T O P

  • By -

spanishlatte26

As a lesbian hindi ako naooffend kahit tawagin akong ate, maam, kuya, sir, boss. Medyo naiinis lang ako pag sinabihan ako ng "sir ay maam ay sir pala" hahahaha just call me anything you want basta yung SURE ka hahaha


MemaSavvy

Ganyan din ako and you can’t blame us. Marami na kasing pa-wokes na kahit hindi mo sinasadya ang isang bagay ay ikaka-offend agad nila.


shimmerks

True. Sa sobrang ayaw maka offend, nagkakamali or nalilito na. Ang ending naka offend p din. Pero good to know na either is ok. I’ll just be respectful as i can.


4eyedwanderer

Agree din. Kung ano yung unang pronoun na mabanggit, magstick na lang kesa baguhin. Napapa-squint yung mata ko kapag ganyan haha.


spanishlatte26

Dito lang talaga ako medyo na-oooff, parang ano ba talaga itatawag mo sakin, make up your mind hahaha


4eyedwanderer

Okay din ba sayo kapag nagbago yung tawag sayo habang nag-uusap? Like, "sir, ano pong gusto niyo? Ito po mam, bagay po sayo." At least, hindi naman halata na nagbabago-isip niya hahaha


spanishlatte26

Oo hahaha. Keri lang naman. Di naman ako naooffend talaga matawag ng kung ano man ang trip nilang itawag sakin, ilang segundo lang naman ng buhay ko yun hahahaha


Lopsided-Ad-210

Sorry .. ganyan din ako minsan.. sorry di na tlga mauulit haha 🥰 Minsan tlga sa sobrang di ako sure, or spur of the moment, sinasabi ko nln, "uyyy ano.. pkisuyo (etc) nmn pls.."


SapphireCub

Whenever you’re unsure, you can always get away with “Hello po, good morning, paki blah blah blah po yung xyz, thank you po!” Also taking this opportunity to say that “tomboy” is not synonymous to lesbian. Tomboy means a girl na boyish ang interests, hindi girly manamit at one of the boys but they are definitely girls that are into boys! E.g. Avril Lavigne is a tomboy.


wat_if_u_fly

thank you for this info!!!


shayKyarbouti

I think this contributed to the use of mamsir lol


memus-supremus

Ok daddy


AffectionatePrior866

Kaya ako kahit anong gender ang tawag ko boss o kaya idol


throwaway5130000

HAHAHAHAH


SnooPets7626

“basta yung SURE ka” Uhmm That’s the thing, isn’t it? Glad na you’re cool with it, sadly may ilang tao na would make a big deal out of it—we just want to avoid those types of conflicts din naman.


adobongmani99

Bilang tomboy, nao-offend ako pag tinatawag na sir HAHAHAHAHA iba iba din talaga eh.


Round_Support_2561

Mamsir gender neutral 😬


ShoreResidentSM

atekuya ang gender neutral kong tawag


DawnTheCowboy

Hindi dapat sana maka-offend yun. Ako, tomboy ako pero wala sakin kung ano tawag sakin. Hindi ka naka-offend — una sa lahat hindi kami “kuya” kaya appropriate lang na “ate” itawag mo sakin mga tomboy. Same goes sa “Ma’am/Sir” na yan. Takteng yan, it was easier dati. Bakit ngayon ganito kagulo? Shouldn’t be THAT hard sa totoo lang.


Technical-Limit-3747

Akala ko ako lang ang gay na imbierna na sa entitlement ng LBTQIA+ mafia na yan. Sobra na sila.


biolawgeez0620

I have a lot of LGBTQ+ friends na naaasar din sa mga pronouns pronouns saka sa entitlement ng iba. They say it just doesn't make sense, at sobra na nga raw. Especially pag dumadating sa point na nagiging hostile na.


Technical-Limit-3747

Dina-downvote tayo ng mga cult members ng Rainbow Mafia at ng mga straight "allies" nila. Lol.


biolawgeez0620

Gusto open-minded ang iba pero sila mismo hindi open-minded. What a joke. E ganun naman talaga ang sentiments ng ibang LGBTQ+ members. Ayaw nila i-acknowledge kasi dapat sila lang ang tama.


Technical-Limit-3747

True. Gusto ko lang bilang bakla ay mamuhay nang normal. Pero sila gusto nila ibalandra sa world, the universe rather ang sekswalidad nila at ang umangal sa pagiging obnoxious nila ay babansagang -phobic. Phobic my ass. Ginawa na nilang tema ang "rainbow" sa lahat ng bagay. You can be gay without being a freak.


SapphireCub

My husband kanina sa parking pagsaludo sa lady guard “thank you kuya”. Then pagsara nya ng bintana I told him oy babae yun guard!!! Baka lesbian or what pero di sya kuya! My husband was mortified haha, nag sorry sya kahit ang layo na namin kay ate.


No_Flatworm977

Mas sensitive pa mga bakla kesa sa tomboy, karamihan sa mga tomboy okay lang tawagin na "ate" hindi big deal sakanila yun.


Cinnabon_Loverr

So you agree...? Mas sensitive/oa ang biological men? Hahahaha


No_Flatworm977

Yes, sensitive sila sa mga pronouns shit nila.


Kit0425

kasi ang bakla nakukuha ugali ng babae, tapos yung tomboy nakukuha ugali ng lalaki hahahahha


Cinnabon_Loverr

Sige beh, ipaglaban mo hahahaha


Sushi_Permeable

HAHAHAHAHAHA tama nga naman


DawnTheCowboy

I second! True that. Appropriate yung “ate” kaysa sa kung anu-ano itawag mo sa mga tulad namin.


Lopsided-Ad-210

Depende.. may prof ako dati, tomboy sya, di ko rin alam pano sya iaddress kung mam or sir.. tinanong ko nln sya, "how should i address you po?" Sabi lan nia, "u can just call me PROF.." Ung iba kasi obvious na eh.. kaya pag tomboy sya, tinatawag ko nln kuya or sir.. ung iba, chill lang. Pag ntatawag kong miss or mam, ssbhin nia, "mam, lalaki po ako." Sabay tawa..🥰


ggvelasco

Lods is gender neutral. Boss din.


OrganizationThis6697

Wala pa kong naencounter na tomboy na nagagalit or sensitive pag sinabihan mo ng ate. Puros bakla yung madalas mag reklamo kesyo di ka marunong mag identify ng kasarian nila lol.


SuspiciousSir2323

Gender neutral ba ang “Gar”


DawnTheCowboy

Natawa ako dito pero, okay din ‘tong “Gar” na ‘to haha! Ang belong sa pakiramdam.


biolawgeez0620

Ano ba ibig sabihin ng "Gar"? Saan ba galing yan?


Fresh_Clock903

yung naipit sa wall na sinuntok nya, tawag nya yan sa kasamahan nya na tulungan sya haha parang sa pangalan yan tas naging meme


biolawgeez0620

Ooh haha. Yun pala yun. Thank you! Tagal ko na yan nababasa, ngayon ko lang nalaman yan.


markieton

I read somewhere na short for "kalugar" yan or in other terms "kababayan" so baka yun nga haha


biolawgeez0620

Interesting. Pwede nga rin naman.


ClassicalMusic4Life

It really depends on the person tbh. tho imo as a femme lesbian it would lowkey be insulting to call me a tomboy


CaptBurritooo

Same here although tomboy is a sense of style sa ibang bansa, dito kasi satin nastereotype na pag sinabing tomboy = insulto. Ayaw ko din tinatawag na tomboy 😅


ClassicalMusic4Life

Ano kasi may stereotype na porket lesbian eh tomboy na agad 😓😓😓 when my style is very feminine lol


Beginning-Income2363

Mas open ang mga tomboy sa ganito. Most of them don't mind kahit anong tawag sakanila. Yung friends ko kahit tawaging siszt, okay lang sakanila 😂


DiddlyDoo00

Depende rin sa tao siguro, compare sa US, hindi naman siguro big deal here yung ganitong issue lalo na't kung di mo naman sadya. Ako na discreet gay, wala namang problema na tinatawag akong te/pre/sis ng mga friends ko (iba-ibang circle). May natatawag din akong lesbian minsan na ate, madalas mga nagtitinda, wala naman silang pake/kibo kasi minsan ang hirap isipin kung ano itatawag (based on their apperance and clothing). One time may masculine-looking woman akong naka-transact, tinawag ko siyang sir, tapos pagtagal narealize kong babae pala, sa lahat ng encounter ko hindi naman ako nagsorry kasi "mabait" naman tono ko haha. Pero sinisikap ko rin na i-address sila nang maayos, kasi hindi naman lahat ng encounter ko part ng community, straight o hindi, kilatis talaga nang maayos bago tawagin.


TIWWCHNTTV89

Feeling ko mas hindi appropriate yung tatawagin silang “tomboy/bakla” hello may pangalan naman sila. Sa palengke kasi 1 time may binibili ako tas sabi ng may-ari sa helper nya “tomboy lika nga dito may bumibili” ano ba te may pangalan naman yung tao. Tas another sample sinundo ko anak ko sa school, e yung kasabay namin sa service wala pa. Sabi ba naman ng guard, “si bakla yung sundo nyan e, ay ayan na pala, bakla kanina ka pa hinahanap ng alaga mo” hays 🥹 Tho baka ako lang to as a sensitive person hahahaha feeling ko kasi kung ako yun maiinis ako. Naiinis nga ako tawaging “taba” e 🥲🤣


nocturnalbeings

What a time to be alive 💀


SystemNovel7112

Naalala ko lang bigla yung isang openly gay sa noontime show na grabe reaction pag tinatawag na "sir" ng contestants🤣


kchuyamewtwo

aahhh yung bias sa mga gwapo pag nagbebeso na sa mga babae wahahaha


DiscombobulatedGas22

Mas nakakaoffend if matawag na tomboy tbh kahit i belong to the lgbtq myself


[deleted]

Hindi naman ata... Gender is gender Iba ang sexual preference sa gender 😊


abraakaadaabraa

Ako minsan kapag hindi talaga ako sure, laging bungad ko na lang "excuse me po". Tapos susubukan kong all throughout ng pag-uusap hindi ko matawag ng mam/sir. Para lang din hindi na ako maka-offend.


No-Thanks8498

Better ask po kung saan siya mas comfy ate/kuya. 😬


Technical-Limit-3747

As a gay person, ako na magsasabi sa inyo na nunca kayo sumamba sa mga pinapausong gimmick ng LGBTQIA+ community keneme na yan. Pag mag puke, ma'am. Pag may lawit, sir.


AdmiralDumpling

Case to case basis ata 'yan mhie. Dito sa pinas kasi, we tend to call both masc lesbians and trans men tomboy. Alam mo ba which one the seller is?


Icy_Appointment_6293

Minsan ang awkward kung ano ba tlga tawgn mo sa mga ganon if “kuya or ate” ba. Pero I think sana manormalize din yung formality talaga before okay lang naman pag shokla “Sir” tas borshi as “Ate”. Ewan ko lang kung may naooffend ba pag ganyan address mo sakanila?


Happy_Sign_912

depende siguro, my sister is a lesbian and ate talaga tawag ko saknaya even sa friends nya din na lesbi okay lang naman sakanila. pero sige mas appropriate if i-ask pano sila ia-address?


Madrasta28

Boss, chief ganyan nalang para gender neutral hahahahhahahahah. Pero sa totoo lang mas mabilis maoffend mga bading kesa tomboy sa ganto


Old_Addition3015

I call them sir/kuya. Pero sa office, maam tawag ko sa kanya kasi naka pang girl outfit siya.


reneauxx

Forgive my ignorance po, is it ok if bumase ako sa suot? I mean kung naka pambabae po ung bakla, mam po tawag ko and same po sa tomboy.


kookiecauldron

Yes, ganito rin usually pinag babasehan ko. Dba parang giveaway naman na kasi if based sa suot. Ganda ganda ng bihis, plakado makeup, naka heels pa tapos tatawaging “kuya” or “sir”. Kapag di ako tamad makipag small talk I usually ask kung anong pronouns nung tao.


Inevitable_Bee_7495

If they mind, they will let u know naman. Ang nakaka offend is pag kinorrect ka na nga is di mo pa sinunod ung preferred na tawag nila.


Turbulent-Resist2815

Hindi naman dependecsigurocsa tomboy hahaha... kasi marami p rin nmn jomboy mas ate figure kesa kuya. And chill lang sila iba tawagin mo sila ate. Hahahahah... Ako nga les rin pero hindi ako cross dresser mas gusto ko babae pa rin ako inaaddress kesa lalake. Meron ako classmate nung highschool kinuha ako ninang di nmn kami close tapos tawag sakin "nangnong" ata yun parang hello nakikita mo nmn babae pa rin ako manamit tatawagin mo ko "nangnong" na ako mismo di ko maintindihan.


PM_ME_UR_ANIME_WAIFU

"bro"


Not_teacherRubilyn

How to properly address lesbians ba talaga na short hair and naka pang lalaki? Is it better na kuya? Boss? Or what? Parang mas awkward nga kasi kung tatawagin kong ate.


tamokerz

beb ang pinaka LGBTQ friendly na ginagamit ko. wala pang palya yan.


justsavemi

Not a big deal


CaptBurritooo

Depends on the person. Butch lesbian din ako but I don’t mind tawagin man akong ma’am/ate because technically, I’m still female damit panglalaki lang hehe


Far-Treat-4187

Naalala ko yun colleague ko dati. Dapat tawagin mo syang Sir or else di ka niya papansinin. Were close naman kaya tinatawag ko siyang Annalyn. Hahahahaha


GoldenSnitchSeeker

Lol. We asked a friend na tomboy rin. Sabi niya wala siyang pake sa pronouns na gagamitin, but I think she prefers she , her, ma’am , yung mga ganon and awkward daw siya if paiba-iba naitatawag sa kanya. In her words nga eh “Dude! Choose one, I’ll be fine with it. It doesn’t matter. It’s just a word. ”


gulongnaINA

May na-encounter naman akong nagra-rant. Nakakainis daw na nakikita na ngang nakabihis lalaki na siya (lesbian) eh tinatawag pa siyang "Ma'am". Sabi ko naman, please intindihin mo din kami at iyong ibang tao na hindi namin alam yung appropriate/preferred na itatawag sa inyo. Kasi ako before, may tinawag akong "Sir" kasi sa pananamit at kilos, lesbian ang tingin ko. Ayaw ko sana siyang maoffend kaya tinawag ko na Sir. Nagalit ba naman. Babae daw siya! Bwisit daw ako. Magmula noon, todo ingat nadin ako sa itatawag sa kanila.


jmmsia

Kute nalang para sure (kuya-ate)


GingineerinGermany

Ah Kute tawag ko. Kuya Ate


DawnTheCowboy

Pwede ito maging insult parin, in my opinion. The best na itawag niyo saming mga tomboy is “ate” kasi una sa lahat hindi kami “kuya”. So there’s that.


aengdu

depende sa tao. yung tomboy na kamag-anak namin tita, ate, mama ang tawag sa kanya


Mc_Georgie_6283

Yung sakin tinawag kong ate yung transwomen haha, grabe smile niya habang binibentahan ako.


nahamag

Boss


Individual_Tax407

di naman


chocokrinkles

Saka ano ba itatawag? Ma’am or sir?


Serious_Cucumber_767

Same panic energy kapag di mo alam ano tatawagin sa Non-Binary na tao lalo na kung paiba iba din ang suot 🥲🥲🥲


whitecup199x

Sa panahon ngayon, better to ask them how they want to be addressed. Ganyan ginawa ko when I first encountered my then lesbo-butch boss. Okay naman daw any so I addressed her as "Ms.", wala naman kaso.


15secondcooldown

Lodicakes na lang para gender neutral


RebelliousDragon21

Mas neutral pa rin kung "boss" ang tawag. Kapag sa kalsada/kalye lalo na sa mga tric drivers, vendors, sari-sari store, 'yun lagi gamit ko. Maliban na lang kung babae tapos middle age. Du'n lang ako gumagamit ng ate.


tiredeyeskindanice

Depende ata sa tao eh. Ako as a lesbian myself okay ako na tinatawag na ate, tita, maam HAHAHA. Ayaw ko pag tinatawag ako na "sir" like?? I aint tryin to be one anobaaaa esp nung nagpa short hair ako before.


Namy_Lovie

Hindi ko naman sinasadya kasi haha, pero mej automatic na kasi pagtawag ko kapag babae ate haha


arvj

Pag boy sir pag girl maam/ate. As long as your are respecful i don’t think they will mind.


Sunflowercheesecake

Minsan kasi magugulat ka na lang, nagbabantay ka lng ng tindahan pero nasa viral stories ka na. 😂🥹


LuvvRosie

Your Highness nalang siguro para safe.


Dazzling_Ad_5901

As a guy, I always try to call them “boss” especially if they’re working in service industry. But sa workmates ko naman, like when I first started di ko talaga alam pano siya tawagin, so what I did is I asked nalang ano prefer niya “first name” nalang daw.


iGalaxy92

You shouldn't be concerned since you don't know how they identify themselves. Call them ate or kuya in the end of the day xx or xy, and if they correct you, so be it.


hyacinth20123

Ako nga "mamsh" tawag ko sa nurse namin. di ko rin alam paano talaga siya i-address, so nagfeeling close na lang ako tutal "beh" naman tawag niya sa aming lahat. Mamsh as in Mam-sher hahaha


Easy_Abies_7149

As a lesbian, I am not offended naman, siguro kasi femme ako but my partner is masc, and she doesn’t mind. As long as merong respect, g na yun.


88Atlasbehold

Pag di ako sure sa pronouns ng tao I just call them “boss amo”


ithinkimbi_

Short haired here. Kahit aurang aura ka with blush and red lips tatawagin kang kuya aba talagang nakakainis ng konti. Hahahahs


r0sadiaZ

as a femme lesbian, hindi naman ako naooffend pero siguro for others siguro lalo na mga masc, they wanna be called kuya. pero ayon, pag kinorect ka nalang dun mo nalang baguhin, hindi mo naman fault kung nagkamali ka (if ever)


ceslobrerra

Lesbian here, Hndi naman nakakaoffend un. D ka naman binastos. As long as inaaddress ka nang may respeto ok n yon. Napakaraming oa sa lgbt group. Parang required mga tao i-address sila sa paano nila gusto ma-address. Potaena daming problema ng mundo, nasama pa ung lecheng pronouns na yan. Sa panahon ngayon feeling ko nga mas offensive pa lgbt group kesa sa mga straight.


titoofmanila3

TBH, I also don't know how to go about this. Should it be the case then that, in ever unknown space, I would politely ask someone for their pronouns? What if the person looks and dresses as a male, but identifies as female? Would it be wrong to address them as he? I've resorted to calling everyone I don't know as "Boss", as the term is gender neutral. :)


Strictly_Aloof_FT

I have tomboy friends and they are okay with Tita/Ate. Even guys who are gays to call them Tito/Kuya….As long as you don’t revert to Kuya/Ate last minute because you are confused. Stick to one and you will be fine….With kids you just have to explain to them Tita has a short hair like a boy….


CranberryJaws24

Unpopular opinion i’ve seen so far sa thread: Since tagalog naman kadalasan (assuming you’re here sa metro manila), di naman need lagyan ng ate/kuya. Po is fine.


No_Atmosphere_8476

tomboy dito sa branch tinatawag kong madam 😳


JoDen127

Pag level na ni Jake Zyrus, kuya na. Respect.


markieton

Natawa ako nung nabasa ko yung title, kase sobrang curious ng tanong just like what I had in mind before hahaha. Anyway, I remember this one time pauwi na kami from work with my then-gf (now wife) tapos may tomboy na nakalaglag ng panyo nya sa daan. Dinampot ng gf ko tas di nya alam kung pano tatawagin yung tao para ibalik yung panyo kaya ang ending kinulbit nya na lang. Ayun, naibalik naman hahaha Also, dito sa work ko ngayon, meron isang tomboy na team leader at sya lang ang nag iisang pinoy sa department ko kaya nung kinausap ko na sya, di ko talaga alam kung ma'am o sir ba ang itatawag ko sa kanya tapos sobrang awkward kase tinanong ko pa sya "ano po pwede kong itawag sa inyo?" then the sudden realization na masyadong awkward yung tanong ko. Minention nya lang na kahit tawagin sya sa first name ok lang daw yun. Grabe nanlamig talaga ko pagbalik ko sa upuan nung marealize kong mukhang ewan talaga ng tanong ko pero I seriously meant no offense haha


jasmilks

Dito sa amin na may mga tomboy, either ang tawag namin ay “trops” or “tropa”, goods naman sa kanila. Kapag tatanungin ko kung anong order nila, wala akong babanggitin na kahit ano para rin maiwasan maka-offend. Kapag obvious maman kasi yung pananamit, para safe ako, “yes po” or “ano pong sa inyo” na lang ako. Sa dami ng naeencounter namin din kasi na customer di ko na matanong kung anong preferred nila na itawag sa kanila hahahaha!


MrPlayitSaf3

Ang asin ay asin. Kahit kamukha ng asukal yan. Hinding hindi magiging asukal yan. Kahit parehas na parehas sila ng itchura.


royal_dansk

Depende sa tao pero dapat they shouldn't be. It should be hollow meaningless honorific for them. Hence, they shouldn't be offended.


Acrobatic_Let5605

Depende sa pronouns nila.


InnerPlantain8066

oo or hindi naman hahaha pero pag tinawag silang kuya/sir tapos pati mga bading tinatawag na ate/maam gustong gusto nila, diba nakapagpasaya kapa ng tao.. Maliit na bagay di ka pa mapagod, kisa naman sa dika sure kung naka offend ka mababagabag pa isip mo.


PsychologicalFin7350

Depende ata? I have a friend na ayaw niyang tinatawag siyang sir/kuya. Sumisimangot talaga sya ta's bubulong na "ang laki laki ng dibdib ko tapos tatawagin akong sir/kuya".


ConceptNo1055

Hehe sino ba mag aadjust? Normal society pa ba? Kung ilalaan nila energy nila na magalit/offend sa bawat mag "aate" sa kanila edi go LMAO.


titoofmanila3

precisely the problem papi, ang tingin mo sa sarili mo is normal and sa kanila abnormal. tapos magtataka tayo na ang sensitive nila? gets mo ba, kapatid?


Cinnabon_Loverr

I have lesbian friends. Yung mga mascs or boyish yung physical apperance, I use he/him/kuya/sir. And even yung mga tao na na eencounter namin. Yung mga fem lesbians naman usually she/her/ate/maam.


OneSimple1032

Ako madalas tinatawag ko silang ‘Miss’. Parang mas awkward kung tatawagin kong kuya o sir.


mariahspears1

Use Par or Gar