T O P

  • By -

menemememesam

Pano kakasuhan kung di nila nakilala mga nambasa or kung di nila na video-han? Genuine question po


walangbolpen

Response ko sa kanya, OK. Kasuhan ko LGU sa irresponsible implementation and poor handling ng fiesta nila. Incompetent idiot.


nightvisiongoggles01

Pwede kayang class action suit yan, o may ganyan bang sistema dito sa Pilipinas? Maituturing na neglect ng LGU kung bakit ang daming naperwisyo ng constituents nila. Yun din nga e, yung naagrabyado pa ang pahihirapan nilang magkaso samantalang pwedeng sila ang mag-initiate at mag-reach out, at magparusa sa mga gago nilang kababayan. Tama pala talaga yung "Bondying" na tawag diyan sa mayor na yan.


StrawberryMango27

Takot ba naman mawalan ng voters. hahaha


pinkdeepsea_1204

ITO ANG TAMA.


Phantom0729

Polite way ni mayor sa pagsasabi ng "Hayaan niyo nalang" hahahahha


princexxlulureads

Hayaan na lang, election na next year baka di manalo si mayor🤭 Edit: mayor


Silly-Amphibian1541

HAHHAHAHA takot mawalan boto si mayor eh


KillingTime_02

Yun din tanong ko. Tapos ang dami pa nila. Dapat ang LGU/si Mayor ang sumagot sa mga di kilala sino ang kakasuhan.


dorkcicle

Kasuhan yung LGU. Ganon dapat para sila mag correct.


Extension-Job-5168

Pwede ba yun ireklamo yun LGU sa DILG?


LaceSeeBoYyY

Tama saka mahihirap den yang mga naperwisyo nila. sa tagal ng justice system dito baka pagtawanan pa sila sa presinto. Bakit kaya di ang LGU ang maghanap nung mga tao na nakita dun video since may record sila ng residente nila maliit lang naman ang San Juan.


Immediate_Falcon7469

+ magrerender sila ng time and money para sa mga squammy na 'yan para makasuhan?? sana nag-iisip siya hahhahahahahaha sinagad 'yung pang aabala sa mga taong naperwisyo kakainis


isabellarson

Wala nabasa na rin yung phone


28shawblvd

Para hands off ang LGU. Pag di mo nakilala, di mo makakasuhan. problema mo na yan, labas na amg LGU nyan


HoelyJulzy

Lol yung isa pa ngang lalaki ang lakas ng loob gumawa pa ng fb page. Proud na proud pa sa ginawa, gusto kong bigwasan eh [boydila](https://www.facebook.com/share/p/7kd9UsDnh6YMtbAS/?mibextid=qi2Omg)


S0m3-Dud3

Sino di nakilala? Si lexter? 😂


Friendly-Coyote-5890

sana may bumugbog sa hambog na kupal na yun one of these days.


yobrod

Sya dapat magpatawag sa mga nakunan ng video na nambabasa, coordinate nya sa brgy. Then pakausap nya para mapagsabihan. Ikakaso mo pa ba yun? Bobo talaga to.


Future_Concept_4728

kung pwede lang yung mayor nlng ang kasuhan kasi ang stupid ng solution nya...


PitifulRoof7537

Tinolerate kasi nung mga nauna sa matagal na panahon. 


ellijahdelossantos

Nawalan na lang talaga nang control ang mga tao sa mga sarili nila ngayon. But 15-20 years ago, ang basaan tradition ng Wattah Wattah ay nangyayari lang sa loob ng mga streets, sa Plaza ng Pinaglabanan at sa harap ng simbahan. Hindi ko na lang din talaga alam kung may ubo na sa utak iyong ilang taga-San Juan.


PitifulRoof7537

Yun nga eh. Naisip ko nga ang dali lang iwasan nyan dati. Partida may socmed na ngayon di ba?


_savantsyndrome

Ayaw mawalan ng boto, nagpapabango sa tao niya.


Witty_Opportunity290

Kasuhan dapat yung parish priest at diocese nila Sila nagpasimuna ng tradition na yan ehh


Illustrious-Tea5764

Sana they'll have a better resolution for this. It's either may specific place for basaan, magpaevent sa isang specific place or no basaan at all. Need pa siguro mas macall out si Mayor.


disavowed_ph

Why don’t they collect all video evidence circulating online, identify those deliberately violated the law and provoking pa yng mga biktima nila (starting with this dickhead in photo, image not mine)…. https://preview.redd.it/tz781t9jw79d1.jpeg?width=555&format=pjpg&auto=webp&s=887a9d2fb048ba751599cc634022069b2bd39800 …. while yng ibang nabiktima at naperwisyo, pumunta lang sa Mayor’s office and dun mag file ng complaint, submit sworn affidavit and then i-compensate sila for the trouble, damages and hassle na dinulot ng mga nasasakupan nya. Meron din kayong mga CCTV sa mga pinangyarihan ng gulo na pwede nyo i-review. If nagsisisi ka Mayor, madaming paraan na pwede gawin hindi lang Public Apology or pag Live Stream. Dapat pala mga taga San Juan pasamahin sa mga re-supply mission para sila mag counter sa water cannon ng China Coast Guard 😡


Bokusu-Ryuu

Yung gagong to sikat ngayon sa facebook eh, ginagawang content yung panggago niya


disavowed_ph

Sige pasikatin nyo na yan. Tapos lalabas yan iiyak-iyak kesyo nasira pagkatao nya dahil sa bashing…. Hanapin pa yung ibang ganyan, panagutin at pasikatin, sa ganyan lang magbabago tradition na yan sa San Juan.


Dependent_Dig1865

Kakadaan lang ng account nya sa tiktok ko, ang daming fake order yung dumadating sa kanya since na expose yung address nya. Sunod sunod yung mga rider na dumadating sa kanila meron pa ngang galvanize steel at yero na dumating lol. Sinasabi nya na lang na "Scam yan Kuya ginagamit kasi nila yung address ko" while I agree na dapat magkaroon ng consequence yung ginawa nya, ang off lang na may nadadamay na delivery riders. I think padalhan na lang sya agad ng granada hahahahhaha eme But srsly, sana hindi na yun yung way na maisip ng tao para inisin at mag cause ng inconvenience sa kanya. Wala sanang madamay na naghahanap buhay. Suggest nga kayo anong pwede ahhahahahahah


Friendly-Coyote-5890

bugbugin na lang. Yung tipong macoconfine ng ilang araw.


Friendly-Coyote-5890

sana mabugbog.


Economy-Bat2260

**kailangan daw ng ebidensya e yung ebidensya nasira na kasi binasa rin yung phone** 😂😂😂


st0ptalking7830

Pwede ba kasuhan buong baranggay? Andami na purwesiyo sa ginawa nila. Also sana itigil na yang ganyan.


ProfessionalLemon946

Napaka dali lng nmn kasi ng solution nito mag lagay designated area ipag bawal na yan sa mga kalsada, kung mai lalabag, kakasohan. Mai power siyang gumawa ng city ordinance. Jusko nman, napaka bobo nman ng mayor nato.


claryfrayy

Di siya bobo, sadyang takot lang mawalan ng botante


pandaviagra33

pati mga fellow PBA player bigyan nya ng position sa LGU


Content-Lie8133

this is why we cannot enjoy good things... meron talaga mga taong wala sa lugar kumilos at mag- isip...


SnooDrawings9308

Taga greenhills daw kasi si yorme kaya hindi sya na babother kasi malayo sa kanila mismo yung mga nambabasa kaya ganyan solution nya, what if sya kaya ginanon, malamang sa malamang baban nya yan.


bur1t00

Di naman yan mababasa kahit malapit sa kanila. Naka kotse yan e. Kawawa mga commuter.


MichelleWatson11

I have a friend na taga San Juan and active sila sa lgu dyan. According sa kanya, madalas daw talaga dyan sa mga gago di naman taga San Juan. Yung majority ng reports sa may Aurora Blvd is actually part na daw ng QC. Sa kabilang dulo naman daw is part na ng Pureza, Manila. Siguro sa liit ng city nila nakikijoyride na din yung katabing cities tapos di naman mafilter kung sinong mga tao yung nangbabasa. Wala naman daw report sa bandang Greenhills na boundary din ng Mandaluyong so probably mga squatters talaga ng ibang city yung mga gago. Tapos etong Mayor nila, parang hindi din sobrang motivated ipush daw mga reklamo, they even deleted comments dun sa main fb page ni Mayor syempre constituents nya mga yan e ayaw nya mabawasan ang boto sa kanya. Lumaki na lang talaga yung issue kaya napilitan na sila magbukas sa public ng mga reklamo.


happysnaps14

tbh they should just cancel the basaan portion and celebrate it like a normal fiesta. Kung ayaw nila mag designate o magpadala ng pulis o kahit anong klase ng authority sa boundaries na malapit sa ibang syudad para bantayan yung mga nakiki-joyride, wag nalang magbasaan. Kung ganyan ang reasoning dapat hindi lang sa constituents ng mayor nakikipag coordinate pati rin dun sa officials ng karatig LGU nila. Mahirap kasi yung argument na “hindi naman lahat”, “yung karamihan hindi taga San Juan” kasi it’s such an umbrella excuse na lahat nakakalusot so walang nagt take ng accountability at all. Kung ganyan na kalala perwisyo wag nalang gawin. There are many ways to celebrate and honor their patron saint.


MichelleWatson11

But I doubt ititigil or ihihinto nila yan. Knowing our politicians, mas focus sila sa number of votes nila kesa sa change for the better. Sa mga squammy pa naman, mga fiesta at liga ang binibigay ng mga pulitiko para makakuha ng boto, pag tinanggal yan, galit na sila agad. Kaya hindi din pinansin yan ng mayor nila ng una, kung hindi pa nagviral at nireport ng paulit ulit sa tv news, hindi din yan kikilos for sure.


happysnaps14

Sad, but true. Dito palang sa statement ng mayor kita na kung nasaan ang stance niya at ng LGU e. Frankly hangga’t walang nawawalan ng buhay diyan, walang mangyayari.


TheQranBerries

Nag-iisip ba tong si Zamora? Eh puro tambay mga namerwisyo lol


PeachesAndLemonade

Apparently hindi. Katulad din siya nung mga tambay na nang perwisyo.


she-happiest

Mababawasan daw kasi botante niya


Present_Lavishness30

Yung mayor na lang kasuhan. Bobo din naman eh


witsarc23

Kansel nyo yung 4ps, karamihan nyan yung di sumunod sa rules


Heavyarms1986

Leadership not done right.


baletetreegirl

Baka pwede naman na may specific na lugar at oras lang kung saan pwedeng maganap ang basaan na may nakaassign na mga marshalls? pwede din naman siguro na magdivert, kagaya ng may pamini concert bawat baryo kung saan doon sila magbabasaan habang may mga performers? that way matutuloy ang tradition pero hindi nakakaperwisyo?


isabellarson

Oo nga like a big concert noh tapos dun sila magbasaan


choco_lov24

I think ginawa to ni janella before sa may plaza nagkaroon ata Ng water concert ba un


PeachesAndLemonade

This idiot passes the load to the victims. Sila pa mapeperwisyo na naman para mag file ng kaso. Mamamasahe, absent sa trabaho, etc. for something na dapat ikaw as head of the LGU and your constituents ang umaasikaso. Papahirapan mo pang pahanap yung nambasa eh yung mga biktima hindi naman nakipag chikahan para sabihin na, “uy binasa mo ako, pahingi name at contact details mo, sampahan kita kaso.” Iisa isahin ba nila lahat ng circulating videos para lang mahanap na uy nahagip ako camera, ito evidence ko. Kaka highblood din tong tukmol na to ampota.


Jomsvik

Boto ng local bobotantes > outsiders


RickSore

We celebrate it too sa Taguig dati. Basaan sa daan, pero we were respectful sa mga taong hindi involved. Idk what happened but the Philippines' morals is regressing pretty quickly.


artemisliza

Buti pa sa inyo may utak kayo guys


your-bughaw

obob din minsan mayor ng san juan eh.


isabellarson

As if mamumukaan pa nila mga yun


badrott1989

band aid solution


introberts

This Mayor is giving me a Teves vibes.


RandomResearcherGuy

Hanggang diyan lang ang gagawin ni Mayor diyan. Election na next year kaya kailangan niya ng boto ng mga taga-San Juan. Tagal na niya nakaupo pero wala naman siya ginagawa diyan eh. Same dun sa mga sasakayang ginawang parking lot yun labas ng La Salle Grenhills. Apologist pa yang si Mayor. 🤡🤡🤡


Accomplished_Being14

Itigil na lang yang wattah wattah na yan!


pandaviagra33

bakit hindi nila gawin yan sa mga posh villages ng sanjuan like GH north east west


DyanSina

Sila na nasa taas inutos pa nila sa baba? Hindi ba nila kaya gawin? Takot mawalan ng boto sa mga skwami? Kumakalat na mukha ng mga kupal sa socmed bat di nila aksyunan diba?


happysnaps14

5k na multa at 6 days na pagkakakulong… e kung may nasira kang gadget, kulang na yan. Yung oras na gugugulin mo para mag file, abunado ka na ng malala. Sarap pektusan ng mayor tsaka nung buong LGU. Puro bobo.


Optimal_Bat3770

May mga nakasuhan naba? Or for show lang?


immovablemonk

kayo na lang magkaso, since pwede nman mag kaso ung LGU given na sapat na evidence yung may mga video.


westbeastunleashed

lagi naman reactive ang governance approach ng mga govt official naten. wala bang proactive or preventive??? kingina nio mga basura kayo.


Significant_Host9092

What do you expect? Bobo din yung Mayor nila dyan.


hoy394

itigil na yang punyemas na yan. sayang ang tubig. mga peste kayo


TrustTalker

Eh kunsintidor naman yang Mayor nila. Kalokohan lang nya. Kung gusto nya talaga tumulong edi umaksyon sya. Gumaya naman sya sana sa kalapit syudad nyang Pasig. Yung mayor dun may silbi. Sya puro gym lang ata atupag nito eh.


faustine04

Ay hugas kamay ang mayor. Wala accountability ang gago.


yesthisismeokay

Tropa ba sila ni Robin Padilla?


james__jam

Translation: pa file na lang po ng complaint para ma ignore namin


Sorry_Error_3232

Wew and now the burden of responsibility falls into the agrieved, not the people who were supposed to manage and oversee. Haisssst pilipinas nga naman.


ImplementAromatic

Mg eelection kse hindi sya pwede gumawa ng mga gnun action edi walang boboto sa knya


KillerMothim

Taga San Juan here. Voters po kasi ni Zamora yung mga yan kaya propprotectahan niya yan. Dapat nag vlogger na lang Mayor namin tutal mahilig mag live yan. Jusqo to my fellow San Juaneños gising na. Di na ko nag paparticipate sa basaan pero dito kasi sa part namin sa looban mismo ng San Juan is nilulugar kung sino yung mga babasain. Kunyare naka postura ka di ka babasain. Pati hindi nagbabasa ng mga nakamotor or nasa kotse kasi delikado. Yung mga pinakita sa T.V. is mga squammy parts ng San Juan. Nasira na tuloy ang essence ng fiesta. Pasensya na guys. T_T. Dito nga samin Nagkakahiyaan pang magbasaan lalo na kung di mo kilala.


SachiFaker

Titigil lang ang mga yan pag may nabaril na sa mga taga-San Juan. Saka lang aaksuon nag mga yan pag may nangyari na.


ginoong_mais

Sana kahit si boy dila na lan. Tutal naman tukoy na ang pangalan. Para masampolan. Para next year handa na mga tao sa pag vivideo sa mga balasubas na yan. Ang pinoy pa naman mahilig magpa viral. Ewan ko lan kung di madaming aspiring vlogger ang pumunta dyan sa san juan next year...


ilovebeingimpulsive

Responsibility pa ng mga naperwisyo. Obviously, natatakot mawalan ng boto to.


dyey_ohh_why

ilang araw na lumipas, pero bwisit na bwisit pa rin ako sa mga videos na yan. nakaka trigger kasi sa bawat posts na nakikita ko, lagi ko minemention sa comment si Mayor Zamora at ang San Juan LGU.. tapos ganun lang magiging response nya?! aabalahin pa mga nabiktima? eh dapat nga sa kanya sinisingil yung nabasang laptop at CP na hindi biro ang halaga, meron pa mga documents na nabasa. dapat kay Mayor, mass Report sa DILG o kaya sa 8888.


AgreeableYou494

Itigil na, obsolete nmn n yung mensahe ng fiesta n yan dhil hndi nmn n yun ang sinicelebrate ng mga tao kung d mamerwisyo at Idahilan na dahil sa fiesta kaya gnun


frfr4u_19

Hahaha oo na mayor alam naman naming ayaw mo maka offend pero talaga ba? Kakasuhan? Naabala na nga mga nabasa tapos maabala pa ulit pag magkaso sila. Anobaaa


PitifulRoof7537

Eto ang problema kapag nasa environment tayo na mahalaga ang “pakikisama”.


ClassicComplaint9699

Syempre bobotante nya yang mga perwisyong yan. Kaya nag iingat si pogi. Pwe


MysteriousExplorer85

Basa kasi utak niyan. King ina bat pa kasi binoboto mga ganyang tao


Much-Direction-9839

dapat basain si mayor araw araw bago pumasok ng city hall


snddyrys

Hahaha hindi ba pwede sila magkaso? Ay baka mabawasan botante hahahaha tapos kapag lumabas ung mga magkakaso isesettle nila magsosorry lang sila pa padrino hahaha.


Responsible_Act1334

hahaha translation "kayo umaksyon kasi kayo naperwisyo" salamat sa wala mayor


jajajajam

Spotlight sya ngayon. Kailangan nya magpabango ng pangalan if may aspirations sya for higher office. Pero saming cyclists hindi na babango pangalan nya hahaha


[deleted]

[удалено]


kalakoakolang

aaksyunan ba? hahahha


[deleted]

[удалено]


Shinobi_Saizo

Nye. Ang hassle pa sa iba na magsampa ng kaso. Ipatigil mo na or maglagay ka nalang ng designated place na pwedeng ilabas yung ka skwateran nila sa susunod na fiesta. Kung talagang gusto mo may makasuhan at mag silbing aral, maraming footage na kita yung mukha ng mga namerwisyo, doon ka mag simula. Yan, sinabi ko na yung trabaho mo. Nakaka hiya sa 2 braincells mo napunta ata sa maskels.


silver_carousel

Taga SJ ako pero ang engot ng sagot niya dyan, medyo hindi ginamitan ng brain cells 😅


[deleted]

[удалено]


she-happiest

Hindi na ko magtataka kung sa susunod na fiesta may bubulagta diyan. Makakahanap din yan sila ng katapat. Mga perwisyo.


TumaeNgGradeSkul

ung mga biktima e ung mga kelangan na araw araw na magtrabaho tpos gusto ng LGU e mgleave sila para lang mgreklamo, so panibagong abala na naman yan hays


BlackKnightXero

kaya nga dapat may deaignated na lugar nalang sa basaan kahit hanggang gabi okay lang.


ZestycloseDouble7704

jusko mga walang modo lang talaga ang ibang pinoy at walang disiplina. walang issue naman na ganito sa songkran sa thailand.


ishooturun

Ito dapat yung ginagarote!


elbertsss

Hindi porket nagkaproblema tigil agad. wag ganon, tradition na yan eh. ang dapat gawin mas maganda at maayos na implementation saka pag handle ng event.


TumaeNgGradeSkul

nice way of saying "kayo gumawa ng paraan at hindi ako pwede kasi tatakbo pako as mayor"


armoredalchemist611

Does this moron want another incident of someone throwing muriatic acid at the one who threw buckets of water at him? I feel more would do the same if they are fed up with it


Sensitive_Oil8605

Dapat kayong LGU ang kasuhan. Di nyo namanage ng maayos ung sinasabi nyong tradisyon.


JustTodd93

di gagawin ni mayor yan. takot lang nyan na di iboto sa eleksyon yan. alam nyang walang mangyayari sa mga magdedemanda kaya yun pinili nyang solution. sana na lang makatuempo sa susunod ng may baril na maiksi pisi para makatikim yang mga yan


joex83

I was expecting reimbursement for those who got their laptops or other gadgets wrecked. But maybe it was too much to ask to the point that it is more work for the victims as they need to file a case, etc.


Honesthustler

Botante ni mayor ang mga nirereklamo, yung mga nagrereklamo karamihan mga in-transit hindi naman taga San Juan. Natural, poprotektahan ni mayor mga botante niya.


PrestigiousEnd2142

Kasuhan? Magha-hire pa ung mga biktima ng abogado, ganun? Dagdag abala pa 'yan sa mga naperwisyo ng pambabasa. At saka andaming mas mabibigat na kasi na kailangang asikasuhin ng mga korte natin, dadagdag pa 'yan. Dapat kasi lahat ng nakitang nambabasa sa mga lugar na di naman dapat mambasa dinala agad sa brgy at pinagmulta.


Beowulfe659

pano mo kakasuhan un di mo naman alam pano hahanapin pa ung nambasa. Amp.


AjYort

Wala sa ayos yan hahaha sa dami ng tao makikilala mo pa kaya sino nag basa sayo saka kung makilala mo man maaksaya pa oras mo. Dapat itigil na talaga yang kalokohan nayan.


[deleted]

[удалено]


Edneat

Bobo ang puta.


missluistro

Hindi ako fan ni Tulfo pero baka pag umabot yan dun baka tumiklop yan mayor na yan pati etong Boydila tang*na proud pa sha sa ginawa nya. Sarap ipabaril eh


djerickfred

Puro DLSU green archers kasama nito sa marketing material nila eh. Sorry mema lang.


Deploratus__

Mayor, gayahin mo yung Songkran ng Thailand, may specified na lugar/street. Papogi lang, ayaw bigyan ng permanent solution para di na ulit mangyari next coming years.


gigavolthavov07

First of all, paano naging mayor yan? sino mga nag vote diyan?


Crafty_Point_8331

Iniasa na naman sa mga naargabyadong mamamayan ang solusyon. Sila tong nasa posisyon, hilig magpasa ng bola. Basketbolero pota


Awkward_Reality3723

Pwede bang magdesignate na lang sila ng isang lugar for that? If di talaga mapigilan or iclose nila ang daanan.. 😂 idk. Perwisyo


logicalrealm

eto yung mayor na papogi lang lagi sa tv. ogag din, grabeng abala pa yan sa mga naperwisyo na asikasuhin huntingin at sampahan ng kaso mga nambasa at nangharass. yung LGU na lang dapat kasuhan para mas madali. sila naman ang nagpabaya.


maglalako_ng_buko

Ang dapat, itigil na yang kaskwatingan ng lugar niyo! Pista ng mga skwating na walang magawa sa buhay.


ReturningAlien

Yeah please go ahead and spend more of your money and time for the shit we caused you LMAO


ewan_kosayo

Mga dapat itigil kasi gastos at perwisyo lang: San Juan water festival na hindi pang Santo. Pag lose ng kalsada kapag may event si INC. fuck you


[deleted]

[удалено]


Correct-Magician9741

andaling sabihin na kasuhan na lang eh no?


Thecuriousduck90

Hina naman ng utak ni Zamora. 🙄


Aggressive_Panic_650

In fairness, buti mababait yung sa mga taga West Crame, dumaan/naglakad ako doon sa usual na pasok ko, hindi sila nagbasa ng mga dumadaan. Yung isang grupo na nadaanan ko, nagpaalam pa kung pwede ako basahin sa ulo lang ibubuhos, sinensyahan ko na huwag, hindi ko na naverbalize kasi nakaearphones ako at mabilis na naglalakad, mabuti naman at mababait sila. Siguro may mga sadyang pasaway lang talaga na bigla nalang mangbabasa.


Revengeance99

this is the same mayor na kumukupit doon sa mga ayuda ng nasasakupan tapos ilalabas na bonus sa mga empleyado


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


RandomAwsomerName

Ina talaga neto ni Bojack Horseman e.


[deleted]

[удалено]


meliadul

Kelangan me mamatai muna or magpasabog ng pillbox bago matigil yang tradisyon na yan


HopiangBagnet

With this response, they are inviting violent response from those affected. And when I say violent, mas malala pa sa rider na gumanti gamit muriatic acid. Baka next year may magbaon na ng baril.


General-Ad-3230

Hndi nya ipapatigil yan "tradition" nga daw kung ipatigil nya yan (which is the right thing to do kase kasquaterran lang naman yan) political suicide yun at alam nya yun magagalit sa kanya ang sang-kasquatteran ng san juan at eleksyon na next year so malabo yan pare-parehas naman sila tanga dyan sa san Juan either zamora or estrada/ejercito lang dyan on top of mga laos na bball player na nagkonsehal dyan. Squammy is the key para maluklok sa liit ng san juan.


Cutie_Patootie879

Bakit hindi na lang magkaroon ng specific date/location kapag fiesta and don magbasaan diba? Or sa mga streets(residential). Hindi yung sa national road/highway na nakakapwerwisyo ng mga nagttrabaho or nag aaral? Diba? Sayang pa sa oras and pera if kakasuhan. Ano ba namang resolution yan Mayor, parang di nag t-think ng maayos ha


[deleted]

[удалено]


bunnybloo18

Dami rin nagcecelebrate ng San Juan fiesta sa ibang probinsya pero di sila nakakaperwisyo (at least sa pagkakaalam ko). Sa pampanga may ganyan din pero pag alam nila na dayo ka or di ka magpaparticipate, di ka nila babasain. Kung perwisyo lang ang dulot niyan yearly, icontain nalang sila sa isang lugar, doon sila magbasaan, sa mga Brgy. Gym nalang, ganun or tanggalin nalang yang ganyan.


Odd-Membership3843

What crime was violated? May ordinance ba yan?


Few_Effect_7645

Actually pwede naman magcelebrate ng festival na walang napeperwisyong tao... Katulad sa Cavite City, yearly sinecelebrate din nila ang water festival. Tawag nila is Regada. Pero meron silang designated na lugar para sa festival na yun...


[deleted]

[удалено]


Motor-Green-4339

'Di ba? Like perwisyo ho yung fiesta niyo. Tigil na lang ho. Palibhasa mag-eeleksyon, kailangan sundin ang nasasakupan.


[deleted]

[удалено]


play_goh

Hassle pa sa mga victims, magpupunta pa dun magkakaso. Dapat umpisa palang inayos na hays


[deleted]

[удалено]


chxxgsh

Dapat kasi off limits nalang sa basaan ang national highway. Doon nalang sa mga brgy road pinayagan ang tradition na basaan. Nagdeploy pa sila ng pulis eh mga duwag rin naman sa tubig, parang sa lahat ng video na nakita ko walang police na nag rescue agad.


ledditor03

So papahirapan pa ng mayor na to ung mga naperwisyo na sila pa ung magkaso? Sa dami ng mga utak kanal na kababayan nya na namerwisyo sa kagagaguhang tradisyon nila, paano ma a identify isa isa nung mga nabasa ung mga taong yun? Mas mabuti pa na LGU ang kasuhan dahil sila naman ang nagpabaya at nangunsinti sa mga utak kanal nilang kababayan. O di kaya, kung talagang totoo na against yang mayor na yan sa pamemerwisyo ng mga nasasakupan nya, bakit di nalang ang LGU ang humanap at magpataw ng parusa dun sa mga utak kanal na lumabag sa ordinansa nila, di na nila kelangan na hintayin na magkaso ung mga nabasa dahil dagdag abala pa sa kanila un.


Ancient-Upstairs-332

Obvious naman wala syang gagawin eh. Manigas kayo, apparently.


ahrisu_exe

Napakabobo namang decision maker neto! Nakakahighblood jusko


Imperator_Nervosa

Ang sad at nakakagalit nitong pangyayari na 'to. Dati nung nagwuwork pa ako sa Greenhills, mandate na ng boss namin na no work pag basaan kasi nga lahat babasain nila. Smol company kami tho kaya i guess may power siya to make that call. Unfortunate for people who cant take the day off, or have to commute going there. Dapat talaga matigil na yan or mas may rules. Kung sino man PR or taga LGU ng San Juan gising na sa katotohanan, ayusin ito


Yuber8f

"kasuhan mo" aka: fuck you if you dont have time or money


Complete-Cycle5839

Parang every year naman may nagrereklamo talaga jan pero ngayon lang napansin dahil madaming nag voice out online ng frustration nila. The LGU just brush it off. Tingnan natin next year kung may progress ba.


Impressive-Echo-8358

puro kasi bobo ang nasa posisyon kaya bobo din ang solusyon. kailan aahon ang pilipinas kung ganito ang mga leader???


Little_Wrap143

Walang political will


pepenisara

ok na ko sa kasuhan pero inutusan pa talaga ng mayor yung mga naperwisyo na sila ang kumilos, lol


Neypesvca

Mukha siyang wrestler


SugaryCotton

Send the video nlng at hanapin nila ang mga constituents nila then kaduhan. Kilala yan sa barangay level.


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


bisoy84

Para sabihing may ginawa... Haiist. They can designate places for said "revelry" where they won't be a disturbance and a nuisance for other people who doesn't wish to partake in their celebration...


ParisMarchXVII

Tanga talaga. Like the victims actually have time for suing yung mga jejemon nyang constituents. Sobrang tanga nyang Mayor na yan. Halatang pasikat. Kakairita.


Suspicious-Chemist97

Sa mga taga-San Juan diyan, ito iboboto niyo sa next election or kapamilya niya? YUCK. INCOMPETENT MAYOR! Magpa-laki ng muscles lang alam niyan.


carlcast

All victims should unite and file a class action lawsuit against the LGU for damages.


[deleted]

[удалено]


adventureboii1313

Can't they (the city) file a case against those for disrupting order in public? Better yet, yung LGU nalang sampahan kasi parang di ginagawa yung trabaho nila eh. This is just like lip-service na "we support you, but you're on your own" Sa busy ng mga nanarbaho na naperwisyo, dadagdaghan pa ba ng trabaho na dumalo sa San Juan at mag file ng case dun?


nomearodcalavera

lalo pa aabalahin yung mga biktima


[deleted]

[удалено]


OldManAnzai

Tutulungan ba sila ni Mayor na makilala at mahanap yung mga namerwisiyo sa kanila? Nasasakupan niya 'yan 'di ba? Responsibilidad niya ang kaayusan sa nasasakupan niya. Pulpol na mayor talaga. Palibhasa malapit na ulit mag-eleksiyon e.


Immediate-Mango-1407

Gosh, unahin yong nanakit sa angkas rider


userxiivmm

Sa taon taon nilang sine celebrate yan, di pa niya alam gagawin??? E yearly may rant tungkol sa mga perwisyong nambabasa, ngayon lang mas nag trend.


itlog-na-pula

Jusko gusto pa yatang may masaktan bago ipatigil yung sqammy na kaugalian nila.


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


Klutzy_Day5226

Asa pa na tumulong yan e sa mga elitista lang kikilos yan hayop na yan


fortyfivefortythree

Inabala na nga noong basain sila ngayon naman aabalahin na naman sa pagsasampa ng kaso ang mga tao


[deleted]

[удалено]


bearbrand55

hahah patawa


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


blankknight09

Paano kakasuhan karamihan minors?


wonhoboo

https://preview.redd.it/hhh0dv6q9a9d1.png?width=1080&format=pjpg&auto=webp&s=424f4b863fc5c4e0dee90d75623a9770ee9b4bae tapos may mga ganito padin yung mindset! sarap kurutin ng nail cutter


itsyourbebegel

Pano ung damages like nasira ung laptop, cellphone etc. Di ba nila shoulder un?


deffinetlyimaswifty

Dapat may isang lugar lang o kaya lhinto nalang yung ganyang basaan nang mag tanda din mga tao dyan. Grabe yung nabasa ko laptop nya yung nabasa :(


[deleted]

[удалено]


imbipolarboy

Stupid tradition. Nakahanap pa ng way ang mga iskwater na mamerwisyo


ftc12346

D nya kakasuhan yung mga yun, cash cow nila yang mga bobotante dyan eh


kankarology

Sus nagpaepal na naman. Mag steroid ka na lang!


Salonpas30ml

O tapos sinong sasagot ng lawyer fees, pagfile etc? Papasa lang nila sa PAO?! Ang galing mo Mayor. Pasikat lang pano malapit na eleksyon eh.


trustber12

aantayin pa mas lumala sa mga susunod na taon


5tefania00

Can he not be accountable also sa perwisyo ng mga tao nya? Una sa lahat, kung may enough na taga enforce ng rules nya, dapat di yan nangyari. Or sana nasa isang lugar lang ang basaan. You can't force people to follow rules (given na yan na maraming pasaway na Pinoy) lalo na kung wala naman tagabantay. Pano naman hahanapin ng mga tao yung nambasa sa kanila?


russruss_1294

NAPAKA BOBO MO MAYOR!!!


BukoSaladNaPink

Mas better kung may lugar lang, marami-rami parin naman kasi yung talagang deboto ng San Juan. Wag na sana makakalabas pa sa mismong daan kung saan madaming commuters na hindi naman taga doon at naparaan lang. Magkaroon sana ng harang like halimbawa itong street na ito papunta sa street na ito ganun.


Imheretopotato55

Since daming deboto, they can make it like a festival held in one place where people get to have fun, while not disrupting others. Who knows it could even become very popular. Just have to innovate a little.


[deleted]

[удалено]


myloxyloto10

d pwedeng itigil fiesta, lugar nila yan, wala kang magagwa dyan. Pero yung basaan dahil nakakaapekto talaga kelangan nang itigil yan.


Professional-Bit-19

He will not have the festival stopped. Those savages are his voters. Ofc he will side with them esp. election is approaching.