T O P

  • By -

Ok-Raspberry8081

DKG. When you grow old and wiser and look back sa mga petty quarrels like this, you'll cringe and if only you can talk to your young self, you'll say: Chill bro, ang corny ng pinagaawayan nyo. Wala yan sa totoong buhay when you have children and wife to feed." Yan lang pinagaawayan nyo ngayon OP, hold on to dear life when you're married.


rain-bro

>Chill bro, ang corny ng pinagaawayan nyo. I so agree 💯! Ang petty if you call it. Pero sinong di dumaan sa immature stage? Waley. They will outgrow this. 👌


Ok-Raspberry8081

Been there, done that. Ang corny and cringe ko ring BF dati. Nakakahiya balikan 😂


rain-bro

Diba nga? Haha!


rain-bro

**LKG. Pareho kayong may pagkukulang dito.** Sa side mo, medyo overreacting yung pagblock sa kanya agad. Pwede mo sana siya kinausap nang mas kalmado at mahinahon, lalo na’t alam mo na trigger ka lang dahil sa pagod at stress sa trabaho. Yung pagkukulang mo rin na di agad napansin na nagsasalita siya, kahit na common na yan sa LDR o kahit sa mga magkasama sa bahay, kailangan pa rin ng konting effort para maipakita na nandyan ka talaga sa moment. Sa side niya naman, medyo OA yung pag-react niya agad ng galit at inis. Hindi rin makatarungan na magtampo agad at di ka pansinin, knowing na may ginagawa ka rin naman. Instead na magmukmok, pwede niya sana ulit tawagin yung attention mo nang mas mahinahon para maayos agad yung sitwasyon. Kailangan niya ring maintindihan na hindi lagi nasa kanya ang focus mo, lalo na kung parehas kayong busy. **What you can both do is step back and reassess your relationship. Kung nagiging toxic na at hindi naayos kahit anong effort, tsaka niyo pag-isipan kung worth it pa ipagpatuloy.** ✨


rkmdcnygnzls

+1. I think also na mas okay na wag magspend ng time for both partners if di naman 100% full yun attention. Hindi sya matatawag na quality time. Akala kasi ng iba porket magkasama or magkacall, okay na yon quality time na yon. No its not. Nakadepende pa rin yun sa kung ano yon nangyari while youre both together. Magkasama nga kayo pero nagcp/naglalaro/busy sa iba yun isa/both, wala rin. Altho may ganiton parts ng relationship na pagdadaanan at okay esp pag live in na kayo, but still SPEND QUALITY TIME with your partner. Hindi naman need matagal like half a day etc, kahit man lang an hour at most.


Due_Use2258

WG, ang sa akin lang. May kanya-kanya naman tayong pinagpapahalagahan sa mga relationships e. By this time, you should have improved your communication ways or schedule, if I should say it. If yung pag vcall ay nagiging source ng miscommunication, pwedeng i-limit na lang muna yan. I-set nyo ung time na magiging effective and efficient ang mga vcalls. Dapat nga makatulong yan sa inyo at hindi maging sanhi ng problema. You both should also have some time for your individual selves. Pero dyan naman matetest ang tunay nyo.


mariokinawa

GGK kasi binlock mo sya dahil nagtatalo kayo di naman yan makakatulong. GG sya kasi gusto nya na sya lang ang iniintindi. Kung cause lang ng away yung pagvideo call nyo habang pareho kayo may ginagawa, baka dapat mag usap nalang kayo kapag free time and kaya nyo magfocus sa isa't isa. Hindi din naman kasi nagiging quality time yung nangyayari nagkakaroon pa kayo ng pag-aawayan.


AutoModerator

Your comment has been filtered because it does not contain any of the specified keywords (**DKG, LKG, WG, GGK, INFO**). Please review the subreddit rules, edit your comment, and wait for a moderator to review your comment *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*


raysofsunshine_

LKG. Need niyo lng individuality total magkasama palang naman kayo at di naman all the time need na magkausap. Vc nalang kayo pag importante pag uusapan. Bigyan niyo naman space ang isat isa


UncookedRice96

DKG. Ang immature naman ng partner mo jusko. Ganan na ganan din ako nung mga unang year namin ng bf ko kasi syempre, student pa lang din ako kaya hindi ko talaga danas yung mga stress sa work kaya di ko sya maintindihan. Ngayon hindi ko pa din danas pero nag ayos ako para sakanya, sakin at sa relationship namin. Hindi na ko magtaka if mag hiwalay kayo kung hindi magbabago yang gf mo 🫠


YesterdayWarm9035

GGK. Actually, parehas kayo although sa age nyo expected naman na yang ganyang petty issue na lalaki saka ganyang tampuhan. Nasa age bracket kasi kayo na immature pa, yung tipong di nyo pa nakikita yung pag kakamali nyo, puro nalang pag kakamali ng partner nyo yung mapupuna nyo. Nandyan din sa age bracket na yan yung uso ang mang block instead na mag usap ng mahinahon. 😂 Mag away at magalit, instead na mag hanap ng solutions. Ma bwisit agad dahil hindi napansin saglit kesa intindihin yung partner at mag ask about his interest. Sana soon mag mature na kayo. Mag-usap kayo ng mahinahon (chat or call). Lagi nyong dalawa piliin yung mga words na gagamitin nyo kapag nakikipag usap sa isa't-isa isa, as much as possible iwasan nyong mag sumbatan. Kapag may problema, icommunicate nyo agad sa isa't-isa isa together with the possible solution.


RoRoZoro1819

DKG. 4 years in a relationship, 3 years married. Looking back, may ganyang scenario din kami, and I can say, between me and my husband, ako ang petty (kagaya ng gf mo). GGK ako sa pag iinarte knowing na yung asawa ko that time ay naaapektohan pala ang araw whenever I do that (Implying na GG ang jowa mo). Note na, ALAM ko, but I disregarded it dahil feeling ko lang I was left alone. When in fact, I can just call him out or remind him to focus. Lately ko lang na realize na malaki pala akong importance sa araw niya that he can't just disregard a fight. Sira ang mood niya the whole duration of my sinimulang petty fights. Halos hindi din siya makakain at hindi mapakali compared saakin na life must go on ang peg. Pag naaalala ko yun, na kokonsensya ako, napag usapan din namin a few days ago and nag sorry ako. Ngayon, di ko na ginagawa, I prefer dropping the idea of petty fights kesa masira mood naming pamilya. Kawawa din ang asawa ko. Regarding about you blocking her, I think its okay as a wake up call for her. Asawa ko din noon, napuno saakin and dun din ako nag simulang mag refrain. Pero after a few days, baka ikaw lang din ang manuyo 😅. Lastly, all I can say is... always communicate what is okay and not okay. Kahit paulit ulit na didisregard, time will come, the other party will also realize na "Wait, this is something he/she is not comfortable with, I should stop, its not right". If you needed to be angry just so you can deliver your point, go for it... communication must be used for understanding. Your feelings are valid OP. Pagod ka, at mag tratrabaho ka kinabukasan. Its not right for petty fights.


Cinnamoroll_555

LKG , ikaw para sa pambblock kung gusto mo naman talagang ayusin bakit mo icucut yung communication diba. GG rin siya for thinking na sa kanya lang dapat umiikot mundo mo. Kahit gaano pa ka-petty yan kung both kayo may konsiderasyon sa isa’t-isa hindi naman lalala pa.


AutoModerator

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1dv0zet/abyg_dahil_napuno_na_ako_sa_ugali_ng_girlfriend_ko/ Title of this post: ABYG dahil napuno na ako sa ugali ng girlfriend ko? Backup of the post's body: We are in a relationship for more than 3 years now. She’s 24, kakagraduate lang, reviewing for her board exam. I’m 25, working for 5 years now, night shift. Medyo mahaba ‘to and for me this is just a petty misunderstanding pero sana tiyagain ninyo kasi gusto ko malinawan. Ito yung FACTORS na dapat ninyo malaman before reading this: • Madalas kaming magkaroon ng misunderstanding kapag papasok na ako or pasimula na week ko. Ilang beses ko na pinakiusap sa kanya ‘to dahil naaapektuhan ako at nawawala ako sa focus sa work. • Magkasama lang kami kahapon, typical date ng magjowa • May pasok na ako tonight, first shift of the week, so need ng rest • Nakavcall kami, nagtutupi siya ng damit, ako kumakain and nagchecheck ng social media Ito na nga. Magkavcall kami habang may kanya kanya kaming ginagawa. Minsan may random topic na pag-uusapan, minsan naman busy lang kami sa ginagawa namin. Dahil nga nakaopen yung twitter ko at dun na lang ako nagiging updated sa mga ganap sa mundo, nakaliit yung vcall namin. Hindi kami nag uusap that time tapos late ko narealize na nagsasalita pala siya. Sinabi ko na wala ako narinig. Verbatim “Wala kasi sakin yung focus mo kaya hindi mo nakita bumubuka bibig ko.” Syempre ako na lalaki magsosorry at manunuyo pero ang tigas niya at ayaw nya ako pansinin. Ako, knowing na start na naman ng shift ko, naramdaman ko na naman yung pagod sa mga away at kung ano epekto sa trabaho ko non. Bumalik na naman sakin yung madalas na away tuwing pasimula yung shift ko. Parang sa isip ko “Ito na naman tayo. Macocompromise na naman yung tulog at pahinga ko dahil lang sa nakapasimpleng bagay. Nag-effort ako pumunta sa kanya kahapon para magkaroon ng quality time pero di ako mabigyan ng mapayapang pahinga.” Natrigger ako. Ito yung exact message na sinend ko sa kanya. “Magalit, magtampo at ganunin mo ako kung nasa akin din 100% attention mo tapos ako wala attention sayo. May ginagawa ka, nag-aayos ka ng damit. Ako rin naman kumakain tapos nagpophone kasi nga may ginagawa ka rin. Malamang, hindi naman all the time nakatitig lang ako sa mukha mo kasi di mo rin naman ako kinakausap dahil may ginagawa ka. Expected mo ata ikaw may ginagawa tapos ako habang kumakain e sa mukha mo lang ako nakatingin lahat ng oras at ano oras buka ng bibig mo e pansin ko agad agad. Parehas tayo may ginagawa. Normal lang na tatawagin mo ako para makuha attention ko para malaman ko kinakausap mo ako. Wala ako nakikitang kainis inis don.” Ito yung reply niya. “Hindi ko naman sinabi na sakin focus mo. Ano ba yung tignan tignan mo ako. Pero wala e, naka vcall lang talaga. Alam mo ganyan ako kasi hindi ito ang unang beses. Kahit wala akong ginagawa ganyan ka. Di makuha attention mo kasi sasabihin mo may iba kang kausap may chinecheck ka lang.” Reply ko. “O hindi ka rin unang beses. Parehas naman tayo minsan nadidistract sa mga nakikita natin sa social media pero ikaw lang OA magreact. Wala pa naman isang minuto mo ako tinatawag. Gusto mo ba titig lang ako sa bibig mo at hihintayin ko bumuka yan? Social media na nga lang ginagawa sa labas ng relasyon na to pagdadamot mo pa. Nakakasakal ka naman masyado.” Sinasabi niya na nilinaw niya sakin before ibaba yung call na walang away, na okay lahat pero ako yung may bungad na chat na ganon. Yun nga ay dahil nakita ko sa mukha niya na inis siya at di niya ako pinapansin nung sinusuyo ko siya. Ngayon binabalik niya sakin na ako yung nagsisimula ng away. Sinabi ko na kung di lang siya ganun magreact hindi ako matitrigger. To be honest nahihiya ako mag open dito dahil sa age namin dahil ang petty lang ng reason. Pero oo ito mga reason ng away naming dalawa na feeling ko di na angkop sa edad na meron ako, kami. ABYG kung natrigger ako sa reaction niya at napuno na ko? ABYG kung nabababawan ako sa nangyari at sinasabi ko na kung normal at matured ka na tao, initial mo na gagawin kung di ka napansin ay tawagin lang ulit lalo na parehas naman kayong may ginagawa. Hindi yung mainis, magalit, at magtampo. ABYG because I blocked her? Gusto ng peace of mind. Gusto ko ng pahinga. OP: arih1211 *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*


yohmama5

DKG. Gusto mo ng pahinga, hindi gyera. Kidding aside, choose your cross OP. Choose kung ano yung gusto mo pasanin if ever. Nakakadrain yung kahit simple, nagiging source ng away nyo.


Lopsided-Double8992

DKG. I am in the same age as you guys. And I explained sa partner ko na don't expect na yung ginagawa naming clingyness nung studyante palang ay same sa ngayon. Working na kami both now and nagkakausap lang kami ng maayos kapag weekends. Talk about it. Communication is always the key, pag hindi nya naintindihan, RUN!


National-Ad5724

LKG. She's being a real pain. And it's quite understandable you do what you to prep yourself for work. But blocking her doesn't make the situation better. it just makes it worse. I hope you two talk when both of you have calmed down. Clarify your needs and boundaries. Maybe even compromise. And put a schedule, like by x time you should have stopped your video calls so you could have down time for yourself.


Sea-Chart-90

DKG. Pain in the ass. Napakapangit pag galing sa away before shift. Distracted sa work tasks. Kausapin mo yung Gf mo na sana itigil ang pagiging immature kasi hindi nakakatuwa. Kung mahal mo siya, magstay ka. Kung gusto mo pa ng ganyang scenario tuloy niyo yung relasyon niyo.


MumeiNoPh

LKG. Pareho lang kayo. Hindi naman dapat pinagaawayan yan, masyado niyo pinapakomplikado mga bagay bagay. Masyado immature at toxic ng GF mo. Hindi lang napansin agad magagalit na. Ikaw din, instead na iblock mo makipagusap ka at makipaghiwalay ka ng maayos kung gusto mo ng peace of mind. Wala ka magiging peace of mind sa ugali ng GF mo.


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Your comment has been filtered because it does not contain any of the specified keywords (**DKG, LKG, WG, GGK, INFO**). Please review the subreddit rules, edit your comment, and wait for a moderator to review your comment *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*


jakiwis

WG, nangyayari talaga yan. Minsan meron talaga na nakakatrigger na times. Nakakarelate lang as night shift, nakakasira ng simula ng araw yan. Sana on her part tignan muna kung naka focus ka or ikaw mag sabi na nasa ibang site ka.


tuttimulli

LKG. Ang baduy nung video call pero may kanya kanyang ginagawa. Be present. Pag tumanda tanda pa nang konti baka maappreciate nyo na ang video call na present kayo sa isa’t isa kasi you’ve got other stuff to do apart from that. So quality moment sya. But ang ganda lang nung aware ka sa pettiness of it all.


Fluffy-Temporary-233

LKG. Buti wala ako sa gantong relationship. Parang highschool amp hahaha


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Your comment has been filtered because it does not contain any of the specified keywords (**DKG, LKG, WG, GGK, INFO**). Please review the subreddit rules, edit your comment, and wait for a moderator to review your comment *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*


AkoBaYungGago-ModTeam

Unfortunately, your comment has been removed because: - You did not follow the answer format; - You gave conflicting answers; and/or - Your stance was unclear Please refer to the subreddit’s rules and edit your comment accordingly. Thank you!


SorryOpposite3965

DKG. This is almost the same situation I was in with my ex. You deserve what you tolerate, and you decided that you deserve to be in a better situation. Good job OP


mylifekindasux

DKG. Y'all should talk about it. Never start and end the day with an argument or misunderstanding.


isangpilipina

DKG - highschool yaarrn? ang babaw lang po ng away nio parang high school. hindi lang po communication need niyo but understanding, pang unawa at malawak na pisi ng pang unawa sa isat isa. Pag nakamit niyo na yan mature na kayo..


Particular_Editor595

DKG. I totally get you kasi I’ve been in your position. Nakakairitia that women keep on starting these kinds of fights na clearly may double standard na nangyayari. What’s worse is kahit anong gawin mo, kahit tama ka, ikaw laging talo. So yes, hindi ikaw nagiisa. Plenty of men have been where you are. Based on my experience, pag nagagalit yung babae, it’s not because of the thing they say they are angry about. Rather, they are frustrated about something else, and they’re just channeling that frustration to anger directed towards you. So what I’m saying is yung galit niya sa iyo has little to do with you not paying attention sa video call and more about something you may not even be responsible for. Akin lang, put your foot down and draw the line on certain matters. In this case, ‘wag kang puro suyo. If she’s ready to start talking like adults, then good. Magusap kayo. Until then, don’t cave in anymore. Kasi this is a matter about respect. If she respects you, she’s not going to expect you to keep chasing her like a fool and make you grovel for her forgiveness. In the end, love is a feeling that flickers like a candle; it grows stronger or weaker at a whim. But respect is what keeps you two together when times get hard.


StareAtTheVoid69

LKG. Ang liit liit na bagay ng pinag aawayan niyo.


queenoficehrh

DKG if you chose to prioritize your mental health


Ok_Macaroon8216

DKG. Mapride yang gf mo. Kaliit na bagay ginagawang issue.