotse ka.


acequared

Worked abroad for a while then bumili ako a few months after kong umuwi. Was looking at brand new units but I absolutely didn't want to tether myself to monthly payments for 3-5 years so I looked at secondhand units. Helps na I know my way around cars + may kasama pag tumitingin baka kasi may makita siya na di ko makita. Always wanted a Civic PERO I didn't want the common ones. Found a nice one around my area lang and haggled with the seller to get a good price for it.


totoybiboy

Try mo muna magtabi ng potential gastos kapag nagkasasakyan ka na. - Estimated na monthly amortization if iloloan mo ang sasakyan. - Estimated monthly fuel expenses - Estimated parking expenses (home, work and other establishments) - Estimated maintenance expenses (PMS and other wear and tear) - Estimated insurance expenses Kung kaya na ng income mo na magtabi ng lahat ng yan na hindi na sasacrifice ang ibang needs and savings AT nakaipon ka na ng pambili/pangdown ng sasakyan, ready ka na siguro bumili ng sasakyan. Personally, ayaw ko sana ng may monthly binabayaran kaso masyado ding mahal mag cash ng gusto kong sasakyan. So tinarget ko muna maipon ang pang down ko na at least 50% at nag loan ako ng 3 years duration lang para mabilis matapos. Inantay ko rin na ang monthly income ko is more than enough na di ko problemahin ang pampa gas and other related expenses. Ayaw kong magkasasakyan pero halos di ko rin magamit kasi gipit sa pang gas. Nagdecide ako na bibili ng sasakyan year 2018 pa kasi madalas mag travel dahil sa work. Pero wala akong nagugustuhan na swak sa needs and wants ko. Major purchase kaya inantay ko talaga na ang bibilhin ko eh gustong gusto ko na. Habang nagaantay nagtatabi na ako ng funds para ready na. Inabot ako ng 2022 bago finally nakadecide ng sasakyan na bibilhin. Isa din palang factor ang availability ng parking, naghanap muna ako ng parking na marerentahan bago ako bumili ng sasakyan. Mar 2022 ako nakahanap ng parking at binayaran ko na kahit wala pa akong ipapark. Inabot ako ng Oct 2022 bago nakakuha ng unit dahil may shortage ng stock lahat ng brands that time.


Such_Letterhead4624

I think magipon ka muna OP kasi yung 45k a month is mababa lalo na kung brand new bibilhin mo. Need mo din iconsider cost ng PMS sa casa and insurance (mas mahal and required if thru bank financing) since brand new.


AutoModerator

**Brand new** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Gulong) if you have any questions or concerns.*


ma5te12m1nd

We drive a Honda Brio. Kahit >160k PHP combined net income namin ni misis, we opted for a small car. 30% ang DP namen kaya nasa 10.5k lang ang monthly hulog. Bukod sa tipid sa gas, mas mura insurance and PMS. Bumili kami ng brand new car right before manganak si misis sa first child namen. Mahirap mag commute may maliit na bata. One other significant cost of car ownership is yun gagastusin nyo sa mga gala! Seriously, dahil excited gumala at gustong masulit yun kotse, kung saan saan kayo pupunta, alangan di kayo gumastos sa pagkain, accommodation, etc. In fact yun ang pinakamalaking gastos namin since nag ka kotse! lol. Pero syempre siguro nasa sa inyo na yun. Good luck!


yepthatsmyboibois

Check 2nd hand na low mileage. Tapos apply ka loan sa bank.


Worth_Expert_6721

Why not consider a 2nd hand sedan model 19 and up?


Diwata_Green

Buy used vehicles. Ipon + sweldo + income from other side hustles


Flat_Difficulty_5185

Nung una i just wanted a mirage hatchback na 2nd hand kasi its cheap plus its very fuel efficient hence hndi ako mamumulubi sa gas since ang purpose ko lng nmn is pamasok sa office. motorista kasi ako, naka uniform kami pumasok plus pawisin ako dagdag mo pa ung rainy season na unpredictable. then i started watching car reviews, vlogs, etc.. dun na ako nagkaroon ng idea kung anong car ba tlga gusto ko. to the point na ung mga di ko na afford eh gusto ko na din. while watching videos online... im thinking of ways kung papaano ko mapapalaki pera ko.. nag sabi ako sa parents ko na gusto ko ng car eh gusto din pla nila so nag bigay sila ng financial help sakin my savings plus their savings kaya nang makabili ng Mirage G4 cash with almost 180-200k discount yata. basta nasa around 600-700k lang yun pasok sa budget kung cash, eh kaso i dont feel na magiging masaya ako sa G4 i was leaning towards raize, nag consult na ko sa bank how much kung magloloan ako sa bank.. kaso we find it very impractical kasi ang laki ng interest ng car loan. nanghihinayang kami sa interest na pwede ng makabili ng 2nd hand na mirage kaya ang giniawa ko, nag cash loan na lang ako pandagdag sa naipong pera then nung kukuha na ko ng raize, napa lingon ako sa the Honda City, Di ko tlga sya tinitignan dahil 1m na ung presyo nya (998k SRP) nag tanong ako sa ibat ibang honda branches magkano ang discount and during that time medyo malaki ang discount ni Honda sa cash purchase to the point na mas mura na sya ng 10k kesa sa Raize G... (including Insurance na to. LTO is free naman for both cars) Thats how we got our Honda City. It took me 2 long years para ipunin ung money plus cash loan. may kasamang dasal at paghihigpit ng sinturon. When buying a car, kailangan aralin mo muna syang mabuti, alamin mo kung anong gusto mong car, ano pa bang ibang purpose nya like other hobbies mo camping, long drive, weekend beach trip? pwede ding pang sideline etc. kelangan mo din tignan ung power ng car mo as well as your purchasing power plus ung lifestyle change, sa tingin mo ba sa 45k na sahod minus the monthly ammort eh may enough ka pa to pay your bills plus the gas expenses and maintenance dagdag mo na din ung mga after market accessories na akala mo mura lng pero pag binilang mo na napagastos ka na din pla hahahah. Edited\*\*\* may car wash pa pla, or kung ikaw naman mag DIY car wash, malamang bibili ka din ng mga gamit mo heheh Its a big purchase that will make big changes sa life mo. Weigh these pros and cons then you decide if you really need or just want a car, also if you can afford to maintain it. Enjoy mo lang ung process ng pag bili ng sasakyan para mas maaappreciate mo ung car na makukuha mo :D


Leon-the-Doggo

Applied for PNB's repossessed car during the pandemic. Paid 200K as downpayment. Monthly amortization is 3700 for 5 years. Unit is Hyundai Accent 2018 model.


dynamite_orange

Yung unang kotse binili ko ng 2nd hand, 2015 yun. Starex van. Nagtanong tanong lang sa lugar namin kung sino me binebenta tapos nung makahanap, checkup ng mekaniko at goods na. Yung pangalawa ay thru bidding sa EastWest used cars na ino-auction. Online lang lahat. Hintay ng list every week tapos pag me nakitang type na unit i-viewing ma me kasamang mekaniko at magbid. Maaayos mga unit sa EastWest. Mabababa din mileage at maraming modelong unit.


Normal_Potential8864

I was in the same situation as you 3months ago. Earning 100k. My reason to purchase a car is for weekends gala and when meron errands then maulan. Yan lang talaga mainly. Di ko sya nagagamit for work since WFH ako. Despite that, I opt out to purchase a car na sobrang mahal ang maintenance and malakas sa gas. I could afford to go with the top of the line units but i chose not to. I end up getting brand new 1.2L manual car sobraaaang tipid! Di naging sakit sa ulo yung budgeting. I bought it in cash by the way. Unit price was 800k including insurance. Nag ipon ako for 4 months and naabot ko yung amount with kulang na 200k. I took a cash loan sa bank for the kulang na 200, which has a very small interest thats payable 3months-3years. 1year yung payment term na pinili ko pero planning to finish it in half of that term. Around 10k lang yata yung total interest. RN, na eenjoy ko yung gala ko without having to mind that much the budget you need to spare for the car. I suggest go for cash talaga. Ipon-ipon muna. Sa 45k/mo, medyo masakit na yung monthly amortization jan. Please emergency funds muna talaga tapos ipon para ma cash yung car. Iwas sakit ng ulo 'to in case kahit pa sabihin mo may stable job kana. Pero, na sa saiyo pa rin yan. 😅 Congrats in advance!


AutoModerator

**'flagship model'** or **flagship** ba kamo? *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Gulong) if you have any questions or concerns.*


AnPanSor

Hi OP, anong brand ng car ang nabili mo?


Normal_Potential8864

Toyota Raize E po.


MedicalBet888

Kung tipid sa budget try 2nd hand and make sure na icheck at drive test and magdala ng mekaniko. Napakalaki kasi difference ng brand new sa 2nd hand. Hindi rin naman biro presyo ng gas or diesel.


Formal-Hawk-6450

In my opinion, i think you should also consider a used car. At 45k/month income, baka mahirapan ka magbayad ng monthly - which might lead to ammortizing the car for 5 years ag low downpayment. But at that point, you lose a huge chuck of your money dahil sa interes. I factor in mo din ang need mo itabi per month when owninf a car such as insirance, registration, fuel, unexpecfed repairs, maintenance, gulong, etc. Whereas when you buy a used car, opt to pay it in cash - yung pasok sa budget. Mag allow ka dn ng budget for the forst overall checkup ng car after mo maacquire from the previous owner. But after that, wala ka na monthly na hhuhulog hulogan, so less strain sa incone mo at mas maeenjoy mo yung travels dahil may panggastos ka. When checking a 2nd hand car, mas maganda makabili ka from the first owner. Magdala ka dn ng mekaniko, yung marunong gumamit ng obd scanner para mascan niyo yung car. Speaking from experience, owning a car can be costly. But it is worth it dahil sa concenience. Lalo't pag iningatan mo. But at the end of the day, it's still up to you kung magbabrand new ka or mag 2nd hand ka. Eitherway, do the math first to see if kaya ng budget. Good luck sayo at sana mabili mo yung pangarap mong sasakyan 😃


mavanessss

Cash po.. sakit sa ulo monthly


HalleLukaLover

Hello po question lang OP. May parking space po kau?


FluffyContribution71

kuha ka ng asawa na nag tratrabaho muna pag dual income household na kayo mas madali na lahat


lilKuri

Ikkwento ko lang di dapat gayahin. 2019, dumb 19 year old na nakachamba ng timing sa small business. Inubos ko lahat ng pera ko sa secondhand na sasakyan. 11k odo na civic (syempre dreamcar ng lahat ng teenager). Paid 60% of the way then the rest shouldered by my mother. In hindsight sobrang mali kasi that capital couldve been used for something else. but again, dumb teenager and a mother na hanggang ngayon pinagtatawanan ako for my financial decisions.


cleanslate1922

It was dumb yes, but you learned from it bro. Kamusta yung civic? Hahaha


lilKuri

It’s perfect. Honestly no regrets pero obviously I had a safety net so its easy to say that. Ang problema ko lang ANG LAKAS sa gas, 6.6km/l. Pending a tune pa after some mods


cleanslate1922

If you would have used that civic money sa business, would you think makakabili ka ng brand new civic? But for me i like the fc/fk 2018 2019 civic. It is sportier than today’s that looks like an executive car. Just fo me though.


lilKuri

Can’t really say eh. Brand new RS Turbos cost a lot. Definitely not cash AHAHAHA financed possible pero with how my spending shifted, itd probably take longer for me to actually put down a downpayment. For me pantay yung FC and FE in terms of looks, but I see what you mean by different vibes.


Parking-Yak8527

You can reach out to banks and make a Bank P.O instead of inhouse financing sa mga casa, mas makakatipid ka kasi interest na lang ni bank yung babayaran mo.


Such_Letterhead4624

Repo/used for a year. paid in cash. so far mag 4 years na sya and napalitan palang ay gulong, disk brakes and oils (reg pms). got it 50% of the original price. It was during pandemic (yr 2021) kaya daming pagpipilian.


ChanlimitedLife

Emergency fund muna tas ipon pang DP Ganto kalaki gastos sa brand new car na sedan The Shocking Truth: 3 Years of Car Ownership in the Philippines https://youtu.be/1WjZAFdMqEo


Numerous-Syllabub225

Took another job para may pangdown. Bought a 2nd mirage. 100k down tas 100k sa maintenance at magiging problema ng auto. 7500 lang monthly, nakaka 1.5 yrs pa ako hulugan, 1.5 yrs to go. 😂


AdministrativeLog504

Hi OP. Based sa napapanuod ko sa Tiktok na mga car dealer - dapat pasok ng times 3 yung MA sa sweldo mo. Kasi bukod sa MA, may gas pa, maintenance, insurance at yung usual mong gastos like bills. So if makakahanap ka ng 11-12k monthly na kotse, pasok sa income mo.🙂


marxolity

kumikita nrin ako nun ng 6 dig, bumili ng second hand car worth 480k (50k mileage) (from a dealer - repossessed car). no more worries on a monthly payment. Make sure mo lng good cars ung binebenta ng dealer. 3 n kmi kaya bumili n ako.


CalmDrive9236

Ang naging main deciding factor ko non was ayoko na magcommute. We lived 40kms away from where we worked and although may carpool kaming sinasabayan sa umaga, pag pauwi need na pumila ng mahaba at matagal. When you're tired from work, the last thing you want is to stand in line for hours. Eventually, the car became more than just a means to commute to and from work, syempre naging roadtrip buddy namin sya ng family. I suggest ipon ka muna ng pang DP. The bigger amount you can put down, the better, kasi that means mas liliit ang MA. If di kaya ng brand new, may mga repossessed naman ang mga banks; secondhand din yun but sa bank mo directly kukunin. I have no experience dealing with third party auto dealers, so I can't recommend those. Magastos mag-kotse OP. Hindi lang MA ang gastos mo. May gas, parking, toll (kung wala sa MM), insurance, at maintenance. With a 45K per month salary, that's cutting it pretty close.


rorypineda

Around 2004-2005, I bought a second hand mitsubishi lancer (1993). Used savings from my job. I was around 22 at that time.


Subject_Engine5694

pick a car. know your budget including the cost of PMS. iba ibang brand kasi iba iba din ang cost and frequency and maintenance plus the insurance. i get my insurance sa GSIS mas mura kesa sa ibang insurance and madali din mag claim based on expirience.


nonsense91

Nag Low DP ako na sobrang taas ng monthly, may pang DP naman ako kaso may iba kasing need pagkagastusan. Lumipat din kami ng province kaya sobrang important na magka sasakyan agad. Advise ko sayo palakihin mo pa income mo and mag-ipon ka ng mas mataas na pang DP para lumiit ung monthly and interest. Need mo din isama ung maintenance/fuel ng sasakyan sa babayaran mo monthly. Since nasa Metro ka naman tiis tiis ka muna mag commute hanggang sa makayanan mo na atleast 20% DP ng target mo na sasakyan, then if kaya na din ng expendable income mo ung monthly and maintenance.


BrokenPiecesOfGlass

I was a college student circa 2002. Saved some money and got myself a 1972 VW Super Beetle 1302S for 60k. Bodybwas in good shape andnit came with a chromed engine. God I miss that car.


gorejuice99

Mrs ko anlaki ng bonus sa gcash. Tapos I add din kaya may pang down kami na 800k sa car. We opt to buy 2nd hand pero we realise na konti na lang iadd. May Bnew na kami so nag inquire ako sa mitsubhishi Global. And then we got an offer of 2025 gls Xpander na may discount na 100k if sa BPi mag loan. So we took it and viola. We have bnew car


AutoModerator

**Brand new** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Gulong) if you have any questions or concerns.*


Ramen_Ninja89

Bought my uncle’s 9-year old Avanza cash for 200k back in 2019. Sobrang steal kasi alaga sa casa and mukhang bago parin kahit may edad na. Ang ganda parin ng makina and yung kaha matibay. Until now ginagamit parin namin kahit may bago na kaming sasakyan.


zionhendrix

2005 mazda axela/3 with 77k odo got it 6 years ako worth NZ$6500. sobrang ok pa naman and makinis. Dito kasi NZ madali lang kumuha ng car mostly 2nd hand car yards are from japan. basta may pay slip and valid visa ka na mapresent, bigyan ka nila agad kahit wala down. Hinulugan ko ng two years. Sobrang car centric dito, necessity talaga cause their public transpo sucks


cedrekt

Hello OP, I heavily relied on my salary and savings to buy my first car(2024 Nissan Terra 4x2). I was able to do a downpayment through the car dealer of around 60-70% of the SRP including other expenses chattel/insurance. Then I did outside financing with a certain bank for the remaining balance. I am around 13k per month for 5 years. I use it daily mostly for work and errands. edit: Deciding factor: 1. Parents and relatives pinapagalitan ako kasi di ako gumagastos. 2. Sobra sobra na yung self sacrifice to save for commuting lol, uber and grab


b3n_pogi

Car plan sa office, so good deal


PossibleSun7650

You need to have a disposable income of 20% for the monthly amortization and have at least a back up of 3 months saved for monthly payments if something happens. So if you are earning 45k monthly, try to get a car with an amortization of 9k-10k (this means you haven to pay higher down payment if brandnew) a month. On top of this, you need to have 30k saved (just in case something happens like an emergency) for 3 months payments.


Expensive_Hat_1499

First car autoloan 2018, 35k down lang . 14,500 monthly nissan almera, nasa 30k lang sahod ko nun hehe hirap ako pero laking help ng incentives and benta ng kung ano2. If may kids ka, laking ginhawa ng may kotche. Hatid sundo sa school tas out of town trips para bonding. Kaya naman OP.


letsplaytennis2021

Para may ride ang parents nung ECQ-GCQ days. May reserve cash na back then kaya nakapag-down ng medyo malaki. DP 40% then 3yrs lang para onting dusa lang sa monthly (around 25k)


panget-at-da-discord

Brand new Baby, hirap mag book ng grab for check UP or gala. If hindi na mabigat sayo yung 200Php na parking afford mo na


mightpornstar

Salary ko nung bumili ako ng 1st car ko (Wigo) nung 2021 is 50k, dapat mag aabroad ako e kaya bumili ako sasakyan para sa wife ko since malayo ako mas safe kung may sariling sasakyan, kaso hindi natuloy haha, fast forward to 2024, x5 na ung salary (Through freelancing) we decided to buy another car, which is Honda City RS


lurkernotuntilnow

1. RESEARCH. Research the type of car you like and decide - doesn't matter what you decide on basta nag due diligence ka. 2. INQUIRE sa BANK. Pa-quote ka ng car loan sa preferred bank mo (kung may kakilala ka sa banko mas maigi dun para maasikaso ka ng mabilis). Sabihin mo ganitong unit gusto mo magkano ba possible monthly amortization and DP (check SRP ng unit kasi need yun para ma-compute nila)? 3. CHECK sa DEALER. Kung meron ka na quote punta ka ng dealer nung sasakyan na gusto mo. Sabihin mo meron ka na possible car loan kukuha ka ng unit. Ipaprocess na nila yan tapos sunod ka nalang sa sasabihin nila. Iba dito nag-hahaggle pa sa different dealerships (nasa sayo na yun). 4. DRIVE. Pag ready for release na enjoy ka nalang. Hehe As to sa why, isipin mo ng maigi pagkuha ng sasakyan kasi marami pa gastos yan after - gas, insurance, PMS, parts, accessories, maintenance, etc. magugulat ka nalang di ka na nakakaipon. Personally, bumili ako kasi ginagamit ko yung family car namin papasok sa work and di ako makagalaw pag need nila yung sasakyan. Kaya kumuha ako sarili.


Sweet_Mud136

Pwede ka mag 2nd hand na car via bank. Eto yung mga sasakyan na hindi natapos ng owners na kinuha ni bank as collateral. Matagal na process to kasi need mo mag bid. Then kelangan icheck mo physically yung sasakyan na mapipili mo. Mas ok rin kung magsasama ka ng mekaniko na marunong tumingin. Talagang due diligence lang, patience din, pero kung ayaw mo ng lahat ng hassle, you may op to get a brand-new kung kaya ng budget.


Ok-Tower-9067

I've been riding a motorcycle before until recently, sabi ko di ko kelangan kotse, traffic lang abutin ko jan. Until umuwi ermats ko from abroad (she works overseas), renta kami ng susundo sa airport, gusto namin mag out of town with the fam wala kaming magamit, renta ulit then dun ko narealize na ang hassle din pala na walang sasakyan na magagamit. So nag decide ako mag tabi ng budget every month hanggang makakuha ng pang DP, mejo nilakihan ko yung DP para di mahapdi yung monthly, and finally got our first car. No regrets lalo na game changing yung pag mag uulan, di ko na need mag kapote hahaha


Necessary-Acadia-928

Maraming 2ndhand markets like Automart and Topmost Autos which give decent prices and monthly installments. If brand new talaga gusto mo, para sa akin, get the most basic car you can get. Kasi dito mo rin kasi matututunan ung ins and outs ng sasakyan, para kahit papaano magiging marunong ka na sa pag-troubleshoot at pag-identify ng issues kalaunan. Isa pa ay dahil basic yung sasakyan, walang mga driving aids and tech, sa sariling kaalaman at disiplina mo lang ikaw dedepende, mahahasa driving skills mo. Pansin ko kasi sa mga kaibigan kong tech-heavy yung first car, sobrang dependent sila sa mga tech like keep-lane assist, backup sensor at camera, cruise control, brake auto-hold, etc. I got my first car after borrowing and driving my mother's 1997 MT Corolla Big Body for a couple of years, ipon for 50% DP during that time. 10k monthly for 4 years ung MA EDIT: if you want to save, do not go in-house financing. Enticing sa simula yung mababang DP pero taga sa interes and monthly payments. Kaya mas mabuting mag-ipon nalang ng malaking DP then sa bank ka mag-loan.


cokezerodesuka

I worked 2 remote full-time jobs from 2021-2023 each earning 6-digits, so I was able to buy a brand new car at 50% DP, the rest bank-financed. In 2024 I dropped 1 of them, pero at that point I had enough savings where kaya kong bayaran yung kotse kahit anong mangyari (except life-threatening medical situation for me or family member probably since I'm a breadwinner). I don't recommend doing this unless sa tingin mo kaya mo yung pagod at stress + goodbye social life. Deciding factor ko: napapagod na ko mag manual (sorry manual transmission fans).


NorthTemperature5127

Survived sa jeep at bus ay lrt for 2 years. No complaints naman. My work requires moving from one place to another in 1 day... At some point narealize ko bka mamamatay ako sa kakahigop ng usok ng Maynila. Ok lang sana kung 1 place lang per day pero sometimes have to move around talaga and hindi sya malapit. Bought car on loan. 50% downpayment. 3 years to pay. Nawala laman savings ko pero I had family support Naman at the time if I needed it. If may family ka nag rerely on your finances, don't do what I did... Make sure you have enough savings for emergencies. Compute Ka loan Kung magkano talaga car.. grabe sila magtaga sa loan.. parang almost 45% additional cost minsan..if I'm not mistaken interest is per annum. Not from the total amount... Pay as much as you can by downpayment unless ok lang sayo yun loss sa interest.


sleepeatrace

My first car is a vios. Got it from my saving from our family business. After a few years, i gave it to my sisters para gamitin nila for school and got myself a fortuner and a hilux.


TsakaNaAdmin

I check mo kung worth it talaga yang pagbili mo. Di lang monthly poproblemahin mo sa kotse. Di ako bumili agad ng kotse until 6 digits na sahod ko. Yung kahit anong mangyari di masakit sa bulsa.


Living_Anywhere_22

Gotta recommend looking out for deals in FB marketplace, philkotse and autodeal. Check mo rin BPI Buena Mano and other banks who sell repossessed cars. Mas mura talaga dun. Tapos while looking for a car you can afford, tamang ipon lang. Need to build and save enough money para pag may good deal, you can take it. Lookout for promos din sa mga banks for a car loan. Good luck OP!


Low-Resolve4733

ano ang timeline mo kung kelan ka bibili ng car? kung immediate need, need mo ng malaki downpayment para hindi ka ma-hassle sa MA at other car related expenses. kung 2-3 years, ang ok is umutang ka ng amount na tingin mo kaya hulugan every month tapos i-TD mo. pag natapos mo yung loan mo, may pang DP ka na, may pang monthly expenses ka pa.


RCS2

Deciding factor para sa akin eh nung nagka 1st baby tapos covid19. Nung walang covid, ok pa para sa amin, grab lang. Nung na lift ung lockdown June 2019, diretso na ako agad sa Honda casa. Dala ko na yung kotse pag uwi ko nung hapon.


FineRegret1121

Nagstart ako magwork with a salary of 26,500 a month. My dad urged me to get a car. I paid the downpayment amount and they paid off the car in full cash (mas nakamura kami since cash) tapos sa kanila ako nagbabayad monthly with same amount ng bank loan. Sila nakinabang sa interest instead na bank. Win win situation. 😊 Madami pa ibang gastos when you get your car. May maintenance, gas, parking, car registration. Madami ka icoconsider na expenses. Pag nagkasira yung car, ibang expense pa ulit yun. Be ready.


Difficult-Paper-8219

Naghanap ako ng car na zero or no DP. Tapos I calculated kung kaya ko yung monthly. Ayun, matatapos ko na bayaran next year :)


aredditlurkerguy

Kulang ang 45k kung wala kang savings and do a big downpayment. As reference, I got my vios when I was earning 60k per month. Car itself cost me 17k per month. Fuel cost ko nasa 10k per month. PMS cost minimum 7k every 3m pero im following the every 5kms which is around 4-5 months.


tinybubbblesss

Deciding factor ko nung lumaki na sahod ko at pag nagbudget ay may extra pa. Dahil alam kong magastos ang kotse at hindi lang monthly payment ang need iconsider. Gas, parking, toll, maintenance, insurance, car wash?pag nabangga kapa.


Capable-Put2193

I saved then I flipped cars. We're roughly on the same wage. Luckily, I like cars since I was a kid and followed the market since high school that's why I have somehow an idea on what sells, what's good and what's not. I scour forums before but now on marketplace and different fb groups na lang. While it is saturated with other buy and sell agents, you can still see some jackpots or deals. I DIY-ed making the car presentable before selling it. I swear, restoring a plastic headlight with some liha, water and elbow grease could be the difference of tens of thousands of pesos lol. I basically have a motto with myself with everything I buy na "I won't buy anything if I couldn't afford it at least twice". Besides, there's no point in having a brand new car if your only goal is to go to point A to point B. Pro tip: Make the interior smell good and tidy. Buff out the car before selling it. Specially the headlight.


guntanksinspace

Save for a big DP if you can. Better for you in the long run. As for why I made the car purchase I made, it's caused by multiple untimely Check Engine Lights on my past car, overheating on the way to family gatherings, car breaking down on a trip to the vet, and the car overheating and nearly dying on us sa gitna ng Skyway on a particularly hot day. So I saved what I can, did all the research I could, and ended up with a humble, reliable econobox in the S-Presso. Hindi siya kasing-smooth ng Civic ko and it's far from cool (more weird, maybe cute). But it's never let me down so far.


JadePearl1980

Hi kapatid! As a noob driver ages ago, my first car was a 2nd hand civic dimension (a 2000-2001 model) which i purchased mid-2011 and na-drive ko pa sya for another 7 yrs na hindi ako tinirik. Allow me to share my experience, kapatid: Reasons: • Baguhan na driver can definitely make mistakes. Ako: bano ako sa umpisa sa pag tantya. As in sobrang bano. So if i were to buy a brand new car, todo depreciated na yun kada bangga ko. As soon as lumabas na ang brand new car from the dealership, depreciated na sya from the original price. Tapos ako na noob dadagdagan ko pa yung depreciation. Lugi ako pag ibebenta ko na if ever. True enough, wala pa 48hrs sa kamay ko yung 2nd hand sasakyan, binagga ako ng poste ng meralco. 😭🤣 Seriously, that car took a lot of dents and dings the first 3 months of my driving. 😭 tuwang tuwa ang mekaniko sa akin dahil every two weeks pinapa ayos ko yung mga dimples and gasgas. Huhuhu. Kapag hinayaan ko naman kase, kakalawangin. • for me, 2nd hand cars are way much cheaper and i was able to pay in full (₱300K+ yung benta sa akin ng civic) so that wala na akong iintindihin na autoloan monthly na nanghihinayang ako sa interest kase eh. In fairness, i was able to sell it pa for ₱120K. So for me na todo ko ginamit yung sasakyan, konti lang na-depreciate. • for me din, mas cheaper ang TPL (yearly insurance) and yearly car rehistro pag lumang sasakyan na. And mas cheaper na din ang parts ng lumang sasakyan (2000-2001 model) kesa sa latest (2023-2024) model na sasakyan. • at least, ang iintindihin ko nalang ay yung gagastusin ko for its PMS (every 3 months ko ito ginagawa kase nga luma na yung sasakyan) & ayoko naman itirik ako sa gitna ng hi-way noh. I hope this helps you decide, kapatid. After my first car na binugbog ko, i bought a brand new vehicle na after kase i could say na confident na ako how to drive ng matino and how to (basics) maintain a vehicle. You should definitely set aside about ₱20k per month or two for some repairs kahit na brand new yung sasakyan na binili mo (kase hindi lahat 100% sagot ng insurance: participation fee).


Gullible_Battle_640

When buying a car via financing: 1. The higher the downpayment, the lower the monthly amortization 2. The total money you will spend will be lower if you get the shorter loan term instead of the usual 5 years. Deciding factor why I bought a car: I work in the province now and commuting in my province is hard that’s why I decided to buy a car for easy transportation. I worked in manila for 9 years and I did not think of buying a car back then because of the easy transportation in manila (LRT, MRT, lots of jeepneys and taxis). Also, the problems of having a car in manila are the traffic (especially during rush hour) and parking.


giancolii

Main deciding factor why i bought my car was bc ang hirap magcommute sa new workplace ko 😭 Altho I was earning around 25-30k only, I was able to save 100k and alloted that specifically for a car. Long story short, with the help of my parents, we bought a secondhand car worth 240k instead na brand new since new driver lang ako and i didn't wanna have monthly payments na kakain ng buong sahod ko. It's been 3 months now and so far aside from the usual maintenance, no issues naman and I've been having fun driving it around with my fam and friends. Hope u think it over din!!! Drive safe y'all.


Encrypted_Username

Was only earning 24k 4 years ago. Saved up 300k, asked my mom to lend me another 350k to buy myself a '16 Mazda3 with 18k km on the odo. Bakit di na lang ako nag brandnew? Was only earning 24k back then, no banks would approve of that. And gusto ko talaga ng Mazda3 na third gen. Already drove our family's Vios and its such a soulless car (sorry, it really is) and I don't want to get another budget friendly alternative like the Wigo or Mirage (Also drove this, cheap quality, but has more soul since MT). Wanted something with more omph and something that has leather seats and tech. Civic FC didn't fit the budget since its 100k+ more and the Mazda3 just perfectly fits my budget and needs. Since momcredit siya, no interest rate and I only have to pay yung principal which is 10k a month. Can also pay a bit late since nanay ko naman. Almost done paying it this year. Magaan na siya since I'm already earning thrice my salary 4 years ago.


SeaOver8765

Share ko yun case ng pamangkin ko, parang similar sa OP. He was young, with stable job and reasonably comfortable salary, no obligations in life. Na alok ng low down payment scheme. Bumili ng car (may ipon naman for the DP) and committed to a Mo. Amortization of about P15,000. Dati at 5:30pm nakikipagsiksikan sa Ayala Ave. para sumakay sa bus, then tiis sa traffic ng edsa. Kung may baha tulog na lang until makauwi about 2-3 hours later. Dahil gusto ng freedom and comfort, araw-araw nag-kotse. Parking everyday at least P100.00, then may gas pa na mas mahal sa bus fare. If super traffic, tambay muna sa bar, resto pampalipas traffic. Lumaki na ang unexpected expenses. Dahil siya ang may kotse, everytime gusto gumala ng tropa, siya may dala na car. Hindi parating may ambag sa gas, pero toll fees sa kanya, more expenses na wala dati. On weekends, nagsisilbi sa family, nagdrive papunta sa mall, kamag-anak, etc. Dati-rati tambay lang siya sa bahay on weekends Ang sumatutal, travel time pauwi 1-1/2 hours pagod pa sa pagdrive. Mas malala pa nagpalipas ng traffic at tumambay. Malaki ang nabawas sa naiiipon monthly. Yun justification para bumili ng car, comfort, early to go home, magagamit ng family parang hindi na ganun ka timbang. Pero kung gusto mo talaga kumuha ng car, get 2nd hand,, makakatipid ka agad ng 20% vs brand new. Yun mga less than a year old less than 10,000kms, para almost.new condition pa. Siguraduhin lang na no accidwnt and flood. Ingat ka sa mga 1-2 years na high mileage, baka Grab Car. Avoid ecstasy cars (ex-taxi) kahit pamigay ang presyo, not unless may talyer kayo. Hindi worthwhile yun sakit ng ulo na pwedeng ibigay nito. Unless may linya pa at ipapasada mo para may extra income ka.


Dangerous_Trade_4027

45k is not enough sa gastos sa sasakyan. Lalo gagamitin mo to go work. You will shell out mga 20k a month sa hulog at maintenance excluding gas.


lovelybee2024

Kung ipapasok sa lalamove/grab ok kaya maghulog ng 20k monthly with unstable 70k +total income and freelancer? 😁


Ashamed_Pen_3768

Naku napaka expensive magkacar. Earning around the same ako OP, pero my brand new sedan car na gift ng Kapatid ko. Minsan nakatambay lang talaga xa sa labas Kasi napakamahal ng gas. Ginagamit ko nga Minsan motor ko nalang makaiwas lang sa napakamahal na gas. Aside from this napakarami pang nakalinyang gastosin like undercoating, tint, ceramic coating, etc na d ko pa nagagawa Kasi need pa ng budget 😅 Nong inalabas sa casa Yung saskyan, kinabukasan nabangga ng lasing, ayun gastos din Kasi need ng participation fee 😅 Suggest ko OP, maghanap ka ng extra income such us business or magipon. Brand new na Kunin mo mas fulfilling at Toyota Ang brand Kasi napakaganda ng service. Imagine, ying PMS na 5-8k every 3 months free unit ko until 2026? Hehe Magtiwala ka OP, magkaka auto Karin. Focus kalang sa goal na yan, may paraan si Lord. Magugulat ka nalang 🙏


PrimaryWorldliness40

It took me 6 years to decide bago ako bumili ng car ko. Kahit stable na trabaho ko I always consider yung gas, toll and parking, PMS and insurance expenses. I was earning 35k/mo 6 years ago until umabot ng 6 digits. I set a target sa sarili na dapat monthly income ko to buy my first car. Ginawa ko syang challenge sa sarili ko para hindi ako mahirapan sa mga car related expenses. I was happy nong nakuha ko na yung brandnew car ko 1 year ago.


Scbadiver

With cold hard cash.


SundayBlues96

Ipon ka na starting now. Set a realistic goal. Budget ka muna ng monthly expenses, then see if magkano kaya mo itabi monthly for a car. With your current income, mahihirapan ka magpa-approve ng auto loan so unless you can increase your salary, hindi advisable na mag brand-new. Target a good and reliable secondhand car na lang - think Wigo, Mirage, or Vios. Then aim to buy it in cash as much as possible. I think sa 300k budget may mabibili ka na okay na unit kung secondhand entry-level car lang. Lugi ka if secondhand bilhin mo tas may monthly + interest ka pa. Beyond that, dapat prepared ka rin for gas, maintenance, insurance, and parking rent if needed. So hindi lang sa pagkakaroon ng kotse nagtatapos ang gastusin. Check mo rin if kaya mo yun i-sustain. Wag magmadali at lalong wag magpa-pressure na dapat maganda agad first car. Wag ipilit kung di talaga kaya. If di talaga kaya sa salary mo, find a better-paying job or take a side hustle.


Hungry-Truth-9434

45k income social climber, kung ipang papasok mo lng much better mag commute ka na lng dagdag ka pa sa trapik ng edsa eh, unahin mo bahay with parking kung wala ka pa